You are on page 1of 15

ALS Practice Exam – Educ 101 Class SY 2012-13

Bilugan ang titik ng tamang sagot:

1. Ikaw ay may trabaho sa ibang bansa, ang sabi ng amo mo kailangan matapos ang iyong
ginagawa sa araw na iyon. Sa iyong palagay ito ay matatapos mo naman agad. Ano ang gagawin
mo?
a. Hindi muna ito gagawin dahil mamayang hapon pa naman ito kailangan
b. Bagalan ang paggawa upang hindi na bigyan ng iba pang gawain
c. Gawin agad upang makapag-relaks na pagkatapos.
d. Gawin ito ng mabilis at maayos upang makagawa pa ng ibang bagay.

2. Si Karen ay nagluluto ng puto upang itinda sa halagang Php 4.00. Nalaman niyang ang kanyang
kapitbahay ay nagtitinda rin ng puto sa mas mababang halaga na Php 3.50. Ano sa mga
sumusunod ang dapat gawin ni Karen?
a. Tumigil sa pagtitinda
b. Gawing mataas na kalidad ng puto
c. Magalit dahil sa kompetisyon
d. Siraan ang kapitbahay na nagbebenta ng puto

3. Ano ang posibleng resulta ng kawalan ng kalidad sa trabaho, serbisyo o negosyo?


a. Pag-unlad ng negosyo
b. Tagumpay ng empleyado
c. Pagkalugi ng kumpanya
d. Paglaki ng benta

4. Sa panahong makabago, ano sa mga sumusunod na teknolohiya ng komunikasyon ang pwede


mong magamit kung nais mong ipahiwatig sa kaibigan kung ikaw ay mahuhuli sa usapan
sapagkat ikaw ay naiipit ng matinding trapiko?
a. Telefax
b. Cellphone
c. Panawagan sa radyo
d. E-mail

5. Ano ang pinakabata sa mga pangunahing relihiyon sa buong daigdig?


a. Islam
b. Kristiyanismo
c. Hinduismo
d. Judaismo

6. Bilang isang Pilipino, sino sa mga dakilang Pilipino ang sumulat ng pambansang awit ng
Pilipinas?
a. Jose Palma
b. Fernando Amorsolo
c. Prop. Julian Felipe
d. Dr. Jose Rizal

7. Kung ang dalawang bansa ay nag-aaway, ano ang dapat gawin ng ibang bansa?
a. Magkampi-kampi
b. Papag-awayin lalo
c. Akuin ang katungkulan bilang tagapamayapa
d. Huwag nang makialam

8. Ano ang maaring maging dahilan ng paglala ng alitan?


a. Magpahiwatig ng kawalang galang
b. Maging maunawain sa pagkakaiba
c. Matutunang tanggapin ang pag-uugali
d. May tumayong tagapamagitan

Tama o mali
9. Ang batas Artikulo 162 ay Batas sa Paggawa o Labor Code.
A. Tama
B. Mali
10. Kung nais mong maging mayabong ang iyong gulayan, dapat ay gumamit ng pestisidyo.
A. Tama
B. Mali
11. Kung nais mong magtatag ng isang kooperatiba sa inyong baranggay, ang unang-unang dapat
mong gawin ay tipunan ang mga indibidwal na interesado upang bumuo ng isang core group o
batayang pangkat upang pag-aralan pang-ekonomiko ng pamayanan.
A. Tama
B. Mali
12. Ang programang TVET na inaalok ng pamahalaan sa pamamagitan ng TESDA at ng iba pang
may pahintulot na pribado at pampublikong institusyon ang naghahanda sa mga indibidwal sa
hanay ng pangkabuhayang teknikal o bokasyonal.
A. Tama
B. Mali
13. Ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay walang idinudulot na problema lalo na sa mga maiiwan.
A. Tama
B. Mali
14. Ang utang panlabas ng Pilipinas ay mahalaga upang ang pamahalaan ay matulungan ang bansa
tungo sa kaunlaran.
A. Tama
B. Mali
15. Ang Kristiyanismo ang pinaka malaki at pinakalaganap na relihiyon sa buong daigdig.
A. Tama
B. Mali
16. Kadalasang nag-aaway ang mga tao dahilan sa kanilang di pagtanggap sa paniniwala ng isa’t
isa.
A. Tama
B. Mali

Strand 1

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Narito ang isang talata na hango sa Reader’s Digest tungkol sa mga dalandan.
Basahin ang talata:
Ang dalandan na makikita sa buong taon ay isang prutas na napakayaman sa Bitamina C. Mayroon
din itong dagdag na sustansiyang calcium at potassium, at mayaman sa Bitamina A. Kung gusto mong
makuha ang karamihan sa mga sustansiya nito, pati na fiber, kainin mo mismo ang buong bunga’t balat at
hindi ang katas lamang nito. Mas matabang ang buong dalandan kaysa katas lamang nito (na kadalasa’y
may dagdag na asukal) kaya makabubuti ito nang husto sa mga nag-aalala sa kanilang blood-sugar.

1. Tungkol saan ang talata?

a. bayabas

b. prutas
c. dalandan

d. mangga

2. Ano ang sinasabi nito tungkol sa dalandan?

a. maasim ang dalandan

b. masustansya ang dalandan

c. masarap ang dalandan

d. matamis ang dalandan

3. Ang pangunahing ideya ng talatang ito ay matatagpuan sa _______.

a. unang pangungusap

b. pangalawang pangungusap

c. pangatlong pangungusap

d. huling pangungusap

Narito ang isa pang talata na hango rin sa Reader’s Digest tungkol sa mga saging

Mga Saging
Mababa sa calories at fat, ang saging ay napakagandang halimbawa ng isang masarap na pagkain
na talagang makabubuti sa iyo. Taglay nito ang maraming mineral, karamiha’y potassium, isa sa mga
pinakamahalagang elemento ng ating katawan. Ang potassium ang nagbabalanse sa sodium at may
tuwirang kaugnayan sa wastong balanse ng tubig sa katawan at sa kabuuang husay ng kalamnan. Kapag
kulang ka sa potassium, hihina ka, magkakaroon ka ng insomnia, at pati na ang di- regular na tibok ng
puso. Sa bawat araw, panatilihin ang iyong natural na suplay ng potassium sa pagkain ng isang saging,
hinihiwa-hiwa at ilagay sa kanin, iibabaw sa pankeyk o tuhugin at ipalamig.

4. Tungkol saan ang talatang ito?

a. dalandan

b. saging

c. ubas

d. durian

5. Ano ang sinasabi nito tungkol sa saging?

a. masustansya at mainam kumain ng saging

b. masarap ang saging

c. maraming uri ng saging


d. hindi dapat kinakain ang saging

6. Ang saging ay mayaman sa anong mineral?

a. calcium

b. sodium

c. potassium

d. iron

7. Ano ang mangyayari sa iyo kapag kulang ka sa potassium?

a. magiging antukin ka

b. magiging masigla ka

c. magiging malakas ang iyong katawan

d. magkakaroon ka ng insomnia, at pati na ang di- regular na tibok ng puso

8. Ang pangunahing ideya ng talatang ito ay matatagpuan sa _______.

a. unang pangungusap

b. pangalawang pangungusap

c. pangatlong pangungusap

d. huling pangungusap

Panuto: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang pangungusap o Mali kung ito ay hindi wasto.

________ 9. Batay sa naging leksyon, ang paghalaw ay mainam na matutunan natin.

________ 10. Ang paghalaw ay ang pagpapahayag ng isang ideya, pangungusap o talata sa sarili mong
paraan.

________ 11. Maaaring hindi mo kumpletuhin ang mga ideya kapag hinalaw mo na ito.

________ 12. Dapat may kabuluhan ang halaw ng ginawa.

________ 13. Kung kailangang mong magsaliksik, magbasa ng paksa at magsulat ng asaynment dapat
ay gamitin mo ang sariling mga salita.

________ 14. Huwag tukuyin ang pinagsanggunian pagkatapos ng pananaliksik.

________ 15. Dapat ay mayroong bagong impormasyon sa iyong hinalaw dahil ito ay nagpapakita na
naunawaan mo ang iyong hinalaw.

________ 16. Ang paghalaw ay hindi nagpapaunlad ng kaalaman kundi ng pangongopya o pamimirata
sa akda ng iba.

________ 17. Ang pagkuha sa ideya ng iba ay pagnanakaw.


Strand 3

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ikaw ay nakatira sa probinsya na maraming niyog, ano ang mga pwede mong gawing hanap-buhay?

a. pangingisda

b. panggawa ng buko pie, pag-copra at iba pang produkto mula sa niyog

c. pag-pasok sa pabrika

d. pagkukumpuni ng mga sirang makina

2. Sa iyong negosyo, mainam na ______.

a. kumita ka ng tama lang, o nakabawi lamang sa iyong puhunan

b. kumita ng mas mababa/ mas kaunti sa iyong puhunan

c. kumita ng higit sa iyong puhunan

d. lahat ng nasa itaas ay tamang mga sagot

3. Mas maganda na ang iyong kabuhayan ay ______.

a. malapit lamang sa iyong tahanan at pamilya

b. nasa siyudad

c. nasa tanyag na pabrika

d. lahat ng nasa itaas ay tamang sagot

4. Sa pag-gawa ng sariling gulayan kailangan mayroon kang _____.

a. mga binhi

b. sapat na lawak ng lupa sa iyong bakuran

c. kakayahang mag-alaga ng mga tanim

d. lahat ng nasa itaas ay wasto

5. Mahalgang sangkap ng lupa ang kompost o humus. Ano ang iba’t ibang tungkulin nito?

a. pinapanatili nito ang mga sustansiya at mineral sa lupang pang-ibabaw na lupa (topsoil) upang
magamit ng mga halaman.

b. sinusuportahan nito ang mga bakterya o mikroorganismo na nagpapanatili o tumutulong sa mga


halaman.

c. pinipigilan nito ang pagkawala ng tubig/ halumigmig sa lupa.


d. lahat ng nasa itaas ay wasto

6. Binubuo ang kompost ng mga nabubulok na organikong materyal tulad ng mga ________.

a. mga tirang pagkain

b. patay na halaman

c. dumi ng hayop

d. lahat ng nasa itaas ay wasto

7. Ang iyong mga kaalaman ay maaaring _____.

a. isantabi lamang

b. huwag gamitin

c. hindi paunlarin

d. gamitin upang mapagkakitaan

8. Sa iyong negosyo, trabaho o hanapbuhay mainam na ______.

a. mag-impok ng bahagi ng kinikita

b. gastusin ang lahat ng kinitang pera sa pagkain

c. bilhin ang lahat ng gustong bagay sa mall pagkatapos makuha ang sweldo

d. lahat ng nasa itaas ay wasto

9. Ang paggamit ng teknolohiya ay maaaring _____.

a. makapag-paunlad sa iyong hanapbuhay

b. makasira sa iyong negosyo

c. maging hadlang sa trabaho

d. lahat ng nasa itaas ay wasto

Panuto: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang pangungusap o Mali kung ito ay hindi wasto.

10. Dapat isaalang-alang ang iyong interes sa pagpili ng trabaho.

11. Maliban sa interes ay dapat isaalang-alang din ang kakayahan sa pagpili ng hanapbuhay.

12. Kailangan ay malaki ang iyong puhunan bago ka makapagtatag ng iyong negosyo.

13. Ang negosyo at serbisyo ay magkaiba.

14. Hindi kailangan ng panahon at hirap para magtagumpay ang negosyo.


15. Kailangan ng masusing pag- aaral sa iyong mga layunin at dahilan sa pagtatayo ng negosyo upang
ito ay magtagumpay.

16. Ang mga opotunidad sa iyong pamayanan ay magagamit sa pagtatayo ng negosyo.

17. Ang bawat tao ay may iba’t ibang interes at kakayahan.

Strand 5

Panuto: Bilugan ang titik ng bawat tamang sagot sa mga sumusunod.

1. Ano ang ibig sabihin ng AIDS?


a. isang sakit na nakamamatay
b. uri ng armas
c. istratehiya sa paglaban sa mga kriminal
d. pandaigdigang pulisya
2. Ano ang mina sa lupa?
a. isang armas militar
b. isang uri ng lupa
c. isang piraso ng ari-arian
d. isang daang-yungib na ginagamit sa pagmimina ng mga mineral.
3. Anu-ano ang bumubuo sa nakalalasong dumi?
a. basura mula sa mga bahay
b. nakapipinsalang dumi dulot ng mga gawain ng tao
c. napanis na pagkain
d. lahat ng nasa itaas ay wasto
4. Ano ang sanhi ng polusyon sa kapaligiran?
a. pagtatambak o pagtapon ng mga halamang materyal sa iyong
kapaligiran
b. pagtatambak o pagtapon ng mga nakapipinsalang substansiya sa
iyong kapaligiran
c. pagtatambak o pagtapon ng lupa sa iyong kapaligiran
d. pagtatambak o pagtapon sa tamang basurahan
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi isang paraan ng ilegal na pangingisda?
a. pangingisda na gumagamit ng dinamita
b. pangingisdang muro-ami
c. ang paggamit ng lambat na may malalaking butas
d. pangingisda na gumagamit ng cyanide

6. Ano ang maaaring makatulong para mabawasan ang polusyon?


a. paghiwa-hiwalay ng basurang nabubulok sa mga basurang dinabubulok

b. pagtapon ng basura sa mga ilog o karagatan

c. paggamit ng plastik kahit hindi naman talaga kailangan

d. pagtatapon ng basura ng walang pakundangan at kung saan-saan lamang

7. Saan/anu-anong mga paraan ang makatutulong sa iyo upang mas mapalawak ang iyong mga
kaalaman sa mga isyu?

a. panonood ng telebisyon

b. pakikinig ng radyo o pagbabasa ng dyaryo

c. pakikisangkot sa mga lokal, nasyonal o internasyonal na mga kaganapan

d. lahat ng mga nasa itaas ay wasto

8. Anu-ano ang mga nakakaapekto sa pamilya, lalo na sa makabagong panahon?

a. ekonomiya at urbanisasyon

b. mga pagbabagong pangkultura

c. mga imbensyon sa siyensya at teknolohiya

d. lahat ng nasa itaas ay wasto

9. Ano ang isa sa mga epekto sa mga anak ng pangingibang bansa ng magulang upang magtrabaho?

a. maaaring hindi magabayan/mahirap madisiplina ang mga anak

b. nawawala ang tiwala sa pagitan ng mag-asawa

c. nabibili ang lahat ng mga kagustuhan ng mga anak

d. umuunlad ang buhay ng buong pamilya

Panuto: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang pangungusap o Mali kung ito ay hindi wasto.

________ 10. Ang uri ng pamilya na tatay o nanay lamang ang kasama ng anak ay tinatawag na solong
pagkamagulang (single parenthood).
________ 11. Napakahalagang malaman natin kung paano lutasin nang maayos ang mga alitan at/o
hindi pag-uunawaan.

________ 12. Nagiging balong magulang ang isang nanay/tatay kapag namatay ang isa sa mga
magulang, at may naiwang anak na aalagaang mag-isa ng balo.

________ 13. Maaaring magdulot ng pagkasira ng isang relasyon o ng pagiging magasawa (marriage)
ang pagtatrabaho sa ibang bansa/malayong lugar.

________ 14. Makakakaya ng pamilya ang paghihiwalay sa pamamagitan ng komunikasyon.

________ 15. Ang paninirahan sa ibang bansa kasama ang buong pamilya ay tinatawag na migrasyon.

________ 16. Ang mga Pilipinong naninirahan sa ibang bansa ay hinaharap ang kulturang naiiba sa
nakasanayan na nila.

________ 17. May mga negatibo at positibong dulot ang mga pag-unlad sa teknolohiya.

Strand 5: Tama o Mali.

________ 1. Ang tulong humanitaryan ay ang tulong sa dagliang pangangailangan na ibinibigay upang
matiyak ang kapakanan at kalagayan ng recipient.

________ 2. Ang globo ay lapat na representasyon ng ibabaw ng mundo o mga bahagi nito na nagpapakita
ng lokasyon ng iba’t ibang lugar.

________ 3. Ang impeachment case laban sa Presidente ay malalang alitan na kailangang lutasin agad
upang wakasan na ang kasalukuyang krisis sa ekonomiya at politika.

________ 4. Isa sa mga gawain ng United Nations ay tumulong na magdala ng karahasan sa pagitan ng
dalawang di-magkasundong panig sa pamamagitan ng negosasyon.

________ 5. Dapat nating ipagmalaki ang ating pambansang awit dahil malilikha dito ang ating
pagmamahal sa bayan at ang hiling na pagkakaisa ng mga Filipino.

________ 6. Kahit magkakatulad ang maraming prinsipyo ng mga iba’t ibang relihiyon, labis na nagkakaiba
ang paniniwala at kaugalian ng mga ito.

________ 7. Hindi mo kinakailangang maging miyembro ng ibang relihiyon upang mapanatili ang
kapayapaan. Maaari kang magpatuloy sa mga bagay na pinaniniwalaan mo, ngunit kailangan mong
pahintulutan rin ang iba na magpatuloy sa kanilang paniniwala. Ito ang landas tungo sa kapayapaan.

________ 8. Ang ekwador ay pahalang na linya na humahati sa mundo kaya may Hilagang Hemisphere at
Timog na Hemisphere.

________ 9. Ang mga taong may HIV o AIDS ay katulad din natin. Hindi sila dapat kamuhian o katakutan.
________ 10. Ang utang panlabas ay mahalaga dahil nagsisilbing lunas ito sa kakulangan sa badyet ng
ating pamahalaan. Ito ang ginagamit ng ating pamahalaan upang matugunan ang mga pangangailangan
ng ating bansa.

Strand 3: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. De-kalidad ang isang produkto kung ito ay:

a. maganda

b. mura

c. matibay

d. mamahalin

2. Sa isang negosyo, ang kostumer ay palaging:

a. tama

b. masaya sa serbisyo

c. nangungutang

d. may pera

3. Tiyak na magiging matagumpay ang isang produkto kung ito ay may:

a. hitsura

b. presyo

c. kalidad

d. pangalan

4. Ang pagkakamali sa paggawa ng isang produkto ay magdudulot ng:

a. pagkasira ng pangalan ng produkto

b. pagtaas ng presyo ng produkto

c. pagbaba ng sahod ng manggagawa

d. pagkagalit ng kostumer

5. Ang negosyong nagbibigay ng mabuting serbisyo ay:


a. nagtataas ng singil o bayad

b. nalulugi

c. nilalayuan ng parokyano

d. dinarayo ng parokyano

6. Ano ang maidudulot ng patuloy na edukasyon at pagsasanay sa mga kasapi ng kooperatiba?

a. wastong kaalaman

b. wastong kakayahan

c. wastong halagahan o values at saloobin o attitude

d. lahat ng nabanggit

7. Tungkulin ng komiteng ito ang mangolekta ng mga bayad sa butaw o fees, at mga kontribusyon.

a. Pangkalahatang Kapulungan

b. Pananalapi o Pinansiya

c. Dokumentasyon

d. Edukasyon at Pagsasanay

Answer Key
Part 1

1. D
2. B
3. D
4. C
5. B
6. A
7. C
8. C
9. A
10. T
11. M
12. T
13. T
14. M
15. T
16. T
17. T

Strand 1

Multiple Choice

1. A

2. B
3. A

4. B

5. A

6. C

7. D

8. A

Tama o Mali

9. Tama

10. Tama

11. Mali

12. Tama

13. Tama
14. Mali

15. Tama

16. Mali

17. Tama

Strand 3

Multiple Choice

1. B

2. C

3. A

4. D

5. D

6. D

7. D

8. A

9. A

Tama o Mali

10. Tama

11. Tama

12. Mali

13. Tama

14. Mali

15. Tama

16. Tama

17. Tama

Strand 5

Multiple Choice
1. A

2. D

3. D

4. B

5. C

6. A

7. D

8. D

Tama o Mali

10. Tama

11. Tama

12. Tama

13. Tama

14. Tama

15. Tama

16. Tama

17. Tama

Answer Key:

Strand 5: Tama o Mali.

1. T

2. M

3. T

4. M

5. T

6. M
7. M

8. T

9. T

10. T

Strand 3: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. c

2. a

3. c

4. a

5. d

6. d

7. b

You might also like