You are on page 1of 30

KABANATA I

ANG SULIRANIN

Panimula
Ang tula ay isang malayang pagpapahayag ng damdamin at kaisipan na
ginagawang masining at marikit sa pamamagitan ng mga salitang ginagamit
dito. Ibat iba ang nilalaman ng tula ayon sa kung paano ito kinatha ng isang
may akda. Ibat ibang uri ng damdamin na kinapapalooban ng kanilang sariling
karanasan. Malalalim na salita na sa unay hindi madaling maunawaan ngunit
nag-iiwan at kumikintal sa ating isipan ang mga aral na maaaring nakapaloob
sa bawat tula. Ang tula ay buhay, Nasusulat dito ang ibat ibang pangyayari sa
buhay ng isang tao, maaaring ng may katha o ng mga taong nasa paligid niya.

Ang tula ay naglalaman ng ibat- ibang diwa na kung ating mauunawaan ay


lubos nating papahalagahan. Pumapaksa ito ng anumang maaring \makita natin
sa ating paligid o di kayay mga karanasan at mga pangyayaring nasasaksihan
ng ating paningin. Kahit pa noong bago pa man dumating ang ibat- ibang
mananakop, mayroon ng panitikan tayong mga Pilipino. Sa mga pang araw
araw na pakikipagtalastasan ng ating mga ninuno ay ginagamit na ang tula. Sa
tuwing may pagkakatipon, nagiging paligsahan ng ating mga ninuno ang
pagbigkas ng tula. Subalit wala pang kalinawan sa istraktura sa pagbuo nito sa
panahon na iyon. At sa paglipas ng panahon ay nagkaroon na ito ng

pagkakakilanlan bilang isang tula. Ibat ibang anyo na nga ng mga tula ang
lumalabas na napapanahon.ngayon. Na sa una ay hindi natin lubos na
maunawaan sapagkat ang mga tula ay ginagamitan ng mga matatalinhagang
salita o mga salitang malalalim na mas lubos na mauunawaan kung ating pagaaralan. Sa kasalukuyan nga ay mapapansin natin na maging ang ibang
propesyonal ay kulang din sa kaalaman kung ano nga ba ang ipinapahiwatig o
nilalaman ng isang tula. Maging ang mga kabataan ngayon ay wala ng interes
na pag-aralan ang mga akdang pampanitikan katulad ng tula.
Nakikita din natin ang kakulangan ng mga sanggunian ng mga tula.
Marahil dulot ng umuunlad na teknolohiya, hindi na nabibigyang pansin ang
pagpapaunlad ng mga akdang pampanitikan.
.
Layunin ng Pag-aaral
Sa pananaliksik na ito, susuriin ang sampung tula ni Dr. Jose Rizal.
Layunin ng pag-aaral na ito matugunan ang mga sumusunod na suliranin:
1. Ano-ano ang mga pagbabagong naganap sa panitikan at tula sa ibat
ibang panahon?
2. Paano susuriin ang tula batay sa element at istruktura?
3. Ano-ano ang mga pagpapahalagang mababakas natin sa sampung tula
na ating susuriin?
4. Paano mabibigyang solusyon ng pag-aaral na ito ang kakulangan ng
mga sanggunian at kalipunan ng mga tula ni Dr. Jose Rizal. Paano ito

makatutulong sa pagtuturo at pananaliksik bilang kaugnay na literatura.

Kahalagahan ng pag-aaral
Bunga ng umuunlad na teknolohiya sa kasulukayan, nawawalan na
ng interes ang mga kabataang Pilipino sa pagbabasa ng mga akdang
pampanitikan tulad ng tula. Sa pag-aaral na ito ay kinakailangang maakit
muli ang mga kabataang Pilipino sa muling pagtangkilik ng mga akdang
pampanitikan.
Sa mga mag-aaral
Mas madali nilang mauunawaan ang mga damdamin at temang
nakapaloob sa bawat tula. Mapapahalagahan ng lubos ang mga akdang
pampanitikan na sa simula palang ay siya ng pinakukunan ng kaalaman
ng iba ring may akda.
Sa mga guro
Higit nilang mauunawaan ang mga akdang pampanitikan katulad
ng tula. Magkakaroon sila ng sapat na kaalaman tungo sa malalim na
pagpapakahulugan sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula.
Matugunan ang kakulangan sa kaalaman ng mga tula na kinapapalooban
ng istraktura at elemento.

Sa mga mananaliksik at iba pang nagpapakadalubhasa sa asignaturang


Filipino.

Sa mga mananaliksik tulad ng iba pang mga naunang pag-aaaral


malaki ang magiging kontribusyon ng pag-aaral sa susunod pang mga
pag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay naglalaman ng mga impormasyong
tunay na mahalaga kung kayat malaki ang magiging ambag nito sa iba
pang mga pag-aaral. Sa panitikan, inaasahang mapauunlad pa ng pagaaral na ito ang pagkilala ng mga mambabasa sa mga tulang katha pa ng
mga kinikilalang tao sa larangan ng Panitikan tulad ni Dr. Jose Rizal.
Inaasahang ang pagpapahalaga ng mga mambabasa sa mga akdang may
pagpapahalagang moral at diwang makabayan ay mas mapapaunlad ng
pag-aaral na ito.

KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA

Ang mga kaugnay na literatura at pag- aaral sa pagsusuri ng elemento


at istruktura ng tula ay matatagpuan sa kabanatang ito. Malaki ang magiging
gampanin ng mga literaturang ilalahad sa kabanatang ito upang maisagawa at
mabuo ang pag- aaral.

LITERATURANG KONSEPTWAL

Kasaysayan ng Panitikan

Ang panitikan ay may malaking ambag sa kabihasnan at kultura ng


iba't- ibang bansa lalo na't higit sa ating bansang kinagisnan, ang Pilipinas. Ito
ay mananatiling buhay sa habang panahon sa anyong pasulat at maging sa
anyong pabigkas o pasalita. Ito rin ay isang walang kamatayang ilaw na
tumatanglaw sa kabihasnan ng tao. Sinasariwa ng panitikan ang anumang
pangyayari sa kasaysayan, nag- iingat ng mga tradisyon, karanasan at mga
pangyayari at malayang bumubuo ng mga mithiin ng sinuman ukol sa
hinaharap, mga pangarap o ambisyon na nais bigyang katuparan. Ito,
samakatuwid, ay isang salamin na nagbibigay ng repleksyon ng buhay ng
ninuman, mga karanasan, saloobin at mga pangarap.

Ang Pilipinas o ang mga Pilipino, bago pa man dumating ang mga
kastila, sa paggamit ng Alibata, ay mayamang mayaman na sa Panitikan. Ito
ang uri ng panitikang tinatawag na Pasalindilang Panitikan. Ang katawagang
pasalindila ay mula sa dalawang salitang pinag- isa o pinagsama na lamang:
pasalin: naglalarawan ng paraan ng pagbabahagi, pagtuturo, paglalahad o
pagpapalaganap, dili kaya'y paglilipat ng karunungan ng naunang henerasyon
sa sumusunod at dila: isang pinakamagandang bahagi ng katawan, ispisipiko ng
bibig na isa sa pinakakasangkapan sa pagbuo ng salita o pagsasalita. Ang
dalawang salitang ito ay bumubuo ng isang kahulugang batay rin sa kanyakanyang tanging kahulugan, isang paraan ng pagbabahagi o paglilipat sa
karunungan sa pamamagitan ng dila.

At dahil na rin sa kagandahan ng kalikasan na kusang nagpapamangha


sa guniguni ng mga ninuno, natuto silang lumikha ng pansarili o
pangkalahatang interpretasyon hinggil dito upang pakinabangan ng lahat.

Ang mga pasalindilang panitikan ay napapangkat sa mga sumusunod


na uri ayon sa anyo ng pagkakalahad ng mgab ito: kantahing bayan,
kasabihan, bugtong, salawikain, sawikain, sabi- sabi, palaisipan at mga
kwentong bayan, na naglalarawan ng kanilang katutubong katalinuhan,
kaalaman at karanasan, at nagsasalaysay ng kanilang mga pinagmulan, buhay

ng mga katutubong bayani, pananampalataya, pag- ibig, mga karanasan,


pananaw at iba pa.

Sa kasalukuyan, bagamat ang mga ito ay nanatili pa rin, unti- unti na rin
itong nawawala at nakakalimutan at nagkakaroon ng mga pagbabago at
nasusulat na ang ilan, hindi natin kailan man maitatatwa na sa mga ito
nasasalamin ang tunay na pagkatao at pagkalahi ng mga Pilipino at makabansa
ng bayang Pilipinas. Ang pasalindilang panitikan ay tunay na pamana sa atin ng
lahi at dapat ariing kayamanan ng kulturang Pilipino. (Panitikang Pilipino:
ANTOLOHIYA, Binagong Edisyon nina Arogante et al.,)

Kasaysayan ng Tula
Ang tulang Pilipino, sariling atin o hiram na panitikan. Ang kasaysayan ng
tulang Pilipino ay nababahagi sa limang importanteng mga panahon. Una, ang
Matandang Panahon. Ang panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating
ng mga Negrito o Aeta hanggang sa taong 1521. Pangalawa, ang Panahon ng
mga Kastila na nagmula noong taong 1521 hanggang sa taong 1876. Pangatlo,
ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat. Ito ay panahon ng himagsikan.
Pang-apat, ang Panahon ng mga Amerikano na nag-umpisa noong taong 1898
hanggang sa pagkatapos ng panahon ng digmaan. At ang huli'y ang Panahong
Patungo sa Pambansang Krisis.

Ang Matandang Panahon


Tulad ng maraming dayuhang kabihasnan ang panitikan ng Pilipinas ay
nagmula sa mga magkakaibang lipon ng tao na may panahong pagkakaagwat.na dumating. Ang unang ebidensiya na mayroon nang sariling panitikang
pagsulat ang mga pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang taga-kanluran
ay ang Baybayin na binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig.

Panahon ng Kastila
Ang Pilipino ay may sarili nang tula na mayaman sa uri, paksa, at
estraktura bago pa dumating ang mga dayuhang Espanyol. Subalit nang
dumating ang mga Espanyol ang tulang Pilipino ay nagkaroon ng maraming
pagbabago at karagdagan lalo na sa uri at paksa. Noong nanatili ang mga
dayuhan sa ating bansa karamihan nila'y mga maimpluensiyang prayle. Ito ay
posible dahil ang mga dayuhan ay nagpakitang tao sa pamamagitan ng pag
sang ayon sa pagkatuto at pag-unawa sa ating mga katutubong kultura,
baybayin, sining, pulitika,at panitikan. Nang mapailalim tayo sa kanilang mga
kamay ang ating mga puso't isipan ay sumunod din. Dahil dito ang mga
katutubong Pilipino o ang mga Indio na madaling silang tawagin ay madali na
nilang nabago ang anyo ng mga katutubong tula.

Ang mga pagbabago ay pagdaragdag sa mga paksang panrelihiyon,


pangmoralidad,

etika,

panlibangan,

pangwika,

at

pangromansa.

Mga

katangiang marami na sa Europa. Ang mga uri namang dinagdag sa katutubong


panulaan ay ang mgaTugma, Pasyon, Dalit, at ang Awit at Korido.

Sa kapanahunang ito marahil ay wala ng hihigit pa sa gawain ni Francisco


"Balagtas" Baltazar. Siya marahil ang mga unang makata na naglantad laban sa
mga koloniyalistang kultura. Ang kaniyang subversive work ay sa anyong
Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula
na naglalaman ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mga
censura dahil nagbalat-kayo na ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila.
Ngunit sa mga totoong mambabasa ito'y may maraming tema una laban sa
Kristiyanismo at pangalawa ang laban sa imperiyalismong espanya.

Sa pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas, matagal na nabalam ang


panulaang Pilipino hanggang sa pagdating ng taong 1610 (Salazar, et.al.1995).
Bagamat nabago ang istilo ng paglikha ng tula sa panahong ito nang dahil sa
rehiyon at pagsasama ng dalawang wika- tagalog at kastila, mananatili pa ring
buhay sa mga labi ng mga Pilipino ang likas na uri nito. Sinikap ng mga Kastila
na pag- aralan ang mga tulang Pilipino. Isang pag- aaral at pagsusuri sa mga
tulang tagalog ang isinagawa ni Padre Francisco Buencuchillo sa kanyang aklat
na "Ante Poetico Tagalo" noong 1895 (Sauco, et. al. 1997) Sa mga aklat na ito,
unang nabasa ng mga Pilipino ang tulang may tugon at sukat. Higit na naibigan
ang mga ito ng mga mambabasa dahilan sa magandang bigkasin at pakinggan.

Ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat


Maiksi man ang panahong ito ang mga tulang nasasailalim ay marahil
pinaka- importanteng mga akdang pamng panitikan. Dahil ang mga paksang
ipinapahayag sa mga mambabasa ay mapalaya mula sa koloniyalismong
mentalidad at ilantad ang mga problema buhat ng pagkasakop ng mga Indio sa
mga Espanyol. Ang mg katangian ng mga paksa sa panahong ito ay naglalaman
ng paksang makabayan, paglalarawan sa mga kapaligiran gawa ng mga
dayuhang sumakop.

Panahon ng Amerikano
Ang panulaang Pilipino noong panahon ng mga amerikano ay ang
makikitang paggamit ng tatlong wika. Ang wikang kastila, tagalog, at ingles.
Ang mga Amerikano ay lumayon na bigyan ng kalayaan ang mga makata at
manunulat tungkol sa mga paksang makabansa, demokrasya, relihiyon,
sosyalidad, at pampulitika. Ang kinikilalang makata sa panahong ito ay si Jose
Corazon de Jesus. Siya ay kilala rin sa pangalang Batute. Si Batute ay isa sa
mga unang makata na gumamit at lumayo sa mga tradisyong anyo ng
pagsusulat. Ang kaniyang mga ginagawa ay makabayan matimbang sa
kaniyang isip ang kapakanakan ng mga maliliit at ang kalayaan sa kamay ng
mga dayuhan (Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino, p. 36).

Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdulot ng panibagong kabiguan sa


mga Pilipino sa pagkakamit ng kalayaan kung kaya't nanatiling binabalot ng
pag- ibig sa bayan at paghahangad ng kalayaan ang paksa ng mga makata sa
panahong ito. Kahit na mabilis na lumaganap sa panahong ito ang tradisyong
Amerikano ay iginiit pa rin ng mga manunulat na Pilipino ang sistema ng
panulaang Pilipino at ang tradisyong Pilipino. Pinanatili pa rin ang sukat at
tugma sa mga tula. Bagamat higit na umunlad ang sarswela kaysa sa tula sa
panahong ito, dito sumibol ang mga bkinikilalang makata ng panahon.
Nababahagi sa tatlo ang makata ng panahong ito (Sauco, et. al. 1997). Sa
pahayag ni Balmaceda, ito ay nahahati sa makata ng puso, makata ng buhay at
makata ng dulaan. Sa panahon ding ito, ayon pa rin kay Sauco, umunlad ang
pagtatalong patula na tinatawag nating "Balagtasan". Dito sumikat at nakilala
ang mga batikan at pinakamahuhusay na makata. Dahil dito, nagkaroon ng
tinatawag na "Hari ng Balagtasan. Si Jose Corazon de Jesus ang unang
nakilala sa panahon na ito.

Ang mga makata sa panahon ng Amerikano ay sina Padre Francisco


Blancas de San Jose. Kinilalang Ama ng tipograpiya sa Pilipinas sapagkat aklat
niya ang unang nalimbag sa paraang tipograpiko (isang uri ng paglilimbag). Si
Alonzo de Santa Ana naman ang may-akda ng aklat ng Explicacion de la
Doctrina Cristiana en la Lengua Tagala na nagtataglay ng mga tugmang
nagpapaliwanag sa mga aral ng Diyos na nakapaloob sa aklat na Doctrina

Cristiana. Ang kanyang mga tula ay ganap na umiwas sa talinghaga upang


maihatid nang tiyak ang diwang nais iparating ng tula. Kinilala niya ang
pagiging maanyo at masining ng tula kaya siya ay kumilala sa sukat at tugma
ng panulaang Tagalog. Si Pedro de Herrrera ay isang makatang nakilala dahil
sa kanyang mga dalit. Samantala, ang mga tula naman naman ni Fernando
Bagongbanta ay napalimbag at natipon sa Memorial de la Vida Cristiana
kasama ng mga tula ni Blancas de San Jose. Isa si Bagongbanta sa mga tinawag
na ladino noong panahong iyon. Ama ng limbagan sa Pilipinas, si Tomas
Pinpin, ay binabanggit pa rin bilang isa sa mga ladinong kasama nina Blancas
de San Jose at Bagongbanta. Ang Como con Dios ay isa sa mga tulang nasulat
ni Pinpin.. Samantala, ipinalalagay naman na unang makatang Tagalog si Pedro
Suarez Osorio na napatala sa kasaysayan ng panitikang Tagalog noong mga
panahong ito. Nakilala rin siya sa pagsulat ng mga dalit. Si Felipe de Jesus
naman, isang makatang Tagalog mula sa San Miguel, Bulacan. May makikitaan
ng pagpapahalaga sa kasaysayan ng panitikan dahil sa kanyang "Dalit na
Pamucao sa Tauong Babasa Nitong Libro" na ang tinutukoy ay ang Barlaan at
Josaphat. Si Felipe de Jesus ang nagpakita ng muling pagbabalik ng talinghaga
sa panulaang Tagalog. Tula niya ang Ibong Camunti sa Pugad. Ang may-akda
ng Arte Poetico Tagalo na lumitaw noong ika-18 dantaon, si Francisco
Bencuchillo ay nakilala sa panahong ito. Sa aklat na ito ay tinalakay ni
Bencuchillo ang iba't ibang sukat at taludturan ng tulang Tagalog.

Ang mga tulang nasulat pagkatapos ng naganap na Lakas ng Bayan o


"People's Power sa Edsa ay nagpakita ng kalayaan sa pagpapahayag at maging
sa paksa. Pinaksa ng mga tula sa panahong ito ang mga nagaganap sa
kapaligiran at sariling mga damdamin ng mga makatang nagsisisulat ng tula.
May mga tula ng pagpupuri at panunuligsa sa mga nanunungkulan sa
pamahalaan at mga katiwaliang nagaganap sa lipunan. Sa istilo ng pagsulat ng
tula ay nanatili pa rin ang dalawang paraan - may nagsisulat ng mga tulang may
sukat at tugma at may nagsisulat sa malayang taludturan. Pangunahing layunin
ng tula sa panahong ito ay makapaghatid ng mahalagang mensahe sa mga
mambabasa. Bibihira ang mga tula ng pag-ibig ngunit unti-unting nabubuhay
na paksa sa panulaan ang tungkol sa kalikasan lalo pa't may mga kampanyang
inilulunsad ang pamahalaan sa pangangalaga ng kalikasan. Ang Balagtasan ay
bibihira na ring marinig kung kaya't nakalulungkot na kapag tinanong ng guro
ang mga mag-aaral kung nakarinig na sila o nakapanood na ng Balagtasan, ang
marami sa kanila ay hindi pa ang sagot. Ang pagbigkas ng tula sa tanghalan ay
pinalitan ng pag-awit. Ang awit ay isa ring akdang nasa anyong patula na
nilapatan ng himig. Ito ay nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng mayakda. Sa kasalukuyan, ang mga awitin ay pumapaksa hindi lamang sa pag-ibig,
kundi sa lahat ng mga nangyayari, nakikita at nararanasan ng tao sa kanyang
pang-araw-araw na buhay. Katulad din ng mga karaniwang tula, ito ay
maaaring pumupuri at nanunuligsa sa mga gawain at kaugalian ng tao. May
mga awiting gumigising sa damdamin at nangangaral sa mga kabataan. Ang

isang uri ng awitin na palasak sa kasalukuyan ay ipinalalagay na epektibo sa


paghahatid ng mensahe sa mga mamamayan ay ang "rap" nina Francis
Magalona at Andrew E. May mga awitin din na naririnig at nakikita sa
telebisyon na habang inaawit ay ipinakikita naman ang mga tagpong may
kaugnayan sa isinasaad ng awit.

Panahon ng mga Hapones


Dahil sa kawalan ng ganap na katiwasayan, kakaunti lamang ang
nakabasa ng mga nailathalang tula. May mga tula na nahahati sa liwayway na
nahahati sa tatlong katangian: a.) pagtataglay ng nilagyo ng kabiguan at
kawalan ng pag- asa. b.)nagtataglay ng himig panakip butas o panlibang sa
tunay na damdaming hindi nasusulat. c.) yaong nagpapatangay sa agos ng
digmaan (Lopez, et. al. 2002). Magkagayon man, kakaiba ang mga anyo ng
tula ang naibigay ng panahong ito, pawang may malalayang taludturan.

Ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis


Krisis sa pulitika ang pangunahing paksa sa panahong ito na buhat ng ating
pagkakaloob sa mga Amerikano at ang pagpapatuloy na pag-angkin sa
koloniyalismong mentalidad na minana natin sa mga Kastila. Ngunit ang mga
pangunahing taga-paglaban ay ang mga kilusan ng mga kabataang mag-aaral.
Sila ay nagbibigay kritisismo sa taong may pera at kapangyarihan tungkol sa
kanilang pamamalakad ng gobyerno. Ang kanilang hinihingi ay reporma na

mapabago ang lipunan dulot ng kapitalismo, imperyalismo, at piyudalismong


paraan ng pamumuno. Si Amado Hernandez ang kinikilalang makata sa
panahong ito.

Panahon ng Bagong Kalayaan


Ito ang panahon ng mga makabagong manunulat. Ang mga makata sa
panahong ito ay nagbagona ng paksa sa kanilang panitik. Sa pangunguna ng
Surian sa Wikang Pambansa nangkaroon ng pagganyak o pang akit sa mga
manunulat. Si Amado V. Hernandez ay nagkamit ng Gawad ni Balagtas Award
at Republic Cultural Award sa kanyang aklat na katipunan ng kanyang mga tula
na may pamagat na "Isang Dipang Langit". At nagpatuloy ang pagsulat ng mga
makata sa saliw ngh iba't- ibang paksa.

Ang mga tula sa panahon ng bagong lipunan ay Romantiko ngunit


Rebolusyonaryo. Ang mga ito'y lantarang tumutuligsa sa mga nagaganap sa
ating

pamahalaan

sa

pananalitang

maapoy,

marahas,

makulay

at

mapagtungayaw. (Salazar, et. al. 1995). Sa panahon ding ito lumaganap ang
popularidad ng mga islogan na ginagamit upang maiparating sa mga
mamamayan ang mensahe sa patulang paraan.

Kasalukuyang Panahon
Patula pa rin ang kinagigiliwang paraan ng pag papahayag ng mga

Pilipino sa panahong ito. Kahit ang mga babala, paalala at paksa ng mga
pagdiriwang ay nasa anyo pa rin ng patulang pagpapahayag. Karaniwang
mababasa sa mga dyipning pumapasada ang mga ganitong mga kasabihan:
(Sauco, et.al. 1997)

Kapag ang panulaan ay sintanda ng kasaysayan at gamiting- gamitin na


sa tuwing lilitaw ay nagpapakita ito ng katamisan, kagandahan at kalamyusan.
Ang kariktan ng tula ay wala sa pagganit ng malalalim na salita kundi sa ganda
ng mensaheng nakapaloob dito. Wala rin sa ikli at haba ang ikinaririkit ng
anumang uri ng panulaan kundi ay nasa kakayahan nitong amgbigay ng
inspirasyon o aral sa makababasa.

ANG PANITIKAN
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga
damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang
pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.

Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang pang-titik-an na kung


saan ang unlaping pang ay ginamit at hulaping an. At sa salitang titik
naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing
sa Latin na litterana nangunguhulugang titik.

Ang panitikan ay maaring uriin sa dalawa, ang kathang- isip o fiction at


ang hindi kathang isip. Ang kathang isip o fiction ay isang uri ng panitikan
kung saan ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa kanilang
imahinisyon. Ang mga kuwento ay hindi totoo kagaya ng maikling kuwento, at
pabula at iba pa. Ang ikalawang uri ng panitikan naman, ang hindi kathang isip
ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga panulat na batay sa tunay na
pangyayari katulad ng talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay ang
mga akdang pangkasaysayan.

May dalawang anyo rin ang panitikan. Ito ay maaaring tuluyan o prosa o
patula o panulaan. Ang tuluyan o prosa (prose) ay gumagamit ng mga salita sa
isang pangungusap na walang kinakailangang pagtutugma o pagbilang ng mga
pantig upang magkaroon ng parehong tunog sa huli ng tauludtod. Ang patula o
panulaang anyo naman ay pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng
salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at
nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugmatugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.

Ang mga halimbawa ng tuluyan o prosa ay ang Alamat, Anekdota, Nobela,


Pabula, Parabula, Maikling kwento, Dula, Sanaysay, Talambuhay, Talumpati,
Balita at kwentong bayan. Samantalang ang patula naman ay ang Awit at
Korido, Epiko, Balad, Sawikain, Salawikain, Bugtong, Kantahin at Tanaga.

Kahalagahan ng Pag- aaral


Ang pag- aaral ng panitikan ay mahalaga. Una, upang makilala ang kalinangang Pilipino,
malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinihan ng lahing ating
pinagmulan. Pangalawa, upang matalos natin na tayoy may marangal at dakilang tradisyon na
nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa ibat ibang
mga bansa. Pangatlo, upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay.
Pang- apat, upang maiwasto ang mga ito.pang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at
mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad. At pang lima, bilang mga Pilipinong mapagmahal
at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan ang ating panitikan. Tayo
higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.

Ang Tula
Ang Tula bilang isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin
ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo
ng mga taludtud. Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat
magtaglay ng magandang diwa at sining ng kariktan. Sinasabing may
magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang magandang halimbawa
dito. May sining ng kariktan naman kung ang mga pananalitang ginamit ay
piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa.

Ang tula ay may mga uri. Ang Tulang Liriko, Tulang Pasalaysay, Tulang
Patnigan at Tulang Pantanghalan.

Ang Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) ay nagtataglay ng


mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at ibat-ibang damdaming
maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Ito ay maikli at payak lamang.

Ito ay maaari ring uriin bilang Awit kung saan ang karaniwang pinapaksa ay
may kinalaman sa pag-ibig, kabiguan, kalungkutan, pag-asa, pangamba, poot at
kaligayahan. Pangalawa ay ang Soneto. Ito ay nagtataglay ito ng mga aral ng
buhay, may labing apat na taludtod; ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at
kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. Ang isa pa ay ang
Oda. Ito ay pumupuri sa sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo ng
mga tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga pantig
sa bawat taludtod. Ang Elehiya naman ay tulang may kinalaman sa guniguni
tungkol sa kamatayan samantalang ang Dalit naman ay tulang nagpaparangal sa
Dakilang Lumikha at may kahalong pilosopiya sa buhay.

Ang pangalawang uri ay ang Tulang Pasalaysay (narrative poetry). Ito ay


naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig,
pagkabigo at tagumpay. Naglalahad din ito ng katapangan at kagitingan ng
mga bayani sa pakikidigma. Maaaring Uriin ang Tulang Pasalaysay sa Epiko at
sa Awit at Kurido. Ang Epiko ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang
kanyang pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan.
Hindi kapanipaniwala ang ibang mga pangyayari at maituturing na
kababalaghan. Samantalang ang Awit at kurido naman ay tungkol sa mga
paksang may kinalaman sa pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga
kaharian tulad ng hari, reyna, prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang
dugong mahal na ang layunin ay palaganapin ang Kristiyanismo. Ang mga

awit at kurido ay dala rito ng mga Kastila.

Ang ikatlong uri ng panulaan ay ang Karaniwang Tulang Pasalaysay na ang


paksa ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay. At ang ika- apat
naman ay ang Tulang Patnigan (joustic poetry) Kabilang sa uring ito ang
karagatan, duplo at balagtasan.

Ang istruktura ng tula ay may mga sangkap na nakapagpapaunlad sa


kagandahan nito. Ang una ay ang Sukat. Ito ay bilang ng pantig sa bawat
taludtod sa isang saknong. Ang bawat taludtod ay maaaring magkaroon ng
walo, labindalawa, labing-anim, o labingwalong pantig. Ang pangalawa naman
ay ang tugma. Ito ay pagkakatulad ng tunog ng mga huling pantig sa bawat
taludtod. Mayroong dalawang uri ng tugma, ang Karaniwang tugma (ordinary
rhyme) na kung ang bigkas na malumay at mabilis o malumi at maragsa ay
magkasama sa huling pantig ng mga taludtod sa isang saknong, ito ay
karaniwang tugma. Ang Ganap na tugma (exact rhyme). Sa ganap na tugma,
ang huling pantig ng bawat taludtod ay nagtatapos sa isang tunog. Ang
sumunod na sangkap na naman ay ang Kariktan. Ito ay kagandahan ng isipan at
diwang inilalarawan sa tula. Kasama na rin ditto ang kagandahan ng mga
pananalitang pinili ng makata upang iangkop sa isipan o diwang ipinahahayag
ng mga taludtod. At ang huli ay ang Talinghaga. Ito ay mga pahayag na may
mga nakatagong kahulugan o di-tuwirang tinutukoy. Maaaring ang sinasabing

naggagandahang bulaklak sa hardin ang aking daigdig ay ang magagandang


dalaga sa kanyang ginagalawang lipunan.

LITERATURANG PANANALIKSIK

Sa pag-aaral ng pagsusuri ng anim na tula ng ibat ibang makata


lopez.et.al(2002) napatunayan sa kanilang pag-aaral na ang bawat tula ng ibat
ibang makata ay may ibat ibang katangian ayon sa kanilang uri, kayarian, haba
at paksa. Ang tula ay nagtataglay ng mga makatotohanang pangyayari sa bawat
buhay ng tao gayundin sa lipunang ating kinabibilangan o ginagalawan. Ang
tula ay nakapagdudulot ng ibat ibang damdamin sapagkat iminumulat sila sa
mga katotohanang ang tula bilang bahagi ng panitikan ay sumasalamin sa
kultura ng ating lipunan. Napatunayan nila na kailangang magkaroon ng
masusing pagsusuri sa mga tula upang masukat ang mga diwang gusting ihatid
nito sa mga mambabasa.
Sa ginawang pag-aaral nina Ilagan et.al (2006), napatunayan ng
pananaliksik na ang bawat likhang tula ng mga mangangatha ay may ibat
ibang sangkap na ginagamit. Kadalasan ang mga ito ay kinapapalooban ng mga
balarila, tema, awit ibang masining na pagpapahayag at siwa na nakakaakit at
nakakakintal sa kaisipan ng mga mambabasa. Ang mga tula ay tinalakay ng
mga mananaliksik ng saknong saknong upang mas maging masusi at puspusan

ang isinasagawang pag-aaral. Maraming estratehiya ang maaaring gamitin


upang epektibong maituro ang araling pambaralila mula sa mga tula.

Sa isinagawang pag-aaral naman nina Bagait, et. al (2004) natuklasan nila


sa pagsusuri ng mga tula ni Dr.Rolando Lontoc na ang bawat tulang katha ay
nagtataglay ng ibat ibang sangkap na ginamit upang maging mabisa ang
pagkatha dito. Natuklasan ding ang bawat tula ay naglalahad ng mga tunay na
pangyayari na masasalamin natin sa ating mga pang-araw araw na pamumuhay.
Dagda pa, ang mga tula ay nakapagdudulot ng ibat ibang damdamin sa mga
mambabasa nito at ang pag-aaral ng mga ito ay mahalaga upang makatiklas
ngmga pagpapahalaga mula sa mga tula at maipalabas ang magagandang diwa
mula dito.
SINTESIS
BALANGKAS KONSEPTWA
KAHULUGAN NG TERMINOLOHIYA
Anapora. Ito naman ay kapag ang pag-uulit ng isang salitang ay nasa unahan
ng isang pahayag o ng isang sugnay
Apostrope o Pagtawag.

Ito ay isang panawagan o pakiusap sa isang bagay

na tila ito ay isang tao.


Aliterasyon o Pag-uulit.
Awit.

Dito ng unang titik o unang pantig ay pare-pareho.

Ito ay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang

mga tauhan at walang sangkap na kababalaghan.

Awit at kurido. Ito ay tungkol sa mga paksang may kinalaman sa


pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa mga kaharian tulad ng hari, reyna,
prinsipe, prinsesa, duke, konde at iba pang dugong mahal na ang layunin ay
palaganapin ang Kristiyanismo.
Dalit. Ang mga tulang ito ay may paksang tungkol sa pangromansa.
Denotasyon.
Elehiya.

Ito ay Literal ang kahulugan ng salita o pangungusap.

naman ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

Epiko. Ito ay nagsasalaysay ng kagitingan ng isang tao, ang kanyang


pakikitunggali sa mga kaaway at mga tagumpay niya sa digmaan.
Epipora.

Ito ay pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-

sunod na taludtod.
Kariktan. Ito ay kagandahan ng isipan at diwang inilalarawan sa tula.
Kasama na rin dito ang kagandahan ng mga pananalitang pinili ng makata
upang iangkop sa isipan o diwang ipinahahayag ng mga taludtod.
Katapora. ito ay paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na
tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.
Konotasyon.

Ito ay ang malalim ang kahulugan ng salita na kabilang sa mga

mahahalagang sangkap ng isang tula.


Korido.

Ito ay salaysay ng pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang

tauhang malabayani na punung-puno ng kababalaghan.


Metapora o Pagwawangis. Itoy isang tiyak na paghahambing ngunit hindi na
ginagamitan ng pangatnig.

Oda.

Ito ay pumupuri sa sa mga pambihirang nagawa ng isang tao o grupo

ng mga tao, masigla ang nilalaman at walang katiyakan ang bilang ng mga
pantig sa bawat taludtod.
Paglilipat-wika.

Ito ay tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang

mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.


Pagmamalabis o Hayperbole. Ito

ay

lagpalagpasang

pagpapasidhi

ng

kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at


iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
Pagtanggi o Litotes.

Ito

ay

paggamit

ng

katagang

"hindi"

na

nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na


pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.
Pag-uyam.

Itoy isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating

sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.


Panghihimig o Onomatopeya.

Ito ang paggamit ng mga salitang kung ano

ang tunog ay siyang kahulugan


Panitikan.

Ito ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga

damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao Pasyon. Ito ay


kinakanta at sinasalaysay ng buhay ni Jesus mula noong siya ay ipinanganak,
dakpin, ipinako sa krus hanggang sa kaniyang muling pagkabuhay.
Personipikasyon o Pagtatao.

Ito naman ay ginagamit upang bigyang-

buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga
bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng

kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.


Senekdoke o Pagpapalit-saklaw.

Isang bagay, konsepto kaisipan, isang

bahagi ng kabuuan ang binabanggit.


Simbolismo.

Ito ay mga makabuluhang salita na nagpasidhi sa guni-guni ng

mga mambabasa.
Simili o Pagtutulad.

Ito ay di tiyak na paghahambing ng dalawang

magkaibang bagay.
Soneto.

Ito ay nagtataglay ito ng mga aral ng buhay, may labing apat na

taludtod; ang nilalaman ay tungkol sa damdamin at kaisipan at may malinaw na


kabatiran sa likas na pagkatao.
Sukat. Ito ay bilang ng pantig sa bawat taludtod sa isang saknong.
Talinghaga. Ang talinghaga ay mga pahayag na may mga nakatagong
kahulugan o di-tuwirang tinutukoy.
Tayutay. Ito ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang
isang kaisipan o damdamin.
Tugma.

Ito ay pagkakatulad ng tunog ng mga huling pantig sa bawat

taludtod.
Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry).

Ito ay nagtataglay ng

mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap at ibat-ibang damdaming


maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao.
Tulang Pasalaysay (narrative poetry).

Ito ay naglalahad ng makukulay at

mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay.

Tulang Patnigan (joustic poetry). Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo
at balagtasan.
Tulang tuluyan o prosa (prose).

Ito ay gumagamit ng mga salita sa isang

pangungusap na walang kinakailangang pagtutugma o pagbilang ng mga pantig


upang magkaroon ng parehong tunog sa huli ng taludtod.
Katapora. Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa
isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.
Pagmamalabis o Hayperbole.

Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng

kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at


iba pang katangian, kalagayan o katayuan.
Panghihimig o Onomatopeya.

Ito ang paggamit ng mga salitang kung

ano ang tunog ay siyang kahulugan. ONOMATOPOEIA sa Ingles.


Pag-uyam.

Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli.

Madalas itong nakakasakit ng damdamin.


Senekdoke o Pagpapalit-saklaw.

Isang bagay, konsepto kaisipan, isang

bahagi ng kabuuan ang binabanggit.


Paglilipat-wika.

Tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga

katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.


Pasukdol.

Pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa

kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.


Pagtanggi o Litotes. Gumagamit ng katagang "hindi" na nagbabadya ng
pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito'y may himig na pagkukunwari, isang

kabaligtaran ng ibig sabihin.

KABANATA III

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
Sa kabanatang ito nakapaloob ang mga pamamaraang ginamit sa pagkalap
at pagtitipon ng mga impormasyon.

DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang ginamit na pamamaraan ng mga mananaliksik ay descriptive analytic
o ang palarawang pamaraan.. Isang masinsininang pag-aaral ang isinagawa
upang maging matagumpay ang pagsusuring ito. masusing isinalansan ang mga
datos upang maiparating sa bawat mambabasa ang mensaheng nais ipabatid na
tinataglay nito. Sa pag-aaral na isinagawa isinaalang-alang din ang ibat ibang
elemento at istrukturang nakapaloob sa bawat tula. Naisaayos ito sa tulong ng
ibat ibang sanggunian tulad ng aklat, elektroniko at di nalathalang tesis.
Masusing inalisa ang mga tula upang mabatid ng mananaliksik kung paano
dapat suriin at palabasin ang bawat mensaheng tinataglay.

PARAAN NG PANANALIKSIK
Sa kabanatang ito inilahad ang ibat ibang pamamaraang ginamit ng mga
mananaliksik upang lubos na maintindihan ang bawat tulang nailathala.
Nagtataglay rin ito ng mga pamamaraang ginamit sa pagbuo ng tula, ang mga
mensaheng nais ipahayag o ibahagi ng manunulat sa mga mambabasa, mga
kagamitang ginamit sa pag-aaral, paraan ng pagkalap ng mga datos at ang
estratehiyang ginamit sa pag-aaral.

PAMARAAN SA PAGPILI NG TULA

Ang pag-aaral na ito ay sinimulan sa masusing pagpili sa mga tulang


nilikha ni Jose Rizal.
Sinaliksik ang talambuhay ng makata at nagsagawa rin ng malawakan at
makabuluhang pag-aaral sa aklatan sa Pambansang Pamantasan ng Batangas
(Rosario) , aklatan ng bayan ng Rosario bilang pamatnubay sa isinasagawang
pananaliksik at mga estratehiyang ginamit sa pagkatha upangmatiyak ng mga
mananaliksik na ang kanilang ginagawang pagsusulat ng isang mabisang tesis
ay nasa wastong direksiyon.

PAMAMARAAN NG ISANG MAHUSAY NA PAGSULAT


Sa pagkatha ng isang tula, kinakailangang magtaglay ang isang makata o
manunulat ng mga sumusunod na pamamaraan. Una, kinakailangang
magkaroon ng malawak na kaalaman sa paglalahad ng mga detalye upang
malinaw na maipahatid ang mga kaisipan at mensaheng nais ipabatid sa mga
mambabasa.
Hindi kinakailangang gumamit ng mga matatalinhagang salita o pahayag
upang maging kaakit-akit at mapalalim ang kahulugan. Pangalawa, epektibo
ang ibat ibang pananaw, mga konsept kaisipan sapagkat itoy siyang
pinakamensaheng nais ipaabot sa bawat mambabasa. Pangatlo, maging kawili-

wili ang tula, upang mahikayat na itoy tuloy tuloy na basahin. Pang-apat, ang
pananaw ng mga mambabasa kung saan naiuugnay niya ang kanilang sariling
karanasang naghatid sa kanila ng kalungkutan at kasiyahan. At ang huli, sa
paggamit ng mga salitang nagtataglay ng ibat ibang kahulugan na maaring
maganda ang kahulugan sa ibang lugar ngunit sa iba itoy taliwas sa kanilang
paniniwala o isang hindi kaaya-ayang salita.
Sa kabuuan naghahatid ito ng aral sa bawat mambabasa na magpapalawak
sa kanilang kaalaman sa pagharap ng ibat ibang hamon sa buhay. Dito
masasabing makabuluhan at matagumpay ang kanilang isinagawang pagsulat o
pagkatha.

PINAGMULAN NG DATOS
Ang pinagmulan ng mga datos ay ang sampung tula ni Jose Rizal. Ang
pagbibigay katuwiran ng pagsusuri ng mga mananaliksik sa sampung tulang

You might also like