You are on page 1of 13

Pag-aralan Natin

Suriin ang mga larawan. Paano tayo nakakukuha ng mga impormasyon?


Telebisyon

A. Panonood ng telebisyon at sine


Radyo
Radyo

B. Pakikinig ng Radyo

C. Pagbabasa ng dyaryo, magasin, o komiks

Ginagawa mo ba ito? Anu-ano pa ang mga binabasa mo?

Sa Pakikipanayam

D. Talakayan, kwentuhan, o pakikipag-usap


Makabagong Teknolohiya

Tandaan Natin

Ang ibat ibang impormasyon na nasasagap o nalalaman natin


ay maaaring nagmumula sa mga sumusunod:

radyo
telebisyon
pahayagan
kapwa tao
iba pang makabagong teknolohiya tulad ng computer,
telepono, cellphone

Ang mga radyo, telebisyon, pahayagan, kapwa tao at mga


makabagong teknolohiya na pinagkukunan ng mga impormasyon ay
napakahalaga dahil nagbibigay ng babala o wastong kaalaman sa
mga tao upang makaiwas sa disgrasya, sakuna o panganib.
5

Pag-usapan Natin
Bakit mahalaga ang impormasyon?

Pampaputi
Pampakinis
Habon Tsina

Mare, mag-ingat tayo


matindi ang nakawan
sa kabilang baryo

Oo nga, kaya hindi


kami umaalis nang
sabay-sabay na maganak. Salamat, Mare.
Signal No. 2 ang
bagyong Lilang!

Alam Mo Ba?
Piliin sa mga parirala sa kahon ang isinasaad ng larawan.

Pakikipanayam sa radyo

Nanonood ng boksing

Nakikinig sa radyo

Nanonood ng telebisyon
7

Basahin Mo

Pepito :

Maribel, napakinggan mo ba ang balita ngayon


sa radyo? Kagabi, yon din ang balita sa
telebisyon.

Maribel :

Pasensiya ka na, Pepito, hindi ko alam iyan.

Pepito :

Alam mo ba na patuloy ang pagtaas ng presyo


ng langis? Pahirap nang pahirap ang buhay
natin.

Maribel :

Ah! Kaya pala iyan ang laman ng usap-usapan


noong lumuwas ako sa Maynila. At marami ang
nag-iingay sa daan.

Pepito :

Yon nga, kahit dito sa bayan natin! Yan din ang


pinag-uusapan.

Maribel :

Kaya nga ako umuwi dito sa atin kasi patuloy


ang pagtaas ng bilihin sa Maynila.
9

10

Pepito :

Sinabi mo pa. Dito naman sa atin medyo muramura ang bilihin. Makiramdam na lang tayo sa
nangyayari sa ating bansa.

Maribel :

Oo nga, magbabago rin ang takbo ng buhay


natin.

Pepito :

Abangan na lang natin ang susunod na


pangyayari.

Maribel :

Tama ka! Hindi lang naman dito nangyayari ito.

Pepito :

Iwasan na lang natin ang pag-iingay. Makinig


na lang tayo.

Maribel :

May katwiran ka. May katapusan ang lahat ng


ito. Pansariling disiplina ang kailangan.

Pepito :

Tama ka, Maribel. Maging mapagmasid tayo


at makiramdam.

Subukin Mo
A. Bumuo ng maliliit na salita buhat sa salita na nasa ibaba.
Halimbawa :

panonood

Sagot

pa, ano, doon

1. patalastas

______, ______, ______, ______, ______

2. pakikinig

______, ______, ______, ______, ______

3. panayam

______, ______, ______, ______, ______

4. kailangan

______, ______, ______, ______, ______

5. impormasyon

______, ______, ______, ______, ______

11

B. Sumulat ng mga pangungusap. Gamitin ang mga salitang nabuo mula


sa mga salita sa A.
Halimbawa: Ano ang pangalan mo?
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
12

C. Ang mag-anak ay namili sa palengke ng mga kailangan sa bahay.


Isulat ninyo ang halaga ng mga pinamili nila. Kwentahin ang kabuuang
gastos. Isama rin ang pamasahe.
3 kilong bigas (P25 ang isang kilo)
2 kilong isda (P100 ang isang kilo)
2 taling sitaw (P20 ang isang tali)
1 maliit na boteng kape (P50 ang isang bote)
2 kilong puting asukal (P30 ang isang kilo)
3 malalaking lata ng gatas (P35 ang isang lata)
1 litrong gas (P37.00 ang isang litro)
pamasahe (P60.00 ang balikan)
Kabuuang gastos

13

You might also like