You are on page 1of 2

Kabanata 5

BUOD NG NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON


Matapos makalap ang mga datos ukol sa pag-aaral, gumamit ng pagbibilang,
pagbabahagdan at pagraranggo ang mga mananaliksik bilang pormula sa pagsusuri at
interpretasyon ng datos.
Buod ng Natuklasan
1. Profayl ng Respondente
Malaki ang porsyento ng sumagot ng sarbey ay nasa edad 17-18 anyos.
Karamihan sa mga ito ay kababaihan. Nangunguna rito ang mga nasa unang
taon sa kolehiyo sa kursong Information Technology.
2. Mabubuting epekto ng gadgets
Batay sa kasagutan ng mga respondente, lubos ang sumang-ayon sa mabilis na
pakikipagkomunikasyon kung may problema.
3. Hindi mabubuting epekto ng gadgets
Nangunguna sa mga binigyang puntos ng mga respondente ang may mas oras
na sa gadgets ang bawat pamilya kaysa pakikipagkomunikasyon.
4. Paano mapabuti ang relasyon sa pamilya
Sa kabuuan, magsabi agad ng problema kahit gamit ang gadgets upang lalong
mas tumibay ang relasyon ng bawat pamilya ang tugon ng mga sumagot ng
sarbey.

Konklusyon
1. Na karamihan sa mga respondente ay nasa 17-18 anyos at higit ang kasarian ng
mga babae. Higit ang mga nasa unang taon sa kolehiyo sa kursong Information
Technology.
2. Na nakakatulong ang gadgets sa mabilis na pakikipagkomunikasyon kung may
problema ang mga mag-aaral.
3. Na hindi nakabubuti ang gadgets sa pagkakaroon ng higit na oras sa paggamit
nito kaysa sa pakikipagkomunikasyon ng bawat pamilya.
4. Na ang pagsasabi agad ng problema kahit gamit ang gadgets ay magpapabuti
sa relasyon ng bawat pamilya.

Rekomendasyon

1. Minumungkahing gumamit ng mga mas nakakatandang kalalakihan sa ibang


taon at kurso upang mabatid rin ang epekto ng gadgets sa pakikipagrelasyon sa
pamilya,
2. Gamitin lamang ang gadgets sa pamamaraang nakakatulong sa interaksyong
sosyal.
3. Ang mga gadgets ay gamitin lang kung kinakailangan sa tamang oras at
panahon.
4. Ang mga magulang ay pinapayuhang tulungan at bigyang pansin ang kanilang
mga anak upang mabalanse ang kanilang oras sa pakikipagrelasyon at pagiging
aktibo at masaya kahit walang gadgets.

You might also like