You are on page 1of 6

Barangay Pilipog:

Mga Kasaysayan,kabuhayan at Pamana

ABSTRACT

Layunin natin na magkaroon ng kaalaman sa kasaysayan, kabuhayan at pamana sa


Barangay Pilipog. Sa pananaliksik na ito ay nag lalayon mailalahad ng tama at
nakaayon sa kasaysayan ang mga impormasyon. Malalaman natin ang kabuoang
impormasyon sa Barangay Pilipog.

I. Introduction

Saan at paano nga ba nagmula ang pangalang Pilipog? Ano-ano kaya


ang ibat-ibang kasaysayan sa barangay na ito? Ano-ano kaya at sino-sino ang nag
iwan nang mga pamana na itinatago at pinangangalagaan ng mga Pilipogians?

Sa pananaliksik na ito makikita at magkakaroon tayo ng mas malalim


na kaalaman tungkol sa barangay Pilipog. Ano nga ba ang kasaysayan, kabuhayan at
pamana ng mga sinaunang mamamayan ng Pilipog? Sa pananaliksik na ito ay mas
makikilala at malalaman natin ang nakaraan hanggang sa kasalukuyan ng mga
Pilipogians.
Ang pananaliksik na ito ay kinuha o nanggagaling sa, wikipedia.com.
Ang bayan ng Cordova ay binubuo ng tatlong lungsod sa probinsya ng Cebu. Ayon sa
census, ang Cordova ay may populasyong 59,712 ka tao. Ang Cordova ay binubuo ng
740,8565 ektarya ng lupain at humigit kumulang 48.78 ektarya ng maliliit na isla. Ito ay
mayroong isang isla, dalawang inland barangay at sampung barangay na mayroong
karagatan. Nabibilang sa barangay na ito ang Pilipog na kung saan matatagpuan ang
dagat na naging kabuhayan na ng mga mamamayan.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na mailahad ng naaayon sa


naging kasaysayan ng Pilipog, sa naging kabuhayan at Pamana mula sa nakaraang
mga taon mula ng ito'y madiskubre. Sa pag-aaral na ito malalaman natin ang ilan sa
kabuo-ang impormasyon sa Barangay ng Pilipog.

Ang pananaliksik na ito ay naglalaman ng ibat-ibang kasaysayan o


kaya hakahaka ng mga mamamayan tungkol sa pinagmulan ng Pilipog. Naglalaman rin
ito ng mga naging kabuhayan at Pamana na nagmula pa sa nakaraang mga
henerasyon.

Pilipogians- tawag sa mga mamamayan sa Pilipog

Ektarya- isang di-SI na yunit ng sistemang metriko na katumbas ng 10,000 m2, na


kalimitang ginagamit sa pagsúkat ng lupa.

Hakahaka- ay mga sabi sabi lamang o tsismis.

II. Methodology

Ano nga ba ang kabuhayan, kasaysayan at pamana ng mga ninuno


ng Pilipog? Upang masagot ang mga katanungan na ito naglakbay at naghanap kami
ng mga tao na mayroong kaalaman o kasagutan sa mga katanungan na ito. Napag
alaman namin na makakakuha kami ng karagdagan o mas maraming impormasyon sa
opisina sa barangay ng Pilipog. Nakita at nalaman namin na naroon pala tinatago at
pinangangalagaan ang mga pamana at may mga libro rin doon na kung saan ay
masasagot ang kasagutang nakatatak o umiikot sa utak ng mga mananaliksik.

III. Results and Discussions

Sa pananaliksik na ito ay napag alaman na ang pangalan na


pinagmulan ng Pilipog. Ayon kay Ginoong Jose Ramiro Ocaba, naging konsehal ng
Pilipog sa siyam na taon, ang Pilipog ay napakalawak, noong unang panahon naging
bahagi nito ang barangay Ibabao, barangay Dapitan at ang barangay ng San miguel na
ilan sa barangay, Cordova. Mayroon itong anim na purok, iilan sa nga sitio/purok nito ay
pinangalanan mula sa mga kataniman na makikita sa purok o lugar na iyon. Angvmga
purok na ito ay ang mga sumusunod; Purok Highway, Narra, Mahogany, Kandingan,
Sambagan at Tugbungan. Napapansin na ang apat sa mga purok na ito ay mula sa
pangalan ng mga tanim. Tinatayang mayroon itong 36.85 na kabuoang populasyon ng
42.74 at kabuoang 963 bilang ng sambayanan. Ayon kay Ginang Sofia Sumalinog
naging sekratarya ng Pilipog sa taong 2012. Ang Pilipog noong unang panahon ay
napakalawak. Wala pa itong pangalan ng ito ay madikubre ng mga katutubo. Isang
araw ang mga katutubo ay nagsamasama sa isang lugar malapit sa kung saan
mayaman sa tanim ng Polipog. Sa araw na iyon ay mayroong dumating na dayuhan at
nagtanung kung anong lugar iyong kanilang kinalalagyan. Dahil hindi ito naiintindihan
ng mga katutubo ay isinagot nila ang Polipog. Dahil sa pabalang ang pagbigkas bg mga
dayuhan ay mula sa Polipog ay naging Pilipog. Ang naging kabuhayan ng Pilipog ay
ang pangingisda mula pa noong unang panahon, subalit ito ay humina dahil sa naging
polusyon sa dagat maging ang paghuhuli ng mga mangingisda nahuhulihan ng maliit na
mata ng net. Napag alaman din na sa barangay hall ng Pilipog upang mabigyan
kaalaman ang naging pamana ng mga sinaunang mamamayan ng Pilipog. Doon namin
nakita ang ibat-ibang mga bagay gaya ng mga sinaunang mamamayan ng ng Pilipog
gaya na lamang banga, bugsay, orna at marami pang iba na makikita sa susunod na
pahina

IV. Presentation of Findings

Ang mga sumusunod na mga pamana ay sabay na


naidokumentaryo noong Agosto 19, 2014 at natanggap ng Barangay Pilipog noong
Pebruaryo ng 2012.

KARAANG BANGA

Ito ay gawa sa semento na higit na pinagtibay ng may-ari.


Ito ay natagpuan sa Purok Mahogany na pag-aari ni
Veneroso Canete.

KARAANG BANGA
Ang banga na ito ay gawa sa mineral at iba’t-ibang uri ng kahoy.
Ito ay natagpuan sa Purok Tugbungan na pag-aari ni Eufrancia
Dico.
BUGSAY

Ang sagwan na ito ay kakaiba kaysa mga ginagamit na


sagwan ngayon. Ito ay maliit. Natagpuan ito sa Purok
Mahogany na pag-aari ni Noy Ityok.

KARAANG ORNA

Kakaiba ito kaysa mga orna ngayon na gumagamit ng malalaking


imahe ng mga santo. Hindi pa naidodokumentaryo kung sino ang
tunay na may ari nito at kung saan ito natagpuan.

KARAANG LUBUKANAN UG KARAANG GARAPON

Ito ay natagpuan sa Purok Kandingan na pag-aari ni Tiya


Marsing.

KARAANG LAMPSHADE
Ang Isinulat ni Ginang Sofia Sumalinog na kasaysayan ng Pilipog mula sa Office of the
Mayor

You might also like