You are on page 1of 2

Pagbati sa Kaibigan

Mayroon akong nakilalang tao,


Agad na pinagkatiwalaan ko,
Naging katoto sa maikling panahon,
Pagkat sa kanyay magaan ang loob.

Marami sa kanya ang nagmamahal,


Dahil mayroon siyang mabuting asal,
Mayroon siyang ugaling maganda,
At naghahatid sa lahat ng saya.

Marami siyang mga kaibigan,


Ang lahat ay pinapahalagahan,
Kahit hindi man ito pantay-pantay,
Ikaw ay di niya pababayaan.

Kapag ikawy napalapit sa kanya,


Siguradong ikaw ay mahahawa,
Sa kanyang pagiging masayahing tao,
Kaya malilimot ang problema mo.

Kaming dalway naging magkaibigan,


Na hindi ko talaga inasahan,
Pagkat kaming dalaway magkaiba,
Sa ugali at paniniwala.

Kaya madalas kaming nagtatalo,


Sa maraming bagay di magkasundo,
Siguro hindi lang talaga tugma,
Takbo ng isipan naming dalawa.

Ngunit kami ay naging malapit rin,


Na kahit sino hindi aakalain,
Maaaring dahil iisa lamang,
Ang araw n gaming kapanganakan.

Siya ang unang nagsabi sa akin,


Na huwag ko raw siyang lilimutin,
Na alam kong hindi ko magagawa,
Pagkat sa akin siya ay mahalaga.

At paano ko siya malilimutan,


Sa twing sasapit aking kaarawan,
Siya ay naaalala ko palagi,
Araw na iyon siya ang kabahagi.

Kaya ngayon ako ay gumagawa,


Isang tula kanya sanang mabasa,
Upang aking maiparating lamang,
Ang pagbati sa kanyang kaarawan.

You might also like