Professional Documents
Culture Documents
LOKI The War of 8 Vampire Heirs
LOKI The War of 8 Vampire Heirs
A/N:
Welcome ^_^ handa ka na bang matangay sa kakaibang mundo ng mga bampirang Nordic?
ito ang seryeng LOKI na umiikot sa pag-ibig at walang katapusang labanan at digmaan.
LOKI- Isang forever 18-year old na bampirang assassin na walang kahit na anong maalala tungkol sa kanyang
nakaraan. Hinahanap niya ang katotohanan sa likod ng kanyang existence sa pamamagitan ng pagtugis at pagpatay
sa kanyang mga kauri sa utos na rin ng kanyang kinikilalang ama.
Serenity- isang magandang dalaga na nakatira sa isang mansyon sa gitna ng kakahuyan. ni wala sa hinagap niya na
makakatagpo siya ng totoong bampira.. at sa kasamaang palad, naging alipin siya nito dahil sa isang aksidenteng
kontrata sa pagitan nila.
Loki's POV:
Wala akong maalala na kahit ano tungkol sa aking pinagmulan. Kung pipilitin ko mang alalahanin, babalik at babalik
lamang ako sa kinagisnan ko'ng alaala.
Gumising ako na nasa isang malaking silid ng nasusunog na mansyon. Maalinsangan kung kaya't agad akong
bumangon. Inilibot ko ang aking paningin.
Malaimpyerno dito! Ang nagngangalit na apoy ay mabilis na nilalamon ang kisame, gayundin ang pintuan. Ang mga
salamin ng bintana ay nagsisibasag.
Natuon ang aking atensyon sa terasa. Doon na lamang ako maaaring makalabas. Agad ko iyong tinungo subalit
agad akong napaatras nang masipat ko ang bulto ng isang taong nakaabang sa aking lalabasan.
Binuksan niyang maigi ang glass double door ng terasa. Doon ko lamang namalas ang kanyang buong anyo. Middleaged na lalaki, pormal ang suot na kagaya sa isang maginoo. Ang mga mata niya ay asul at namumuti na ang ilang
piraso ng buhok niyang kahel. Ngumiti siya ng makahulugan.
Siya si Don Faust Helgarin, ang aking ama. Siya lamang ang tanging nakakakilala sa akin at lahat ng sinasabi niya
ay pinaniwalaan ko. Hanggang ngayon ay naroroon pa din ang tiwala na iyon dahil siya ang aking ama. Tama.
Natural lamang bilang anak niya na pagtuwalaan ko siya..
Pero kahit mag-ama kami, iba ako sa kanya. Hindi ako isang ordinaryong tao. Isa akong bampira.
Ang sabi niya, may natatanging paraan upang maging bampira ang isang tao. Iyon ay kapag nakainom ka ng dugo
mula sa mga pureblood na bampira.
Extinct na sila sa panahong ito subalit patuloy silang nabubuhay dahil lubha silang makapangyarihan.
Kung dati akong tao na naging bampira, sino ang nagbigay sa akin ng dugo kung ganun?
Una sa lahat, hindi ko hiniling na maging ganito ako. Isa itong sumpa.
Ang pag-inom ng dugo ay hindi tinatanggap ng aking prinsipyo. Ngunit ano ang magagawa ko? Hindi ako maaaring
mamatay hanggat hindi ko nalalaman kung bakit nawala ang ibang alaala ko.
Si ama, malaki ang galit niya sa mga bampira. Ginagamit niya ako upang paslangin ang iba pang kauri ko.
Masugid akong sumusunod sa kanyang utos dahil na rin may gusto akong makamit. Kapag marami-rami na akong
napaslang na mga bampira, mabubulabog ang mga purebloods. Isa-isa na silang maglalabasan upang lupigin ang
lumalapastangan sa kalahi nila. Sa paglantad nila, madali kong mahahanap kung sino ang nagbigay sa akin ng dugo.
Kapag nakita ko siya, umaasa ako na maibabalik sakin ang nawala kong nakaraan.
Tumayo ako mula sa sanga ng puno kung saan ako nakaupo. Ramdam ko mula sa lagaslas ng hangin sa
kakahuyang ito ang aking target.
Kasing bilis ng hangin akong nagpalipat lipat sa mga puno hanggang huminto ako sa daraanan ng kalaban.
Sinuri ng aking pulahang mga mata ang lalaking nasa harapan ko. Katamtaman ang kanyang tangkad, katamtaman
din ang hitsura subalit gulagulanit at gusgusin ang pananamit. Ang pangil niya ay nakasungaw mula sa kanyang
duguang bibig.
Alam niya na magkauri kami. Ganun kalakas ang pangilatis ng mga bampira. "ULOL! Maghanap ka ng pagkain
mo!"
Suminghot ako sa hangin. Naamoy ko ang matamis na halimuyak na kung sa mga tao ay itinuturing na 'malansa'
"Ang biniktima mo ay isang walang muwang na sanggol.. Halang ka!" usig ko sa kanya.
Wala nang halaga pa sakin ang iba pa niyang sasabihin. Binunot ko ang aking espada at agad na tinagpas ang
kanyang ulo.
Ilang saglit lamang ang nakalipas, sumuka ako ng dugo. Mayroong patalim na nakatarak sa aking dibdib. Kaunti na
lamang at muntik nang matamaan ang aking puso. Kapag nangyari iyon, malamang ay abo na rin ako.
Hindi basta-bastang paslangin ang mga bampira. Lahat kasi ay may espesyal na abilidad.
'Kulang pa ako sa pagsasanay' naisip ko habang inaalis ang patalim. Sumuka na naman ako ng dugo.
Kahit pa wala sa sampung porsyento ang nagagamit kong kapangyarihan, hindi pa rin dapat ako maging kampante.
Kaunting butas lang at tapos ang aking buhay. Mamamaslang pa naman ako!
Nagconcentrate ako upang makapagpalit-anyo. Isa iyon sa mga pambihirang kakayahan ng mga kagaya ko. Kaya
naming magpalit-anyo bilang hayop, depende sa hinihingi ng sitwasyon.
Unti unting lumiit ang katawan ko. Tinubuan din ako ng pakpak at mga balahibo. Nang isa na akong ganap na uwak,
dali dali kong ibinuka ang aking mga pakpak at ikinampay.
Lumipad ako sa kadiliman ng gabi na tanging buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa aking direksyong tinatahak.
Subalit nagkamali yata ako ng kalkulasyon. Masyadong malalim ang sugat sa aking dibdib. Nawalan ako ng balanse
at mabilis na nahuhulog paibaba.
Sa di kalayuan, may natanaw akong nag-isang mansion. Bukas ang pinto ng isang veranda doon bagamat patay ang
ilaw.
Ibinuhos ko ang lakas ko upang makarating doon, bago ako tuluyang bumalik sa tunay kong anyo.
Padapa akong bumagsak sa marmol na sahig ng veranda. Di inaasahang nasagi ko ang isang paso ng bulaklak.
Nabasag iyon at lumikha ng ingay.
Nakarinig ako ng yabag papalapit sa akin. Sapo ang aking sugatang dibdib, nagtago ako sa likod ng pinto.
May lumabas na babae. Bahagya itong humarap sa direksyon ko kaya't nakita ko ang maganda niyang mukha.
Mahaba ang kanyang buhok at nakasuot siya ng pantulog.
"D-dugo.." usal ng babae nang makita nito ang bakas ng dugo sa sahig.. Mukhang sisigaw ito!
****
Serenity's POV:
Mataman kong pinagmamasdan ang bilog na buwan mula sa bukas na pinto ng veranda.
Ewan ko ba.. Hindi ako makakatulog kapag hindi ko nadama ang malamig na simoy ng kakahuyan.
Crash!
Wala namang tao. Natuon ang pansin ko sa basag na paso ng paborito kong orkidyas. Agad akong dumulog at baka
sakaling maisalba ko pa ang kawawang alaga ko.
Katabi ng mga bubog, napansin ko ang kung anong likido na nagkalat sa sahig. Malagkit. Malansa.
"D-dugo!" ngunit kanino iyon? Hindi ko alam ang gagawin! Kailangan malaman ito ng mayordoma o kung sino man!
Sisigaw na ako para humingi ng tulong. Subalit may lalaking bigla na lamang nagpakita at tinakpan ang aking bibig.
"Wag kang maingay." sabi niya. Madilim ang gabi ngunit kitang kita ko ang nakakatakot niyang mga mata. Ang isa
ay kulay dugo, at ang isa ay kulay ginto.
Alam niya sigurong wala na ako sa sarili ko kaya't inalis niya ang kanyang kamay bago lumayong bahagya.
Saka ko lamang namansdan ang kanyang mukha. Gwapo siya. Sobra! Iyon nga lang ay nakakatakot ang kanyang
mga mata. At sa kanyang mga labi, mayroong bakas ng nanuyong dugo.
Lalo akong nanginig sa takot nang may binunot siyang espada na nakasukbit sa kanyang likuran at itinutok sa akin!
"Walang dapat makakita sa akin nang ganito. Kaya kailangan mong mamatay!"
Halos maghalo ang luha at uhog ko pero hindi ko pinansin. Lumuhod ako at kumapit sa kanyang binti.
"Maawa ka naman kamatayan! Bata pa po ako! Marami pa akong pangarap--hindi ba pwedeng mag-extend?!"
"Yiee--patawad po! Wag mo muna akong patayin! Hindi pa ako nakakapagpaalam sa mga mahal ko sa
buhay!"
Aray! Ambigat!
Nabitawan niya ang hawak na espada. Hinawakan niya ang kanyang dibdib. Bumulwak ang dugo mula doon.
Mas lalo akong natakot. "A-anong gagawin m-m-mo? H-hindi ako masarap!" giit ko.
"Pwede na, lamang tyan ka din." bumuka ang bibig ni kamatayan. Nakita mismo ng mga mata ko ang paghaba ng
kanyang mga pangil. Pagkatapos ay hindi ko na alam ang ginawa niya.
Basta ang alam ko na lang, lumayo siya sakin. Doon ko na lang naramdaman yung sakit sa aking leeg. Medyo
umikot din ang paningin ko.
"Sinungaling ka.. Masarap ka naman pala, pahumble ka pa." sabi ni kamatayan habang pinapahid ang kanyang
mga labi.
Namula ako kahit parang nabawasan ako ng dugo. Hindi ako nakapagsalita. Katakut-takot na kasi ang trauma ko!
Umismid lang siya sakin. "Sige, napagdesisyonan ko na hindi na TALAGA kita papatayin."
"Hindi kamatayan ang pangalan ko. Ako si Loki." aw, may pangalan pala siya.
Aba susyal?! Senyorita ako! Mayaman ako! Bakit magiging alipin ako?!
Matamang tumitig sa akin si Loki. "Huli na. May kontrata na tayong dalawa."
1st Night
Loki's POV:
'Kakatwa ang magandang babae na ito' sa isip-isip ko. Tingin ko ay mas bata siya ng kaunti kaysa sa taglay kong
edad ng tao na labinwalong taong gulang.
"ANO?! KONTRATA?" hindi makapaniwalang tanong niya sakin pagkatapos kong sabihing magiging alipin ko siya
dahil sa isang kontrata.
"Oo. May mga batas kasi kaming mga bampira na mahirap baliin." paliwanag ko.
"Bampira ako. Pero sikreto lang nating dalawa yun. Alam mo kasi--hindi sa tinatakot kita. Pero kapag kinalat
mo ang sikreto ko, mapipilitan akong patayin ang mga taong kinausap mo at pati na ikaw mismo."
"H-hindi naman ako mahilig magkalat ng sikreto. At saka wala namang maniniwala sakin kapag sinabi kong
nakakita ako ng isang bampira!"
Bago ako sumagot, pinulot ko ang aking espada at muling isinukbit sa aking likuran.
"Ang isang bampira at ang taong nainuman niya ng dugo ay nagkakaroon ng isang espesyal na koneksyon.
Halimbawa, tayong dalawa. May pagkakataong malalaman mo ang mga iniisip ko. Pero hanggang doon lang.
Ako, kaya na kitang kontrolin at pasunurin sa ayaw mo at sa gusto mo."
"Totoo ba yan?" duda man siya sa sinabi ko, iyon ang katotohanan.
Tumango ako. Ang hirap magpaliwanang! "Simple lang naman talaga ang dahilan kung bakit pinapatay namin
kaagad ang mga taong iniinuman namin ng dugo. Kasi ayaw naming may nakakapasok na mababang uri ng
nilalang sa aming sistema."
"Mababang uri ng nilalang?! Yabang mo! FYI, nag-iisang anak ako ng pinakamayamang magnate sa buong
bansa tapos lalaitin mo lang ako?! Excuse me!"
"Paumanhin, hindi ko po sinasadya ang mga sinabi ko." pagkatapos ng kanyang huling salita, nagbalik siya sa
kanyang kamalayan.
"Bakit ako--nakaluhod?!"
"H-hindi maaari!"
Tumayo siya at pumasok sa loob. Umupo siya sa gilid ng kama at tila umiiyak. Hindi ko na siya maaaring sundan pa
sa loob.
Isa rin sa mga hindi mababaling batas naming mga bampira ay ang ipinagbabawal na pagpasok sa pamamahay ng
kahit na sinong tao kung walang permiso mula dito.
"Ano'ng pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung narinig niya o hindi.
"D'yan ka lang! Wag kang lalapit sakin!" tumigil siya sa paghikbi. Waring napaisip.
"Tama! Alam ko na! Dahil bampira ka nga, hindi ka pwedeng pumasok sa loob hanggat hindi ako
pumapayag!" akala siguro niya ay nakahanap na siya ng alas laban sakin.
Tumayo siya at lumapit sa pintuan. Dumila pa! "Bleaah! Ang gagawin ko lang ay magkulong dito sa loob ng
bahay, tapos hindi mo na ako maaano!"
Tingnan natin.. Hinuli ko ang paningin niya. Hinawakan ko ang kanyang pisngi. "Papasukin mo ako.."
Pumasok ako sa loob at inilibot ko ang aking paningin. Maganda ang kwarto ni Serenity, maluwag at napapalamutian
ng mga mamahaling muwebles. Asahan na iyon dahil nag-iisang anak lang ito.
"Sikreto." umupo ako sa kanyang malambot na kama. "Dahil nandito na ako sa loob, ang buhay ng lahat ng
taong naririto ay nasa aking mga kamay.. Kaya kung ako sayo, wag kang gagawa ng bagay na ikagagalit ko."
Ngumiti ako dahil bumalik na naman ang takot sa mukha niya. Hindi niya naisip na maaari din naman niyang bawiin
ang permiso. Haha!
****
Serenity's POV:
Oh Diyos ko! Kaya nga niya akong kontrolin kahit labag sa aking kalooban!
Paano na lamang kapag nagutom uli siya at naisipan niyang imassacre ang mga kasambahay namin! Kawawa
naman kami!
"L-Loki.."
"Ano yun?"
"Hindi ka pa ba uuwi sainyo?" tanong ko. Inaantok na ako eh! Gusto ko nang magpahinga.
Bumuntong hininga si Loki. "Hay ang arte mo.. Madali lang naman matulog."
****
Loki's POV:
Sinalo ko ang walang malay na si Serenity at inihiga sa kama. Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha. Kay
amo niyang tingnan kapag natutulog.
Hindi ko maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng matinding paghanga para sa kanya. Marami na akong
pinaslang na mga kababaihan (mapabampira o tao) na di hamak na mas maganda pa kaysa sa kanya.
Sinipat ko ang orasan sa mesitang katabi ng kama. Alas tres na ng madaling araw.
Nag-inat ako at pagkatapos at lumabas ng veranda. Magaling na ang sugat na natamo ko dahil sa dugo ni Serenity.
~KINAUMAGAHAN~
Serenity's POV:
"Senyorita, gising na po kayo, at baka mahuli kayo sa inyong klase!" ramdam ko ang mahinang yugyog sa akin
ni yaya Mameng.
Nagdilat ako ng paningin. Ang sarap ng tulog ko kahit ang sama ng panaginip ko.
"Aay ano yan?!" tanong sa akin ni yaya Mameng. Itinuro pa ang aking leeg na kinapa ko.
Nakita ko ang dalawang magkahanay na sugat sa aking leeg. Namamaga pa ang mga ito.
Agad bumilis ang tibok ng puso ko. Ang inaasahan kong bangungot ay isa palang katotohanan!
OH HINDEE!!
"Ay wala po, nagpapraktis lang ako para sa school play!" pagsisinungaling ko.
Pagkatapos kong mapagtanto ang mapait na katotohanan, nawalan ng gana ang buong araw ko.
Pagdating ng breaktime, sinimulan ko nang isulat ang aking huling pamamaalam. Just in case na patayin ako ni Loki,
atleast handa na ako.
Binilang ko muna kung sinu-sino ang mga susulatan ko. Ang mama ko, ang papa ko, si yaya Mameng, ang bestfriend
kong si Coleen, ang crush kong si Rain.. Sila lang..
Teka nga, ano ba ang isusulat ko? Dear mama at papa, mahal na mahal ko po kayo, sinabi ko yan kasi any moment
ay pwede po akong mamatay. Alipin 'daw' po ako ng isang bampira at kapag nabadtrip siya sakin, papatayin daw
niya ako!
Naisip niya si Loki. Ang mukha nito, ang mga labi nito na mukhang masarap halikan..
Waaaaaah!
Sinabunutan ko ang sarili ko. Hindi ko dapat pinagnanasahan ang mamamatay-tao na yun!
Nag-angat ako ng paningin. Si Coleen lang pala. Bestfriend ko siya simula elementary pa. Ngayong high school,
hindi kami pinalad na maging magkaklase. High achiever kasi si Coleen at nasa star section ito.
Binasa ko ang sinulat ko at maging ako ay nagulat. Sinulat ko ang iniisip ko kanina! At ang masama niyan, nabasa ni
Coleen!
"Wag mo akong intindihin bezy! Sinusubukan ko lang kung pwede akong maging writer!"
Umupo si Coleen sa isang chair sa harapan ko. "Alam mo na ngang wala kang talent sa pagsusulat,
pinagpipilitan mo pa!"
Kita mo tong babae na to! Imbes na suportahan ako, siya pa ang unang nanlalaglag sakin!
"Alam mo bez," aniya. "Kanya kanya kasing talent yan, kung hindi para sayo, wag mong ipilit! Magaling kang
mag-alaga ng mga bulaklak, bakit hindi iyon ang pag-ukulan mo ng pansin?"
"Ayun, gusto mo talaga yung sisikat ka, bat di ka kaya mag-artista? Tama, maganda ka naman. Basta ako
ang manager mo!"
****
Loki's POV:
"Ilan ang napatay mo kagabi?" iyon ang unang itinanong sa akin ng aking ama kaysa itanong kung maayos ba ang
kalagayan ko.
Ngumiti ang aking ama at pagkatapos ay tinapik tapik ang aking balikat. "Magpahinga ka na. Mamayang gabi ay
magtatrabaho kang muli. Alalahanin mo ang mga bagay na gusto nating makamit."
Tumango lamang ako. Umakyat ako sa itaas na palapag ng aming tinutuluyang mansyon. Tirik na ang sikat ng araw
subalit dito sa loob ay sobrang dilim at halos walang ipinagkaiba kung ididilat o ipipikit mo ang mga mata.
Dahil bampira ako, malinaw akong nakakakita sa kadiliman. Binagtas ko ang pasilyo at pumasok sa aking kwarto.
2nd Night:
Loki's POV:
Alas singko en punto na ng hapon. Awtomatikong nagising ang diwa ko. Ito kasi ang oras ng aking paggising arawaraw.
Naghihintay na sa akin si ama sa komedor. Nakaupo siya at nagbabasa ng pahayagan. Nagtama ang aming
paningin.
Tumango lang ako. Pinagmasdan ko ang kulubot niyang mukha. May bakas ng pagkainis doon. Bakit kaya?
"Kanina habang tulog ka, nakita ko ang duguan mong damit. Kung hindi ko pa sinuri ay hindi ko malalaman!"
Itim na leather ang suot ko kagabi, kaya't sa unang tingin ay hindi nga mapapansin kung may bahid man ng dugo
iyon.
Padabog niyang inilapag sa mesa ang pahayagan. "Ikaw ang pinakamakapangyarihang bampira sa buong
mundo! Bakit hinahayaan mo ang sarili mo na masugatan ng mga mahihinang bampira?!"
Di yata't isang pagmamalabis na sabihing ako ang pinakamakapangyarihang bampira? Iniisip ko na lang na dahil
siguro ama ko siya kaya pinupuri niya ako.
"Ama.. Kapag gumamit ako ng lakas na higit pa sa sampung porsyento, madali akong
magugutom." pagdadahilan ko.
"Kung kinakailangan, gamitin mo ang kapangyarihan mo hanggang ikalimang antas! Pakitaan mo sila ng
tunay na takot!"
Para sa hindi nakakaalam, sa ikalimang antas ng isang bampirang kagaya ko nagsisimula ang aming pagsasahalimaw. Unti-unti ay mawawalan ng kontrol ang aming isip sa aming katawan; hanggang sa maging isang tunay na
halimaw na kumakain ng tao.
"Oh siya.." sabi ko. Lumabas ako ng komedor at umakyat pabalik sa aking silid. Binuksan ko ang bintana at initsa ko
ang hawak kong bloodpack na tumalsik sa bilis na limampung milya kada oras. Bahala na kung saan yun napadpad.
Pagkatapos ay naligo ako dahil punung-puno ng dugo ang katawan ko.
Sa pagsanib ko sa hangin, naririnig ko ang bawat yabag at kaluskos ng aking mga target, naaamoy ko sila at alam ko
kung may nabiktima sila o wala.
Idinilat ko ang aking mga mata na sa oras na ito ay normal ang kulay. Dinala ako ng hangin sa isang lumang
simenteryo.
Takip-silim na at kulay kahel ang kalangitan. Sa di kalayuan ay may nakatayong isang matandang babae. Sa
kanyang amoy, sigurado akong tao siya.
Lumapit ako.
"Mas makabubuti para sa iyo ang umuwi na. Maraming masasamang loob ang naglilipana sa gabi." sinabi ko
sa kanya.
Nasorpresa ako nang makitang bigla siyang napaluha. "Oh Dante! Ikaw ba ang sundo ko? Isama mo na ako.
Gusto ko nang matapos ang paghihirap ko-- gusto ko nang lumigaya sa piling mo!"
At anong lumigaya sa piling ko?! Tantsa ko ay nasa tatlumpung taon ang agwat ng edad namin.. Bakit ganun?! Pang
senior citizen na ba ang datingan ko?
"Umuwi ka na."
Tumalikod siya at naglakad palayo. Pinanood ko siyang sumakay ng kanyang kotse na ilang sandali lang ay
umarangkada na palayo.
May umakbay sa akin. "Bakit mo pinaalis ang pagkain?" tanong ng kung sino mang hudas iyon. Unti-unti niyang
binubunot ang espada sa likuran ko pero pinabayaan ko lang.
"Pagkatapos mong simutin ang tinapon kong bloodpack ay gutom ka pa?" sarkastikong tanong ko.
Pumikit ako. Pagdilat ko, iba na ang kulay ng mga mata ko. Berde na mangasul ngasul.
Mabilis akong naglaho sa kinatatayuan ko. Sa isang iglap ay nasa likod na ako ni loko.
Binawi ko ang espada ko at tinapyas ko ang kaliwa at kanan niyang braso na naging abo.
Nawala ang yabang niya sa katawan. Para siyang aso na nabahag ang buntot. "H-h-huwag mo akong
patayin!" pagsusumamo niya.
Ibinalik ko sa lalagyan ang espada ko. "Tsk.. tsk.. Kawawa ka naman.. Kung ako ay mawalan ng mga kamay,
mas gugustuhin ko pang mamatay.. Sige-- bubuhayin kita, humayo ka at ipahayag mo sa mga kauri natin na
ang gumawa sa iyo niyan ay si Loki!"
Napalingon ako sa gawi ng isang puntod. Doon nakatunghay kanina ang matandang babae. Binasa ko ang nakaukit
na pangalan doon.
Dante H-- Hindi ko mabasa ang apelyido. Tinibag o kusang natibag ang bahaging iyon ng lapida.
Sa kalkulasyon ko ay mahigit kumulang tatlumpu't pitong taon na ang nakalipas nang mamatay kung sino mang
Dante iyon.
Awooooo!
Pinaglaho kong muli ang aking sarili. Ayokong magsayang ng oras dahil marami pa akong target.
****
Serenity's POV:
Sinipat ko ang bukas na pinto ng veranda. May taong nakaupo sa barandilya at nakatitig sa akin.
Bumilis agad ang tibok ng puso ko at kaagad naglaho ang antok sa aking sistema.
"Bakit nandito ka na naman?" ayaw ko ba siyang makita o sabik akong makita siya? Pwedeng both?
"Heto.." kulang na lang ay isaksak niya sa baga ko ang isang maliit na paso ng orkidya. "Kapalit ng nabasag
ko." dagdag pa niya.
Natuwa ako hindi dahil sa kanya, kundi dahil sa orkidyang binigay niya. "Cattleya!" kinuha ko kaagad iyon at inilapag
sa hilera ng mga inaalagaan kong bulaklak.
Nilingon ko siya. Hindi naman ako obligadong magpasalamat dahil replacement ang ibinigay niya.
Akma na akong papasok upang matulog na muli. Pag-ikot ko, nabunggo ako kay Loki. Muntik na akong mabuwal
kung hindi niya ako nahawakan sa beywang.
"Ay! Susmaryosep ka! Wag ka ngang manggugulat!" pakiramdam ko ay namumula ako. Hindi ako makatingin
nang diresto sa kanyang mukha na gusto kong gawin.
Natawa siya.
"Ano'ng nakakatawa?"
"Kinakabahan ka. Ang lakas ng pintig ng puso mo. Nabibingi na nga ako eh."
Haaay.. Ang gwapo niya lalo na at nakangiti siya. Iba ang kulay ng mata niya ngayon-- brown na kagaya ng sa
ordinaryong tao; wala rin ang wagas na pangil.
Bahagya kong hinila ang mahabang laylayan ng manggas ng aking pantulog saka pinahid ko sa kanya.
"Hindi bagay sayo ang may mantsa ng dugo." sabi ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na huwag
siyang pumatay dahil masama ang pumatay.
Tao lang ako. Hindi ko lubos na naiintindihan ang tama at mali. Sumusunod lang ako sa kung ano ang kinalakihang
turo sa akin. Hindi naman ibig sabihin nun ay may karapatan na akong maghusga.
Pero sana..
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Sunod ay unti unti niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko.
Ganun-ganun na lang?
Walang confrontations?
Gahibla na lamang ang pagitan ng aming mga labi nang maglakas-loob akong magsalita.
Natigilan siya. Hindi pa ako nahahalikan kahit kailan. At kapag dumating na nga ang unang halik na iyon, ang gusto
ko manggagaling iyon sa taong gustong-gusto kong mahalin at ganun din siya sa akin.
Kami kasi ni Loki, kagabi lamang nagkakilala. Tiyak na naglalaro lang siya.
Itinuloy niya ang kanyang nais. Naglapat ang aming mga labi.
Paano ko ba idedescribe ang nangyari. Napapikit ako, nakaramdam ako ng mataas na boltahe ng kuryente, kumanta
ang mga anghel sa langit, blah blah blah.
'Alipin' nga lang talaga ang turing niya sa akin, at ang halik na ibinigay niya sa akin ay isa lamang katuwaan..
Umiling-iling ako. Bakit pa nga ba ako nag-iisip ng kung anu-ano? Eh ako nga mismo hindi sigurado kung ano ba siya
para sa akin.
Makatulog na nga!
3rd Night:
Fenrir's POV:
Ang pangalan ko ay Fenrir. Hindi ako bampira. Isa akong taong lobo. Nag-iisa na lamang ako sa buong mundo.
Naubos ang aming lahi dahil natalo kami sa isang digmaan laban sa mga bampira.
Wala naman akong galit kahit kanino. Kasi wala naman akong pakialam. Hindi ako sumali sa digmaan eh. Kung
namatay man silang mga kalahi ko, sarili na nilang kagustuhan yun hindi ba?
Basta ako, kumportable akong namumuhay ngayon. Kinupkop ako ni Ymir nang matapos ang digmaan. Si Ymir ang
pinuno ng lahat ng mga bampira. Siya kasi ang pinakaunang bampira na nabuhay sa mundo.
Binigyan niya ako ng kanyang dugo, na sumisimbulo sa akin bilang isa sa kanyang walong anak. Kaming walo ang
pinakamalakas na nilalang sunod kay Ymir.
Sa kasalukuyan ay pito na lamang kami ngayon na nandirito sa aming tirahan na tinatawag na Asgard.
Nawawala ang bunso naming kapatid tatlumpu't dalawang taon na rin ang nagdaan.
Paborito siya ni Ymir. Paborito ko din siya. Katunayan ay paborito siya ng lahat maliban sa dalawang hunghang kong
mga kapatid na makikita ko na naman maya maya. Kaya't di ko sukat akalain na isang araw ay lilisanin niya ang
Asgard.
Sa pagkawala ng bunso kong kapatid, nagdamdam nang husto si Ymir; hanggang sa pinili na lamang niyang
mahimlay. Magpahanggang ngayon ay hindi pa siya gumigising. Wala ring nakakaalam kung kailan muling didilat ang
kanyang mga mata.
Sapagkat nakahimlay si Ymir, walang tagapamagitan sa aming magkakapatid. Syempre, dahil iba ang
pinanggalingan kong lahi, madalas akong pag-initan.
Nitong nagdaang gabi lamang ay may nasagap na sabi-sabi ang mga alaga kong lobo.
Mayroon daw nagtatatakbong bampira na putol ang dalawang kamay at parang baliw na isinisigaw na si Loki daw
ang gumawa noon sa kanya!
Sa nagdaang dalawang taon, usap-usapan na nga ang pamamaslang sa lahing bampira. At marami ang nababahala
sa tumataas na bilang ng mga napapaslang.
Umismid ako sa pinakakinaiinisan kong kapatid. Heimdall ang pangalan niya. "Tanga! Tinitingnan ko nga ang
dinadaanan ko kaya hindi ko napansing nandiyan ka pala!"
"Dun kayo mag-away sa labas wag dito!" bulyaw sa amin ng panganay naming kapatid na si Odin. Nasa likod niya
ang pangalawang si Thor. Palagi silang magkasama at halos hindi mo makikita ang isa na wala ang isa.
Nagsalubong man ang kilay niya, wala pa din siyang nagawa kundi ang umalis.
"May balitang kumakalat na Loki daw ang pangalan ng nilalang na pumapaslang ng mga bampira!"
Tumango ako.
"--Ang gusto mo ay tulungan ka naming maibalik dito si Loki tama ba?" diretsahang tanong ni Odin. Alam
naman niyang yun ang balak ko matagal na.
"Pasensya na! Gusto din naming bumalik siya dito, pero hayaan na lang natin na tadhana ang gumawa nun!"
Mga tamad!
Bahala kayo..
Lumabas ako at nagtungo sa Bifrost. Iyon ang tanging tulay na nagdudugtog sa Asgard at sa mundo ng mga tao.
Nakalubog sa ilalim ng karagatan ang pinakatulay ng Bifrost na gawa sa yelo; kaya naman kapag tumawid ka dito,
pihadong mababasa ng tubig ang paa mo.
Sa oras naman na lumagpas ka sa tulay at aksidenteng nahulog sa karagatan, kakainin ka ng higanteng isda na
tatlumpung talampakan ang laki.
Cool di'ba?
Pagtawid ko, binuksan ko kaagad ang tarangkahan patungo sa mundo ng mga tao.
****
Heimdall's POV:
May araw din sa akin yung mayabang na Odin na yun! Lalung lalo na yung hinayupak na Fenrir na yun!
Lumapit sa akin si Balder. Partners in crime kami ng ugok na yan. Parang sina Odin at Thor!
Si Tyr ang pang-lima sa aming magkakapatid. Eksperto siya sa digmaan. Katumbas niya ang isandaang libong
kawal! Oha!
Nagtawanan kame.
****
Serenity's POV:
Kung kahapon ay wala akong gana, ngayon naman ay wala akong kabuhay-buhay.
Simula nang dumating sa buhay ko si Loki, (two nights ago) Para nga akong namatay.
Sana ay hindi na siya magpakita sa akin mamayang gabi at sa mga susunod pang gabi nang hindi ako
nagkakaganito!
Braaaag!
"Nababaliw ka pa rin ba bez?" si Coleen. Dismiss na ang last period kaya nandito na naman siya.
Haha. Matagal na niya akong kinukulit na mag-artista daw ako. Yayaman daw kasi siya kapag naging talent manager
ko siya.
Ewan ko ba dito kay Coleen! Hindi naman naghihirap ang pamilya niya pero sobra ang pagka-obsess niya sa pera.
Pera daw kasi ang nagpapaikot sa mundo!
"Kapag nag-artista ka, mas mahal kong maibebenta itong mga pictures mo."
Nanlaki ang mga mata ko sa hawak niyang mga photopapers. Stolen shots ko lahat iyon!
Nang hahablutin ko ang mga pictures, umiwas siya. Sa sobrang bwelo ko, plakda ang mukha ko sa desk na nasa
kanan.
"May chika pala ako sayo! Sigurado akong matutuwa ka!" biglang sabi ni Coleen na para bang walang nangyari
sakin.
Natanga ako sabay namula. "Naku! NAKAKAHIYAAA! Iniisip niya siguro na nagpapapansin ako kaya
binebenta mo mga pictures kooo!" nagmaktol ako na parang bata.
"Oo! Yun nga ang iniisip niya!" lalo akong naiyak sa sinabing yan ni Coleen.
"Malapit na ang JS Prom, bakit hindi mo siya yayaing maging date mo?" nagmove on na naman si Coleen sa
next topic na para talagang hindi importante ang opinyon ko. Pero sanay na ako. Kahit binubully niya ako, siya lang
talaga ang gusto kong bestfriend sa buong mundo!
"Sinabi ko na sa kanya na plano mo siyang yayaing maging date mo." kampante niyang sagot habang
binubuksan ang wallet ko.
Napanganga ako sa sinabi niya sabay iyak na naman. "Anong kasalanan kooo?! Bakit moko pinagkakanulo
bezyyyy huhuhu.."
Walang kaemo-emosyon niya akong tiningnan. "Hwoy, ikaw na nga itong nilalakad sa crush mo.. May bayad yun
syempre!" nilimas muna niya ang wallet ko bago ibinalik sa akin.
Paglabas namin ng classroom, nandoon at nag-aabang si Rain. Magkaklase sila ni Coleen at lagi silang magkalaban
sa unang pwesto. Bukod dun, athletic pa siya!
"Una na ko." sabi ni Coleen sabay lakad. Hinawakan ko ang kamay niya ngunit binawi niya at nagtuloy tuloy umalis.
Ngumiti siya. Ang ganda ng mga ngipin niya! Yieee.. "Ayos lang."
"Pasensya na kung hinarass ka ni Coleen para bumili ng pictures ko! Pero.. Pero hindi ako nagpapapansin!"
"Ah ganun ba.." saglit siyang natigilan ngunit nagpatuloy. "Nga pala, sinabi sa akin ni Coleen na yayayain mo
akong date sa JS."
"Sorry pero may ibang babae kasi akong gustong ayain.. Sana hindi sumama ang loob mo."
BOOM! Busted!
Nasaktan ako. Sobra! Pero hindi ko ipinakita. "A-ayos lang! Paano, mauna na ako!"
Nilagpasan ko siya. Tahimik akong lumabas ng building. Pagdating ko sa may gate, hindi ko inaasahan ang taong
nakita ko. Walang iba kundi si Loki!
Lumapit siya sa akin at hinaplos haplos an buhok ko. "Kawawa ka naman. Mukhang tinanggihan ka ng isang
lalake."
Pero teka, mas mahalaga itong itatanong ko. "Anong ginagawa mo dito? Hindi pa gabi ah?"
Pagkurap ni Loki, nagbago ang kulay ng mga mata niya. Ang galing!
Pumikit siya. Pagdilat ay iba na naman. "Nagbabago ang kulay ng mata ko, depende sa nararamdaman ko."
"Ahh.. Oh bakit ka NGA nandito?" ulit kong tanong. "Nakauniporme ka pa eh hindi ka naman totoong
estudyante."
Ngumiti siya. Maganda rin ang mga ngipin niya katulad kay Rain.
"Gusto lang kitang makita nang hindi gabi. Tama nga ako.. Mas maganda ka ngayon."
Lumingon ako at nakita ko si Rain. Hindi maipinta ang mukha niya, na siyang ipinagtataka ko.
4th Night:
Loki's POV:
Nandito ang lalaking tumanggi kanina sa imbitasyon ni Serenity para s isang pasayaw. Narinig ko ang usapan nila
kanina. Hindi ko yun sadya. Lubhang matalas lang talaga ang aking pandinig.
Mabalik tayo. Tinatanong niya kung sino ako. Ako? Ako lang naman si--
"Ganun ba?" lumingon siya sa akin. "Ngayon lang kita nakita dito ah?"
"Ikaw rin ngayon lang kita nakita." sagot ko naman. Sarkastiko at mabigat ang tinging ipinupukol niya sakin kahit
wala namang malinaw na rason.
Hinawakan ko ang kamay ni Serenity. Nagulat siya pero baliwala sakin. "Paano, mauna na kami." sabi ko.
Nakahakbang na kami palayo nang magsalita yung lalake. "Ah Serenity.. Yung tungkol sa JS--"
"Salamat. Wala talaga akong makakapartner dun kasi walang nag-aaya sa akin. Aasahan kita sa prom ha?"
Kumalas ako sa pagkakahawak sa kanyang kamay. Kitang kita ko na may bahagi ng aking braso na umuusok.
Tumingin ako sa kanyang braso. Kaya naman pala. May suot siyang pulseras na gawa sa pilak!
Kahinaan ng mga kagaya ko ang pilak. Iwinagayway ko ang aking braso hanggang sa napawi ang usok.
Hinubad niya ang kanyang pulseras at ibinulsa. Bakit pa? Gusto ba niyang muli kong hawakan ang kamay niya?
Sige. Hinawakan kong muli ang kanyang kamay na ang mga daliri ko ay nasa pagitan ng kanyang mga daliri.
"--Alam mo Loki, pagkatapos ng mga nangyari kagabi, ipinagdarasal ko na sana ay hindi ka na magpakita
ulit."
"Bakit?"
"--Kapag kasi kasama kita, wala akong naiisip na kahit ano. Pero kapag umalis ka na, nahihirapan ako
kakaisip-- magulo."
****
Serenity's POV:
Alam ko kung ano. Ngayon lang ako naging sigurado nang muli siyang magpakita. Pero paano ko sasabihin? Paano
kung ako lang ang nakakaramdam nito?
"Sa tingin ko kasi-- mahal na kita." hindi pa ako nakakaramdam ng ganitong courage sa buong buhay ko.
Kung kay Rain, hiyang hiya ako noon na ipahayag ang aking paghanga, bakit sa harap ni Loki ay nakaya kong
sabihing mahal ko na yata siya?
Hintay! Kailangan kong ipaliwanag ang sinabi ko! Mahirap na-- "Ahm.. Inaamin kong natatakot ako sayo nung
una. Pero nawala yung takot na yun na parang bula-- pagkatapos ng halik natin kagabi-- wag kang mag-alala,
wala akong inaasahan mula sayo. Naiintindihan ko naman kung alipin talaga ang turing mo sakin."
Hay hindi ko na naipreno ang bibig ko. Napaiyak ako sa sobrang kaba ko sa paghihintay kung ano ang isasagot niya.
Siguro hahagulgol ako kapag nalaman kong may ibang babae siyang minamahal.
****
Loki's POV:
Totoo ang mga sinabi ko sa kanya. Ang puso ng bampira ay iisa lang ang pagmamahal na itatangi habambuhay. At
naramdaman ko iyon sa babaeng nasa harap ko ngayon. Si Serenity lang. Wala nang iba.
Wala ito sa aking plano. Ngunit tadhana na ang nagbigay sa akin nito. Iyon nga lang, sa maling panahon; sa
kasagsagan pa ng paghahanap ko sa nawawalang bahagi ng aking pagkatao.
Mananahimik na lamang sana ako at itatago sa puso ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Subalit nagtapat siya
sa akin. Hindi ko kayang pahirapan ang kanyang kalooban. Lubhang mahina siya upang magdusa sa bilanggong
damdamin.
Sa aking kalagayan ngayon bilang isang bampira na mamamaslang, pipilitin kong itago siya. Kakayanin kong ingatan
siya gamit ang aking totoong lakas.
Hinawakan ko sa baba si Serenity at bahagyang iniangat ang kanyang mukha. "Tumingin ka sakin Serenity.
Posibleng malagay sa panganib ang buhay mo dahil sa akin. Ipinapangako kong gagawin ko ang lahat para
maprotektahan kita--"
Tinitigan niya ako ng kanyang mga inosenteng mata. "Basta nandiyan ka, alam kong wala akong dapat katakutan.
Wala nang mas nakakatakot pa kaysa sayo e--"
Saglit akong nakadama ng kakaibang presensya. Ito na nga ba ang sinasabi kong panganib!
Muli kong itinuon ang atensyon ko sa kanya. Ipinikit ko ang kanyang mga mata. Wala pang isang segundo ay wala
na siyang malay.
Nang mga panahong ito kasi ay nasa paahan na kami ng gubat malapit sa mansion nila Serenity. Kumagat na rin
ang dilim kaya't marami na ang naglalabasang panggabing nilalang.
Isinandal ko ang natutulog na si Serenity sa isang matandang puno ng mangga. Habang buhay ako, walang
makakalapit sa puno na iyon, lalung lalo na sa pinakamamahal ko.
Nagbago ang kulay ng mga mata ko. Kakulay ng mga mata ng sa pusa. "Magpakita ka nang pangahas ka!" hamon
ko sa kung sino mang nilalang ang nagtatago sa malapit.
Tila walang balak umatake ang nilalang na iyon dahil maayos itong nagpakita. Bumaba ito mula sa itaas ng puno.
Anyong tao ito at nakasuot ng kaswal na pananamit. Subalit may kakaiba sa kanya--
"--Hindi ka tao, at mahina ang amoy ng isang bampira sa iyo. Anong uri ka ng nilalang?"
Fenrir?
****
Fenrir's POV:
Naglaho sa kinatatayuan si Loki. Pagkatapos ay biglang nasa likod ko na siya. Ang mga daliri niyang may matutulis
na kuko ay ramdam ko sa aking leeg.
"Hindi kita kilala kung kaya't habang maaga ay sabihin mo na ang pakay mo." narinig kong sinabi niya buhat sa
aking likuran.
Bumuntong hininga ako. "Loki.. Kung hindi mo na rin alam, ikaw ang bunso kung kaya't ikaw ang
pinakamahina sa ating lahat Nunca na matatakot mo ako. At lalong hindi mo ako mapapatay."
Ewan ko kung totoong mahina siya, pero kampante kong inialis ang kanyang kamay at umikot paharap sa kanya.
"Buweno, paano ka nabubuhay kung wala kang maalala? May tumutulong ba sa'yo?"
Ayaw magsalita ng kapatid ko. Halatang wala pa siyang tiwala sa akin. O maaaring iniisip niya na kalaban talaga ako.
Nag-iba ang aura niya. Balak niyang itaas ang porsyento ng kanyang lakas.
Itinaas ko ang aking mga kamay at sinapo ang buo niyang mukha. Natigilan siya. "Wag kang padalos-dalos Loki!
Kung ayaw mong sagutin ang tanong ko, malalaman ko rin yun sa ibang paraan. Ito lang ang tatandaan mo.
Hindi ako ang kalaban mo."
Ibinaba ko ang kamay ko at naghanda na upang lisanin ang lugar. May naalala pala ako. "Mag ingat ka sa
bampirang ang pangalan ay Tyr. Brutal siya at maraming ulit ang lakas kaysa sa iyo."
Para sa ikatatahimik ng bunso kong kapatid, sasagutin ko na kahit nakakasawang sabihin. "Isa akong taong lobo
na may dugong bampira. Tuwing kabilugan ng buwan ay nagpapalit ako ng anyo."
Kaagad akong lumisan. Hanggat hindi pa malinaw ang lahat, mas dapat kong unahin ang pag iimbestiga.
****
Serenity's POV:
Isang minuto, nasa paahan kami ng gubat. Pagkurap ko, heto na ako at nakatayong mag-isa sa pinto ng aming
mansyon. Ang weird!
"Senyorita! Ginabi ka yata?" sinalubong ako ni yaya Mameng pagkapasok na pagkapasok ko.
Sa buong gabi ay walang laman ang isip ko kundi si Loki. Sana ay maayos man lang siyang nagpaalam bago
umalis..
Nagbalik-tanaw nang kusa ang isipan ko. Sa totoo lang ay pang-ilang ulit na to!
Parang nakatigil lang ako sa iisang memorya.. Nung sinabi ni Loki na mahal din niya ako!
Nangiti ako. Kinilig. Pero.. Wala siya. Walang kasiguraduhan kung kailan ulit siya magpapakita.
Ay teka, alam ko palang tuwing gabi lang siya nagpapakita. At tatlong sunod na dilim ko na siyang nakikita.
Nanlumo pa rin ako. Nabubuhay kasi kami sa magkaibang oras. Ako sa araw. Siya sa gabi. Dahil dun, limitado lang
ang oras naming nagkakasama.
Loki?
Waaaa!
Napabalikwas ako ng bangon. Muntik pa akong mahulog sa kama. Sinampal sampal ko ang sarili ko.
Natigilan ako nang makita ang isang piraso ng pulang rosas sa may paahan ko.
Hinablot ko ang rosas at hinanapan ko ito ng vase. Inilagay ko siya sa bedside table para lagi kong makikita.
Magdamag akong tulala sa harap ng rosas hanggang sa pumasok sa silid si yaya Mameng ko at ibinalita ang isang
hindi inaasahang panyayari.
5th Night:
Serenity's POV:
Pumanaw ang auntie Kristanna kagabi. Nakakatandang pinsan siya ng aking mama.
Limampu't limang taong gulang na si auntie ngunit dalaga pa rin ito at hindi binalak mag-asawa kahit kailan.
Tumanda siyang nag-iisa; pumanaw nang nag-iisa.
Ang sabi ay natural ang kanyang pagpanaw na sanhi ng depresyon. Naawa ako sa kanya kaya't agad akong
nagtungo sa kanyang tahanan.
Nakaburol ang kanyang bangkay sa kapilyang ipinatayo niya mismo noonsa loob ng lupaing pag-aari niya.
Pinagmasdan ko ang kanyang katawang walang buhay na nakahimlay sa mga rosas sa loob ng isang puting
kabaong.
Payapa ang kanyang mukha bagama't bakas ang kanyang edad.
Naluha ako para sa kanya. Sa mga pasakit na ni minsan ay hindi niya naibahagi kanino man.
Bakit, auntie Kristanna? Bakit pinili mo ang pag-iisa?
Tumuloy ako sa kanyang tahanan. Mistulang nagdadalamhati rin para sa kanya ang bahay na kumupkop sa kanya
sa loob ng maraming taong pag-iisa. Malamlam at mapanglaw ang liwanag sa kabahayan. Makakapal ang mga
kurtina kung kaya't may mga bahaging hindi naaabutan ng sikat ng araw.
Pinaghiwalay ko ang isang pares na kurtina. Sumungaw si haring araw.
Ngunit hindi pa rin iyon sapat para pawiin ang kalungkutan sa lugar na ito.
Sa silid ni auntie Kristanna mas higit kong nadama ang kanyang pighati. Di hamak na ito ang pinakamadilim na silid
sa lahat. Binuksan ko ang bintana. Hinawi ko ang mga kurtina. Pumasok ang banayad na hangin. Umupo ako sa
kama at dinama ang satin na tela sa aking mga daliri.
Saka ko napansin ang tila isang aklat na nakaipit sa isa sa mga unan ng kama. Kinuha ko iyon at sinuri.
Isang talaarawan iyon.
Nagsusulat sa talaarawan si Auntie?
Binuklat ko ang unang pahina at sinimulang basahin iyon.
Kristanna's POV [Diary Entry]:
Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Bisperas ng pasko. Nakilala ko si Dante. Disisyete anyos ako at siya ay
disiotso. Sa idinaos na piging kami nagkadaupang-palad. Anak siya ng kumpare ng aking ama. Hindi ko
maipaliwanag kung bakit pero parang nahulog agad ang loob ko para sa kanya. Bakit nga ba hindi? Siya ay gwapo at
napakakisig, bukod pa doon, isa siyang maginoo, edukado, mabait, at higit sa lahat ay hindi mayabang.
Nang magtama ang aming paningin, lumapit siya sa akin at inaya akong sumayaw.
Hay.. Parang tumigil ang mundo sa pagitan naming dalawa. Ang bawat segundo ay katumbas ng walang hanggan.
Ngunit syempre, natapos din ang gabi. Sana ay muli kaming magkita..
****
Serenity's POV:
Hindi arawan ang petsa ng pagtatala ni Auntie Kristanna sa kanyang talaarawan. Nakasulat lamang ang mga
importanteng nangyari sa kanyang buhay--partikular na umiikot ang mga tala sa binatang nagngangalang Dante..
Kristanna's POV [Diary Entry]:
Nasundan pa ang pagkikita namin ni Dante. Kanina, araw ng kapaskuhan ay naglakas-loob siyang dalawin ako sa
aming bahay. Malugod siyang tinanggap ng aking mga magulang sapagkat kilala siya ng mga ito.
Nang mapag-isa kami, marami kaming napag-usapan tungkol sa aming buhay.
Marami pa akong nalaman tungkol sa kanya. Nag-iisang anak lang siya. Ang kanyang ina ay pumanaw sa
panganganak sa kanya. Imbes na muling mag-asawa ay iniukol na lamang ng ama niya ang oras sa pag-aaruga sa
kanya.
May napansin din ako kay Dante. Sa kabila ng kanyang sigla, hindi ko maiwasang mapaisip kung mayroon ba siyang
sakit na dinaramdam.
Maputla kasi siya na hindi ko napansin kagabi.
Inaya ko siya sa aming hardin upang mamasdan niya ang mga tanim kong iba't ibang kulay na rosas. Paborito niya
ang kulay pula.
Humingi siya ng pahintulot upang pumitas ng isa. Pumayag naman ako.
Isinabit niya iyon sa likod ng aking tainga. Abut abot ang kilig na naramdaman ko nang mga panahong iyon.
Kahit kailan, habang nabubuhay ako ay hindi ko kakalimutan ang araw na ito bukod pa sa pagsilang ni Jesus.
****
Serenity's POV:
Nakaipit sa pahinang iyon ang ilang pirasong talulot ng natuyong rosas. Kulay tsokolate na ang dating pulang kulay
nito. Maselan na iyon dahil sa tagal na ng panahong nakaipit nito sa talaarawan.
Kristanna's POV [Diary Entry]:
Ito ang araw na naghayag sa akin ng pagtangi si Dante. Nagpapasalamat ako sa Diyos at dumating na ang araw na
hinihintay kong sabihin niyang iniibig niya ako.
Inamin ko rin sa kanya na iniibig ko rin siya.
Sasaglit lang na panahon at kakakilala pa lamang namin. Ngunit papapigil ba ang tibok ng mga pusong sadyang
pinagpares ng tadhana?
Nagyakap kami. Damang dama ko ang tibok ng kanyang puso at ang init ng kanyang pagmamahal. Matutuwa ang
aking mga magulang kapag nalaman nilang kami ay nag-iibigan!
Di iilang beses kong narinig mula mismo sa kanila ang mga pahayag na botong boto sila kay Dante upang maging
kasintahan ko. At kung papalarin daw ay sana siya na nga ay maging aking asawa!
Salamat sa panginoong lumikha at ibinigay niya ang lahat ng kaligayahang tinatamasa ko ngayon. Perpekto na ang
aking buhay, wala na akong mahihiling pang iba.
****
Serenity's POV:
Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko, hindi inaasahang mapaluha ako. Ang auntie Kristanna ko ay minsan palang
nakaranas ng walang kapantay na kaligayahan. Subalit bakit nauwi ang lahat sa kalungkutan?
Sino ang nag-alis ng kaligayahan sa auntie ko?
Si Dante, nasaan si Dante? Iniwan ba niya si Auntie? Pinagpalit sa iba?
Binuklat ko sa susunod na pahina ang talaarawan-Kristanna's POV [Diary Entry]:
Di na rin nagtagal ay ipinagkasundo na kami ng aming mga magulang. Kami ni Dante ay nakatakdang magsama
habambuhay bilang mag-asawa.
Ito na sana ang isa sa mga pinakamasayang araw sa buhay ko.
Kung hindi lamang nangyari ang isang pangyayaring hindi inaasahan.
Aksidente kong nakitang sumuka ng dugo si Dante habang patungo siya sa kasilyas ng aming bahay.
"May sakit ka?" tanong ko.
Umiling siya.
Nag-aalala na ako nang husto.
Nawalan siya ng malay sa harapan ko!
Ngayon ay isinugod siya sa hospital. O Diyos ko, sana ay walang masamang mangyari kay Dante..
****
Serenity's POV:
Nalungkot ako sa nangyari kay Dante. Sana ay ayos lamang siya at wala sanang nangyaring masama sa kanya!
Binuklat ko ang sumunod na pahina. May nakalagay na petsa subalit isang salita lang ang nakalagay. Ganun din sa
mga sumunod na ilan pang pahina.
Sa palagay ko ay gustong magsulat ni Auntie nang mga panahong iyon subalit hindi niya magawa. May nangyari
kaya?
Ang sunod na pahina ay may tala na. Pero batid ko ang mga bakas ng luha na humalo sa tinta ng panulat niya..
6th Night:
Loki's POV:
Laman pa rin ng aking isip ang mga sinabi ng nilalang na nagngangalang Fenrir.
Bunso ang tawag niya sa akin. Magkapatid kami kung ganun? Pero bakit sa tingin ko ay hindi niya kilala ang aking
ama?
Kasing nakakasawa ng pagpaslang ko sa mga bampirang wala namang direktang kasalanan sa akin.
Tao si Serenity.
Ganoon pa rin ba ang mararamdaman kong pag-ibig sa kanya kapag nag-iba na ang pisikal niyang anyo?
Nailing ako.
Hindi masaya ang buhay bampira. Lahat kami ay madilim ang daang tinatahak, walang puso at walang kaluluwa ang
umiiral sa amin.
****
Serenity's POV:
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sobrang bigat pa ng aking pakiramdam. Humarap ako sa gilid.
Nakahiga siya sa aking tabi, may hawak na pulang rosas at mataman akong pinagmamasdan.
Ipinatong ko ang aking pisngi sa likod ng aking palad. "Kanina ka pa ba nandito?" tanong ko.
Pinutol niya ang mahabang tangkay ng tangan niyang rosas at ang bulaklak ay inipit niya sa likod ng aking tainga.
Nalungkot ako..
Natakot ako..
Wag mo akong iiwan Loki. Wag kang mamamatay kagaya ni Dante. Kasi..
Hahanap-hanapin kita..
Inangat niya ang aking mukha. Pinahid ang aking mga luha.
Sa kabila ng kadiliman ng aming paligid, malinaw kong naaninag ang kanyang mukha. Ang kanyang mga mata.
Tumitig ako sa kanyang mga mata. Nakakahipnotismo ang mga iyon. Nakakawala ng lahat ng alalahanin.
Ang mga daliri ko ay dumapo sa kanyang malambot na mga labi. Dinama ko iyon.
Ang pakiramdam na muling naglapat ang aming mga labi ay walang katulad. Mas taos sa puso kaysa nung una.
Wala na si Loki.
****
Fenrir's POV:
Kagabi ay nasumpungan ko siyang tumungo sa loob ng isang mansion na nasa gitna ng kagubatan.
Ikinagulat ko ang malaya niyang pagpasok mula sa isang bukas na pinto ng isa sa mga veranda.
Kaya't heto, nasa tapat ako ng tarangkahan ng mansyong madalas puntahan ni Loki.
Di katulad ng mga bampira, malaya akong nakakagala sa ilalim ng sikat ng araw. Pag-aari ko ang dalawampu't apat
na oras ng aking isang araw.
Lumabas ang babae na aking sadya. Napagtanto ko kung bakit interesado sa kanya si Loki.
Una sa lahat, mabango siya. Humahalimuyak. Idagdag pa ang kanyang nakabibighaning ganda. Mahinhin siyang
kumilos at mukhang di makabasag pinggan.
Nagtama ang aming paningin. Lumapit siya sa akin. "May kailangan ka ba?"
"Naliligaw kasi ako. Mali ang nadaanan ko. Imbes na patungong kalsada ay lalo pa akong napasubo sa loob
ng kagubatan.
Ngumiti siya. Maganda ang kanyang ngiti. Kasing ganda ng sikat ng araw sa umaga.
"Mabuti na lamang at nagawi ka dito. Ito lang ang bahay sa pusod ng kagubatan. At--kabisado ko ang daan
palabas. Papasok ako sa eskwela ngayon kaya't pupunta ako sa bayan."
****
Serenity's POV:
Magaan ang loob ko sa estrangherong kasabay ko patungong bayan. Mas gusto ko talagang maglakad kapag
papasok ng eskwela; at ngayon lang ang unang beses na may kasabay ako.
May hitsura ang estranghero, mas matanda siya ng bahagya kaysa kay Loki, pero bahagya lang. Batam-bata siya at
puno ng buhay. Maganda ang kanyang tindig at matipuno. Nakasuot siya ng uniporme ng ibang eskwelahan at di ko
matukoy kung saan.
"Ano mo si Loki?"
Natigilan ako sa tanong niya. Kilala ng taong ito si Loki? Alam kaya niyang bampira si Loki?
"B-bakit?"
"Nagkakamali ka. Pero hindi na mahalaga yun. Ang importante ay sagutin mo ang mga tanong ko."
Syempre hindi ko maaaring ibigay kaagad sa kanya ang tiwala ko. Paano kung kalaban pala siya ni Loki na
mapanlinlang?
Hinarapan niya ako. Kinakabahan na tuloy ako. "Nawawala anga alaala ni Loki at tinutuklas ko ang misteryo sa
likod nun. Kailangan ko ng tulong mo. Ikaw lang ang may kakayahang makalapit sa kanyang damdamin."
Tinitigan ko siya sa mata. Nakita ko naman doon ang kanyang kaseryosohan at sinseridad.
Umalis sa harap ko si Fenrir. Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Magtanung tanong ka sa kanya. Ng tungkol sa
kanyang pamilya ngayon. Aasahan kita."
****
Tyr's POV:
Nakarating sa aking kaalaman ang kumakalat na balita tungkol sa mamamaslang na ang pangalan ay Loki.
Kahit pa delikado para sa akin ang direktang sikat ng araw, di ko alintana iyon. Mainam na gising ako kahit kailan.
Upang maprotektahan ang aking sarili mula sa sikat ng araw, binabalot ko ang aking katawan sa makapal na benda
at pagkatapos ay nagsusuot ako ng itim na roba.
Iyon bang tipong kahit nasa gitna ako ng lansangan na puno ng tao ay walang nakakapansin sa akin.
Matagal na akong lumalakad sa mundong ibabaw na iisa lang ang tungkulin-- Ang magbaba ng hatol sa mga
nagkasalang bampira.
At si Loki-- kahit kapatid ko pa siya ay hindi ko siya patatawarin sa kanyang walang habas na pamamaslang sa
aming lahi.
Pagkatapos ay bigla na lamang siyang nawala na parang bula. Namighati kami, lalung lalo na si Ama.
Bumalik siya paglipas ng tatlong dekada. Ngunit hindi na iyon ang Loki na aming kapatid.
Walang nakakaalam na siya ang hinirang ni ama. Siya ang pinagkalooban ng natatanging puso ng panginoon ng
mga bampira.
Malaki pa ang potensyal niya at habang hindi pa niya iyon natutuklasan, mainam na ngayon pa lamang ay kumilos na
ako.
Lubhang mapanganib kung magising ang tunay na kapangyarihan ng minamahal naming bunsong kapatid.
7th Night
Serenity's POV:
Nasa isang silid ako at nakatunghay sa binatang natutulog sa kama. May kakatwa sa paligid ko. Nasusunog ang
unahang pader pati kisame!
Dumulog ako sa kama upang gisingin ang natutulog-- anong ginagawa niya dito?!
"Dante.." dinig ko mula sa kanan ko. May isang batang lalaki na nakapantulog ang lumapit sa amin.
"Makinig ka Serenity, mahirap ipaliwanag dahil sa kakulangan sa oras.. Pero ikaw lang ang nakatawid sa
espasyong ito, at matagal na akong naghihintay.."
Nagpatuloy ang batang lalaki. "Isa itong panaginip. Pilitin mo'ng magising. Kapag nabigo ka, posibleng
ikamatay mo ito. At si Loki, hindi na niya muling maibabalik ang kanyang nawalang alaala-- kailangan mong
maipahayag sa kanya ang sinabi kong pangalan!"
"Paano ako gigising?" natatakot na ako.. Ni hindi ko nga alam kung paano ako napadpad sa sitwasyong ito! Diyos
ko! Tulungan mo po ako! Pakiusap..
Lumalakas ang apoy. Malapit na iyon sa kama. Nagbabagsakan na ang mga natupok na kahoy mula sa kisame.
Pumikit ako nang mariin. Kailangang magconcentrate! Ayokong matapos lang dito ang lahat!
Gusto ko pang magpatuloy! Gusto ko pang mabuhay kapiling ang lalaking mahal ko..
Si Loki..
Sa aking desperasyon, sumigaw ako hanggang halos mapatid na ang mga litid ko. Sinigaw ko ang pangalan niya.
****
Loki's POV:
May masamang nangyayari kay Serenity pagkakita ko sa kanya kani-kanina lamang. Umuungol siya sa kanyang
pagtulog. Binabangungot yata siya. Sinubukan ko siyang gisingin ngunit kataka-takang bigo ako.
Serenity, gumising ka! Tinapik tapik ko ang pisngi niya. Niyugyog ko ang kanyang mga balikat.
Wala pa rin!
Pinakiramdaman ko ang pintig ng kanyang puso. Mahinang mahina iyon at halos hindi ko na marinig.
Bumuka ang bibig ni Serenity, waring gusto niyang sumigaw ngunit walang lumalabas na boses.
Pinahaba ko ang aking pangil at kinagat ang sulok ng aking labi hanggang sa magdugo iyon. Itinapat ko ang aking
bibig sa kanyang bibig at pinatulo ang aking dugo.
Umubo si Serenity.
Sunud-sunod.
Salamat naman..
****
Serenity's POV:
Pagdilat ko ay nasa aking tabi si Loki. May bakas ng dugo sa kanyang labi ngunit nang tingnan ko ay wala na iyong
sugat.
Oo nga pala. Nabilanggo ako kanina sa isang kakaibang bangungot na ngayon ko lamang naranasan.
Sumagi sa akin ang batang lalake na kasama kong naroon sa aking bangungot. Sino siya?
"Dante!"
"--sa aking panaginip, may isang batang lalaki. Ang sabi niya'y banggitin ko sa iyo ang pangalang iyon. Kung
hindi ay hindi mo na daw mahahanap ang nawawala mong alaala.."
****
Loki's POV:
Nagulat ako sa mga ipinahayag ni Serenity ukol sa kanyang panaginip na muntik pa niyang ikapahamak.
"--Sa panaginip ko," pagpapatuloy ni Serenity. "Nasa loob ako ng isang nasusunog na silid--"
May tila kung anung bumundol sa aking dibdib. Hindi ako sigurado kung pangamba iyon o takot. Wala akong ideya.
"--naroroon ka at nakahiga sa kama. Ginigising kita ngunit ayaw mong magising. Biglang may lumapit sa
aking bata at tinawag ka sa pangalang Dante--"
Ako si Dante?
Kailangan kong malaman ang totoo. Itatanong ko sa aking ama kung ako at si Dante ay iisa.
"Loki? Ayos ka lang ba?" si Serenity. Sapo niya ang aking pisngi.
Pagkasabi ko niyon, pumikit na si Serenity. Ngunit sinigurado ko nang hindi na siya muling masasadlak sa isang
bangungot.
"May gusto akong malaman mula sa iyo. Gusto ko'y maging tapat ka sa akin."
"Ano iyon?"
"Si Dante-- sino siya? Bakit may mga taong tinawag ako sa pangalang iyon? Ako ba siya?!"
Natigilan si ama sa mga sinabi ko. Ganunpaman, umaasa akong sasagutin niya ang aking katanungan.
****
Faust's POV:
Inaasahan ko'ng darating din ang araw na ito ngunit hindi sa madaling panahon.
Huminga ako ng malalim. "Oo. Iisa nga kayo ni Dante. Siya ay ang dating ikaw."
Tumitig sa akin ang ininuturing ko pa ring anak. "Bakit wala kang naikwento sa akin tungkol sa nakaraan ko
bilang tao?"
Bakit pa? Ang katawan nga niya ay dating pag-aari ni Dante. Ngunit ibang nilalang na ang ngayo'y nananahan doon.
Makailang ulit kong pinagsisihan ang pagpayag ko na muling buhayin ang aking anak. Nang mga panahon kasing
yaon ay desperado pa ako at hindi ko talaga matanggap ang maagang pagpanaw niya. Padalus dalos ako.
"Ama!"
"Sa tingin mo ba ay importante pa na malaman mo ang tungkol sa nakaraan mo bilang tao? Loki, makinig ka- kahit ano pa ang gawin mo, hinding hindi mo na maibabalik ang dating damdamin mo bilang tao. Doon
nakabatay ang mga nawala mong alaala!"
Sumama bigla ang pakiramdam ko. Tahimik akong tumalikod sa kanya at tinungo ang sarili kong silid. Walang
mabuting ibubunga ang pagbubunton ko ng galit sa kanya. Maaaring maging sanhi pa iyon ng paglayo ng kanyang
loob.
Kailangang pagtiwalaan niya at kilalanin ako bilang nag-iisa niyang ama, hanggang sa huli.
****
Freya's POV:
Ako ang itinuturing na prinsesa sa walong anak ni Ymir. Labintatlong taong gulang ako nang kupkupin ako ng aming
ama.
Subalit hindi lamang ang edad ko ang tumigil kundi pati na rin ang takbo ng aking buhay.
Naririto lamang ako. Hindi ako aalis sa iyong tabi, ama ko.
Wala akong inaksayang panahon at agad kong nilapitan ang batang lalaki na siyang aking ama.
"Maligayang paggising! Maligayang pagbabalik mula sa inyong paglalakbay! Inaalay ko ang aking dugo--"
"Siya nga pala ama, kamusta po ang inyong misyon? Nagtagumpay ka ba?" bulong ko.
Sa aming lahat na magkakapatid, ako lamang ang nakakaalam ng tunay na dahilan kung bakit nahimbing ng
mahabang panahon si ama.
Tinulungan ko siya upang makapaglakbay ang kanyang diwa sa mga panaginip ng kahit na sino. Iyon ang
natatanging kapangyarihan ko bilang prinsesa ng mga bampira.
Pero lubhang napakatagal ng paglalakbay na ginawa ni ama. Nasaid ang kalahati ng aking lakas at may mga
pagkakataong muntik na akong mamatay.
Kaya't importante sa akin na malaman kung may bunga ba ang aming mga sakripisyo at paghihirap.
"Wala sa kalingkingan ng inaasahan nating resulta-- subalit umaasa ako na may nabago ako kahit na kaunti
lamang. Ganun talaga ang buhay. Hindi natin hawak ang mga nakatakdang mangyari." aniya.
Ngumiti ako. Alam kong dismayado pa rin si ama kung kaya't kailangan ko siyang bigyan ng simpatya.
"Nakasisiguro akong ang maliit na bagay na iyon ay magbubunga ng malaki. Parang buto na paglipas ng
maraming taon ay nagiging puno."
Tinapik tapik niya ang aking balikat bago siya tumayo nang tuluyan.
"Ngayong nagbalik na ako, gusto kong makita ang aking mga anak nang magkakasama. Humayo ka Freya.
Ipatawag mo ang bawat isa sa kanila at tayo ay magsama-samang muli. Matagal tagal na ring panahon ang
nakalipas hindi ba?"
Marahan akong tumango. Humalik ako sa likod ng kanyang palad bilang paggalang sa aking dakilang ama.
8th Night:
Serenity's POV:
Kinabukasan ay ang itinakdang libing ni auntie Kristanna. Dumalo ako kasama ang aking mga magulang. Nag-alay
ang aming pamilya ng pamisa para sa mapayapang paglalakbay ng kanyang kaluluwa sa pangunguna ng kura
paroko ng aming bayan.
Nagprosisyon kami tungo sa kanyang huling hantungan; doon sa tabi ng puntod na lagi niyang binibisita.
Gusto kong malaman ang katotohanan tungkol kay Dante pero natatakot naman ako.
Takot akong malaman na ang taong iniibig ko at ang taong iniibig ni Auntie Kristanna ay--
Tinakbo ko ang aking kwarto at kaagad kong binuklat ang talaarawan pagkahawak ko niyon.
****
Nagkamali ako.
Kinagabihan pagkatapos ng kanyang libing, tulala ako sa isang sulok ng aking silid at kusang lumuluha ang aking
mga mata.
Hindi ko matanggap. Kailangang makita kong muli ang puntod ni Dante upang mapaniwala ko ang sarili ko na wala
na talaga siya habambuhay.
Kapag hindi ko gawin iyon ay hindi na ako makakapagpatuloy sa aking buhay. Makukulong ako sa alaala ni Dante.
Pagkagat ng hatinggabi, nakiramdam ako kung tulog na ang lahat. Pasimple akong lumabas ng mansiyon at
tumungo sa simenteryo.
Nagulat ako at hindi maipaliwanag ang nangyari. May kamay na lumitaw mula sa ilalim ng lupa at waring gusto nitong
makaahon.
"Dante?"
"Kristanna.. Nagugutom ako.." iyon ang una niyang sabi kaysa itanong kung ano ang ginagawa niya sa ilalim ng
lupa. Marahil ay nagkamali ang mga doktor. Pansamantala lamang sigurong nawalan ng ulirat si Dante ngunit
naideklara nilang patay na.
Yinapos ako ni Dante. Mahigpit. Saka niya ibinaba ang mukha sa aking leeg. Isa iyong kapangahasan pero hindi ako
tumutol. Gusto ko ang ginagawa niya.
May tila bumaon sa aking leeg at kasunod noon ay namanhid ang buo kong katawan. Nang lumayo siya sa akin,
kitang kita ko ang duguan niyang bibig. Nag-aalab ang nakakatakot niyang mga mata.
Doon ako nakaramdam ng matinding takot. Tumakbo ako palayo sa kanya. Habol-hininga ako hanggang sa makauwi
sa aming mansion. Abut abot ang aking dasal.
Inakala ko na isang panaginip lang ang lahat. Ngunit kinabukasan naroroon ang sugat na ginawad niya sa aking
leeg; maging ang bakas ng sarili kong dugo sa aking blusa ay nagpapatotoo sa mga nangyari.
****
Serenity's POV:
Nanginginig ang aking mga daliri. Ang puso ko na kanina ay nakikipagkarerahan sa pagpintig, ngayon ay para nang
isang namatay na ilog.
Gusto ko nang ihinto ang pagbabasa dahil alam kong ikamamatay ko lalo ang mga susunod ko pang malalaman.
****
Ilang buwan din bago muling nagpakita sa akin si Dante. Hindi na siya ganun kapangahas gaya noong umahon siya
sa lupa. Mahinahon siya ngunit batid ko ang lungkot sa mukha niya.
Katunayan niyan, sikreto lamang ang pagpapakita niyang ito sa akin. Hindi na daw kasi siya maaaring magpakita pa
sa mga taong nakasalamuha niya noon.
Ibang nilalang na si Dante. Magkaganun man, siya pa rin ang nag-iisang itinatangi ng puso ko mula pa nang una
kaming magkita.
Wala akong pakialam kung bakit at paano nangyari yun. Ang mahalaga ay hindi siya nawala.
****
Serenity's POV:
Sumasakit ang puso ko. Ginawa ba ni Loki kay Auntie ang mga ginawa niya sa akin?
****
Nabubuhay kami ni Dante sa magkaibang oras. Ako sa umaga, siya sa gabi. Nahihirapan ako subalit kailangan kong
magsakripisyo para sa aking pag-ibig.
Nakumbinsi ko ang aking ama na gawing isang kapilya ang hardin kung saan ako nagtatanim ng mga rosas.
Nagsinungaling ako sa kanya. Ang sabi ko ay ayoko nang magtanim ng mga rosas dahil nagpapaalala iyon kay
Dante. Sa halip, gusto ko ng isang lugar kung saan ko taimtim na maipagdarasal ang kaluluwa ng mahal ko.
Awang awa sa akin ang aking mga magulang kung kaya't di ako nakadalawang salita at pinagbigyan nila ako sa
aking hiling.
Lingid sa kanila na kailangan ko ng isang lugar kung saan magiging tipanan namin ng bampirang si Dante.
****
Serenity's POV:
Ganun din ako marahil. Ang gusto ko ay para sa akin lamang si Loki..
Malayo ang petsa ng sumunod na tala. Sa tantsa ko ay may limang buwan din.
****
Kristanna's POV [Diary Entry]:
Sabik na ako dahil nakumpleto na ang maliit na kapilyang inaalay ko para kay Dante.
Ito ang unang gabi na dinala ko siya doon. Mangha siya sa napakagandang istruktura ng lugar.
Aalagaan..
At mamahalin habambuhay.
Sa hirap o sa ginhawa.
Sa buhay at kamatayan.
Bago siya umalis, winika niyang gusto niyang maging taong muli. Para sa akin.. Para sa amin.
****
Serenity's POV:
Naiyak na naman ako. Nainggit sa mga nakayang sakripisyo ni auntie para kay Dante. Marami din akong
makakayang gawin para kay Loki!
At yung pag-iisang dibdib.. Gagawin din namin ni Loki yun! Pangako ko yan sa sarili ko!
****
Hindi ko na nakita pang muli si Dante. Diyos ko? Nasaan na siya? Ilang gabi na siyang hindi nagpapakita..
Pero maghihintay ako.. Hihintayin ko siya sa kanyang pagbabalik. Aasa ako hanggat alam kong patuloy pa siyang
nabubuhay.
****
Serenity's POV:
Pagkalipat ko sa pinakahuling pahina ng tala ni Auntie, bumulusok ang tibok ng aking puso.
Pinulot ko ang litrato at panibagong gulat ang sumalubong sa akin. Kasabay ng pagkakita ko sa petsa ng
pinakahuling tala.. Iyon ang petsa ng pangalawang gabi naming pagkikita ni Loki!
****
Bakit ko isinusulat ito? Pagkat nakita ko nang muli ang nag-iisang tao na aking minamahal.
Walang wala siyang pinagbago. Ganun pa rin ang kanyang edad at anyo.
Nasasaktan ako sapagkat hindi na niya ako maalala. Hindi na niya ako makilala.
Dante..
****
Serenity's POV:
Bumuntong hininga ako. Nagkitang muli si Loki at auntie Kristanna subalit hindi na siya nito nakilala.
Hindi na ba ako mamahalin ni Loki kung kumulubot ang balat ko at pumuti na ang mga buhok ko?
Wala pa akong nakikitang kahit na isang larawan ni auntie Kristanna noong dalaga pa ito.
Totoo ding karamihan sa aming mga kamag-anak ang nagsasabing magkamukha kami ni auntie.
Pero wala akong ideya na ganito kalaki ang aming pagkakamukha. Mistulang parang ako mismo ang nasa litrato na
iyon. Ang kaibahan nga lang, kulot ang buhok ni aunti na hanggang balikat nga lang at ang suot niya ay makaluma.
Katabi ni auntie Kristanna sa larawan ay walang iba kundi si Dante.
Ano ang gagawin ko kung sakaling bumalik ang alaala ni Loki bilang si Dante noon?
Ako, na kailan lamang niya nakilala sa kasagsagan ng paghahanap niya ng kanyang mga nawalang memorya?
Paano nga ba kung mas pinili niya ang auntie Kristanna ko?
Ayoko..
Aminado akong mahirap ang makipagkumpetensya kay auntie Kristanna. Subalit kailangan ko namang ipaglaban
ang nararamdaman ko.
Gusto kong lumigaya. At may karapatan akong maging maligaya. Ayokong maging biktima ng tadhana kagaya ni
auntie at ni Dante.
Sisikapin kong maging tama ang lahat sa panahong ito. Ako ang gagawa ng tadhana ko..
Namin ni Loki.
9th Night:
Loki's POV:
Napapaligiran ako ng nagliliyab na damuhan. Ang dahilan ng sunog ay ang mga natirang abo ng pinaslang kong
grupo ng mga bampira. Nagsiklab ang kanilang abo nang umihip ang hangin.
Ipinagpag ko ang espada ko upang maalis ang dugo bago ko ibinalik sa kaha nito.
Paalis na ako nang makaramdam ako ng matinding presensya. Hindi iyon galing sa isang ordinaryong bampira
lamang.
Hindi ko siya nakitang lumapit ngunit nandirito na siya sa aking tabi.
"Ako si Tyr." aniya. Marahil ay alam niyang itatanong ko rin iyon mamaya.
Hindi na namin kailangang pag-usapan kung ano ang pakay niya.
Iisa lang ang alam kong dahilan ng kanyang pagparito. Upang patayin ako.
Bubunutin ko pa lamang ang aking espada ay nasaksak na niya ako sa tagiliran.
Gumawa ako ng paraan upang makalayo sa kanya.
Pambihira ang kanyang bilis. Pero nasasalag ko pa rin ang kanyang pag-atake.
****
Tyr's POV:
Noong una ang akala ko ay madali kong mapapatay ang aking bunsong kapatid.
Nasaksak ko siya dahil sa kanyang hindi kahandaan. Dapat ay hindi ko na siya binigyan ng pag-asang makalayo at
Nasangga niya ang espada ko ng espada niya. Bigla na lamang akong nakulon sa napakalaking bola ng hangin.
Ilang ulit ang sakit na naramdaman ko kaysa sa mga nauna niyang atake.
"Masakit ba Loki? Ang katawan ng mga bampirang gaya natin ay nasasaktan din ng mga piling elemento ng
mundong ito. Mabuti nang malaman mo yan bago ka tuluyang mamaalam sa mundong ito--"
Hinihingal ba siya? Humina rin ang presyon ng hanging nagkukulong sa akin.
Ayoko pang mamatay. May pangako ako kay Serenity na poprotektahan ko siya. Kapag hindi ko natalo si Tyr, paano
ko pa magagawa yun?
Kung sana.. Kung sana ay may kapangyarihan din ako kagaya ng kay Tyr..
"A-anong--" ani Try.
Nag-iba bigla ang ihip ng hangin. Ang bola ng hangin ay unti unting naiipon sa paligit ng aking espada.
Paano? Bakit?
Mamaya na ang tanong.
Ibinato ko kay Tyr ang hangin. Sa gulat niya marahil kung bakit hindi siya nakailag.
Ang galing! Kaya ko bang gayahin ang kapangyarihan niya?
Sinubukan ko ang atakeng ginawa niya sa akin kanina. Paulit ulit. Hanggang sa malasog ang kanyang katawan.
May nararamdaman akong kakatwa habang ginagawa iyon. Nahuhumaling ako. Gusto ko pa ng dahas.. At..
Nagugutom ako.
****
Tyr's POV:
Nakita kong nag-iba ng hitsura ang pulang mga mata ni Loki. May kabangisan doon ng isang halang na nilalang.
Masama ito! Hindi niya alam kung paano gagamitin ang kanyang kapangyarihan. Subalit aksidenteng nadiskubre
niya kung paano habang inaatake ko siya.
Wala na akong nagawa nang agawin niya ang kakayahan kong manipulahin ang hangin upang gawing libo libong
punyal na nakakasugat ng katawan.
Ibinalik niya sa akin ang mga ginawa kong atake at sobra pa!
Ang ipinagtataka ko ay ang hindi paghilom ng mga sugat na aking natatamo.
Katapusan ko na nga marahil ito. Nagkamali ako sa pagmamaliit kay Loki. Patawad ama. Patawad mga kalahi kong
bampira.
Ipagtanggol ninyo ang mga sarili ninyo mula sa halimaw na nakatakdang magising.
May naramdaman akong malamig na kamay sa aking balikat. Ilang sandali lang at wala na ang mabagsik na bugso
ng hanging bumabayo sa akin.
****
Ymir's POV:
Dumating ako sa tamang oras upang mamagitan sa paglalaban ng aking mga anak.
Hindi ko inakalalang darating sa puntong magpapatayan na sila.
"--Ama.." gulilat at hindi makapaniwala si Tyr nang mapagsino niya ako.
"Ano ang ginawa mo kay Loki? Nagising na siya sa kanyang unang antas!"
"--Patawad ama. Minarapat ko na siya'y paslangin sapagkat lubha siyang mapanganib--"
Bumugso ang aking galit sa kanyang sinabi. Si Loki ang pinakamamahal kong anak sa lahat.
Maraming taon akong nagsakripisyo para muli ko siyang mabawi.
"--Pangahas ka Tyr.. Kapag muli mong sinubukang kantihin ang kapatid mo, ako na ang makakalaban mo!"
Yumuko siya. "Patawarin mo ako ama. Hindi ko sinasadya ang kapangahasang aking nagawa."
Tinadyakan ko siya. "Lumayas ka sa harap ko ngayon din!"
Agad naglaho si Tyr.
Nilibot ko ang aking paningin. Wala sa paligid si Loki.
Sinamantala niya ang pag-uusap namin ni Tyr at tumakas.
****
Serenity's POV:
Nasa kalaliman na ang gabi nang dumating si Loki. Hindi ako natulog. Hinintay ko siya.
May kakaiba kay Loki nang siya ay masilayan ko. Mabalasik ang kanyang mga mata. Walang emosyon ang kanyang
mukha.
At..
Naroroon na naman ang takot na ibinigay niya sa akin noong unang gabi kaming magkita.
Nakatayo kami nang nakaharap sa isa't isa. Nagpapakiramdaman.
Tingin ko, hindi ito ang tamang panahon upang sabihin ang tungkol sa talaarawan gaya ng balak ko kanina.
Lubhang nanunuot sa aking kaibuturan ang takot.
Tatakbo ba akong palayo? O lalapit sa kanya upang yakapin siya at itanong kung ano ang nangyari?
Mas pinili kong lumapit sa kanya. Yumakap ako.
"Loki, ano'ng problema?"
"S-serenity, habang kaya ko pa.. Bawiin mo ang permiso. At pagkatapos, wag na wag kang lalabas at wag
kang titingin sa mga mata ko."
Ano ang sinasabi ni Loki? Nagpunta siya ngayon dito para makita ako hindi ba?
"Ayoko.." sagot ko. "Dito ka lang sa tabi ko hanggang makatulog ako--"
Naramdaman ko ang bagay na gustong bumaong muli sa aking leeg. Ang mga pangil niya.
Pagaling pa lang ang sugat na ginawa niya noong unang gabi naming magkita.
Nahintatakutan ako. Sasaktan ba akong muli ni Loki? Papatayin na ba niya ako?
Naisip ko ang mga tao sa loob ng mansion. Hindi sila maaaring madamay.
Tumatangis ako. "B-binabawi ko ang permiso mo.. Loki."
Parang isang makapangyarihang salita ang sinabi ko. Nawala si Loki.
Napunta siya sa may veranda. Kitang-kita ko na nabuwal siya at nanghihina.
Tutungo ako sa kanyang tabi.
"Wag kang lalabas ng bahay!" utos niya sakin.
"Bakit ka pa pumunta dito kung ganyan ang gagawin mo?" tanong ko naman.
Matagal bago siya sumagot. "Gusto kitang makita.. Tuwing gabi.. Bago ako ako matulog.."
Sumaya ako sa aking narinig at naibsan ang takot ko. Humakbang ako palapit.
"Diyan ka lang Serenity. Aalis na ako--"
Nagmatigas ako. Tinawid ko ang protektadong bahagi ng mansion at lumabas sa veranda.
Kung mapapahamak man ako sa mga kamay ni Loki, sarili kong desisyon iyon. Walang kahit sinong madadamay sa
mga taong nasa loob.
Lumuhod ako sa kanyang harapan at niyakap siya.
"Nagugutom ka hindi ba? Bibigyan kita ng dugo."
"Ayoko." pagmamatigas pa niya.
Kinapa ko ang pahilom kong sugat. Ibinaon ko doon ang aking mga kuko hanggang sa muli itong magdugo.
Masakit. Namilipit ako sa sakit. Pero alam kong wala ito kumpara sa sakit na pinaglalabanan ngayon ni Loki.
"Inumin mo. Kung hindi, lalo kong paduduguin ang sugat ko--"
Tumalima siya dahil alam niyang gagawin ko ang banta ko.
"Ahh.." napasinghap ako nang muling bumaon ang matatalas niyang pangil sa aking balat.
Ito ang sakit na kailangan kong maranasan. Dahil ayokong magbago si Loki.
Dahil mahal ko siya.
10th Night:
Ymir's POV:
Ngayong gabi ay tinipon ko ang pito kong anak sa harap ng dakilang puno na sentro ng buhay ng lahat ng nilalang sa
mundo; ang Yggdrasil.
Lubhang napakalaki ng punong ito na tatatlo lamang ang ugat. Ang unang ugat ay tumatawid sa Asgard, ang aking
tahanan. Ang pangalawa ay nasa mundo ng mga tao. At ang huli ay tungo sa kailalimang mundo, ang Hel.
Tatlumpu't dalawang taon na ang nakakaraan nang huli kong magisnan ang mayabong na mga dahon nito. Ngayon
ay halos wala nang natitirang dahon sa mga sanga sanga nito.
"Magandang gabi sa iyo aming ama, maligayang pagbabalik sa Asgard." sabay-sabay nilang bati sa akin.
Isa-isa ko silang pinagmasdan. Lahat sila ay may paggiliw sa kanilang mga mata. Hinahangad ng bawat isa sa kanila
ang aking pagpapala at atensyon.
Nalungkot ako. Sapagkat hindi sila kumpleto. Ang paborito kong anak na siyang inaasahan ko na titingnan ako nang
may paggiliw, ngayon ay ni hindi alam ang aking pangalan.
"Ang puno ng Yggdrasil.." wika ko. "Ay nabubuhay sa pagsasama-sama ng ating mga lakas. Subalit ngayon
ay tila nawalan ito ng sigla."
Nagbaba silang lahat ng paningin. Alam nilang hindi ko ikinatutuwa ang nangyari sa Yggdrasil.
Nagpatuloy ako. "Mahigpit kong ipinagbabawal ang pagpitas ng dahon ng Yggdrasil dahil iyon ay simbulo ng
muling pagkabuhay.
Isa iyong elixir na maaaring bumuhay ng isang namayapa; ngunit lason iyon para sa mga nabubuhay na.
Ang pagpitas ng isang dahon nito ay nangangahulugan ng limampung taong pagkalagas ng puno."
"Ang ibig ninyong sabihin Ama, ay mayroong pangahas na pumitas ng dahon ng Yggdrasil?" si Fenrir.
Marahan akong tumango.
"Ngunit bakit ngayon niyo lamang sa amin sinabi ito? Nakalipas na ang tatlumpu't dalawang taon! At ni
walang nakakaalam na magiging ganyan ang epekto ng pagkawaglit ng isang pirasong dahon." si Odin naman
iyon.
"Hindi ba't ang tungkulin ninyo bilang mga anak ko ay ang pagsunod sa akin ng walang pag-aalinlangan?
Wala kayong karapatang humingi ng dahilan kung hindi ko iyon kusang ibigay." pinagtaasan ko sila ng boses.
"--Nakasisiguro akong si Loki ang gumawa ng kapangahasang iyon! Naglaho siya dito sa Asgard sakto
matapos magsimulang maglagas ang dakilang puno. Di nga ba at tinatraydor niya ngayon ang ating lahi?"
Si Loki, sana kung nasaan man siya ay mahimbing ang kanyang tulog.
****
Heimdall's POV:
ASAAAAAAAR!
Nagngingitngit ang kalooban ko! Pati ba naman si Tyr?! Ang gago na yun gusto akong parusahan?!
Neknek niya!
"Brader! Paano yan? Nalaman ni Ama na may pumitas ng dahon sa Yggdrasil? Paano na tayo niyan?!"
Pinandilatan ko ang tanga kong kapatid. Lintek! Magkakaroon lang ako ng kakampi yung bobo pa!
"TONTO! Tumahimik ka! Malalaman talaga nila yan kapag sinabi mo! Hindi tayo sasabit dahil si Loki mismo
ang pumitas nun at hindi tayo!"
Tila nahimasmasan naman si Balder. Sa lahat talaga ng tanga, siya ang pinakatanga. Ano pa ba ang kinatatakot
niya? Walang kapangyarihan o talim ang makakasugat sa kanya. Kahit pa si Ymir.
Imortal siya!
Iyon ay kung walang makakadiskubre ng kahinaan niya na iisang tao lang ang nakakaalam.
Tinapik ko ang kanyang balikat. Dapat din ay pinapalakas ko ang loob niya.
"Wag kang mag-alala. Kapag nagsanib pwersa tayong dalawa, tayo ang pinakamalakas!"
****
Fenrir's POV:
Ikinagulat ko ang pagpapatawag sa amin ni Freya upang kitain si Ymir.
Akalain ko bang sa tinagal tagal kong hinihintay ang kanyang paggising, heto at nangyari na!
Wala talaga siyang kasing astig, lalo na nang mabulyawan niya si Heimdall. Haha!
Mabuti nga sa ungas na yun. Masyado kasing mapapel. Siguro ay siya talaga ang puno at dulo ng kaguluhang ito eh!
Alam ko namang nagseselos siya sa atensyong ibinibigay ni ama kay Loki.
Siya na maging bunso!
Ako, kung may kaiinggitan man ako sa aming mga kapatid, si Odin na yun.
Isa siyang salamangkero at namamangha ako sa kanyang kakayahan. Pero syempre dismayado ako dahil isa siyang
dakilang tamad. Manang mana sa kanya ang hari ng mga kidlat na si Thor.
Ay ewan ko sa kanila. Ano nga ba ang magandang gawin gawin ngayong gising na si Ama?
Itutuloy ko pa nga ba ang imbestigasyon ko?
Wag na siguro. Nandiyan naman si Freya. Narinig ko ang pag uusap nila kanina ni Ama.
Dito sa Asgard, ako lang ang malayang nakakarinig ng mga usapan o mga bulungan dahil walang nakakadama sa
presensya ko.
May mga magagandang dulot din ang pagiging isang taong lobo sa tahanan ng mga bampira.
Nakapagdesisyon na ako kung ano ang magandang gawin ngayon. Dadalawin ko si Serenity. Wala lang.
Dumaan akong muli sa Bifrost at sa tarangkahan.
****
Serenity's POV:
Walang pasok kung kaya't wala akong maisipang gawin kundi ang maupo sa harap ng verenda habang nasa
kandungan ko ang talaarawan ng namayapa kong Auntie.
Maya't maya kung sipatin ko ang orasan. Ang huling basa ko sa oras ay alas dos ng hapon.
Ilang oras pa ba ang dapat kong hintayin bago kami muling magkita ni Loki? Ang bagal ng takbo ng oras. Eh kung
lumabas kaya ako ng bahay?
Bigla akong nagulat nang may sumuwang na kamay at kumapit sa balustrahe ng aking veranda. Naging dalawa ang
kamay.
Sumunod ay may sumuwang na ulo. Hanggang sa tuluyan na siyang makaakyat sa veranda.
Hindi ako sumigaw o naghysteria kasi namukhaan ko siya. Kung tama ang pagkakaalala ko, kapatid siya ni Loki.
"Kamusta na Fenrir?"
Hindi yata niya inaasahan ang magiliw kong pagbati. Umayos siya ng upo nang nakaharap sakin. Kung isang
ordinaryong tao ang maupo nang kagaya sa kanya, may posibilidad na mahulog iyon na una ang ulo. "Kung
makabati ka parang close tayo ah?" aniya.
Aba'y suplado.
"Eh ikaw, kung maka-trespass ka nga sa mansyon ko parang ikaw ang feeling close."
"Tss, mas maganda ng isandaang ulit ang tinitirahan ko kesa dito kaya di ko maintindihan kung bakit bawal
pumasok nang walang paalam."
"May gusto ka bang malaman kaya mo ako pinuntahan?"
"Ah wala. Kalimutan mo na yung ipinakiusap ko dati. Nagbago na ang isip ko eh."
"Eh ano ba talaga ang sadya mo dito? Wala ka lang magawa, ganun?"
Ngumiti siya. "Ganun na nga."
Magandang past time ba talaga ng mga kakaibang nilalang ang pag istambay sa veranda ko?
"Hindi naman sa ipinagtatabuyan kita, pero gusto kasing mapag-isa. Marami akong iniisip. At ano na lang
ang sasabihin ng mga kasambahay namin kapag may naabutan silang binata na nakaupo sa balustrahe ng
veranda ko?"
Naconcious yata siya at tumayo. Pinuntahan niya ang hilera ng mga tanim kong halaman.
"Bukod sa maganda ang iyong pagkatao, magaan pa ang iyong mga kamay. May kakayahan kang
magpabukadkad ng mga bulaklak."
Namula ako ng husto. Di ako sanay na may pumupuri sa pag aalaga ko ng halaman eh.
Binuhat niya ang munting paso ng Cattleya na ibinigay sa akin ni Loki.
"--Kuntento ka na sa nangyayari sa buhay mo?" tanong niya di kalaunan.
Hindi ko kayang sagutin. Oo kuntento ako. Pero pakiramdam ko lagi ay puro panandalian lang ang tinatamasa kong
pagkakuntento.
Nang inilapag niya ang paso, lumapit siya sa akin. Hinawi niya ang buhok sa aking pisngi.
"Sana ay maging magkaibigan tayo." aniya.
Seryoso? Si Fenrir? Gustong makipagfriendship sakin?!
May kumatok sa pinto ng aking kwarto. "Senyorita? Gusto mo bang magmeryenda?"
Nilingon ko ang pintuan. "A-ayoko. Salamat na lang yaya Mameng--"
Paglingon ko pabalik, hindi ko na nakita si Fenrir.
Hay.. Ugali talaga nila ang umalis nang walang paalam.
11th Night
Faust's POV:
Mataman kong pinagmamasdan ang aking anak habang mahimbing siyang natutulog.
Hawak ko ang isang lampara at ang liwanag niyon ay tumatama sa kanyang namamahingang katawan.
Sa kadiliman ko na lamang siya namamasdan ngayon; hindi na kagaya ng dati.
Inilapag ko ang lampara sa isang mesita at naupo ako sa sofa.
Sa mga ganitong sandali ay naaalala ko ang aking mahal na anak.
Naaalala ko si Dante.
Hindi lingid sa akin na mayroon siyang sakit na kanyang namana mula sa aking namayapang asawa.
Ginawa ko ang lahat upang mapangalagaan ang nag-iisa kong anak. Ni ang pag-aasawang muli ay hindi na sumagi
pa sa aking isip.
Sa awa naman ng poong Maykapal ay lumaki si Dante na isang perpektong maginoo. Naging paborito siya ng lahat.
Ang mga kumpadre ko ay inilalapit sa akin ang kani kanilang mga anak na babae at nagbabakasakaling maibigan
ang mga iyon ni Dante.
Pero binigyang laya ko siya sa aspeto ng pag-ibig dahil nakita ko naman ang saya sa kanyang mga mata nang
ipagtapat niya sa akin na mayroon na siyang napupusuan.
Akala ko ay nasa tama na ang lahat.
Sinira iyon ng kanyang karamdaman. Napakabilis at nakagugulat.
Nang malaman kong mamamatay si Dante ay halos magunaw ang mundo ko sa pighati.
Ngunit isang batang lalake ang lumapit sa akin at nag-alok ng tulong.
Kaya daw niyang iligtas ang aking anak.
Noong mga panahong yun ay wala na akong pakialam kung paano niya magagawa iyon. Ang mahalaga ay gumaling
ang anak ko.
Binigyan niya ng dugo si Dante. Kaming dalawa lamang ang saksi doon dahil pinalabas ko sandali ng silid ang
kasintahan ng anak ko.
Pagkatapos niyon ay huminto sa pagtibok ang puso ni Dante.
"HAYUP KA! Ang sabi mo ay pagagalingin mo ang anak ko! PERO LALO MO'NG MINADALI ANG PAGPANAW
NIYA!" galit na galit ako sa ginawa niya.
Pero ngumiti lang siya na parang sigurado siya sa kanyang ginawa. "Kaagad mo siyang ipalibing ngayon, bago
sumapit ang gabi. Pagsapit ng hatinggabi, muling babalik sa pagkabuhay ang iyong mahal na anak."
Nahiwagaan ako sa kanyang sinabi. At lalo akong nahiwagaan na sa pagkurap ko ng mata ay naglaho siya.
Nagdalamhati kami sa pagkawala ng aking anak. Sinisi ko ang aking sarili dahil nagtiwala ako sa isang batang paslit.
Sa kabila nun ay sinunod ko pa rin ang gusto niyang mangyari. Bago sumapit ang takipsilim ay ipinalibing ko ang
aking anak.
Nagdaan ang mga araw..
Patuloy ako sa aking pangungulila.
Hanggang isang gabi, nasumpungan ko si Dante sa tapat ng aming pintuan.
Buhay na buhay siya!
Sabik ako na makita siya ngunit kinilabutan akong bigla lalo na nang masipat ko ang tumutulong dugo sa kanyang
bibig.
"Ama, papasukin mo ako.." aniya.
Nakapagtataka..
"Bahay mo rin ito, bakit hindi ka na lang tuloy tuloy na pumasok?" tanong ko.
Mula sa likuran niya ay may nagpakitang batang lalake. "Nakita rin kita. Wag kang pumasok Loki. Dapat ay
putulin mo na ang kahit na anong koneksyon mo sa taong yan."
"Anong sinasabi mo?! Dante ang kanyang pangalan!" lumapit ako sa pintuan.
"DIYAN KA LANG!" sigaw ng batang lalake. "Si Loki ay mapanganib dahil siya ay bagong silang pa lamang
bilang isang bampira. Hindi pa niya kayang kontrolin ang kanyang gutom!"
"B-BAMPIRA?!"
Nakita kong lumuha si Dante. Hindi ko mapigil ang awa ko.
"Ama, ayokong maging--halimaw.. Parang awa mo na, tulungan mo ako. IBALIK MO AKO SA DATI--"
"P-pero anak, hindi ko alam kung paano--" napatingin ako sa batang lalaki. Nakangiti siya habang umiiling.
"Loki, siya ang nagbigay pahintulot para ikaw ay maging bampira."
Kitang-kita ko ang biglang pagpapalit ng kulay ng mga mata ni Dante. Kulay pula. Singpula ng dugo.
Sinakmal niya ako sa leeg at pagkatapos ay nilantakan ang sumasagong dugo sa aking sugat.
Nawalan ako ng ulirat. Akala ko ay katapusan ko na.
Subalit dumilat pa rin ako. Nasumpungan ko ang sarili ko sa isang silid ng ospital.
Simula ng araw na iyon, isinumpa ko na ang mga bampira.
Isinumpa ko ang hayup na lumapastangan sa aking anak.
At isinumpa ko rin ang halimaw na ngayon ay nananahan sa katawan ni Dante.
****
Ymir's POV:
"Ama ko, malapit na po akong matapos sa preparasyon." ani Freya.
Sisimulan na niya ang aming planong mapasok ang diwa ni Loki.
Nagliwanag ang buong katawan ni Freya. Unti unti itong sumasanib sa puno ng Yggdrasil. Ilang saglit pa ay wala na
siya.
Umupo lang ako sa damuhan upang maghintay ng resulta.
Totoong ako nga ang pinakaunang bampirang nabuhay sa mundo at siyang pinakamakapangyarihan. Kaakibat
naman niyon ang isang malaking responsibilidad. Gaya na lang ng pangangalaga sa Yggdrasil na siyang sentro ng
buhay sa mundong ito.
Ngunit sa tagal na ng aking eksistensya ay rumurupok na ang aking katawan.
12th Night
Odin's POV:
Nandirito ako ngayon sa tahanan ng tatlong propeta ng panahon. Si Urd, ang propeta ng nakaraan; Si Verdandi, ang
propeta ng kasalukuyan; at si Skuld, ang propeta ng hinaharap.
Mga bampira din sila na nakatira sa isang bukal sa Asgard. Magkakambal ang tatlong ito at hindi mapaghihiwalay
kailanman.
Nakatayo ako sa gitna ng napakalawak na bulwagan kaharap si Skuld. Para sa akin, siya ang pinakakapakipakinabang sa kanilang tatlo. Si Verdandi naman ang pinakawalang kwenta; ang tanging silbi lamang niya ay
mamagitan sa nakaraan at hinaharap.
Nakikita ni Skuld ang hinaharap subalit hindi niya ito maipahayag ng diretsahan. Gumagamit pa siya ng talinhaga at
mga simbolo.
"Nakatakda na ang isang kamatayan. Subalit ito ang tatandaan mo, ang Ragnarok ay siguradong
mangyayari; at walang sinuman ang makapipigil dito."
"--Bampira man ako, alam kong dati akong tao. Hangga't maaari ay hindi ako pabor sa digmaan--"
Tumikhim si Skuld. "--Tapos na ang oras ng ating paghaharap. Magandang araw sa iyo."
Tinalikuran niya ako pagkasabi niya nun. Pero hindi pa man din siya nakakalayo ay bigla siyang natigilan. Humarap
siyang muli sa akin.
****
Skuld's POV:
Isang beses sa isang araw lamang ang limitasyon ng kakayahan kong makasilip sa hinaharap subalit pagtalikod ko
kay Odin, isang premonisyon ang dumalaw sa aking isipan.
"Mag-iingat ka. May isang pares ng pangil ang babaon sa iyong balat. At ang malalakas na kuko ay sasakmal
sa iyo."
"Sino, Skuld?!"
Umiling ako. "Hindi ko matutukoy. Ngunit tila hindi natin siya kauri. Hindi rin siya isang tao--"
"--Maraming salamat."
Siya naman ang tumalikod sa akin. Itinaas ko ang aking kamay upang hawakan ang kanyang balikat. Bago pa man
makadampi ang aking palad ay naglaho na siya.
Masaya na lang akong isipin na mayroon pang dahilan upang makipagkita siya sa akin.
Alam kong may puso siya sapagkat hindi niya dinadala sa ulo ang kanyang posisyon bilang makapangyarihang
bampira sunod kay Ymir.
Gusto kong malaman kung sino ang nilalaman ng pusong iyon, matagal na.
****
Serenity's POV:
Waaaaaah!
"Shhhh! Wag kang maingay!" saway ng kung sino na pumasok nang walang paalam sa aking silid mula sa
veranda.
Abut abot ang aking kaba lalu na nang ilapit niya ang kanyang mukha sa aking mukha.
Natanga ako.
Fenrir?!
Binuksan ko ang lampshade. Bagay na hindi ko ginagawa kapag si Loki ang dumadalaw sa akin.
NAKAKAHIYAAAAA!
Kanina kasi pagmulat ko ng mga mata ko, nasumpungan ko siyang nakatayo sa gilid ng kama.
Bigla ko na lang siyang nayakap sa bewang kasi akala ko nga si Loki siya.
Nakakahiya talagaaaa!
Ah yun ba yun? Ang alam kong instant ay noodles at kape. Pauso ata ni Fenrir ang instant friendship.
Okay go, magkaibigan na kame. "Eh bakit ka nga nandito?" pauso ko naman ang Unli na 'BAKIT KA NGA
NANDITO?'.
Goodnight Fenrir!
Mayamaya ay nakita kong isa-isang tinatanggal ni Fenrir ang kanyang suot na damit. Nauna ang jacket, sumunod
ang T-shirt.
Wow abs--
HOLY KAMOTE!
Tinakpan ko na ang mga mata ko nang hinuhubad na niya ang kanyang pang-ibaba.
Lord, wag namang may maglive-show sa harap ko PLEASE?! With cherries on top?
"Serenity, tumingin ka sakin." sigurado akong si Fenrir yun. Pero bakit boses ng galing sa ilalim ng hukay?
Nakarinig ako ng yabag. Papalapit iyon. Umikot sa kama at huminto sa harap ko.
Napaatras ako palayo, wala sa isip kong nasa gilid pala ako ng kama.
Blag!
Tog!
Nakakahiyaaaaa!
Pinagmasdan ko siya. Isa siyang malaking lobo na kasingputi ng nyebe ang balahibo. Asul ang kanyang mata.
Sa mga paa niya ay may kumukutitap na kung ano. Parang fairy dust.
Napakagandang nilalang.
Hindi ko mapigilan ang sarili kong haplusin ang kanyang likuran. May lumabas ding fairy dust na nagsayaw sa
hangin.
Makutitap.
Hindi na ako nagtanong kung bakit. Basta tuwang tuwa ako sa nilalang na nasa aking harapan.
Bigla akong nakaramdam ng pagkaantok. Wala na akong nagawa ng manlabo na ang paningin ko at ako ay
nahimbing.
****
Fenrir's POV:
Tama ang impresyon ko sa kanya na isa siyang mabuting tao. Hindi siya nanghuhusga bagkus ay nagbibigay pa siya
ng kasiyahan sa mga kagaya kong iwinawaksi ng sangkatauhan simula pa ng unang panahon.
Si Loki ang unang nakatagpo sa kanya. Subalit itinadhana rin na kami ay magkakilala.
Ano ang nadarama ko para kay Serenity? Hindi ko pa kayang sabihin. Ang malinaw lang ay ang kakaibang
nararamdaman ko kapag nakikita ko siya.
Ang nakasanayan ko kasing katangahan ay yung tipong nakakapang inis. Partikular na nagmula sa ungas na si
Heimdall.
Nagbalik anyo ako bilang tao. Nagsiwalaan ang aking mapuputing balahibo. Masakit ang ganitong transpormasyon
noong ako ay isa pang ganap na taong lobo.
Nang mabigyan ako ng dugo ni Ymir, painless na ang lahat. May laya akong magtransporma kaagad sa pagiging
anyong tao tuwing kabilugan ng buwan; dati kasi ay kailangan ko pang hintayin ang bukang liwayway.
****
Loki's POV:
Sa veranda ay may nagkalat na mga damit. Pagtingin ko sa loob ng kwarto, nakita ko si Serenity na nakadapa sa
sahig. Nasa harap niya si Fenrir na hubo't hubad.
Pangiti ngiti lang ang loko. "Huwag kang maingay Loki, gusto mo bang may makarinig sa iyo?"
Pero MAS walang pakialam si Fenrir. Binuhat pa niya si Serenity ko at inihiga sa kama habang WALA siyang damit!
"Anong problema Loki? Hindi ka yata makapasok sa pamamahay ng kasintahan mo? Wala ka bang
permiso?" sige mang-asar ka pa Fenrir!
Binunot ko ang espada ko. Kung kinakailangang sirain ko ang buong mansyon na ito, gagawin ko na!
Lumapit bigla sa akin si Fenrir. At WALA talaga siyang balak magsuot ng damit.
"Tama. Ako ang kuya mo." sagot naman ni Fenrir. Wala naman siyang alam kung ano ang nangyayari saken.
Siya nga---
Siya nga.
---A/N: Hi hello! kunting explanations lang po bago tayo magtapos ng ating pot session.. Ang Aesir (sa kwentong ito ay
ang tawag sa walong tagapagmana ni Ymir) Sa totoong mythology, ang Aesir ay ang mga principal Gods at ang
counterpart nila ay ang mga Vanir.. Si Freya ay kabilang sa Vanir pero dito sa kwento ko ay isinama ko siya sa Aesir.
Sa totoong mythology din, ang pagsilip sa hiaharap ng Odin ay tinawag na Voluspa kung saan hiningi niya sa
orakulong si Volva na sabihin kung ano ang mangyayari sa hinaharap.. Dito sa kwento ko, si Skuld na lang ang
kinunsulta niya.
13th Night
Serenity's POV:
Umaga na pagmulat ko. Ang sarap ng tulog ko ah. Nang may bigla akong naalala--
WAAAAA LOKIIII!!
Hindi ko na naman siya naabutan! Nagpalinga linga ako sa paligid para sa mga senyales kung nagpunta nga ba siya
kagabi.
Naku po!
Halos magdive ako para kunin ang mga iyon. Ano na lang ang iisipin ni yaya Mameng kapag nakita niya ang mga
ito?!
Nagbukas bukas akn ng mga tokador. Sa pinakailalim na ilalim ko isiniksik ang mga iniwang damit ni Fenrir.
Phew.
Si Loki, nagpunta ba siya rito kagabi? Nako paano na yung JS Prom ko mamaya? Ni hindi pa kami nakapag usap
masyado tungkol dun!
Nagtungo ako sa may veranda at sumagap ng sariwang hangin. Kinuha ko ang sprinkler. May laman pa iyon.
"Magandang umaga mga munti kong alaga!" isa isa kong diniligan ang mga tanim kong halaman.
Napatigil ako sa maliit na paso ng Cattleya. May nakaipit na papel sa ilalin nun. Inilapag ko muna ang sprinkler at
kinuha ang papel.
Serenity,
Patawad kung hindi tayo nagkausap kagabi. Wala nga pala akong permiso mula sa'yo. Dadalo ako mamaya
sa pasayaw. Magkita tayo.
Loki.
Inilapit ko ang sulat sa aking puso. Ito ang una niyang sulat na ibinigay sa akin.
Tinapos ko ang pagdidilig at saka muling pumasok sa aking silid. Magpapaganda ako ng husto para sa prom
mamaya.
****
Loki's POV:
Kapag ipinipikit ko ang aking mga mata, sari-saring alaala ang pumupuno sa aking isipan.
Gusto kong maalala kung sinu sino ang mga naging kalaro ko, kung sino ang mga naging kamag-aral ko, kung sino
ang mga naging kaibigan ko.
Gusto kong balik tanawin kung ano ang pinakamasayang araw ng buhay ko, kung ano ang paborito kong pagkain, at
kung ano ang mga hilig ko.
Ngunit ang mga alaalang bumalik sa akin ay nagsimula pagkaahon ko sa lupa, tatlumpu't pitong taon ang nakaraan.
Noong naging bampira ako.
Limang taon akong nanirahan sa Asgard at pagala gala sa mundo ng mga tao kapag ako'y nababagot.
May ipinakilala sa akin si Ymir. Pito sila. Mga kapatid ko daw sila.
Isang beses sa isang buwan kung magtipon-tipon kami nang nakapalibot sa isang napakalaking puno na tinatawag
nilang Yggdrasil.
Kung tutuusin ay wala na akong hihilingin pang iba sapagkat nasa paraiso na ako--
Paraiso.
Ang sabi ni Ymir, upang mapanatili ang paraiso ng mga bampira, kailangang magsakripisyo.
Tama. Maging dati pala ay isa na rin akong mamamaslang. Kahanay ako ng kapatid kong si Tyr. Bagaman
kakasilang ko pa lamang bilang bampira, agad na akong isinabak sa labanan.
Bumabalik sa akin ang pakiramdam noong unang beses akong nakapatay. Nakakapangilabot. Nakakapagbaligtad ng
sikmura.
"Ang dahon ng Yggdrasil, may kakayahan daw iyon na gawing taong muli ang isang naging bampira." si
Heimdall ang nagbigay sa akin ng impormasyon na iyon.
Walang bahid ng pagdududa kong sinunod ang suhestiyon niya. Pumitas ako ng isang dahon.
Nasa gilid ang aking ama. Pinagmamasdan lamang niya ang paghihirap ko.
Lumalalim ang mga sugat at lumalakas ang usok sa bawat sandaling nagtatagal ang kadena sa aking katawan.
Kailangan ko nang umalis! Nangako ako kay Serenity!
"AMA!"
Kung gusto mong makawala, kinakailangang itaas mo pa ang antas ng iyong kapangyarihan!"
"Hindi na ako makakapaghintay pa Loki, matanda na ako. Nararamdaman ko na si kamatayan. Ang gusto ko
ay lipulin mo na ang mga bampira bago pa maubos ang aking huling hininga!" lumabas siya ng silid ko
pagkasabi niya nun.
Arrrgh!
Kayang tiisin ng diwa ko ang sakit. Pero ang mismong katawan ko, sumuko na.
Kusang lumabas ang itim na aura sa aking katawan. Pakiramdam ko, napakalakas ko.
****
Serenity's POV:
Kaninang kanina pa ako nagmumukmok dito sa isang sulok. Hindi pa dumarating si Loki.
Si Coleen, hayun, kausap yung mga kaklase niyang lalake na kung ituring niya ay bilang mga 'subordinates'.
Si Raine, kasayaw niya ang pinakamaarte este pinakamagandang estudyante dito sa school. Pero sabi ni Coleen
ako daw ang pinakamaganda hindi daw yun.
Waaaaa! Erase Erase! --Bakit naman kaya yun nasagi sa isip ko!
May isang taong nahagip ng aking paningin. Kanina ko pa talaga siya nakita mula nang dumating kami dito ni Coleen
sa bulwagan. Ngayon ko lang siya napagtuunan ng pansin.
Guwapo siya, matangkad, bagay na bagay sa kanya ang suot niyang itim na tuxedo. Pero mukhang suplado.
Ang ipinagtataka ko lang ay kanina pa siya hindi umaalis sa kanyang pwesto. Mas nakakapagtaka rin na walang
pumupuna sa kanya.
Dinadaanan lang siya. Walang kahit sino ang lumalapit at kumakausap sa kanya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Mas gwapo siya sa malapitan kaso ang putla niya.
"Nakikita mo ako?!"
Tumango ako at ako naman ang nagtaka. "Bakit hindi ka ba dapat nakikita?"
"Imposible, hindi ako dapat makita ng isang ordinaryong tao." aniya pa.
Napaatras ako. Handa na ako tumakbo palayo sa kanya. Pinigil niya ako.
****
Tyr's POV:
Pagkasabi ko ng huling bilang, tumigil ang lahat ng mga tao na nasa bulwagan. Kabilang na ang dalagang nakakita
sa akin.
Sa tinagal tagal kong nagmamasid sa karagatan ng mga ordinaryong tao, ngayon lang nangyari na may nakapansin
sa akin.
Mamaya na ang mga haka haka. Nandirito ako ngayon upang tugisin ang isang mapanganib na bampira.
Lumalakas ang isang ordinaryong bampira kapag nakainom siya ng dugo ng isa pang bampira.
Alam kong hindi pa siya kuntento doon. Iba nga naman kung ang dugong mainom niya ay magmula sa isa sa mga
tagapagmana ni Ymir.
Crash!
Crash!
Oo babae siya. Pero wala akong sinisino basta dapat patawan ng parusa.
Nakasuot din siya ng bestida gaya ng mga tao sa bulwagan. May kulorete sa mukha at nakaayos ang buhok.
At ang kariktan niya ang ginagamit niya upang makapangbiktima ng mga lalaking bampira. Lumakas siya dahil siya
ay mautak.
"BITAWAN MO AKO."
"Kahit gaano ka pa kalakas, wala ka pa rin kumpara sa aming mga direktang nakatanggap ng dugo ni Ymir--"
"Tyr.. Nakalimutan mo na ba? Hindi ba't wala kang ipinagkaiba sa akin noon? Umiinom ka rin ng dugo ng
kapwa natin dahil naghahangad ka ng mas higit na kapangyarihan?"
"TUMAHIMIK KA!"
Itatarak ko na lang ang espada sa kanyang puso nang may kumagat sa kanyang leeg mula sa likuran niya.
"LOKI, ANO'NG GINAGAWA MO?" huminto siya sa kanyang pagsipsip at tinitigan niya ako.
Pula ang kulay ng kanyang mga mata habang blangko ang kanyang ekspresyon.
Bumakat ang dugo sa dibdib na bahagi ng kanyang bestida, mula doon, may tumagos na kamay na hawak ang
kanyang puso.
Dinilaan ni Loki ang dugo sa kanyang labi. Alam kong may nagbago na naman sa kanya; bukod pa sa pagkagising
niya sa unang antas nung huli kaming naglaban.
"Tamang tama at nandito ka Tyr, nagugutom pa ako. Gusto ko ang dugo mo."
A/N: ------Maraming maraming salamat po sa pagtangkilik sa LOKI >_<kilig much ako! Ahm... kung napapansin po
ninyo, may mga characters na malalim kung magtagalog at mayroon ding mga kolokyal lang o yung mga taga-kalye
[hehe].. SINADYA ko po yun kasi iba iba ang personality nila..boring kapag puro tayo pa-deep...
So ngayong dumarami na ang mga revelations, asahan po ninyong meron pang parating.. papag-isipin ko pa kayo
lalo at guguluhin ko ang inyong imahinasyon.. Sino nga ba talaga ang bida sa seryeng ito? At ang mga kalaban ba
talaga ay talaga nga bang kaaway?
-----------Abangan!
----
14th Night
Loki's POV:
Si Tyr na naging tagapagsanay ko dati, na tinitingala ko dahil napakahusay niyang mandirigma, parang kayang-kaya
ko na siyang paslangin ano mang oras ko naisin.
Hindi siya kakikitaan ng takot. Pero hindi rin siya tanga upang sagupain ako.
Nagpalinga-linga ako. Sagabal ang mga tao. Ano kaya kung isa isa ko silang patayin?
Nakakaaliw. Hindi nila alam na tumigil ang oras nila, at kung mamamatay sila, lalong wala silang malalaman.
Sandali..
Sino--
Naitulak ko ang tao sa kaliwa ko dahil inilagan ko ang surpresang atake ni Tyr.
Hinawi niya ang mga taong nasa gitna ng bulwagan sa pamamagitan ng malakas na hangin.
****
Tyr's POV:
Nakita kong pinagmamasdan ni Loki ang mga tao dito sa bulwagan. Wala siya sa tamang huwisyo kaya malamang
ay balak niyang isa isang patayin ang mga nandirito.
Hinawi ko ang mga tao upang hindi sila matamaan sa gagawin kong mga pag-atake mula ngayon.
"Humanda ka."
Sa aking mga palad, naipon ang malakas na presyon ng hangin. Nag-anyong sibat iyon at ipinukol ko kay Loki.
Nasa likuran ko na siya. Isinandal niya ang kanyang baba sa aking balikat.
Hindi ako sumagot. Sa ngayon ay iniisip ko kung ano ang gagawin kong pag-atake dahil hindi ko na magagamit ang
hangin laban sa kanya.
Si Loki ang maestro ng pagbabalatkayo. May kakayahan siyang gayahin ang kapangyarihan ng kahit na sino.
Nagpakita sa harap ko si Odin. Kahit kailan ay hindi ko pa siya nakasama sa aking misyon.
Siya ang pinakaunang prinsipe ng mga bampira. Walang nakakaalam kung gaano siya kalakas. Kung mayroon man,
matagal na niyang pinatay.
Sa ngayon ay hindi na siya aktibo sa pakikipaglaban sa hindi matukoy na dahilan. Ang pinakahuli niyang misyon ay
patungkol sa mga lahi ng taong-lobo.
Kung ako ang tatanungin, hindi digmaan ang tawag sa iisang bampira laban sa isandaang libong taong-lobo.
Nilipol niya ang isang buong nasyon sa loob lang ng tatlong araw na walang pahinga.
Sigurado akong may nangyari pagkatapos noon dahil agad niyang hiniling kay Ymir na alisin na siya sa hanay ng
mga bampirang aktibo sa pakikipaglaban.
"Bakit Odin?"
Tahimik yata si Loki at tila ba hindi makakilos. May ginawa marahil si Odin.
"Nahuli ko na si Loki. Wala nang rason para gumamit ka pa ng kapangyarihan. Nasa ikatlong antas ka na
hindi ba?" aniya.
"Oo."
Dumilim ang anyo ni Odin. "Ito ang tatandaan mo Tyr, sa oras na tumuntong ka ng ikalimang antas, hindi mo
na makokontrol pa ang sarili mong katawan at hindi mo na maibabalik sa dati ang pag-iisip mo. Asahan
mong papatayin kita kapag dumating ang sandaling iyon--MALIWANAG BA?"
"Umalis ka riyan."
****
Odin's POV:
Pinagmasdan ko si Loki.
"Bakit hindi mo na lang siya patayin bago pa mahuli ang lahat?" tanong niya naman.
"Magagalit si Ymir kapag ginawa ko iyon. At kapag nagalit siya, walang sinuman sa atin ang kayang pumigil
sa kanya."
"Oo."
Ang totoo ay sirang sira na ang aking katawan. Narating ko na ang huling antas ng pagiging bampira kagaya ni Ymir.
Walang pinipiling oras ang pagkalaban ko sa aking sarili. Pilit kong pinapalakas ang aking isipan at pinaglalabanan
ang matinding daloy ng kapangyarihan na nais kumawala sa akin.
Para akong isang banga na maraming lamat ngunit puno ng tubig. Di katagalan ay sisirit din ang tubig sa mga lamat
hanggang sa tuluyan nang masira ang banga.
Wala nang lunas sa aking kalbaryo kundi ang matinding meditasyon at ibayong pag-iingat. Mahalaga sa akin ang
pagiging kalmado sa lahat ng oras.
Pareho na kami ng kalbaryo ni Ymir. Pero iba ang paraang naiisip niya upang mas mapatagal pa ang kanyang
eksistensya.
Gusto ni Ymir na magkaroon ng panibagong sisidlan, o sa madaling salita, bagong katawan. Ako ang unang napili
niya.
At dahil sa nasira na din ang aking katawan kaya naririto ngayon si Loki.
Sa aming walo, kaming dalawa lang ni Loki ang nagmula sa pagiging tao. Kaya't hindi ako maaaring magkamali sa
mga binabalak ni Ymir.
Mahalagang manatili si Loki sa pinakamababang antas para kay Ymir kaya't pabor sa kanya kung selyohan ko ang
kapangyarihan nito.
Papatayin ko si Ymir. Maghihiganti ako dahil hinila niya ako paibaba sa karimlan kung saan siya mismo ay
nakalublob.
Kung magtagumpay man ako o hindi, siguradong bibigay na ng tuluyan ang katawan kong ito. Kailangan kong
masigurado na may kahit isa na makakapatay sa akin kapag nangyari yun.
Nang mawala ang liwanag, pinakawalan ko na rin si Loki mula sa pagkakaestatwa niya.
"Selyado na ang kapangyarihan mo. Maaaring makawala ka, maaaring hindi. Depende yan sa'yo. Ngunit isa
lang ang sigurado, ikaw ngayon ang pinakamahina sa ating walong magkakapatid."
"--Salamat."
Kasabay ng huling bilang, naglaho kami ni Tyr. At kasabay din niyon, naglaho ang mahika ng oras.
Nanginig ang mga kalamman ko. Aktibo na namang dumadaloy ang malakas na kapangyarihan sa aking katawan.
"ODIN!"
Wala siyang lakas para suwayin ako. Nauna nga siyang pumasok.
****
Loki's POV:
Kumurap kurap si Serenity habang nasa harap ko siya. Kanina ay nasumpungan ko ang kamay ko na balot ng
malansang dugo. Palihim kong pinahid iyon sa aking panyolito.
Ayoko nang muli pa niya akong makita nang may bahid ng dugo.
"L-LOKI?!"
Ginagap ko ang kanyang kamay at humalik doon habang ang mga mata ko ay nakatitig lamang sa kanyang mukha.
Hindi ko binitiwan ang kamay niya o mas tamang sabihin na wala akong balak bitawan iyon.
Parang ang tagal naming hindi nagkita. Marami ang nangyari sakin pero mas maigi nang sarilinin ko na lang.
Pagkatapos ng gabing ito, hindi na ako babalik sa aking ama. Hindi na rin ako papaslang ng mga bampira dahil sa
utos.
Bahala na kung saan ako dalhin ng bagong tadhana na ibinigay sa akin ni Odin.
Hindi pa ako nakaramdam ng ganitong kalayaan kahit kailan. Sarili ko na ang buhay ko.
Nagtungo kami sa gitna ng bulwagan kung saan marami rami na rin ang mga pares na nagsasayaw.
Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa aking balikat at ang mga kamay ko naman ay nasa kanyang bewang.
Hindi ko alam kung bakit lumabas mula sa bibig ko ang pangalan na iyon. Ni hindi ko kilala kung sino si Kristanna--
"Sandali lang!"
Humarap siya sa akin. Nagsimula na siyang umiyak. "Loki, hindi ako si-- Kristanna!"
****
Thor's POV:
"Huwag mong sabihing padadaig ka sa halimaw diyan sa loob mo?" sabi ko. Pinapalakas ko lang ang loob niya.
Matagal na kaming pakners niyang si Odin, at gusto ko pa siyang makasama nang mas mahabang panahon.
"Tarantado!"
Ang galing din ni Odin ah? Biruin mo, nakakangiti pa kahit namimilipit na sa sakit.
Siya po ang nagturo sa akin na uminom ng alak. Wala talaga akong alam sa mga happy happy. Laking Asgard kaya
ako.
Sakto namang tumayo na siya at para bang walang nangyari. "Tara na nga!"
A/N: Ang akala ko ay hindi ako makakapag update ngayon... nawili ako sa kakaedit >_< piniga ko na lang ang utak
ko para makapagproduce ng chapter 15.. sana po ay magustuhan ninyo. *bow*
----
15th Night
Serenity's POV:
Yung pakiramdam na ako ang nasa harapan niya, pero ibang tao pala ang laman laman ng isipan niya.
Si Kristanna.
Umawang ang pintuan. Nandito kasi ako sa may comfort room. Alam kong ito ang safest place dito at hindi
magtatangka si Loki na sundan ako dito.
Tatlong babae ang pumasok, nagtatawanan sila. Kabilang sa tatlo ang kapareha ni Rain, si Aliyah.
Nauna siyang pumasok at sa pagdaan niya, sinadya niyang bungguin ang balikat ko.
Ang isa naman niyang kasama ay hinawi ako gamit ang siko.
Masakit ah!
"Sino yung kasama mo? First time ko lang yata siya nakita. Kung student siya ng school natin, I'm sure na
he's gonna be famous." si Aliyah ang nagsalita.
"Boyfriend ko siya!" proud kong sagot. Ha! Mamatay kayo sa inggit. Biruin mo, ang wallflower na kagaya ko ay may
super gwapong boyfriend. Beat that it-girls!
"Sayang talaga ano girls?" sabi ng kasama ni Aliyah. Obvious na dineadma ako.
Nagpanting ang tenga ko. Wala silang karapatan na laitin ako ha! LALUNG LALO NA ANG MAHAL KO!
Eh ano ba'ng gagawin ko? Sasabunutan ko ba sila? Sasampalin? Sino ang uunahin ko?
Paano kapag pinagtulungan nila ako? Eh ngayon pa nga lang tino-troll na nila ako.
"W-wala kayong karapatang sabihin ang mga ganyang bagay!" sabi ko na lang.
"Loser--"
BRAGADAAAAG!
Yayks!
Paano naman kasi, may dos por dos na tubo ang bigla na lang humampas at tumama sa lababo.
Bog!
Aray!
"Hah, ang top notcher ng school ay Miss Warfreak pala! Paano ka nakapagdala niyan dito? Isusumbong ka
namin sa principal!"
BRAAAG!
Dahan dahan nila kaming nilagpasan at takot na takot madikit ang kahit na sino sa amin.
"Ah eto? hinagis niya iyon sa bukas na pintuan sakto namang may dumaan na lalaking kaeskwela. Natamaan siya
sa paa.
"P*TANG INA SINO NAGBATO NITO?!" galit na galit na nag-aamok ang lalake!
Laking gulat ko at biglang bumait hitsura ng lalake. "M-master ikaw pala! S-sorry! Alis na ako--"
"Hinahunting ko yung lalaking kasayaw mo kanina. Eh- nakita kong pinaiyak ka niya. Dapat sa lalaking yun,
pinupulbos ang mga buto buto."
Waaa! Ang brutal naman nito! Siguro pag nagging bampira siya, patay na!
"Kasi naman, ang hilig mo sa mga gwapo, pinapaiyak ka naman nila! Una si Rain, tas ngayon-- Sino ba yung
lalake na yun? Kakaiba siya eh."
"Ayos lang kung ayaw mong magkwento sakin. Naiintindihan ko. At isa pa, wala kang maaasahan sa akin
basta tungkol sa pag-ibig."
Ang bait talaga ni Coleen kahit may lahing sadista. Pahug nga.
Umiwas na naman siya kaya muntik na akong madulas. Pero nahawakan naman niya ang kamay ko.
"Patanga-tanga ka kasi kaya ka binubully ng mga panget na yun. Kung nag-artista ka na kasi, eh di sana ikaw
ang sikat at-- blah blah blah.."
Heto na naman tayo sa pagpupursige niyang maging manager ko. Nailing na lang ako.
****
Heimdall's POV:
Kunwari pa si Odin pero nakikisawsaw din pala sa isyu tungkol kay Loki.
Alam kong iba iba kami ng modus, kanya kanyang paraan, at may mga kakampi o kaaway sa aming landas.
Well, paunahan na lang! Speaking of kakampi, mayroon akong kasapakat na isang tao. Matagal na. Hindi lang
halata.
Pero sira na ang ulo ng matandang hukluban na iyon kaya dapat na siyang manahimik. Tutal ay malapit na rin
naman siyang kunin ng Maykapal sa tanda niyang iyon. Iaadvance ko lang ang kanyang paglalakbay sa kabilang
buhay.
Dahil diyan, posibleng hindi na umuwi pa ng bahay nila ang kanyang sutil na anak.
Ako ang nagbalik ng anak niya sa kanyang kustodiya tatlumpu't dalawang taon na ang nakakaraan.
Ang pagkalason ni Loki mula sa dahon ng Yggdrasil ay nangangahulugan ng tatlumpung taon na pagkakahimbing at
pagkawala ng lahat ng alaala.
Labintatlong taon na lamang ang natitira bago mabuhay muli ang puno ng Yggdrasil.
Hindi ko pa rin alam kung ano ang sunod kong gagawin. Ang hirap kayang magplano.
"Ikaw pala. Ang tagal na nating hindi nagkita ah? Walang wala kang ipinagbago. Tuloy ka."
Oo bihira lang akong magawi sa mundo ng mga tao. Ako kasi ang tagapagbantay ng Bifrost eh.
Pumasok ako ng tahimik. Napakalaking pagkakamali niya ang magpatuloy ng isang bampira sa kanyang tahanan na
balak pala siyang patayin. "Nakatulog ka ba ng mahimbing?"
Umiling siya. "Ang totoo ay natatakot na akong matulog. Baka kasi kapag nahimbing ako ng husto ay hindi na
ako magising!"
"Ganun ba?" pagdating namin sa silid-tanggapan ay agad akong umupo sa isang magarang sofa.
Tumugtog ako.
Akala ng marami ay isa akong brutal na bampira dahil mukha akong astigin. Pero hindi talaga ako humahawak ng
patalim.
Ang aking tanging sandata ay ang plawtang ito. Ang musika ang aking kapangyarihan.
Maaaring malamyos ito sa pandinig, ngunit kaya pala nitong wasakin ang isang kaluluwang nahumaling.
Nakita kong napasandig ang ulo ni tanda sa sandalan ng kanyang silyang kinauupuan.
Pikit ang kanyang mga mata at nasa mukha niya ang kapayapaang hinahangad ng kahit na sinong handa na para sa
kabilang buhay.
****
Fenrir's POV:
Hindi naman ako dapat pupunta dito kung hindi umalis si Loki.
Kay Serenity.
Ewan ko nga ba. Lagi ko na siyang sinusundan at laging dinadama. Pakiramdam ko lagi ay dapat ko siyang
protektahan. Hindi nga lang ako palaging lumalapit.
Pansin kong hindi naman siya pinapahalagahan ni Loki. Gaya ngayon. Malalim na ang gabi pero iniwan siyang magisa nun.
Iritable ang pakiramdam ko. Hindi ako sanay sa mga ganitong may maraming tao. Mas kabisado ko ang pag-iisa.
Lalong nakakairita ay ang walang kakurap-kurap na mga titig na ipinupukol sa akin ng mga kababaihang naririto.
Nakakaasiwa.
Tiis tiis na lang. Anong magagawa ko kung sadyang napakagandang lalake ko? Kung panget ako, ganun din,
pagtitinginan din ako. Patas lang.
"--Ay oo Coleen, ayos lang ako. Nandiyan na ang sundo ko. Ikaw ba? Hindi ka ba sasabay?" si Serenity iyon.
Hindi ko na napansin na dumaan na pala siya sa harap ko.
'HINDI KO NAPANSIN' bago sakin yun ah? Ako pa naman ang pinakamatinik pagdating sa surveillance.
Tiningnan ko siya.
Pasakay na siya ng kotse nang pigilan ko siya. Hawak ko siya sa kanyang braso.
Kita kong may takot sa mukha ni Serenity subalit nanatili siyang tahimik.
Natrauma ba siya sa katawan ko kaya ganto ang reaksyon niya pagkakita naming muli?
"Uuwi na ako. Ikaw na ang maghatid kay Serenity." binuhay ng tsuper ang makina ng sasakyan at pagkatapos ay
mabilis na pinaandar iyon.
"Hindi naman. Hipnotismo ang tawag doon. Basic na kakayahan ng mga bampira. Hindi eepekto yun kapag
walang eye-contact."
Hinawakan ko siya sa kanyang kamay. Basta bigla ko na lang naisipang gawin yun. Hindi naman siya tumanggi at
hindi naman niya binawi ang kamay niya.
16th Night
Serenity's POV:
"Ano yun?"
This time ako naman ang humawak sa kamay niya. Aba mahirap na! Mamaya niyan bigla na lang siyang umalis
habang nasa gitna kame ng madilim na daan. Kawawa naman ako. Mabuti na yung dama ko na magkasama kami.
Hindi ko talaga siya bibitawan hangga't hindi kami nakakarating sa mansyon ko.
****
Fenrir's POV:
Tinawag ni Serenity ang pangalan ko. Ang akala ko ay sasabihin niyang bitawan ko siya.
Natatakot ba siya? Nandito naman ako. Hinding-hindi ko siya pababayaan. Ego ko lang.
At pagkatapos ay humiling siya na magkwento ako tungkol kay Loki noong magkasama pa kami.
Sariwa pa sa alaala ko ang hitsura niya noong unang beses na dinala siya ni Ymir sa Asgard.
Nanginginig ang kanyang buong katawan. Takot na takot ang kanyang mga mata.
Subalit hindi maikakaila sa kanya ang pagiging isang halang na halimaw. Punung-puno ng dugo ang kanyang bibig
pati mga kamay.
Mistula siyang isang bata na gumawa ng kasalanan at huli na ng mapagtanto niya ang kanyang kamalian.
"Siya si Loki, ang bago ninyong kapatid." masigla si Ymir nang sabihin niya iyon.
Sa una ay palagi siyang tulala sa harap ng puno ng Yggdrasil. Hindi rin siya iniiwan ni Ymir.
Minsan ay nakita ko rin siyang lumuluha. Ngunit kahit kailan ay hindi siya nagwala. Tahimik lang talaga siya at hindi
nagsasalita.
Lumaon din at nasanay na siya sa Asgard. Binigyan siya ng tungkulin sa ilalim ng pamumuno ni Tyr.
Mabait siya at magalang. Kaya hindi mo aakalain na nagtataglay siya ng pambihirang kapangyarihan.
Hindi ako naniniwalang siya ang pinakamahina dahil siya ang bunso.
Sa kanyang unang taon bilang bampira, nagkaroon siya ng kontrata sa isang napakamakapangyarihang nilalang:
Kay Hel, ang reyna ng Helheim. May kapangyarihan siyang buhaying muli ang isang namayapang bampira kung
matutupad ang lahat ng hingiin niyang kondisyon.
Sa ikalawang taon ay napaamo ni Loki at naging alipin ang Jormungand, na isang higanteng ulupong ng dagat.
Sa ikaapat na taon ay may napaamo na naman siya: ang Sleipnir, ang kabayong may walong binti at paa.
Ah, ang tagal ko sigurong idle. Gusto yata talaga ni Serenity na may pag-usapan kami.
Ganito na lang.
Ikinumpas ko ang aking kamay. Gumalaw ang mga anino na nasa paligid at nagsama-sama sa isang lugar.
May pigura na unti-unting lumalabas sa naipong anino. Dalawang malalaking lobo. Ang isa ay kulay puti at ang isa ay
kulay itim.
"Summoning ang tawag doon. Gumagamit ako ng anino para tawagin ang mga alagad kong lobo. At silang
dalawa ang paborito ko-- sina Geri at Freki."
May naisip akong ideya.. Wala lang, lutang lang.. Kung may nagtatanong na Coke ba daw ang iniinom ko?
Nagkakamali siya. Laking Royal ako eh! Di ba nga ang motto nila : Ilabas ang kulit!
Umupo si Freki.
"Aaaaah!"
"Doon tayo tutungo sa mansyon na nasa kakahuyan-- Serenity kumapit ka ng maigi ha?"
"AYOKOOOO!" sigaw niya pero kita ko namang halos sabunutan na niya si Freki sa higpit ng pagkakakapit niya.
Hyaaa.
Kumaripas ng takbo ang mga lobo. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin na dulot ng mabilis na mosyon.
****
Serenity's POV:
Waaaaaaah! Ayokoooo!
Ha? Talaga?
Blink. Blink.
OO NGA ANO?
"Halika." itinaas ni Fenrir ang dalawa niyang braso ready para saluhin ako.
Whatever kuya!
Humawak ako sa kanyang mga balikat. Siya naman ay humawak sa aking bewang.
Binuhat niya ako at kumapit ako sa kanya. Iyon nga lang, hindi namin tantsa ang distance. Ang tangkad niya kasi eh.
Ang pandak ko naman.
At pagkatapos---
HAAAAAAAH!
Ano ba?! Puro nakakahiya na lang ba talaga ang moments ko pag magkasama kami ni Fenrir?
Mapusok.
OH MY GOD!
Binayo ko ang kawawang gate o mas tamang sabihing pinagbuntunan ko ng hindi mawaring sama ng loob ang
nananahimik naming gate.
Pinagbuksan ako ni yaya Mameng. Ibinalabal niya sa akin ang dala niyang pangginaw.
First time kong isinara ang pinto sa aking balkonahe ngayong gabi.
****
Odin's POV:
"Freki, Geri, saan na naman kayo nagtungo?" sinalubong ko sila sa labas ng aking templo na tinawag kong
Valhalla.
Espesyal para sa akin ang templo na ito at walang nakakapasok nang hindi ko binibigyan ng pahintulot.
"Nakipaglaro kami kay Fenrir." sagot ni Freki. Siya ang puting lobo at ang kasarian ay babae.
"--At sa kasama niyang chicks!" sabat naman ni Geri. Kabaligtaran siya ni Freki.
"Kasintahan?" tanong ko agad. Kilala ko si Fenrir. Inalagaan ko siya ng matagal na panahon. Hindi siya yung tipong
nakikipag kaibigan o nakikihalubilo sa mga babae.
"Oo!" walang kagatol-gatol na sagot ni Freki. "Hmp! Pinasakay pa sa likod ko. Sinakal ako master! At kitang kita
namin na hinalikan ni Fenrir yung babae na yun!"
Bumuntong hininga ako. Hindi ko na papangaralan si Fenrir matanda na siya. Alam naman na siguro niya ang
magiging kumplikasyon ng pag-ibig naming mga bampira sa hindi namin kauri. Mas lalo na siya na isang taong lobo
at may dugong bampira..
Ako ang unang master nila Freki at Geri. Sa utos ko ay sumusunod sila kay Fenrir. Dahil doon ay nalalaman ko kung
anu ano ang mga kabalbalang pinaggagawa ni Fenrir.
Ang orihinal na master nila ay ang pinuno ng mga taong lobo. Kaya't tiwala akong sila ang pinakamalakas.
Nakipagkontrata sa akin ang dalawang lobo matapos kong mapatay ang pinuno nila matagal na panahon na ang
nakalilipas.
May narinig akong lagaslas ng pakpak. Kasunod niyon ay may dalawang itim na uwak ang dumapo sa isang sanga
ng puno malapit sa akin.
Pinakinggan ko sila.
Bago matapos ang kanilang huling sasabihin, humahangos na lumapit sa akin ang aking ardilya.
Si Ratatosk.
Si Ratatosk ay napakaimportanteng nilalang para sa akin. Siya lamang ang tanging nakakagapang sa puno ng
Yggdrasil.
"Si Mistress Freya, sumanib siya sa puno ng Yggdrasil, at hanggang ngayon ay hindi pa siya nakakalaya!"
Bakit iyon ginawa ni Freya? Tinatangka ba niyang arukin ang diwa ng dakilang puno?
Hindi maaari!
"--K-kailangang may sumagip sa kanyaang puno ng Yggdrasil, unti-unting nagkukulay dugo na po!
Inilabas ko ang aking setro at itunukod iyon sa lupa. Nagliwanag ang pulang bato na nasa tuktok niyon.
Ang mga Valkyrie ay ang mga bampirang binigyan ko ng dugo. Masugid silang sumusunod sa akin bilang mga alipin.
Yumuko sila upang magbigay galang. Sila ay pawang mga kababaihang may ipinamamalas ng hindi matatawarang
ganda. Mga Diyosa sila ayon sa mga tao. Ano po ang aming maipaglilingkod Panginoong Odin.
Madali kayo, hanapin ninyo ang aking mga kapatid at iparating sa kanila na nais ko silang makita sa lalong
madaling panahon! Ngunit kapag una ninyong natagpuan si Thor ay huwag niyo nang hanapin pa ang iba.
Maliwanag ba?
Wala naman akong inaksayang panahon at dagli akong lumabas ng Valhalla. Tinungo ko ang Yggdrasil. Tama nga si
Ratatosk. Ngunit mas kagimbal-gimbal ang hitsura ng Yggdrasil kumpara sa kanyang naisalarawan.
---A/N:
Magbibigay na ako ng kaunting insights tungkol po sa totoong Scandinavian/Norse mythology kung saan ko ibinase
ang seryeng ito..para makita po ninyo ang pagkakaiba kasi hindi po 100% na parallel ang story sa myth.
Sa mitolohiya, ang Jarmungand at si Hel na isang jotunn (giantess) pati si Sleipnir ay mga anak ni Loki.
Ang mga nabanggit kong animals, Freki at Geri, Huginn at Munnin, pati si Ratatosk ay pag-aari ni Odin--sa kanya din
talaga nagsisilbi si Sleipnir.
Ang Valkyries ay ang mga deities na pumipili sa digmaan kung sino ang mamamatay at mapuputa sa Valhalla.
Nagiging ispirito ang mga mandirigmang napupunta sa Valhalla na pumapanig sa mga Gods sa oras ng digmaan o
Ragnarok.
17th Night
Loki's POV:
Wala akong naramdamang kahit na ano. Kasabay ng pagbalik ng aking alaala ay siya ring panunumbalik ng
pagkamuhi ko sa kanya..
Tinangka niyang sunugin ang aking katawan habang ako ay natutulog. Subalit nagkamali siya dahil hindi malapitan
ng apoy ang aking katawan.
Tapos na.
Umalis lang ako nang lubhang malakas na ang apoy at nasimulang tupukin ang unang palapag ng mansyon.
Saka ako nagtungo sa isang tagong lugar na matagal ko nang hindi napupuntahan.
Sa lugar na walang hanggan ang kadiliman kung saan matagal nang patay ang ilog na pinamumugaran ng mga
kakaibang nilalang.
Sssssss..
Ssssssss..
Sssssss..
Alam kong wala akong dapat ikatakot. Kahit gustong gusto pa niya akong patayin o lunukin ng buhay ay hindi niya
magagawa.
****
Tyr's POV:
Hindi basta-basta tinatawag ni Odin ang mga Valkyrie nang walang dahilan. Hula ko ay may nangyayari sa Asgard.
May kakaibang sensasyon akong nadama na para akong nakalutang sa ere at mabilis na umaangat.
May kakaiba sa puno. Kulay dugo na ang mga sanga nito at nagsisimula nang tumubo ang mga kulay pulang dahon.
"--Wala nang oras Tyr, gamitin mo ang kakayahan mo, hugutin mo si Freya malapit sa ugat ng Asgard!"
Masyadong malaki at mahaba ang ugat. Mahirap magbakasakali at baka pati ako ay makulong sa loob.
Nagliwanag.
"Oo."
Nagpokus ako. Mayamaya ay nagbago ang aking katawan. Naging asul na usok.
Nakapasok ako sa ugat. Malayo-layo rin ang tinagusan ko bago ko nakita ang aming kapatid.
Bumalik ako sa solidong anyo. Saka ako nanlumo pagkakita kay Freya.
Lubog ang kanyang mga laman at ang kanyang balat ay nakadikit na sa kanyang buto. Mistula siyang bangkay.
Hindi nakalagpas sa aking pansin ang markang guhit na lumabas sa kanyang kaliwang pisngi maging ang pagpapalit
ng kulay ng kanyang mga mata.
Nagulat ako nang tumayo si Freya. Para talaga siyang bangkay na dilat na dilat.
"Mga taksil-- ipinain ako sa puno ng kasalanan.. Mga makasarili.. Sumpain--" wala na yata sa sarili si Freyang
kalansay. Nagsasalita siya na parang nag-oorasyon. Puro galit ang kanyang bukambibig subalit wala naman siyang
mailabas na emosyon.
"BAKIT NGA?!" di ko sadyang pagtaasan ng boses si Odin. Ang kulit niya kasi, ayaw pang sabihin kung napapano
ba si Freya.
"Sa pagtatangka niyang kumawala mula sa puno, umabot na siya sa ikalimang antas-- ano mang sandali
mula ngayon ay magiging Jotunn na siya!"
Aaaaaaaaaaahhhhh!
Ang mga ugat niya sa loob ng katawan ay nagsisilabasan at ibinabalot siya na parang suman.
Umiling si Odin. "Huli na ang lahat. Ang mabuti pa, simulan mo nang umatake habang hindi pa nakukumpleto
ang pagpapalit-anyo niya."
Si Freya..
Ang Jotunn..
Kusang hahanap ng lalabasan ang sobrang kapangyarihan at aangkinin ang katawan ng bampira.
Marami na rin akong napatay na Jotunn. Ngungit mga mahihina lamang sila dahil mahina ang dugong kanilang
pinanggalingan.
Ang Jotunn na galing sa walong tagapagmana ni Ymir ay hindi ko pa tantsado ang lakas.
Unti-unting lumalaki ang katawan ni Freya--- tinutubuan siya ng pakpak. Nag-iiba ang hugis ng kanyang mga paa at
kamay.
Whraaaaaaaawrrrh!
Nagwala ang Jotunn. Lumipad ito sa ere at nagbuga ng itim na usok. Lahat ng matamaan noon ay nalalanta at
nawawalan ng buhay.
Nakita ko na lamang na unti-unting nagbabago ang lugar. Kumukupas ang imahe ng malaking Yggdrasil pati na ang
Asgard. Pinakiramdaman ko ang paa ko. Buhangin ang tinatapakan ko. Itim na buhangin.
Ibang klase!
Ngayon lang yata naging galante si Odin sa paggamit niya ng kanyang mahika!
****
Odin's POV:
Sasandali pa naman ang oras na pwede kong gamitin ang aking kapangyarihan.
Gumawa ako ng isang tatak na sumpa upang magkaroon ako kahit papaano ng layang gumamit ng mahika sa loob
ng limitadong oras.
Nagsausok muli si Tyr at tinagusan ang Jotunn. Pagdating niya sa likod, muli siyang nagbalik sa dating anyo.
Nagpalabas siya ng mahaba ngunit maliit na buhawi at itinutok iyon sa batok ng Jotunn.
"Matigas ang katawan niya, pero dito banta ay malambot!" sigaw ni Tyr habang nasa ere.
Gyaaaaaahhhrgg!
Pumalahaw ang halimaw na waring nasaktan. Nahampas ng buntot nito si Tyr na agad namang tumilapon.
Sa bawat daliri ko ay may bumabagtas na isang malasinulid ng kapangyarihan. Isa-isang kumabit ang mga iyon sa
likod ng aking mga Valkyrie. May dalawang hindi nalagyan.
"Kayong sampu, ipagkatiwala ninyo sa akin ang inyong mga katawan. Kayong dalawa naman, protektahan
ninyo ako."
"Masusunod po."
Bumagsak ang Jotunn. Nasa likuran niya ang isang Valkyrie na matagumpay na nakapagtarak ng patalim sa batok.
Kuyaaaaaaahh!
Boses iyon ni Freya. Kahalo ng boses ng Jotunn. Ngayong humina na ang impluwensya ng Jotunn, nangibabaw ang
diwa niya.
"Kuya tulungan mo ako! H-hindi ko k-kayang ibalik ang sarili k-ko s-sa dati---"
"Kuya, t-tulong"
Hindi tama ito. Baka maulit muli ang ayaw ko nang mangyari pa.
"Masusunod po."
Lalapit ako kay Freya. Susubukan ko kung may magagawa pa ako para---
Kumidlat ng napakalakas.
Aaaaarggggh!
Natigil lamang ang pagkidlat nang maabo na ang Jotunn na dating nag-iisang prinsesa ng mga bampira.
"Thor.." hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng mga sandaling ito habang tinitingnan ko siya at
ang hawak niyang martilyo.
"Parang hindi ikaw yan Odin.. Ang Jotunn ay Jotunn. Kahit kailan ay hindi na siya magiging si Freya pa!"
A/N: Magandang gabi bayan ^_^ heto naaaaaa ang kwentong patungong highway!!! tentenenen!
Add niyo po ako sa facebook...epal lang to... back to 1hr a day online po eh...but always online through mobile fb...
heres my fb ----->>>> cutecrisca27@yahoo.com
----
18th Night
Thor's POV:
Ano'ng nangyayari kay Odin? Bakit siya nagdalawang isip na wasakin ang Jotunn?
Matagal na naming inihanda ang aming mga sarili na maaaring isang araw ay papatay kami ng isa sa aming walo.
At wala na nga si Freya. Hindi ko siya tinigilan hanggang hindi siya naging abo.
Masisira na lang ang maganda nating samahan dahil sa emosyon mo, ganun ba?
Ito ang tatandaan mo, dahil nasa limitasyon ka na, pigil ang paggamit mo ng kapangyarihan.
O salamat dahil dumating ako bago siya naman ang maging Jotunn?
****
Loki's POV:
Nandirito ako sa lumang kapilya na naipatayo pagkatapos kong maging bampira noon.
Pumanaw na siya.
Mabuti naman.
Hindi ko masisikmura ang kanyang hitsura kung iisipin kong magsasama kami. Matanda na siya. Uugod-ugod at
alagain.
Tama na yung naging nakaraan namin. Pero hindi ko na rin maalala ang mga bagay na nangyari sa amin noong ako
ay tao pa.
Nagkamali na ako noon kay Kristanna. Ngayon ay hindi ko na dapat pang sayangin ang panibagong pagkakataon.
Tama. Lumapit ka sa akin. Kapag nagkamali ka at binigyan mo ako ng permiso, papatayin ko lahat ng tao sa
mansyon na ito..
****
Serenity's POV:
Bumangon ako at naupo. Nakatingin ako sa kanya ngunit sadya kong iniwasang tingnan ang kanyang mga mata.
Siguro ay dapat ko na siyang kausapin ng matino. Ako rin naman ang mahihirapan kapag patuloy ko siyang tinikis
eh.
Napatigil ako pansumandali sapagkat may lumipad na dalawang itim na uwak at dumapo sa kable ng kuryente.
Kasama na yun sa mga tipikal na nararamdaman ko tuwing gabi kasama ang minamahal kong bampira.
Natakot ako.
Pero bakit?
****
Loki's POV:
Habang magkayakap kami, dahan dahan kong binubunot ang espada ko.
Kahit saan, basta ang mahalaga ay hindi matamaan ang kanyang puso.
Heto na.
Ting!
"Ah, ikaw pala Odin.." bati ko. Lalo kong hinigit ang paghawak sa espada upang maitulak ang kanyang setro.
"Hahahaha.." tumawa ako. "Seryoso ba kayong dalawa? Bakit kayo nanghihimasok sa personal kong
buhay?!"
"Bakit ka nagkakaganyan Loki?" yun na ata ang pinakawalang kwentang tanong na nanggaling kay Fenrir.
Ahhh!
Oh sige. Kung gusto niyo talagang magkasubukan tayo, hindi ko kayo aatrasan.
At kapag inabo ko na kayo, isinusumpa kong gigibain ko itong mansyon na ito at kukunin ko ng sapilitan ang babae
ko!
Isang beses sa isang buwan lang niya napapakinabangan ang kanyang kapangyarihan kaya't nasisiguro akong
bihasa siya sa paggamit ng espada.
Ang mga maliliit na liwanag na lumabas sa setro ay pumalibot sa buong katawan ni Fenrir.
Hindi ko na nakita si Fenrir sa kanyang kinatatayuan. Basta biglang nasa harapan ko na siya.
Sinalag ko ang atake niya. Pero nasipa niya ako. Napakalakas niya. Tumilapon ako sa kakahuyan.
****
Serenity's POV:
Maluha-luha ako habang naka-crouch sa sahig. Ang mga braso ko ay nakatakip sa aking mukha.
Iyon ang plano niya simula pa lang nung unang gabi kaming nagkita.
Pero bakit?
BAKIT?
BAKEEEEET?!
Wah?
Napatingala ako. Yung bagong dating kanina, nakaupo pala siya sa balustrahe ng veranda ko.
Batambata pa siya sa paningin. Ang tantsa ko ay mas matanda lang siya kay Loki ng ilang taon.
Bakit ang gagwapo ng mga kapatid ni Loki? Ang ganda ng lahi nila in fairness.
Sige. Welcome to the club. May bagong tambay na naman sa aking pamosong balkonahe.
Ano bang tanong yan Serenity?! Syempre para iligtas ka! Ang haba ng hair mo eh!
"Sinusubaybayan ko si Loki. Nito kasing mga nagdaang araw, kakaiba na ang mga kinikilos niya.."
Bumalik ako sa aking dreary mood. "May nangyari ba sakanya? P-papatayin niyo ba siya?"
Pero si Loki..
"--Sa tingin ko ay mahal ka din naman niya.. Desidido nga siyang gawin kang isang bampira."
Natanga ako.
Kasunod ay kinabahan.
"Wala kaming balak patayin si Loki. At dahil doon, nakasisiguro akong babalik at babalikan ka niya para
gawing isa sa amin. Ngayon-- nasa iyong mga kamay ang pagdedesisyon kung gusto mong manatiling tao o
maging kaisa namin."
"Bibigyan kita ng isang sumpa kung saan hinding hindi ka na makikita ni Loki kahit pa nasa harapan ka niya.
Pero huwag kang mag-alala, maaaring mabali ang sumpa anumang oras na gustuhin mo."
KAYA KO BA YUN?
Teka nga..
"Kuya, napapansin kong kanina ka pa naka-side comment diyan ah? NABABASA MO BA ISIP KO?!"
NAKAKAHIYAA!
****
Odin's POV:
Tinapik ko ang kanyang noo. May nabuong marka ng pentagram doon na agad namang naglaho.
Nawala siya sa kanyang sarili. Naglakad siya patungong kama at saka nahiga.
Nakakatuwa siyang nilalang at gusto ko siyang makita na isang bampira. Naaalala ko sa kanya si Freya..
****
Fenrir's POV:
Sa lakas ng sipa ko, naararo niya ang pila-pilang puno dito sa kagubatan.
Hindi ko talaga inaasahan ang pagpapakita ni Odin kanina. Bigla na lang siyang sumulpot.
"HAH! LUMABAS DIN ANG TUNAY MO'NG KULAY. BAIT-BAITAN KA PA KUNWARI! MAS UNGAS KA PA
PALA KAYSA KAY HEIMDALL!!" sigaw ko rin. Bakit yun ang nasabi ko? Pero totoo naman di ba?
A/N: Mula sa highway, daan naman tayo sa gas station O_o sana ay maliwanagan tayong lahat kahit ako'y
naguguluhan pa rin sa aking kinukwento..
Salamat po sa mga diwata ni BlacknWhiteAssassin dahil dinalaw nila ako sa panaginip. Ako rin penge ng Fafa!
May nakalimutan akong idagdag.. Ang mga Alfar ay elves okey!
----
Chapter 19
Odin's POV:
"May nagpalaya kay Loki mula sa selyo na ibinigay ko. Yan ang paunang ulat sa akin nina Huginn at
Munnin." paliwanag ko kay Fenrir.
"Siguro. At hindi ko pa alam ang dahilan. Nakita naman natin na masama ang epekto kay Loki ng pagtaas ng
kanyang antas. Nagiging negatibo ang kanyang pag-iisip--"
"Wooo, kalokohan. Ang sabihin mo, talagang masama na siya noon pa. Magaling siyang magpanggap!"
Nanlaki ang mga mata ni Fenrir tapos ay napasulyap siya sa salaming pinto ng verandang ito. "Bakit ako ang aalis?
Hindi ba dapat ikaw ang umalis?"
Ayaw mo ha?
Itinuro ko ang ulo ng setro sa paahan ni Fenrir. Nabutas ang bahaging yun at pagkatapos ay nahulog doon si Fenrir.
"Waaaaaaahhhh!"
Nagamit ko ng malaya ang aking mahika nang wala akong naramdamang kahit na ano.
"Hilaga, Kanluran, Timog, at Silangan. Kapangyarihang bumabalot sa lugar na ito, hanggang saan ang
sinasakop?"
Nagliwanag ang aking tinatapakan. Lumawak ang liwanag hanggang tumigil sa balustrahe.
Namangha ako, sapagkat ang tanging sakop ng positibong enerhiya ay ang buong balkonahe lang na ito.
Napakaliit.
****
Serenity's POV:
Tok!
Tok!
Sino?
Nakakatakot!
Sa ngalan ng ama..
Ng anak..
At ng ispirito Santo..
Nagdasal ako..
Amen.
Tok!
Tok!
Tok!
Tok!
Mama ko!
Bumangon ako.
Sa pagbukas ng pinto, napasalampak sa carpet ng kwarto ko ang kalahati ng katawan ng isang misteryosong tao.
Pinagmasdan ko siya. Ginintuan ang kanyang buhok na hanggang talampakan ang haba.. Ang kanyang tainga ay
mahaba at patusok. Ang suot niya ay mahabang roba.
At duguan siya!
Diyos ko!
Dagli kong tinungo ang mesita kung saan may iniiwang pitsel ng tubig si yaya Mameng bago ako matulog.
Napapikit siya.
"Wag mo akong intindihin. Malalim na ang mga sugat at malapit na rin akong mawala--"
HA?!
Nagbibiro lang siya hindi ba? Nakainom siya ng tubig, ibig sabihin ayos lang siya hindi ba?
"S-serenity p-po.. S-sampung taong g-gulang n-na ako." nasanay na kasi ako, kapag tinatanong ang pangalan,
kasunod na itatanong ang edad.
"Wala na akong oras.. Kailangan ko ng tagapagmana.. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kapag isang
tao ang pinili ko."
Tagapagmana?
Kayamanan?
Magkano?
Bakit?
"--Pero susugal ako.. Ang kapangyarihang nagpasalin salin sa mga lahing Alfar ay nagmula sa mundo, at sa
aking pagpanaw, marapat lamang na iwanan ko ito rito."
"K-kuya, ano po ang mga sinasabi mo?" mangiyak ngiyak na ako. Nararamdaman ko kasi ang kalungkutan niya
kahit wala naman akong maintindihan.
"Serenity. Ikaw ang pinili ko. Tanggapin mo ang biyaya ng mga Alfar!"
Tapos..
Tapos..
Mainit sa pakiramdam.
Masakit!
Ahhhhhhhhhhh!
Blagadag!
ARAY!
Umaga na.
Inis na ako ha? Lagi na lang ako pinapatulog ng mga bampira na yan.
Nagsimula yun noong sampung taong gulang ako. Tapos gabi gabi, yun na lang lagi ang panaginip ko.
Ikinukwento ko iyon sa mga kaibigan ko. Palagi pa nga, gumagawa ako ng storya tungkol dun.
Kaya sinarili ko na lang. Nang lumaon ay hindi na rin ako dinalaw ng kakatwang panaginip na yun.
****
Ymir's POV:
Ang mga Alfar ay nabibilang din sa mga sinaunang nilalang na namumuhay sa isang tagong bahagi ng mundo na
kung tawagin ay Svartalfaheim.
May kakayahan silang magpagaling ng kahit na anong sakit at magpatubo ng kahit na anong halaman.
Subalit sa kasamaang palad, hindi nila maaaring gamitin ang kanilang kakayahan para sa sarili o para sa kanilang
kalahi.
Sadyang napakahina nila. Inatasan ko noon sina Vili at Ve-- na pawang mga anak ko rin dati at kabilang sa mga
Aesir-- na protektahan ang tribo ng Alfar.
Bagama't nagapi nina Odin at Thor sina Vili at Ve, huli na ang lahat.
"--Hindi lalabas ang tunay niyang kapangyarihan hangga't nananatili siyang tao." si Loki.
"Hindi ko alam at wala akong pakialam. Ang mahalaga ay alam mo na kung paano bubuhaying muli ang
Yggdrasil sa lalong madaling panahon."
Nakalimutan na ba niyang siya ang dahilan kung bakit naglagas ang Yggdrasil?
Yan ang gusto ko sa kanya, tinitingnan niya ako na para bang kasing bata lang ng katawan ko ang utak ko.
****
Loki's POV:
Ilan ba sa aming mga Aesir ang gustong kunin at wasakin ang puso mo?
Huwag na.
Sikreto..
Nakakainis. Nabuking na ako ni Odin. Malamang ay nalaman na niya, na ako mismo ang nagtanggal ng selyong
ibinigay niya sa akin.
Ang mga tao ay makasarili ngunit hindi nila laging nakukuha kung ano ang kanilang gusto.
Ang mga bampira naman ay nakukuha ang lahat ng naisin subalit panandalian lamang.
Pero sabi ko nga, panandalian lang ang sayang mararamdaman mo kapag nakuha mo na ang lahat ng gusto mo
nang walang kahirap hirap.
Pinili ko ang mahimlay at umasang hindi na magigising pang muli ang puso kong lubog sa kasamaan.
Kung hindi na ako pwedeng maging taong muli, gusto kong makalimot
Natupad ba iyon?
Oo.
Dahil ibinalik sa akin ni Ymir ang dati kong puso, kadikit ng mga alaala ko sa Asgard.
****
Fenrir's POV:
Hayun, tumawid na naman ako ng Bifrost para lang makabalik sa mundo ng mga tao.
Alam kong may ginawa si Odin. Papaalisin ba niya ako kung wala? Ah ano naman kaya? May ginawa siya kay
Serenity? Subukan lang niya!
Lumabas si Serenity sa kanilang tarangkahan.
Oo nga pala, nandito na naman ako sa tapat ng kanilang mansyon. Inaabangan ko talaga siya.
Bumuntong hininga si Serenity na parang naalisan siya ng tinik sa lalamunan. "Salamat naman."
Nananadya ba siya?
Kahit na!
"May sasabihin ako sa iyo Serenity at kapag sinabi ko na, hindi ko na uulitin."
"Ano ba yun?"
20th Night
Serenity's POV:
Nyaah!
Pak!
Alam mo pala eh! Kasalanan mo 'to! Ginulo mo lalo ang isip ko.
Bumitaw ako sa pagkakahawak sa braso niya. Binilisan ko ang lakad para maunahan ko siya.
"Hoy Serenity!"
"HOY SERENITY!"
"BAKET?!"
ANO?!
Wait lang.. Lahat ng mga polo at blouses ay may nakaburdang pangalan ng estudyante sa dibdib.
Hinawi ko ang darkblue overcoat na suot niya at binasa ang pangalang nakaburda.
Fenrir A.
OH?! As in?
"Ano bang ginagawa mo?" hinawakan niya ang kamay ko at saka hinila niya ako palakad.
"Eh di ba--" parang natutunaw yata ako sa titig niya. "--kanina sinabi mo--"
"--Kung wala kang nararamdaman para sakin, madali lang sabihin na mahal mo si Loki, TAMA BA?"
Eh pero..
"Wala naman akong pakealam sa nararamdaman mo. Basta ako, sinusunod ko kung ano ang nararamdaman
ko."
"--Siya nga pala, simula ngayon, lagi na kitang susunduin pagpasok at ihahatid pauwi. Bukod pa sa lagi
kitang sasamahan sa loob ng paaralan mo."
****
Fenrir's POV:
Namangha siguro si Serenity kung paano ako naging estudyante ng kanilang paaralan sa isang iglap.
Buweno, isa iyong uri ng simpleng mahika at may kaunting hipnotismo. Nakakagawa iyon ng isang eksistensya sa
mundo ng mga tao ngunit sa limitadong lugar lamang.
Halimbawa na lang ay ako; binigyan ko ang sarili ko ng eksistensya bilang ang estudyanteng si Fenrir.
Sa loob ng paaralan, kilala ako ng mga kamag-aral ko at ng mga kaibigan ko, o kung sino pa.
Paglabas nila ng paaralan, wala na ulit silang alam. Hindi nila ako mababanggit o mapag-uusapan.
Noong baguhan pa lamang ako sa Asgard, siya ang pumoprotekta at nag-aalaga sa akin. Syempre ngayong kaya ko
na ang sarili ko, hindi na ako umaasa sa kanya.
Eh ang tamad na din niya. Baka mahawa pa ako. Si Thor nga nahawa eh.
Hindi ko naman basta ginamit ang mahika na ito ng wala lang. Ginamit ko ito dahil gusto kong masiguro ang
kaligtasan ni Serenity.
"Magandang umaga Fenrir!" may kaagad na bumati sa akin pagpasok namin sa tarangkahan. Umalis din yun
kaagad.
****
Serenity's POV:
"K-kilala ka nun?!" tanong ko kay Fenrir kasi may bumati sa kanyang schoolmate.
"Ka-myembro ko sa varsity."
Varsity?!
Ayoko na ngang magulat! Sige na, tatanggapin ko nang estudyante na dito si Fenrir.
Phew!
Pumasok na ako ng kwarto. Umupo sa harap ng desk ko. Paglingon ko sa kanan ko--
"KATABI KITA?!"
"Ano'ng problema mo Serenity? Eh magkatabi naman talaga kayo ni Fenrir since June."
June?!
Eh February na!
Bakit ako lang yata ang hindi nakakaalam na kaklase ko pala si Fenrir?! Samantalang kilala ko na siya bago pa nila
siya makita!
Pak!
Pak!
Masakit naman.
****
Loki's POV:
Serenity..
Gagawin ko siyang bampira sa lalong madaling panahon sa ayaw niya at sa gusto niya..
Pagkatapos..
Pagkatapos..
Sssssss..
Nakakainis.
Ssssssss..
Malas lang at hindi siya marunong makipagtalastasan sa hindi ahas na kagaya niya.
Malaki lang talaga siya, makamandag at mapanglingkis. Bukod dun, wala na.
"Bakit nandito ka na naman Ymir? Hindi ka na ba makabalik sa Asgard dahil malilintikan ka kay Odin?"
"Hahahahaha.."
Bumagsak ako.
Sa isang kisap mata, nakadagan na sa akin si Ymir at sakal ang aking leeg.
"Sige pa Ymir.. Konti na lang, isa ka na ring Jotunn-- Ang dakilang si Ymir na pinanggalingan ng lahing
bampira---"
Inilapit niya ang kanyang mukha. "Loki, napakasutil mo'ng bata.. Akala mo siguro ay hindi ko alam kung ano
ang lihim mo.."
"Tama na ang satsat mo Ymir.. Huwag mo akong gagalitin dahil may paglalagyan ka."
Sssssss..
Naiinis siguro ang ahas na ito pero wala namang magawa laban sakin.
****
Serenity's POV:
Hindi talaga ako makapagconcentrate sa buhay ko dahil sa may nakabantay sa aking gwapong hindi tao.
Sumama pa yata lalo ang tingin sa akin ng mga babae kong kaeskwela.
Kung may laser beam ang mga mata ng tao, marahil kanina pa ako nasunog.
Naku.
Umupo kami ni Fenrir nang magkaharap sa isang table sa cafeteria. Lunchbreak ano pa!
Flash!
Flash!
"Coleen?!" himala! Dati ako ang pinipicturan niya. Ngayon, si Fenrir na.
HINDI!
I was wrong.
Kinalabit ko si Fenrir.
BOOM!
Dineadma ako.
May dinukot si Coleen na nakatuping papel sa kanyang bulsa. Pagkatapos ay inilatag iyon sa aming lamesa.
'Profit Chart'
Odin?
"Oo. Bakit, may kagulat-gulat ba doon? Marami talagang bumibili ng pictures niya."
Hindi common name ang Odin ha. At isang Odin lang naman ang naiisip namin.
BAM!
"SAAN KA PUPUNTA BESY?!" ngiting ngiti si Coleen, hawak na niya ang camera. Ready to shoot.
Ngingiti ngiti rin ako, pero nanginginig ang mga labi ko.
BAM!
"Hindi pwede! Kailangang makuhanan kita ng litrato ngayon din! Marami akong pending order! NGITI!"
Flash!
Flash!
Nakakahiyaaaa.
"Oh, ganito namang pose--" inayos ni Coleen ang mga braso ko.
Flash!
Flash!
A/N: Isang balik-tanaw sa pinakamalakas na Aesir! Alamin kung ano ang kanyang nakaraan... wooohooo... Go
TEAM ODIN! *spoiler ba A/N ko?!*
Sa mga tumatangkilik ng LOKI **Mahal ko kayo!!
----
21st Night
Odin's POV:
Ako ang pinakamalakas na Aesir at nakahanda ako upang muli iyong patunayan.
Mahalaga ang puno ng Yggdrasil subalit may itinakdang panahon na kung kailan ito muling mabubuhay.
Subalit may mga atat yata upang pabilisin ang pagyabong muli ng mga dahon ng puno ng buhay.
Hindi na ako maaari pang gamitin ni Ymir. Isang kaaway na ang turing ko sa kanya at alam na alam na niya iyon.
Dati, inaamin kong mataas ang pagtingin ko sa kanya; dahil siya ang nagligtas sa akin limandaang taon na ang
nakakaraan.
Dahil sa aking husay sa pagtatanghal ng mga ilusyon, naging tanyag ako sa aking murang edad. Natakot ang
simbahan sapagkat mas pinipili ng mga tao ang manood sa aking mga palabas kaysa magsimba. Di naglaon ay
itinuring akong kampon ng dimonyo.
Naekskomulgado ako. Kasunod ay ang pag-aresto nila sa akin at ang walang habas na pagpapahirap.
Sumuko ang katawan ko sa strappado. Nagkabali bali ang aking mga kasu-kasuan.
Itinapon nila ang aking katawan sa isang lupain kasama ang iba pang bangkay.
Nakakarimarim.
Maraming hayop ang nagpiyesta na kumakain ng laman ng mga bangkay. Ibon, aso at---
"Hay.. Kawawang mga nilalang. Pinili ko ang huwag uminom ng dugo ng mga tao upang maging payapa ang
mundo. Subalit sinasayang niyo lang ang buhay ng isa't isa na wala man lang pakinabang."
"S-sino ka?" pinilit kong magsalita dahil kita ko namang sakin siya nakatitig.
Kalokohan.
Tiningnan ko siya. Kontra siya sa liwanag ng buwan kaya hindi ko maaninag ang kanyang mukha.
"Kung ikaw ang Diyos, bakit mo hinayaan na gawin nila ito sa akin?"
"Ang tao ay walang karapatang kwestiyonin ang itinadhana para sa kanya. Tandaan mo yan."
Kinuyom ko ang isang dakot na lupa. Nagagalit ako at naaawa sa sarili ko.
"Ayoko nang maging tao dahil ayoko sa naging tadhana ko. Pero ayoko pang mamatay! PAGBABAYARIN KO
SILA--- MGA HAYUP SILA!"
Pagkatapos ng ilang masakit na gabi sa loob ng bilangguan, hindi ko akalaing may mailuluha pa pala ako.
Inilahad niya ang kanyang braso at pagkatapos ay sinugatan niya iyon gamit ang sarili niyang kuko.
Ipinatak niya sa aking mukha, nagtuloy sa aking mga nanunuyong labi. Nalasahan ko ang mapait na dugo.
Hindi pala.
Nag-init ang aking pakiramdam. Kasabay ng biglang pagbilis ng tibok ng aking puso.
Mabilis na mabilis.
"Tutal ay gising ka na, Odin, ibangon mo na yang sarili mo para hindi na ako maghukay pa." boses iyon ng
bata.
"Odin?"
At simula nga noon, isinumpa ko na ang aking katapatan para sa aking amang si Ymir.
Binalikan ko ang kahariang lumapastangan sa akin. Nagpakalat ako ng epidemya sa kanilang bayan at marami ang
namatay.
Pakiramdam ko, naging Diyos ako sa loob ng ilang dantaon. Pinarusahan ko ang mga taong mapang-api.
"Sa ano'ng dahilan?" ang tanong ko. Payapang nabubuhay ang mga taong-lobo. Hindi sila nananakit ng tao at hindi
sila basta-bastang nakikipag-away.
Hindi ko maintindihan si Ymir kung bakit kailangan naming angkinin ang Diyos ng iba.
Pero nang mga panahon na iyon, nakatingin ako sa kanyang mga mata. Nahuli niya ako.
Tatlong araw na walang puknat, pumaslang ako ng daang libong nananahimik na mga nilalang.
Kusang lumalabas ang kapangyarihan sa akin kahit sukong-suko na ang katawan ko.
Unang antas..
Ikalawang antas..
Ikatlong antas..
Ikaapat na antas..
Ikalima--
"AHHHHHHRGGH!"
Lumapit sila.
Walang pag-aalinlangan sa kanilang mukha. Inamba nila sa akin ang kani-kanilang mga sandata.
Katapusan ko na--
Inaninag ko kung ano iyon. Isang munting puting lobo na may makinang na balahibo.
Napakaganda.
Kamangha-manghang tumigil sa pag-aalburoto ang aking katawan sa pagkawala ng liwanag na yun. Natigil ang
aking pagsasahalimaw.
Diyaske! Ngayon lang siya nagpakita pagkatapos niyang ipagawa sa akin ang bagay na labag sa aking kalooban!
Sinugatan ni Ymir ang kanyang sariling braso at saka ipinilit ipainom sa paslit ang dugo niya.
Dahil espesyal na nilalang si Fenrir, iba ang naging epekto sa kanya ng dugo ng bampira.
Pero sobrang bagal ng pagtanda niya kumpara sa normal na pagtanda ng ordinaryong tao.
Nakunsensya ako ng husto sa naging tadhana ni Fenrir. Minabuti kong gabayan siya hanggang lumaki na nga siya.
Lihim akong nagdamdam at napoot kay Ymir. Kahit kailan, hindi na ako nakitang gumamit ng kapangyarihan.
Sa mga kwento na lamang nabubuhay ang aking pakikipagsapalaran bilang pinakamalakas na Aesir.
"ODIN!"
****
Fenrir's POV:
Tinawag ko si Odin. Napansin namin kaagad siya pagpasok niya dito sa cafeteria.
WAH?!
"MAG-USAP TAYO!"
"Ah wala naman. Gusto ko lang itanong kung-- bakit ka gumagamit ng-- MAHIKA?!"
"Dahil nakita ko na siya." nilagay pa niya ang kanyang kamay sa tuktok ng ulo ni Serenity.
"ANO?"
"Mahirap ipaliwanag Fenrir, pero kapag malapit ako sa batang ito, gumaganda ang pakiramdam ko. Malaya
akong nakakagamit ng salamangka."
Hoy, Odin, para-paraan ka ah? Wag mong sabihing may BALAK kang agawin sakin si Serenity?!
Ibinaba niya ang kanyang ulo at ang mga braso niya ay iniyayakap niya kay Serenity.
Grrr..
Tutal ay nababasa naman niya ang isip ko, hindi na ako magsasalita!
"Makinig ka sakin Fenrir. Tanggalin mo na siya sa damdamin mo dahil kukunin ko siya kalaunan. Kailangan
ko siya sa aking tabi--"
"WAG KA NGANG EPAL ODIN! Sigurado akong hinding hindi siya magkakagusto sa'yo."
"Gusto? Hindi mahalaga ang nararamdaman niya. Basta kailangan ko siya. Tapos."
Flash!
Flash!
"Isyu to!" Dinig kong sabi ni Coleen. "Sigurado akong marami ang bibili ng kopya ng picture na to para
sunugin o para ipakulam ka Besy!"
Tumili na naman siya nang mapagsino kung sino ang nasa kanyang likuran.
----
22nd Night
Serenitys POV:
WAAAAAAH!!!
Ito na talaga ang pinakashocking sa lahat ng shocking na pinagdaanan ko sa piling ng mga bampira.
May yumakap sa akin mula sa likuran. At pagtingin koSI ODIN LANG NAMAN YUN!
WAIT! Bakit nandito na bigla si Odin? Kanina kakapasok lang niya ng cafeteria ah?! DONT TELL ME AKO LANG NA
NAMAN ANG NAKAPANSIN NUN?!!!
Pero hindi ako mapalagay. Ang sama ng tingin sa akin ng karamihan sa mga nandirito ngayon sa loob ng cafeteria.
Saan ka pupunta Serenity? si Coleen yung nagtanong. First time ko siyang dineadma at diretso akong lumabas.
Naiiyak na naman ako. Bakit ba nila ako pinagkakatuwaan? Akala nila okay lang sakin yung mga ginagawa nila.
Akala nila hindi ako nasasaktan.
Mabait ako at gusto kong magkaroon ng maraming kaibigan. Pero namimisunderstood nila ako. Binubully.
Haysss..
"Magpaalam ka na sa mga mahal mo sa buhay Serenity, sasama ka na sakin sa lalong madaling panahon."
MAGTATANAN TAYO?!
"--Bakit ko kailangang sumama sayo?" nice question. Sige sagutin mo nga yan!
"Wala kang maiintindihan sa ngayon. Basta ang tanging masasabi ko lang sa ngayon ay hindi kita
hahayaang mapunta sa kanila--"
Mabigat na ang pananalita niya. Walang halong pagbibiro. Di ko tuloy maiwasang kabahan. "--Sino sila?"
"Mga nilalang na halang ang kalooban. Gagawin nila ang lahat para umanib ka sa kanila."
Bakit ako? Ano ang kailangan nila sa isang tulad ko? Isa lang naman akong hamak na tao di ba?
"--Maaaring hindi lang ikaw ang manganib. Pati na rin ang mga pinahahalagahan mong mahal sa buhay."
"--Tadhana, Serenity. Iyon ang bagay na bumubuhay at sumisira sa isang tao. Hindi mo ito maiiwasan."
Tadhana..
Tayo ba talaga ang gumagawa nito o may ibang nagtatakda nito para sa atin?
****
Coleen's POV:
Hinanap ko si Serenity sa campus. Pati mga alagad ko, inutusan ko ding hanapin siya.
Sa totoo lang, ayoko siyang hinahayaang mag-isa dahil tatanga-tanga talaga ang babaeng yun.
May kaeskwelang lumapit sa akin. Hingal na hingal si loko. "Eh master, wala po talaga! Inikot na namin ang
buong school, nakailang laps pa nga--"
Pak!
Hinampas ko siya sa ulo ng hawak kong binilot na dyaryo. "MAY SINABI BA AKONG TUMIGIL KAYO?!"
"W-wala po.. Sige ulitin po namin ulet." tumalikod na siya sakin at tumakbo papasok ng main building.
Marami na siguro ang nagtataka kung bakit marami ang tumatawag sa akin dito sa school ng 'master'. Well hindi
naman ako lider ng isang gang whatsoever.
Ang totoo niyan, lahat ng tumatawag sakin nun ay nagulpi ko lang naman. Sa madaling salita, ako ang
pinakamalaking BULLY dito sa paaralang ito.
Noong nasa elementarya kami ni Serenity, madalas kami ang napagtitripan ng mga bully. Siya ay ubod ng lampa at
ako naman ay ubod ng pagka-nerd.
Kung wala akong babaguhin sa sarili ko, baka sa kangkungan na lang kami pupulutin isang araw.
Wala akong maaasahan kay Serenity. Masyado kasi siyang mabait at matatakutin.
Nag-aral ako ng iba't ibang klase ng martial arts. Sa una, nahirapan din ako. Pero nagpursigi ako.
"Coleen--"
Bumuntong hininga ako. Haysalamat, hindi ko na kailangang hanapin pa si Serenity. Siya na mismo ang pumunta sa
akin.
Pak!
"Aray!"
"Kung saan-saan ka pumupunta eh alam mong marami ang naiinis sayo!" pagalit kong sermon sa kanya.
Niyakap niya ako. Hindi ako nakailag gaya ng dati kong ginagawa. Naaalibadbaran ako sa ganitong mga gestures
talaga.
"Besy aalis na ako. Baka hindi na tayo magkita pa-- iingatan mo ang sarili mo ha?"
Anung pinagsasabi ng babaeng to? Magmamigrate ba ang pamilya niya sa ibang bansa?
Why so sudden?
"M-mahirap ipaliwanag besy eh-- kahit ako naguguluhan. Basta lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita.
Hindi kita makakalimutan at--"
Punyemas!
As expected, lampa talaga siya as in mabubuwal siya kahit mahina lang ang pagkakatulak ko sa kanya.
Hindi ko na nahabol ang kanyang braso kaya mabuti na lang at may taong dumating na nasa likod niya. Napasandal
siya doon.
"Odin.."
Siya yung pinakapopular na guy dito sa campus. Basta yun na lang ang alam ko.
May gusto ba siya kay Serenity? I can tell, pinopormahan niya ang besy ko.
Tiningnan ko ang kanyang mukha. Gwapo na naman. Sigurado akong iiyak na naman si Serenity.
Sa mga mata niya ako napatitig ng husto. May kung anong magnet ang kanyang mga tinging nanunuot.
Napakamisteryoso.
Paano'ng--?
Pagkatapos, biglang may naintindihan akong isang bagay kahit walang nakapagsabi niyon sa akin.
****
Loki's POV:
Alas tres ng hapon. Tama na iyon. Hindi na ako maghihintay pa na sumapit ang dilim.
Handang makipagtulungan sa akin si Ymir sa aking binabalak sa kundisyong ibabahagi ko sa kanya ang tungkol sa
isang importanteng bagay.
Mula sa kadilimang aming pinagkukublian, dinig ko ang dagundong nga sunod sunod na pagkulog.
Aakalain mong sasapit na ang gabi. Ang kalangitan ay nasasakop ng makakapal at madidilim na ulap.
"Paano kung kontrahin ni Odin ang ginawa mo?" iyon kaagad ang tanong ko kay Ymir paglabas niya.
Umiling iling siya. "Hindi sakop ng kapangyarihan ni Odin ang pagmamanipula ng kalikasan ng langit at lupa-nalalaman mo ba kung ano ang kanyang kakayahan?"
"Bukod sa kaya niyang kontrolin ang oras at gumawa ng mga engkantasyon, ano pa?"
"--Kaya niyang manipulahin ang mga elemento ng tubig, hangin, lupa at apoy."
"--May hawak din siyang mga Valkyrie. Sila ang pinakamagagaling na mga Diyosa ng pakikidigma. At ang
bagay na huwag mong kalilimutan ay nakakabasa ng isipan si Odin. Kailangan mong isara ang iyong isipan
sa lahat ng pagkakataon."
"Anong problema?"
"Tsk.. Huwag mong kalimutang kaanib niya si Thor. Mas lumalakas ng ilang ulit ang kapangyarihan ni Thor
kapag may tubig."
Saka ko na lamang poproblemahin iyon. Ang mahalaga, makakalapit na ako sa aking pakay.
Kay Serenity.
Sa may gilid ng kalsada kung saan walang gaanong dumaraang sasakyan, nasumpungan ko ang isang dalagang
naglalakad mag-isa. May tangan siyang payong.
Natulala siya pagkakita sa akin. Bakit, ngayon lang ba siya nakakita ng gwapo?
"Ano'ng gagawin natin?" kinakabahan siya pero sabik na malaman kung ano ang gagawin namin. Ngumiti ako.
Isinandal ko siya sa puno at nadako ang aking labi sa kanyang leeg. Dinilaan ko siya doon.
Matagal ko nang iniisip kung bakit wala akong panlasa para sa dugo. Ang akala ko ay prinsipyo ang tawag doon.
Hindi pala.
Kinagat ko. Nginuya. Nilunok. Namatay siya habang pinapanood niya akong kumakain.
Hindi pa ako busog. Binuksan ko ang kanyang tiyan at isa-isang kinain ang kanyang mga laman-loob.
Pagkatapos kumain, mas lalo kong naramdaman na ako ang pinakamalakas na nilalang.
----
23rd Night
Loki's POV:
Kapaki-pakinabang ang ulan dahil inaanod nito ang mga bakas ng dugo na nasa akin.
Iyon ang bagay na natuklasan ni Freya habang nakikipagsapalaran siya upang maibalik ang aking alaala.
Iyon din ang dahilan kung bakit ko pinitas ang dahon ng Yggdrasil.
Sa panahong inilagi ko sa Asgard, bawat taon ay tumataas ang aking antas at hindi ko yun binibigyang pansin.
Walang tamang salita upang isalarawan ko kung ano ang sakit na pinagdaanan ko habang ako ay sumailalim sa
pagpapalit-anyo sa isang napakalaking halimaw.
Masuwerte ako dahil walang nakasaksi sa aking pagsasa-Jotunn. Tiyak na tatapusin ako ng isa sa aking mga kapatid
kung nagkataon.
"--GUSTO KONG MAGING TAO! GUSTO KONG BUMALIK SA DATI KONG BUHAY!" paulit ulit ko iyong sinisigaw
sa kasagsagan ng aking paghihirap na parang isang dasal.
Nakumpleto ang aking transpormasyon subalit buo pa rin ang aking diwa.
Marahil ay dahil malakas pa rin ang damdamin ko bilang tao at talagang gusto ko na muling maging tao.
Nalansi ko man si Ymir at aking mga kapatid, hindi ko maloloko ang aking sarili.
"Ang dahon ng Yggdrasil ay may kakayahan upang gawing taong muli ang isang bampira." isang katangahan
ang narinig ko kay Heimdall isang araw.
Matagal ko na kasing alam kung ano ang mangyayari kapag pumitas ako ng dahon sa puno ng Yggdrasil.
Gamit ang kapangyarihan ng Yggdrasil; mabubuhay akong muli simula sa umpisa; blangko ang isipan na tulad sa
isang bagong silang na sanggol.
Ngunit poproblemahin ko kung saan mapupunta ang aking katawan habang ako ay nakahimlay.
Sinakyan ko ang pang-uuto ni Heimdall. Dahil dun, naibalik sa aking taong ama ang katawan ko.
Maayos na sana.
****
Fenrir's POV:
Nanginginig na sa ginaw si Serenity. Hinubad ko na ang overcoat ko na basa na rin at ibinalabal sa kanya.
"Odin, saan ba tayo pupunta?" basta ang alam ko, wala sa pagpipilian ang Asgard dahil hindi maaaring
makapasok doon si Serenity.
Brag!
Ewk! Ewk!
Hay nako parang tanga tong si Odin. Kahit saan naman siguro kami magpunta ay makikita din kami ng kalaban.
Ang gusto ni Odin ay tapusin na ang laban para wala nang eksenang takbuhan at habulan sa susunod.
"--Pahingi ng sandata Odin." seryoso na akong lalaban. Kung si Tyr ay katumbas ng isang libong mandirigma, ako
naman ay katumbas ng isang libong talim.
Gamit ang dulo ng kanyang setro, gumuhit siya ng bilog sa lupa paikot kay Serenity.
Nagpakita ang limang uri ng sandata na nanatiling nakalutang sa ere. Pumalibot ang mga ito kay Serenity.
"Huwag kang lalabas sa ginuhit kong bilog ha?" paalala ni Odin sa kanya.
"Handa na ba tayo Odin? Baka gusto mong tawagin pati si Tyr at Thor?"
"Tayong dalawa lang ang tatapos ng gulong ito. Kaya pagbutihan natin--"
Lumagaslas ang mga sanga. Nagtutumbahan na ang mga puno palapit dito.
May apat na puting balahibo ng isang ibon ang lumutang sa tuktok nh Serenity.
Panukat ng hangin.
"Titigan mong mabuti ang mga balahibo Fenrir. Wag kang magkakamali."
Tswik!
Hindi maaari.
"Huwag kang panghinaan ng loob Fenrir! Tandaan mo, wala ka pang nagagamit na lakas. Basta ibigay mo
lahat ng kaya mo sa labang ito--"
Bumunot ako ng mga espada sa lupa. Ibinato ko sa pinakamataas na puno. Sunod-sunod. Parang naging hagdan.
"Odin, wala ka na bang mahika para mas mabilis kong magamit yang mga yan?"
"Dami mong arte." sabi niya. Pero tinutok niya sakin ang kanyang setro.
Eh.. Nasaan?
"--Sa kamay mo. Kapag naisip mong kailangan mo silang gamitin, saka sila lalabas ng kusa."
Astig ah.
Nang makarating ako sa tuktok, ang mga anino ay nagtipon tipon at pasugod na sa akin. Nagconcentrate ako.
Liwanag ang nakakapuksa sa mga anino kaya't binasbasan ko ang mga espada hanggang sa lahat sila ay nag-ilaw.
Tsook!
Tsook!
Tinaga ko ang mga malalapit. Ang mga nasa malayo, binato ko naman.
May mga sumugod pababa. Tinalon ko ang puno habang patuloy akong nagpupukol ng mga espada sa anggulong
tatlong daan at animnapu.
Ibinato ko iyon. Habang nasa ere, dumami ito ng ilang beses. Wala namang partikular na tinamaan ang mga iyon
pero pagbagsak nila sa lupa, sumabog ang nakakasilaw na liwanag.
Ang plano marahil ni Ymir ay pilitin kaming gumamit ng kapangyarihan at itulak kami sa aming limitasyon.
"Nandito na siya Fenrir. Ihanda mo na ang sarili mo sa makikita mo." babala sa akin ni Odin.
****
Serenity's POV:
Nakakatakot. Sa sobrang takot ko ay hindi ko na magawang ikilos ang buo kong katawan.
Basta ibinigay ko na lang ang tiwala ko kanila Fenrir at Odin. Sana ay makaligtas kaming tatlo!
Napatili ako sa gulat lalo na ng may napakaraming parang galamay ang lumabas mula doon.
Masyado talagang namamanhid ang aking utak at katawan para gawin yun.
Loki?
Humarang naman si Odin kay Fenrir. Nakaharap siya sa huling pinanggalingan ng mga galamay. "Gaya nga ng
naiisip ko pagkatapos kitang bigyan ng selyo. Wala nang epekto sa iyo ang ganung uri ng mahika sapagkat
isa ka na ngang ganap na Jotunn--"
Hahahahahah!
SI LOKI NGA!
Subalit wala siya sa kanyang sarili. Mas malala pa ngayon kaysa noong gabing pinagtangkaan niya ang buhay ko.
"ILABAS NIYO SI SERENITY!" giit niya. Hindi niya ako makita pero nararamdaman niyang nasa paligid lamang ako
at alam niyang kasama ako nina Odin at Fenrir.
May napakaraming galamay ang tumubo mula sa kanyang likuran at paikot na aatake sa amin.
"--Manahimik ka Loki! Tigilan mo na ang pagbabalat-kayo mo! Ipakita mo ang tunay mong anyo!" sigaw sa
kanya ni Odin.
----
24th Night
Odin's POV:
Siya pa naman ang inaasahan kong liligpit sa akin sa oras na maging Jotunn ako.
Umiling ako. "Hindi ako maaaring gumamit ng kapangyarihan laban kay Loki. Mahirap na kapag nagaya niya
ang isa sa aking mga salamangka."
Muli akong umiling. "Kung hindi mo pa napansin, kanina ko pa yun sinusubukang gamitin subalit may hindi
nakikitang pwersa ang pumipigil para magamit ko yun."
"Magdadaldalan na lang ba kayo diyan mga mahal kong kapatid?" ani Loki.
Muli akong bumaling kay Fenrir. "Ikaw ang maaaring umatake sa kanya. Gaya ng dati, susuportahan kita."
Nagkaintindihan kami.
Naghikab si Loki; hindi sa inaantok siya, gusto lang niyang ipakita kung gaano siya kayabang. Naglakbay ang isa sa
kanyang mga galamay at pinuluputan ang isang espada na naiwan sa putikan. Nang mahawakan iyon ng kanyang
kanang kamay, nag-iba ang anyo nito.
Nahiwa ang espasyo sa harapan niya at nagkaroon ng parang pahabang maitim na butas. Dalawa iyon. Ang isa ay
nasa harapan ko mismo.
Inilusot ni Loki sa loob ng itim na butas sa kanyang harap ang kaliwang kamay niya.
Tumagos ang kamay niya doon naman sa butas na nasa harap ko. Nahablot niya ang aking leeg.
****
Fenrir's POV:
Hayun, hindi na siya makapagsalita dahil pinisa na yata ni Loki ang lalamunan niya.
Tumingin sa ibaba si Odin kaya napatingin na rin ako. May nakapulupot sa dalawang paa niya. Mga galamay ni Loki
na nanggaling sa ilalim ng lupa.
Nagpalabas ako ng maraming espada, isa lang ang hawak ko, ang iba ay nakalutang sa paligid ko.
Bano talaga si Odin sa mga malapitan at pisikal na atake. Yan kasi TAMAD. Ipapasok na sana ni Loki ang espada
niya sa butas..
Inasinta ko naman ang kamay niya bago ko pinukol ng espadang hawak ko.
Lumagpas lang yung espada, tumama sa puno. Binawi kasi ni Loki yung kamay niya. Pero atleast malaya na ang
leeg ni Odin.
"Hehe, mabagal ka talaga Fenrir!" itinaas na muli ni Loki ang nakakatawang espada na hawak niya.
"Tingnan natin ang angas mo. Pupusta akong hindi mo ako mapapaalis dito sa kinatatayuan ko."
Paghiwa niya, may mahabang itim na butas ang bumulaga sa harap ko.
Whoops! Ilag!
Paglipat ko ng pwesto, humiwa na naman siya, may itim na butas na naman at nandun na naman ang kamay niya!
Hindi lang yan, may bonus pa, nakiki-jamming din pati mga galamay niya!
Nagbiyak biyak ang lupa sa harap niya at tinubuan ng mga nakakatusok na tipak ng yelo, gumapang yun patungo sa
kinatatayuan ni Loki.
Nakaramdam ako ng pagyanig ng lupa. Syempre, kaagad kong pinuntahan si Serenity. Pagkakita ko, sunog na ang
ikalawang balahibo.
Pinigilan ako ni Odin na kunin si Serenity. "Nasa loob siya ng pinakamatibay na proteksyon na kaya kong
ibigay. Tinitiyak kong ligtas siya habang nasa loob ng bilog---"
Pero kami hindi. Muntikan na kaming madagit ng napakalaking tore ng yelo na nanggaling sa ilalim ng tinatapakan
namin. Bumalik itong muli pailalim at pagkatapos ay umangat na naman, paiba iba ng posisyon. Para itong bulag na
uod.
Hayan, nadagdagan na ang iniiwasan namin: ang mga nahiwang dimensiyon, ang mga galamay ni Loki, at ang tore
ng yelo.
"Fenrir kumilos ka na! Limitado ang proteksyon ni Serenity! Kapag nasunog ang ikaapat na balahibo--"
Ano ba ang uunahin namin?! Sa totoo lang, mas nakakapagod mag-isip kesa kumilos.
Naaawa na ako kay Serenity. Halatang takot na takot na siya. Sa sobrang takot na niya ay naupo na siya sa putikan
at ang kanyang mga kamay ay nakatakip sa kanyang mga mata.
****
Loki's POV:
Tapos ay tinukod niya sa putikan ang setro. "TINATAWAGAN KO ANG AKING MGA VALKYRIE!"
Sampu sa kanila ay may nakakabit na manipis na pisi sa likuran; ang dalawa ay pumuwesto sa harap niya.
Kumilos ang mga Valkyrie. Inaatake nila ang mga galamay ko.
Sa sobrang bilis ng aming mga kilos, hangin na lang ang nararamdamang gumagalaw. Nagsisitumbahan ang mga
punong nadadamay sa mga pagtatangka nilang hiwain ang aking mga galamay.
Nakakasabay sila.
Sandali lang, nasaan na ang mga anino?! Hindi ko yata sila nakiki---
Tsaaak!
Sa isang iglap, sumuka ako ng dugo. Pagtingin ko sa aking dibdib, may tumagos na dulo ng patalim.
"Huli ka Loki."
Thud!
Thud!
Mula sa aking itaas, umulan ng napakaraming patalim. Nasalo yun lahat ng aking katawan.
Nanatili pa rin akong nakatayo. Inilapat ni Fenrir ang kanyang paa sa aking likuran at marahas niya akong itinulak
pabagsak sa putikan.
"--Katapusan mo na Loki.."
At inulit niya ulit. Paulit-ulit. Naglawa na nga ang dugo ko at humalo na sa putik.
Nang magsawa siya kakasaksak, diniinan niya ang aking ulo. "Odin, akina yung itak! Pupugutan ko siya ng ulo!"
Kinuha ni Odin ang isa sa tatlong sandata na nakalutang sa loob ng bilog na guhit at ibinato kay Fenrir.
Itataas na niya ang itak para pugutan ako subalit bigla siyang napatigil.
Bakit kaya?
****
Serenity's POV:
"TAMA NA FENRIR!" sumigaw ako kaya hindi natuloy ang balak niyang pugutan ng ulo si Loki.
"Serenity! Wag kang lalabas ng bilog!" hindi ko pinansin ang utos ni Odin.
Tumayo ako. "Gusto kong makita na akong muli ni Loki! Paano?" baka kapag nakita niya ako, magbago na ang
kanyang disposisyon at marealize niya na mali ang ginagawa niya.
"Nasabi mo na ang mga katagang babali sa sumpa Serenity." tiim-bagang na sabi ni Odin.
Gusto kong makita na akong muli ni Loki. Iyon ang mga katagang pambali sa sumpa?
"S-Se-renity.." kahit marami na siyang natamong saksak ay nagawa pa niyang tawagin ang pangalan ko. Naiiyak
ako.
"Loki.."
Humakbang ako.
"SERENITY, WAG MATIGAS ANG ULO! SINABING WAG KANG LALABAS NG BILOG!" sigaw yun galing kay
Fenrir.
Pagtapak ko sa linya, may batang lalaki na tumalon mula sa kung saan at hinigit ako sa aking bewang. Namalayan
ko na lang na itinalon niya ako pataas!
Aaaaaahhhh!
Nalula ako at halos mahilo. Dumapo kami sa isang sanga ng matangkad na puno.
****
Odin's POV:
"Haha! Magaling ang iyong pag-arte Loki. Napapaniwala mo ang babaeng ito na mamamatay ka na!"
Lumapit sa akin ang isa sa aking mga Valkyrie at walang anu-ano'y bigla akong sinaksak ng hawak niyang espada.
Nagpalit anyo ang inakala kong Valkyrie ko. Si Loki pala iyon.
Pagkita namin sa duguang si Loki na nakahandusay, nagpalit anyo din iyon. Siya ang tunay kong Valkyrie.
"M-master.. Patawad.." ang kawawa kong Valkyrie ay umiiyak. Humalo na ang kanyang luha sa kanyang dugo.
Tssshk!
Muli akong sinaksak ni Loki. "Kaya hindi siya naging abo kanina ay dahil nabalot siya ng aking kapangyarihan.
Ngayon, pagmasdan mo siya--" hinatak ni Loki ang buhok ko at idinerekta ang aking paningin upang makita ko ang
pagsasaabo ng isa sa aking masugid na alagad.
Sasaksakin niya ulit ako-- pero lumayo siya dahil binato siya ni Fenrir ng napakaraming patalim.
"Mga walang kwenta." sinabi iyon ni Loki nang nakangiti. Bumaling naman siya kay Ymir.
Inilabas ni Loki ang kanyang mga galamay at kinalawit si Serenity palayo kay Ymir.
----
25th Night
Odin's POV:
"HAHAHA! Anong sabi mo? Tayo, magtutuos?!" tinawanan ni Ymir ang sinabi ko.
Tumawa din ako. "Bago ka magsalita diyan, kumawala ka muna sa patibong ko!"
"TAMPALASAN!"
Dadalawa lang ang posibleng mangyari: Ang mapatay ako ni Ymir o ang mapatay ko siya.
Kinapa ko ang mga sugat ko na kagagawan ni Loki; hindi na naghihilom pa ang mga iyon.
Tumalsik ang kanyang dugo pero nanatiling blangko ang kanyang ekspresyon.
Bigla akong may naramdaman sa aking katawan-- ang matinding daloy ng kapangyarihan.
Humahagikhik si Ymir. "Nararamdaman mo na ba Odin? Malapit ka nang mawala sa mundong ito, at isisilang
naman ang isang halimaw--"
"--Heh. Paano kaya kung gawin ko ito.. Makakaya mo pa kayang panatilihin ako dito sa pwesto ko?"
Imposible!
Arrgh..
Inubos niya ang halos lahat ng anino sa buong paligid. Pinalibutan nila ako.
Itinutok ko ang aking setro sa itaas. "Tinatawagan kita, mahiwagang nilalang-- SLEIPNIR!"
Nagpakita mula sa manipis na hangin ang itim na kabayong walo ang paa. Ibinigay ito noon sa akin ni Loki.
Kumakain ito ng anino.
Hinabol niya ang mga anino at isa-isang kinain ang mga yun. Inubos ni Sleipnir ang mga alagad ni Ymir bago siya
naglaho.
Bumagsak si Ymir.
Sumunod din akong bumagsak. Ang nangyayari kay Ymir ay nangyayari na din sa akin. Pero siya-- halos nadudurog
na ang kanyang katawan.
"Hindi ba?" tanong ko. Kung sana ay nababasa ko kung ano ang iniisip niya ngayon.
"Ang mga saling-lahi kagaya ninyo lamang ang sumasailalim sa proseso ng pagiging Jotunn. Iyon ay
depekto ng aking dugo na patuloy na pinaglalabanan ng inyong katawan. At ako---"
Napahiyaw siya sa tindi ng sakit na bigla niyang naramdaman. Inulan siya ng napakaraming matutulis na yelo.
Ang mga baging sa mga karatig na puno ay pumulupot sa kanyang batang katawan at gumapos sa kanyang mga
kamay at binti.
"Magpahinga ka na Ymir." usal ko. Itinapat ko ang aking mga kamay na may matatalas na kuko sa kanyang dibdib.
Unti-unti kong ibinaon ang aking kamay. Tinalsikan ako ng kanyang kasumpa-sumpang dugo na siyang pinagmulan
ng lahat ng kaguluhan.
Naisip ko rin ang isang hindi maitatangging katotohanan kay Ymir: mahal niya ang mundong ito. At mahal niya ang
mga tao. Sila lang ang bukod tanging lahi ng mga nilalang na hindi niya kinanti kahit kailan.
Kung minahal ba niya o kinamuhian ang kanyang sarili, hindi ko na alam; at lalong hindi ko na malalaman.
Hinugot ko mula sa kanya ang bagay na nagbibigay buhay sa kanya. Ang kanyang puso.
Sinipat ko ang munting bata na minsan kong itinuring na ama. Nag-aabo na siya.
ZzzzZzzt..
****
Fenrir:
Teka.. Saan ba dumaan si Loki? Bat ang bilis nawala ng octopus na yun?
Sa isang banda, may humila sa braso ko at saka itinulak ako ng ilang metro pabalik.
"Papuntang Asgard si Loki, nasisiguro ko yun. Lalapit at lalapit siya sa puno ng Yggdrasil. Nakabantay na sa
Bifrost sina Balder at Heimdall. Ako na ang susunod sa kanya--" cool magsalita si Tyr, kala mo walang
nangyayari.
"Balikan mo si Odin, kung gusto mo pa siyang makita-- Alam kong matalik na magkaibigan ang turingan nila
ni Thor. Pero mas dama ko na may espesyal kang koneksyon kay Odin, higit kaninuman--"
Minabuti kong sundin si Tyr. Kapag napatunayan kong ginugood time niya lang ako, kami namang dalawa ang
magpapatayan!
****
Thor's POV:
"Thor.."
Sinapo ko ang nagbibitak-bitak na pisngi ni Odin. Ang mga pulang mata niya ay blangkong nakatitig sa akin.
"Tanggapin mo na ang katapusan mo Odin habang maaga. Isipin mo ang mapipinsala mo sa oras na
makumpleto ang transpormasyon mo-- Hanggang dito ka na lang---"
Ibinagsak ko ang aking mahiwagang martilyo at gumapang sa lupa ang libu-libong boltahe ng kuryente patungo sa
kanya.
Nagpalabas ako ng bola ng kidlat sa aking kanang kamay. Ang isa ko namang kamay ay nasa kanyang balikat.
Tsssak!
Hrrrggh..
"--Masyado ka kasing tiwala sa sarili mo. Nakalimutan mong may kanya-kanya pa rin tayong kahinaan."
Itinulak ko nang patagilid si Odin kaya napahiga siya sa lapag. "--Pagsisisihan mo ang desisyon mong iligtas ang
Jotunn na yan--"
"--HINDI SIYA KUNG SINO LANG THOR! SIYA SI ODIN! NAKALIMUTAN MO?! LAGI KAYONG MAGKASAMA
DI'BA?!"
Sa dami ng mga iyon, naging bato na ang puso ko. Habang ang sa kanya, nanatiling malambot.
Minsan sa buhay niya, nakaranas siya ng pagmamahal ng mga magulang, kaibigan at kung sino pa.
Habang ako, isinilang at namulat sa mundo na puno ng pasakit at karahasan; kung saan kailangan mong maghasik
ng takot upang igalang ka.
Kusang bumagsak ang katawan ko sa putikan. Magkaharap kami ni Odin. Payapa siya. Alam kong nilalabanan niya
ang matinding sakit.
"Odin.. patawad. Ito na ang huli nating pagkikita. Sana-- sana--" nagiging makikinang na pulbos na nga ang ilang
bahagi ng aking katawan.
Sana ay nandirito si Tyr upang gabayan ang aking abo na makarating sa karagatan. Doon ko gustong mahimlay.
Nakakatawa.. Saka ko lamang naisip na pagod na ako ngayong nasa bingit na ako ng kamatayan.
Apat na dantaon na ang lumipas buhat ng tanggapin ako ni Ymir bilang kanyang ikalawang anak. Maraming alaala
akong babaunin. Tama na sakin iyon..
****
Fenrir's POV:
Napatay ko si Thor..
Nanginginig ang kamay kong may hawak ng espadang kumitil kay Thor.
Sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako, nito ko lang nakitang ibinuka ni Odin ang kanyang bibig para
magsalita. "Fen-rir.. H-hindi ko na-- talaga kaya.. Pakiusap-- tapusin mo na ang paghihirap k-ko.."
"--Bakit hindi mo pa ako hinayaang mapatay ni Thor.. Tama siya-- kalaunan ay--"
BLAGGG!
Nahampas ako ng mahabang pakpak galing sa likuran ni Odin. Tumalsik ako sa isang puno.
Alam ko yun. Pero mas tinuring pa ako ni Odin bilang kapamilya kaysa sa kanila.
Lahat kasi sila ay takot sa akin at wala silang ginawa kundi sambahin ako.
"Odin.."
Sa itaas!
"--Kung hindi mo ako kayang patayin, hahanapin ko ang iba nating kapatid para sila ang gumawa nun--"
Iba na ang boses ni Odin, napakabigat at garalgal. Halos kalahati na lamang ang kontrolado niya sa kanyang
kognisyon.
Hindi siya sumagot at ngumisi lang. Itinapon niya ang hawak na setro.
Nagpakawala siya ng malaking itim na bola ng bilog, sakto lang para lukubin ang kanyang katawan.
Ano ang mangyayari kapag nasa Asgard na ang dalawang makapangyarihang Jotunn?!
NALOKO NA!
A/N: Kaalaman galing sa baul... ang English po ng LIGAS ay MISTLETOE.... enjoy reading ^^
26th Night
Loki's POV:
Muli akong tumuntong sa kabilang dulo ng tulay na kung tawagin ay Bifrost. Iyon lang ang tanging daanan upang
makarating sa tahanan ng Yggdrasil.
"Hindi ka maaaring pumasok ng Asgard." babala ni Heimdall. May hawak siyang plawta at kanyang pinatugtog.
Tumalon ang dalawang higanteng isda na matatalim ang mga ngipin. Pasugod ang mga iyon sa akin.
Wala akong inaksayang panahon; lumundag ako at gamit ang aking espada, humiwa ako ng napakalaking espasyo.
Sumiwang ang isang lagusan na nakadugtong sa pinaglulunggaan ng aking alagang ulupong.
Sinunggaban kaagad ng Jormungand ang isa sa mga higanteng isda. Pareho silang lumubog sa karagatan pero
nakalitaw pa rin ang kanyang buntot. Nagpambuno ang dalawang nilalang sa ilalim ng tubig.
Binirahan ko naman ng aking mga galamay si Balder na nagpakawala na ng napakaraming kadena at tumatama
kung saan saan.
Hindi ko matamaan si Balder kahit ilang beses ko pang ulitin ang pag-atake.
Oo nga pala. Mayroong kakaibang imunidad si Balder para sa lahat ng atake laban sa kanya.
Noong bago pa lamang ako sa Asgard, pinagkakatuwaan nila si Balder; binabato siya ng lahat ng klase ng patalim at
kakatwang hindi siya natatamaan.
Tinuklas ko ang kanyang sikreto. Hinanap ko ang kanyang mga kamag-anakan. Buhay pa noon ang kanyang ina na
ang pangalan ay Frigg.
Kabilang sila sa mababang uri ng mga bampira subalit tanyag si Frigg sa kanyang galing sa pangungulam at iba
pang itim na mahika. Napahanga niya si Ymir kaya't bilang gantimpala ay ginawa nitong isa sa mga tagapagmana ng
kanyang dugo si Balder.
Pinaslang ko ang katiwalang si Thokk at nagpanggap ako bilang siya upang makalapit kay Frigg.
"Kahanga-hanga ang imortalidad ng iyong anak na si Balder, naisip ko tuloy kung anak nga ba siya ng isang
Diyos!"
Natawa si Frigg. "Nagkakamali ka Thokk. Ang totoo ay sadyang mahina ang pangangatawan ng aking anak.
Gumawa ako ng isang engkantasyon at sumumpa sa lahat ng bagay na maaring makapanakit sa kanya--"
"Kung ganun, wala nga talagang anumang bagay na maaaring sumugat kay Balder?"
Hindi ko pa alam kung totoo ang sinabi niya o isang kasinungalingan. Kung halimbawa mang kasinungalingan yun,
mananatili ang imortalidad kay Balder dahil binaon na ni Frigg sa kanyang pagkaabo ang sikreto nilang mag-ina.
Ang ligas.
Ito daw ang kahinaan ni Balder ayon na mismo sa matabil niyang ina.
Umuga ang tulay. Lumitaw ang ulo ng Jormungand kasabay ng pagbulwak ng dugo sa tubig.
Lumundag siya sa kabila upang tugisin ang isa pang higanteng isda.
Kalmado siya dahil alam niyang walang bagay ang uubra sa kanya.
Inilahad ko ang kamay ko na hawak ang mga dahon ng ligas. Hinipan ko ang mga iyon.
Namangha ako dahil nung oras na nadikitan ng mga dahon si Balder, kaagad siyang naging abo at naglaho na
panghabangbuhay.
****
Heimdall's POV:
Asar!
Lumutang ang higanteng ulupon mula sa tubig. Nakalawit sa kanyang bibig ang buntot ng higanteng isda na naliligo
sa sariling dugo.
Nang maramdaman kong kaya ko na siyang kontrolin, muli kong iniba ang himig.
Inararo nito ang tulay na yelo subalit maagap si Loki. Nakailag siya.
Kanina ko pa napapansin na may babae siyang dala na pinuluputan ng isa sa kanyang mga kalamay. At sino naman
iyon?
Nanigas ng bahagya ang aking mga daliri. Lumalaban ang Jormungand sa aking pagkontrol sa kanya.
****
Fenrir's POV:
Pinaulanan ko ng napakaraming patalim ang Jormungand pagkakita ko dito. Alagad yun ni Loki kaya't dapat sa
kanya ay pinupuksa!
Ssssssss..
Ssssssss..
"UGOK KA TALAGA FENRIR! KAILANGAN KO ANG ULUPONG NA YUN PARA MAKAATAKE!" sinigawan ako
ni Heimdall sa kabilang dulo.
Wala nang oras sa mga tanong. Nakita kong humiwa si Loki sa espasyo.
Mabilis akong lumipat ng pwesto. Pero hindi saakin dumugtong ang itim na butas kundi sa harap ni Heimdall.
Huli na noong binuhat ko at inilayo si Heimdall. Naputol ang kanyang kaliwang kamay.
Sunod na nagmanipesto ang itim na butas sa harap ko. Naitulak ko si Heimdall at tumalon naman ako.
"--Hahaha.. Makakaya ko pa ring tugtugin ang musika ng kamatayan kahit iisa lang ang kamay na gagamitin
ko! HUMANDA KAYO MGA UNGAS!"
Pinukol ko siya ng isandaang mahahabang patalim. Tumalsik ang kanyang plawta habang siya naman ay duguang
nakahiga sa lupa.
"HAYOP KA FENRIR!" oo na! Alam naman nating lahat na HAYOP naman talaga ako! Hindi na kailangang
ipangalandakan yun!
Aaaaaaarrgghhh!
Naglabas ng napakalaking aura si Heimdall na ikinagulat ko. Nahagip tuloy ako ng galamay ni Loki.
Thud!
Bog!
****
Tyr's POV:
"--Sa wakas Tyr, dumating ka rin!" ani Fenrir na kasalukuyang nasa may batuhan.
"Tumahimik ka Fenrir!" singhal ko sa kanya. Sa puntong ito, dapat ay vigilante kami sa isa't isa dahil nakarating na
kaming magkakapatid sa sitwasyon kung saan nagpapatayan na kami.
Hinigit ko lalo ang espada na binasbasan ko ng malamig na hangin upang mapabilis ang pag-aabo niya.
Nasa kanya pa rin ang babae na sinasabing posibleng tagapagmana ng mga Alfar. Kailangang mailayo ko siya kay
Loki!
Hindi pag-atake ang pakay ko. Nang mabalot ko sa usok ko ang babae, nahila ko siya mula sa galamay ni Loki.
Nagbalik ako sa dati kong anyo at tumalon palayo sa kanya.
Tumawa lang si Loki sa ginawa ko. Hindi man lamang siya nagsabing ibalik ko sa kanya ang--
Nabitawan ko ang babae dahil napaupo ako. Biglang nanakit ang buo kong katawan.
Lalong lumakas ang tawa ni Loki. "--Kung nakakalimutan mo, alam ko na ng lubusan ang kalikasan ng iyong
kapangyarihan. Nilason kita Tyr. Ilang saglit na lamang at katapusan mo na!"
****
Fenrir's POV:
"Tama siya, maging ako, nararamdaman ko na hindi na magtatagal ang katawan ko--"
Mukhang ako na lang yata ang natitira para kalabaning mag-isa si Loki.
"--Dalhin mo ang babaeng yan sa Asgard-- pipigilan kong makapasok ng tarangkahan si Loki.. Hangga't kaya
ko pa--"
Sumingit si Loki. "--Nagpapatawa ka ba Tyr? Mamamatay ka nang hindi mo man lang ako
magagalusan. Maniwala ka.."
Napatingin kaming lahat bigla sa itaas. May nagpakitang bolang itim na palaki ng palaki.
Lumitaw si Odin.
Ganun pa rin naman ang hitsura niya liban sa kanyang anim na pakpak, inuugat at nagbibitak na balat, at mapulang
mata. Hindi pa rin nakukumpleto ang kanyang transpormasyon kaya't umaasa akong may kontrol pa siya kahit konti.
"Mahina.."
Ibinato niya si Tyr pero bago pa sumadsad ang katawan sa karagatan ay naging abo na.
Yari na!
Prenteng nakasunod sa amin si Odin pero may galamay ang pumulupot sa kanyang leeg.
"Saan ka pupunta Odin? Hindi ako papayag na saktan mo kahit dulo ng daliri ni Serenity!"
27th Night:
Fenrir's POV:
Sa pagsasara ko ng tarangkahan ng Asgard, nakita ko kung paano hatakin ni Odin ang mga galamay, kasama na si
Loki at ibinalibag sa tulay na yelo na lalo pang nasira.
Nakasisilaw..
****
Serenity's POV:
May tumatawag sa akin. Napakaganda ng kanyang boses. Malumanay at malamyos, parang isang awitin.
Anghel ka ba?
Sinunod ko ang kanyang utos. Nasumpungan ko ang sarili ko na nakahiga sa malawak na damuhan. Nalililiman ako
ng isang napakalaking puno. Nagsasayaw sa palibot nito ang napakaraming mumunting bola ng ilaw.
May naglahad sa akin ng kamay. Isang batang babae. Busilak ang kanyang pananamit at ginintuan ang kanyang
buhok.
Ginintuan..
Baka wig.
Hinila ko nga.
Araaaay!
Ay Diyos ko po! Sinong bakla ang nagkulay at naghair-extension sakin habang ako ay tulog?!
Kinapa-kapa ko ang ulo ko. Nasagi ng kamay ko ang-- PATUSOK KONG TENGA?!
Aaaaaaaah!
Gising Serenity!
Natawa ang batang babae sa ginagawa kong pagkurot ko sa sarili kong mga pisngi.
"Halika, sumama ka sa akin." inabot niya ang aking kamay at iginiya ako sa tabi ng isang ilog na malapit sa
higanteng puno.
Tiningnan ko naman.
OH MY GULAY! Sino yang napakagandang diwata na katabi ng batang babae?! Di, joke lang.
Bakit?
Paano?
Saan?
Kailan?
Ngumiti siya ng makahulugan. Inaya niya ako pabalik sa tapat ng puno. "--alam ko ang lahat."
"Nandito ka, dahil nakalaan ka para mamalagi dito. Kailangan ko ang kapangyarihan mo upang magbigay ng
liwanag sa kumalat na kadiliman. Halika--"
Inilubog ng batang babae ang kanyang kamay at braso sa katawan ng puno. Halos lumuwa ang mata ko sa
pagkagilalas.
Patuloy siyang lumubog hanggang mukha na lamang niya ang nakikita ko.
Natatakot ako! Maligno ba siya o duwende? Diba sila yung mga nakatira sa puno?
"Bakit?"
"SERENITY! Huwag kang sasama sa kanya!" pamilyar ang boses ng tumawag sa akin.
"Fenrir?" hindi naman kabilugan ng buwan pero isa siyang napakalaking puting lobo na maraming kutitap ngayon.
"--Nagising natin ang diwa ng Yggdrasil kaya't lumabas ang ating tunay na anyo!-- Alam na niyang wala na si
Ymir kaya naghahanap siya ng kasama!"
Nainis yata si Fenrir. "--SA MADALING SALITA, KAPAG NAKUHA KA NIYA, HINDI KA NA MAKAKALAYA SA
LOOB NG PUNO KAHIT KAILAN!"
Malakas ang pwersang humihila sakin papasok sa puno. Hindi namin kinaya ni Fenrir na hilahin ang sarili ko.
Lumapit ako.
Imposible!
Sinubukan kong hawakan siya subalit tumaos lang ang kamay ko.
"Isa ka nang ispirito ng Yggdrasil kagaya ko--mula dito, maaari mo lamang tanawin ang buong mundo.
Subalit wala kang maaaring kausapin o mahawakan man lang. Kung napapansin mo, tatlo lamang ang ugat
ng punong ito, at nandito tayo ngayon sa ugat na tumatawid sa Asgard."
Humiga rin ang batang babae katapat ko. "Kinukuha ng puno ang lakas mo Serenity. Gusto niyang patuloy na
mabuhay para sa kapakanan ng buong mundo.."
"Masasanay ka rin.."
****
Nang sa palagay niya ay napakalakas na niya, ninakaw niya ako mula sa mga Diyos at ikinulong sa Yggdrasil.
Doon nahimlay ang aking damdamin habang siya naman ay kuntento na sa pagbabantay sa akin.
Ang tanging bagay lang ngayon na nakakapagpasakit sa aking damdamin ay ang malaman na nag-iisa na lamang
ako.
Maiintindihan niya ako dahil alam kong pareho kami ng pinagdadaanan. Siya ang magiging katuwang ko
habangbuhay.
****
Loki's POV:
Liwanag.
Pagkatapos akong lukubin ng nakasisilaw na liwanag, pakiramdam ko ay nawala lahat ng aking lakas.
Pinilit kong maglakad. Ang una kong napansin ay ang puno ng Yggdrasil. Mayabong na ito at puno ng buhay katulad
ng dati.
Hindi ba gusto kong yumabong muli ang Yggdrasil? Pero hindi ko na maalala ang dahilan kung bakit.
Humiga ako sa tabi niya, gaya ng ginagawa ko dati kapag dinadalaw ko siya sa kanyang silid.
"Serenity.."
Tumango ako. Nang ginawa ko yun, bumagsak sa damuhan ang ilang bahagi ng aking pisngi.
"Loki, ano'ng nangyayari sayo. Bakit nagkakaganyan ang katawan mo?" umiiyak na naman siya.
Hindi ko kayang iwan ka. Pero hindi ko rin kaya ang hindi mamatay.
"--Hindi mo ginusto ang mga ginawa mo, hindi ikaw yun. Ang mahalaga, bumalik ka sa dati!"
Ako yun Serenity. Ginusto ko ang mga nagawa kong pagkakamali. Ito na marahil ang kabayaran.
"--Serenity, tandaan mo ito. Hindi ko na maalala ang nakaraan ko noong tao ako kahit ano pang pilit ko. Ang
alam ko lang, masama akong nilalang at gumawa ang ng napakaraming kamalian. Noong minahal kita, iyon
lang ang unang beses na naramdaman kong may tama akong nagawa sa buong buhay ko bilang bampira."
"--Wag ka nang magsalita.. Gagawa ako ng paraan.. Hihingi ako ng tulong sa ispirito ng Yggdrasil! Hindi ka
mamamatay---"
Binuhos ko ang nalalabing minuto upang pagmasdan ang kanyang magandang mukha. Salamat at sa aking
pagkawala, siya ang huli kong nasilayan.
"LOKIIIII!"
****
Odin's POV:
Dito ko gustong mahimlay; itinatag ko ang mga haligi nito dahil nga dito ko gustong mahimlay.
Ganito ang eksena noong unang panahon. Iniiyakan nila ang hari kapag malapit na itong pumanaw.
Ambisyoso akong tao dati. Nangarap akong maging hari noong bata pa ako.
Habang tumatanda ako ay lumalabo ang pangarap na iyon. Salin-lahi lang kasi ang pagiging hari, at isa pa, galing
lang akong anak ng maralitang mag-asawa.
Hinubog ko ang aking talento sa teatro dahil takot akong humawak ng sandata at lalong takot akong mamatay sa
gyera.
Wala sa hinagap ko na mas mahirap pa pala ang akala kong madaling landas na pinili ko.
Magkagayunpaman, nagpapasalamat ako dahil naranasan ko kung paano maging prinsipe ng Asgard. O hari na rin
kaya.
"Odin.."
"Ayoko.."
Hinimas ko ang kanyang ulo kahit pa nalalaglag na ang mga piraso ng nadudurog kong mga daliri. "Isip bata kang
talaga. Katawan mo lang ang tumanda at naiwan ang pag-iisip."
"Bilang hari ng Asgard, ipapamana ko sa iyo ang titulo at ang pag-iingat sa lugar na ito."
"--Pero.."
Ibinuka niya ang kanyang bibig at ibinaon ang kanyang pangil sa aking leeg.
****
Fenrir's POV:
Pinatakan ko ng sarili kong dugo si Odin pagkatapos niyang mawalan ng malay. Kung tama ako, naglaho na sa
liwanag ang lahat ng kadilimang naiwan ni Ymir, kasama na ang kanyang dugo.
Nahinto ang pagkaagnas ni Odin subalit walang ipinagbabago ang kanyang katawan.
Nagpalit-anyo ako. Inilagay ko ang aking kamay sa katawan ng puno at itinuon ang aking buong konsentrasyon.
Fenrir's POV:
Unti-unting lumulubog ang aking kamay, braso, hanggang naipasok ko sa loob ng puno ang aking sarili.
"--At?"
"Sige, gusto kong malaman kung anog ang tatlong bagay na iyong hiling."
"Una, palayain mo si Serenity. Pangalawa, tuparin mo ang isa niyang kahilingan. Pangatlo, bibigyan mo ng
proteksyon ang kapatid kong si Odin habang siya ay natutulog."
Ito na ang pinakamagandang gagawin ko para sa dalawang taong pinahalagahan ko sa buhay ko.
Lumapit ako kay Serenity. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at iniupo ko siya.
"Paalam Serenity. Hindi mo na ako makikita at maaalala kahit kailan. Pero kahit nasaan ka man, babantayan
kita, pangako. Mabuhay ka sa landas na gusto mo. Pag-isipan mo ang iyong kahilingan." yumakap ako sa
kanya.
Umiling-iling ang batang babae. "Patawad pero hindi na maaaring buhayin pa ang bampirang wala na."
"--Pero.. Pero sabi mo, kahit ano'ng hilingin ko--" humagulgol si Serenity.
****
Serenity's POV:
Whaaaaarhhh!
Wagas ang aking hikab. Kinusot kusot ko ang aking mga mata at kumurap kurap.
Haaay ang ganda ng panaginip ko, parang pangsine. Siguro kapag isinulat ko yun, magiging sikat ako, magiging best
selling.. Tapos.. Tapos gagawing pelikula, kakabugin ang sales ng Avatar at The Hunger Games!
Ay bongga!
Hapon na pala. Kulay kahel na ang langit na tanaw mula sa glass roof nitong greenhouse.
"Hoy besyyyy! Di ka pa ba tapos diyan? Bilisan mo at kukuhanan pa kita ng picture!" tawag ako ni Coleen.
"Susunod na ako, ililigpit ko lang tong mga ginamit ko!" pagkasabi ko nun, iniwan na niya ako.
Bago ako nakatulog, itinanim ko pala yung pulang rosas na galing sa mga koleksyon ko ng bulaklak sa veranda ko.
Wala kash nun dito. Hopefully, sana maparami ko sila bago kami maggraduate next year.
"Aaay!"
"Heto. Sa susunod kasi mag-iingat ka. Sayang naman yang rosas. Mukhang nag-iisa lang yan dito sa
greenhouse."
Pero iba ang pintig ng puso ko. Mas intense pa kesa sa nararamdaman ko kapag kaharap si Rain.
"Ah, oo nga pala. Transfer student ako. Kanina pa nga ako nandito sa school pero ngayon lang tayo
nagkita."
Nayong alam ko na ang favorite flower niya Kailangan malaman ko naman ang pangalan niya, ang favorite food
niya, favorite color-- LAHAT!
Parang alam ko na ang pangalan niya kahit di pa niya sinasabi. Wild guess lang.
Wakas.
A/N: You want WAR?!!!! I'll give you RAAAAAWRRRR!!!! hehehhee... enjoy ^^ isingit niyo na lang po siya sa
inyong imagination kung saang parte siya ng story nangyari >_< love you guys! Alam niyo na kung sino kayong lahat!
----
Special Chapter:
Loki's POV:
Tumilapon ako sa karagatan matapos akong ibalibag ni Odin gamit ang sarili kong galamay.
Shhhhh!
Hindi ako makahinga-- pati ang mga galamay ko ay ayaw makalabas ng kulungang gawa sa tubig.
Lumipad sa harap ko si Odin. "--Ang elemento ng tubig Loki, ay aking alipin. Ibig sabihin, hindi lang ako ang
kalaban mo kundi pati na ang buong karagatan na nasasakop ng Bifrost!"
Gamit ang aking espada, gumawa ako ng itim na butas, sakto lang para magkasya ako. Pumasok ako dun at
matagumpay na lumusot sa kadugtong nitong butas na sinakto ko sa likod ni Odin.
Nawala!
SA TAAS!
Naghiwahiwalay iyon sa mas maliliit pang bilog. Tapos ay sabay-sabay ang mga iyon na nagsipagbagsakan sa aking
direksyon.
Tumawag si Odin ng hangin. Dahil dun, kumalat ang apoy sa hangin at nagmistula iyong napakalaking lambat ng
apoy na babagsak sa akin.
Kaya kong gayahin ang kahit anong uri ng pag-atake basta nakita ko iyon ng isang beses.
Sa bandang huli napilitan akong gumawa ng dimension at lumusot uli upang makatakas.
"Hanggang pagtakas na lang ba ang kaya mong gawin Loki?" tuya ni Odin.
"--Wag kang masyadong kampante Odin. Kaya kong pantayan lahat ng mga nagagawa mo--"
Paglipas ng hangin, isa-isang nagbagsakan sa karagatan ang daan daang natadtad na piraso ng mga galamay ko.
Kainis!
"Anong problema Loki? Ayaw na bang tumubo ng mga galamay mo?" pang-aasar pa ni Odin.
Di bale na. Ang mahalaga ay walang nahiwa sa mga mahahalagang bahagi ng aking katawan.
"--Mukhang wala ka talagang kadala-dala. Ngayon pa lang, sinasabi ko na sayong hindi kita titigilan
hanggang hindi mo inilalabas ang tunay mong anyo!"
Pasensyahan tayo Odin dahil wala talaga akong balak ipakita sayo kung ano talaga ang totoo kong hitsura. Kahit
anong pilit pa ang gawin mo, hinding hindi ako lalabas mula sa balat-kayo kong ito!
Nagpakiramdaman kami. Ako ba ang unang aatake o hihintayin ko na siya ang mauna?
Ako na lang.
Tinangka niyang magpalipat lipat pwesto subalit nandoon pa rin ang mga butas.
"--Ano ka na ngayon Odin? Hindi mo sila matatakasan dahil ang mismong dimensyon na ng katawan mo ang
hiniwa ko!"
Inilusot ko sa butas ang aking espada habang nakatingin ako kay Odin.
Pinakilos ko ng ubod ng bilis ang aking kamay at tumaga kung saan saan. Tatadtarin ko siya gaya ng ginawa niya sa
mga galamay ko; O mas malala pa dun ang matitikman niya!
Bago yun, naibalot niya ang kanyang sarili sa mga pakpak niya.
Masyadong matigas ang kanyang pakpak. Halos bumabanda lang ang espada ko.
Alam ko na.
Inilusot ko ang isa kong kamay at nagpadala ako sa kanya ng mga bola ng apoy.
Saglit akong naghintay. Natupok ang mga pakpak subalit hindi ko nakita ang katawan ni Odin.
Naging alerto ako sa aking paligid. Posibleng nagtatago lamang siya at nag-aabang ng pagkakataon para umatake.
Krgggh..
Malas! Muntik na mawala sa isip ko na ang elemento ng lupa ay kontrolado din ni Odin!
Bago ako tuluyang bumulusok pababa, sinadsad ko ang mga kamay ko at kumapit sa kung ang pwede kong
makapitan. Itinusok ko ang aking espada sa isang bahagi ng lupa.
Inayon ko ang aking sentro ng grabidad upang makatakbo palabas sa bitak dahil nagsasara na iyon.
Hayun si Odin! Wala na ang kanyang mga pakpak. Nagpasa siyang isakripisyo ang bahagi ng kanyang katawan
upang makatakas sakin kanina. Patas na kami.
Hindi ko alam kung kumpleto na ang pagiging Jotunn niya basta ang iniisip ko lang ay burahin siya sa mundong ito.
****
Odin's POV:
Hindi ko na kayang pigilan. Dumating na ang sandaling kinukumpleto na ng aking katawan ang transpormasyon.
Napaluhod ako at sinusubukan ko pa ring sumalungat sa mga pagbabagong nagaganap sa aking katawan.
Splaaaaaaashhh!
Natalo na ba ako?
Pakpak?
Sa aking pag-ahon, namataan ko kaagad si Loki. Nakatayo siya sa ibabaw ng tubig. Kitang kita ko ang ngiti sa
kanyang mukha.
Hindi!
HINDI!
Tumawa si Loki. "Anong gagawin mo ngayon Odin? Tatapusin mo na ba ang sarili mo ngayong isang ganap
ka nang HALIMAW?"
Nararamdaman kong lubha akong makapangyarihan kaya't magagawa kong maibalik ang dati kong anyo!
Sinugod ko siya at winakwak ko ang kanyang katawan. Natanggal ang kanyang kanang braso na may hawak ng
espada.
Sumigaw siya hindi dahil masakit kundi dahil galit na galit siya.
Hindi pa ako tapos. Pinutol ko din ang kabila. Sumunod ay hinatak ko ang kanyang ulo kaya't napugot iyon.
Hawak hawak ko ang kanyang ulo. Nakapikit ang kanyang mga mata.
Ibinalibag ko yun sa lupa at tinapakan ko hanggang mapisa kasama ang kanyang utak.
Tumayo na lang bigla ang nakahandusay niyang katawan. Naglabasan ang napakaraming galamay; may maliit at
malaki. Walang katapusan hanggang mawasak na pati ang katawan.
Nagbuo ang bulto ng isang higanteng halimaw sa aking harapan. Dalawang beses siyang mas malaki kaysa sakin.
"Dahil nakita mo ang tunay kong anyo, ipapadala na kita sa Hel!" dumadagundong ang kanyang boses.
Nabutas ang bahaging iyon. Bumagsak ang tubig ngunit parang hindi iyon napupuno.
Ubos na ang aking lakas dahil kanina pa ako walang tigil sa paggamit ng kapangyarihan.
Lumabas mula sa napakalaking bilog ang isang parang napakalaki ring bibig. Pagbuka nun, napakaraming ngiping
patulis sa loob at sa ginta ay may isang ga-higanteng mata. Lumabas sa bibig ang napakaraming mahahaban parang
galamay na may napakalagkit na laway. Dila siguro ang mga yun.
"Inubos ko na ang lahat ng aking lakas upang tawagin ang tarangkahan ng Hel! Wala ka nang takas Odin!"
Tinangka kong lumipad palayo subalit nahuli ang isa kong paa.
Sumunod na napuluputan ang aking mga pakpak hanggang halos lahat na ng parte ng katawan ko ay nakapitan na.
Ulo ko na lamang ang hindi nalululon ng malaking bibig nang sumabog ang isang nakakasilaw na liwanag.
I am overwhelmed because it was destiny that you found me, the ferryman; and I found you, the travellers. Together,
we took this journey and discovered something.
Akala ko hindi na ako mabibigyan ng chance. Sa wattpad kasi, naiiba na ang writing style ng mga writers. Shortcut na
kumbaga. Para sakin, nawawala na yung feeling na 'naiimagine mong nasa loob ka ng kwento'.
I am not a pro writer but I somehow gave all I've got to made you feel what was happening inside LOKI and not just
read it plainly. Kung nagawa ko man yun, it'll be one of the biggest epic in my life.
And lastly dahil zero ang lovelife ko ngayon (kung meron man kaming romance ni fafa No Min Woo, that's called
urequited at malaking ASA), kayo po ang aking inspirasyon throughout this journey. You're the reason why I can keep
moving on long after I said I can't.
Kasunod ng pagtatapos ng LOKI, inihahandog ko po ang pagsisimula ng isang Vampire story na hindi mo pa
naeexperience evah. (or so I thought)
FORLORN MADNESS
2012 direk_whamba