You are on page 1of 19

FILIPINO 5

UNANG MARKAHAN
Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang
Teksto Gamit ang Sariling Salita
Si Dilis at Si Pating

Sa dagat nakatira si Dilis. Kalaro niya ang mga maliliit na isda.


Sila ay masaya.
Nasa dagat din si Pating. Malaki at mabangis ito. Takot si Dilis
at ang mga kalaro niyang isda kay Pating.
Minsan, hindi kaagad nakita ni Dilis si Pating. Gutom na gutom na si
Pating.
Mabilis si Dilis. Nagtago siya sa ilalim ng korales. Hindi siya
nakain ni Pating. Matalino talaga si Dilis.
Dapat maging matalino para matulungan ang sarili.
Sagutin ang mga tanong.

1. Saan nakatira si Dilis?


a. sa dagat
b. sa ilog
c. sa sapa
2. Ano ang sama-samang ginagawa nina Dilis at ang maliliit
na isda?
a. namamasyal
b. nagtatago
c. naglalaro
Sagutin ang mga tanong.

3. Bakit takot si Dilis kay Pating?


a. Baka awayin siya ni Pating.
b. Maaari siyang kainin ni Pating.
c. Baka agawan siya ni Pating ng pagkain.
2. Paano ipinakita ni Dilis ang pagiging matalino?
d. Mabilis siyang nakapagtago sa korales.
e. Tinutulungan niya ang mga maliliit na isda.
f. Hindi siya nakikipaglaro kay Pating.
Sagutin ang mga tanong.

5. Alin sa mga sumusunod ang isa pang magandang pamagat


ng kuwento?
a. Sa Ilalim ng dagat
b. Ang Gutom na Pating.
c. Si Dilis, ang Mabangis na Isda.
6. Ano ang katangian ni Pating?
d. maliit at mabait
e. malaki at mabangis
f. palakaibigan
Sagutin ang mga tanong.

7. Saan nagtatago si Dilis sa tuwing dadating si Pating?


a. sa kuweba
b. sa lungga
c. sa ilalim ng korales
8. Ano ang pakiramdam ni Dilis sa tuwing makikita si
Pating?
d. Natatakot
e. Natutuwa
f. nalulungkot
Sagutin ang mga tanong.

9. Ano ang magandang katangian na ipinakita ni Dilis?


a. pagiging masipag
b. pagiging matapat
c. pagiging matalino
10. Dapat maging __________ para matulungan ang sarili.
d. Matapang
e. Matalino
f. masipag
Naranasan mo na ba na kinakailangan mong
magpasya sa isang bagay subalit hindi ka makagawa
ng pagpapasya?

Humingi ka ba ng tulong sa iba?

Sino ang iyong nilapitan upang tulungan ka?


Pagbibigay ng Opinyon o Reaksyon

Ang pagbibigay ng opinyon o reaksyon ay isang mabuting kasanayan dahil


naipahahayag natin ang sariling saloobin, opinyon o pananaw hinggil sa mga
kaisipang inilahad.

Bahagi ng pang-araw-araw na buhay ang pagbibigay ng opinyon o reaksyon


sa mga pangyayaring nagaganap o nasasaksihan sa paligid. Sa pagbibigay ng
opinyon o reaksyon, mahalaga na tayo ay may sapat na kaalaman sa
paksang pinag-uusapan upang masusing mapagtimbang-timbang ang mga
bagay at maging makatarungan, patas at balanse ang paghuhusga sa mga balita,
isyu o usapang napakinggan.
Ang pagbibigay-reaksyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagsang-ayon o
pagsalungat sa kaisipan ng nagsasalita o kausap. Sikapin lamang na maging
magalang upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa.
Mga pahayag sa pagbibigay ng matatag na opinyon:
-Buong igting kong sinusuportahan ang . . .
-Kumbinsido akong . . .
-Lubos kong pinaniniwalaan . . .
-Labis akong naninindigan na . . .
Mga pahayag sa pagbibigay ng neutral na opinyon:
-Kung ako ang tatanungin . . .
-Kung hindi ako nagkakamali . . .
-Sa aking palagay . . .
-Sa aking pananaw . .
Malayang Gawain 1
Basahin ang mga isyu sa bawat bilang. Gumuhit ng masayang mukha ( ) sa
patlang kung sang-ayon ka sa isyung inilalahad ng bawat bilang. Kung hindi,
lagyan ng ekis ( x ) ang patlang.
__________ 1. Pag-angkas sa motor, puwede sa MECQ areas “basta essential
worker,” kahit hindi mag-asawa.
__________ 2. Public transpo suspendido uli sa Metro Manila, 4 pang
probinsiya.
__________ 3. Quarantine pass, gagamitin ulit sa MECQ areas.
__________ 4. Dine-in, salon, gym sarado ulit.
__________ 5. Dagdag benepisyo ng health workers, ihahabol sa Bayanihan 2
Act.
Malayang Pagtataya 1
Mamili ng isang isyu sa na nakasulat sa loob ng kahon. Sumulat ng opinyon o
reaksyon sa isyu.
Face to face learning
Gagamit ng vape, aarestuhin
Reservists, isasabak sa COVID 19
Magkakalat ng fake news, maaring kasuhan
Paggamit ng face shield at face mask, gawing mandatory
Isyu:
______________________________________________________________
Reaksyon:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Malayang Pagtataya 2
Basahin at unawain ang balita sa ibaba. Pagkatapos ay sumulat ng iyong
opinyon o reaksyon hinggil dito.

MANILA, Philippines – Sa gitna na rin ng pagbabalik muli sa Metro Manila


at ilan pang mga lugar sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ),
kinalampag ng isang mambabatas ang Inter-Agency Task Force (IATF) nag
awing mandatory ang pagsusuot ng face mask, face shield at 2 metrong physical
distancing upang maiwasan magkahawaan sa COVID-19.
Sinabi ni Senior Citizen partylist Rep. Francisco Datol Jr. na dahil sa mataas
na kaso ng COVID ay kailangang gumawa ng kaukulang hakbang upang
mapigilan ang pagkalat pa ng virus.
“Ipatupad sana ng IATF ang two meters na minimum physical distancing,
imbis na one meter lang sa mga palengke, botika, bakery, malls, at iba pang
pampublikong lugar tulad ng ginagawa ngayon sa City of Manila,” ani Datol.
“Dapat required na sa lahat ng MECQ, GCQ areas ang face shield bukod pa
sa face mask para sa lahat ng tao na lumalabas ng bahay o nasa trabaho,” anang
solon.
Ayon kay Datol, masyadong malapit ang isang metrong distansiya na kapag
may nabahing o inubo at kung may coronavirus ito ay siguradong makahahawa.

Opinyon o Reaksyon:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Malayang Pagtataya 3
Gamit ang isang pangungusap, isulat sa patlang ang iyong opinyon/reaksyon
sa mga isyung nakasulat sa bawat bilang.

1. Mataas na bilang ng mga walang hanapbuhay.


________________________________________________________
2. Paghahanapbuhay ng mga Pilipino sa ibang bansa.
________________________________________________________
3. Kawalan ng disiplina ng mga motorista sa kalsada.
________________________________________________________
4. Maraming bilang ng mga kabataang hindi nakapagtatapos sa kolehiyo.
________________________________________________________
5. Problema ng Pilipinas sa basura.
________________________________________________________
Dapat bang ipagbawal muna sa publiko ang pagpunta sa mga
shopping mall sa mga panahon ng pandemya? Ipaliwanag ang
iyong opinyon.

____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
___
Sumulat ng isang opinyon na nagpapahayag ng iyong saloobin o
damdamin kaugnay ng isyu na nakasulat sa kahon.

CLIMATE CHANGE

You might also like