You are on page 1of 12

TULANG

TRADISYUNAL
at
TULANG
MALAYA

TULANG
TRADISYUNAL

TULANG TRADISYUNAL

Alam mo ba na
Ang TULANG TRADISYUNAL ay mga
pahayag na kadalasang nagtataglay
ng sukat at tugma sa bawat
taludtod, o ang mga salita at paraan
ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili,
matayutay, at masining bukod sa
pagiging madamdamin.

Ang sukat ay bilang ng mga


pantig sa bawat taludtod,
samantalang ang tugma ay
pagkakasintunugan ng mga
huling pantig sa bawat
taludtod ng saknong.

May aliw-iw at indayog kung


bigkasin ang tulang
tradisyunal dahil sa
tinataglay nitong katutubong
tugma. Magkakasintunog ang
huling salita ng taludturan.
Karaniwan nang gamitin ang
wawaluhin at
lalabindalawahing pantig ang
sukat.

Pinaniniwalaang kailangan nating


manatiling nakaugat sa tradisyong
Pilipino para hindi matangay ng agos
ng rumagasang kulturang dayuhan.
Tungkol sa pag-ibig at buhay nayon.
Mayroong makabayan tunguhin o
tema.

Pinapanatili ang mga dating


anyo ng tula lalo na ang
mga katutubong anyo tulad
ng dalit at tanaga, at ang
anyong awit na ginamit ni
Balagtas at makikita sa mga
berso ng balagtasan.

Amor ang Tanging Nais


By: Marianne C. Yap
Oh, aking kahilingan,
Ating pagmamahalan,
Sana'y walang hangganan,
Kahit may humadlang man.

Hirap man pagdaanan,


Hindi ka iiwanan.
Mag-isa sa kawalan,
Hindi pababayaan.
Kung ikaw ma'y lilisan,
'Di ka malilimutan.
Gabi at umaraw man,
May puwang sa isipan.

TULANG
MALAYA

Alam mo ba na...

Ang tulang tradisyunal ay


nagtataglay ng apat na salik o
elemento tulad ng sukat,tugma,
talingaga,kasiningan samantalang
ang tulang malaya ay may 3 salik o
elemento lamang gaya ng sukat ,
talingaga at kasiningan. Ang ukat
at tugma lamang ang maaring
mawala ang isa sa mga ito subalit
ang ibang salik ay dapat manatili.

KUNTENTO
ni: Kiko Manalo
Ito lamang ang paraan
Nang maraming nilalang,
Na maramdaman
Sa gitna ng kanilang buhay,
Na sila ay wagi
Sa pinasok na larangan,
At pinagkakaabalahan,
Sa pintig at kamatayan.
Ito rin ang paraan
Upang maitagong mainam

Ang kanilang pagdaramdam.


Kahit na lupasay,
Sa ikot ng buhay,
Pinipilit ibulong,
Sa pintig na panahon,
Na silay walang angal,
Kahit katiting man lamang
At hindi mga hangal,
Ngunit sa katotohanan,
Ay nag-uumapaw
Ang kanilang pagkauhaw!

Ito rin ay katwiran

Ng mga taong takot,


Sa pagkabagot,
Na may laksang lumot,
Sapagkat hindi umiikot
Ni umaabot
Sa pinakarurok
At naghihimutok,
Sa kanilang pinasok,
Na pakikihamok.

Ikinukundisyon ang ulo,


Na siya ay kuntento,
Sa kasalukuyang tinutungo,
Kahit walang nabubuo,
Kundi pagbabalatkayo,
Hanggang mapagtanto,
Na kaniyang niloloko,
Ang utak niyat puso
Na kuntento siya
Sa ikot ng mundo.

You might also like