You are on page 1of 2

Q2-week 2- module 2

PAGSULAT NG PABULA
SI MAHISTRADONG KWAGO
MARK DE TORRES
9-CONFIDENCE
Isang araw, may krimeng pinahuhusgahan sa isang hurado ang ilang hayop. Kabilang dito
ang Ibon, ang Palaka, ang Pagong, ang Alitaptap, at ang Lamok. Upang maparusahan ang
kriminal, napagkaisahan ng lahat na magsilbing huwes ang Kuwago.“Sapagkat ako ang napili
ninyong magdesisyon kung sino ang kriminal sa kasong ito, pakikinggan ko kayo sa inyong mga
sasabihin.”Nagsimulang tumindig ang Ibon na nagpahayag ng kaniyang problema.

“Ako po si Ibon. Hindi po ako makatulog sa gabi sapagkat kokak nang kokak ang Palaka.”

“O, bakit kokak ka nang kokak?” tanong ng Hurado sa Palaka.

“Ako po si Palaka. Kokak po ako nang kokak sa takot ko pong mahulugan ako ng bahay ni
Pagong.”

Tinawag ng Hurado si Pagong.

“Totoo ba iyon, Pagong?” takang-takang usisa ng Hurado.

“Totoo po. Bakit naman hindi ko po dadalhin ang nag-iisa kong bahay? Takot po kasi ako sa
alitaptap na laging may baong apoy sa likuran.”

“E bakit nga naman may apoy ka pang dala-dala?” pag-uusisa ng Hurado sa Alitaptap.

“Lagi po kasing may dala-dalang sibat ang Lamok. Para po hindi ako masundot, proteksiyon ko
po ang apoy.”

Tinawag ng Huradong Kuwago ang itinuturong Lamok.

“Totoo bang may dala-dala kang sibat na panundot?”

Hindi maipaliwanag ng Lamok kung bakit kailangang dala-dala niya lagi ang sibat.
Hindi nagkamali ang lahat nang ibunton sa lalaking Lamok ang parusang mabilanggo.

Nang akmang ipadadakip na ang hinatulan ay dali-dali itong lumipad. Kaagad siyang pumunta sa
Lamuklandia. Isinumbong niya sa mga kamag-anak ang malupit daw na Mahistrado.

“Dala-dala mo lang ang sibat na pananggalang, huhulihin ka na upang parusahan?” galit na


reaksiyon ng mga Babaeng Lamok.

“Dapat na ipagtanggol natin ang katribo!” sigaw ng mga Lalaking Lamok.

Inayos ng mga Babaeng Lamok ang mga businang panggalugad at mga sibat na panundot ng
kanilang mga asawa.

Humanda na sa paglusob nila ang batalyon ng mga Lamok.

Nang mapansin ng Mahistradong dumarating na ang nagliliparang mga Lamok ay ikinampay na


nito ang mga pakpak. Dali-dali itong lumipad at pumasok sa kuweba sa kagubatan.

Hindi nag-aksaya ng oras ang mga lalaking Lamok. Upang masigurong bihagin ang Mahistrado
ay pinuntahan nila ang lahat ng kuweba sa paligid. Pati na tenga ng mga tao ay sinisilip nila at
binubusinahan sa pag-aakalang kuweba rin itong mapagtataguan. Bigo ang mga Lamok sa
paghahanap nila sa Mahistrado. Hanggang ngayon ay patuloy ang mga lamok sa pagsilip at
pagbusina sa ating mga tenga.

Aral

• Maging makatarungan sa pagpaparusa kanino man.

You might also like