You are on page 1of 2

Ang Hukuman ni Sinukuan

Noong unang panahon, si Mariang Sinukuan, ang diwata ng bundok Arayat, isang
maganda at matas na bundok sa Gitnang Luzon.
Sapagkat mabait siya at makatwiran, ang hukuman ni Mariang Sinukuan ay naging
sagisag ng katarungan at pag-ibig. Napunta sa kanyang hukuman ang mga tao at hayop na
nakatira sa paligid ng Bundok Arayat para mag sumbong at manghingi ng payo.
Isang araw, narinig ni Mariang Sinukuan ang taghoy ni Ibong Martines. Ipinatawag niya
si Martines sa kanyang hukuman at halos madurog ang puso niya sa lungkot nang ipakita ni
Martines ang sirang pugad nito at mga basag na itlog nito.
Ano ang nangyari sa iyong pugad, mahal kong ibon? tanong ni Maria kay Martines.
Kasi po kagabi, humihikbing huni ni Martines, Biglang dumamba ng dumamba si kabayo at
natapakan ang aking pugad.
Madaling nagsiyasat ang magandang diwata at ipinatawag si Kabayo. Bakit ka
dumamba nang dumamba kagabi kaya nabasag ang mga itlog ni Martines? tanong ni Maria
nang dumating si Kabayo sa kanyang hukuman.
Kasi po, mahinay na halinghing ni Kabayo, nagulat ako sa biglang malakas na kokak
ni Palaka.
Ipinatawag ni Mariang Sinukuan si Palaka at tinanong, Bakit ka biglang kumokak nang
malakas kaya dumamba ng dumamba si Kabayo kaya nabasag ang mga itlog ni martines?
Kasi po, paos na kokak ni Palaka, humihingi lang po ako ng saklolo dahil nakita kong
dala ni Pagong ang kanyang bahay.
Agad ipinatawag ni Maria si Pagong at itinanong, Bakit dala mo ang bahay mo ang
bahay mo kagabi kaya natakot at kumokak si Palaka kaya dumamba ng dumamba si Kabayo
kaya nabasag ang mga itlog ni martines?
Kasi po, humihingal na paliwanag ni Pagong, natakot akong masunog ang aking
bahay dahil nakita kong palipad-lipad si Alitaptap at may dalang apoy.
Agad ipinatawag ni Maria si Alitaptap at tinanong, Bakit may dala kang apoy kagabi
kaya nagbuhat ng bahay si Pagong at natakot at kumokak si Palaka kaya dumamba ng
dumamba si kabayo kaya nabasag ang mga itlog ni Martines?
Kasi po, kutitap ni Alitaptap kailangan kong magdala ng apoy pananggalang kay
Lamok na palipad-lipad at may dalang itak.
Lalong nahiwagaan si Maria sa mga pangyayari. Kaya agad niyang pinatawag si Lamok
at itananong. Bakit ka may dalang itak kagabi kaya nagdala ng apoy si Alitaptap kaya nagbuhat
ng bahay si pagong kaya natakot at kumokak si palaka kaya dumamba ng dumamba si kabayo
kaya nabasag ang mga itlog ni martines?
Hindi agad nakasagot si Lamok, Tumingin siya sa paligid at nakita niyang naghihintay ng
sagot ang mga hayop sa hukuman.
Kasi po, paputol-putol na ugong ni Lamok, hinahanap ko si Alimango

At bakit naman may dala kang itak kung hinahanap mo lamang si Alimango?
nahihiwagaang usisa ng diwata.
Kasi po, paputol-putol na ugong ni Lamok. Kasi po, gusto kong gumanti sa ginawa
niya sa akin, paliwanag ni Lamok. Noong isang linggo bigla niya akong sinipit. Mabuti at hindi
niya nasipit ang aking leeg. Pero nasugatan ang aking isang paa.
Nawala ang pagtitimpi ni Lamok at galit na galit na umugung-ugong. Ngayon magaling
na ang aking paa, isinusumpa kong hahanapin ko siya hanggang makita ko ang taksil na si
Alimango.
Masyadong nadala si Lamok ng sama ng loob at wala sa loob na iwinasiwas ang
kaniyang itak. Hindi sinasadya, dumulas ang itak sa kanyang kamay at muntik nang tamaan sa
ulo si Palaka.
Sa takot, napalundag at kumokak nang malakas si Palaka. Dahil bagulat, dumamba ng
dumamba si kabayo.Dala-dala ang bahay na nagtago si Pagong, nagningas ang apoy ni
alitaptap, at lumipad si Martines na dala ang kaniyang pugad.
Itinaas ng magandang diwata ng Arayat ang kaniyang kamay para payapain ang lahat.
Pagkatapos, itinuro niya si Lamok at nagwika, Masyado kang marahas, Lamok. Nagulo ang
aking kaharian dahil lamang sa sama ng loob mo kay Alimango.
Dapat mong malaman na ang karahasan ay nagbunga ng kahihiyan. Pinagbawalan din
niya itong magdalang muli ng itak. Pagkatapos, pinayuhan niya si Martines na huwag nang
gagawa ng pugadsa lupa.
Mula noon, sa tuktok ng punongkahoy na gumagawa ng pugad ang Martines.
Matatakutin pa rin at malakas kumokak ang Palaka.Dumadamba pa rin nang dumadamba ang
Kabayo kapag natakot at dala-dala pa rin ng Pagong ang kanyang bahay. Samantala, lagi pa
ring may dalang apoy ang Alitaptap kung gabi.
At ang Lamok? Matigas ang ulong hinahanap pa rin niya ang Alimango at lihim na
nagdadala ng itak kung gabi. Kaya kung may maririnig kayong kulisap na paugon-ugong sa
inyong tainga, ang lamok iyon. Akalay butas ng Alimango ang butas ng iyong tainga.

You might also like