You are on page 1of 3

Kabanata II

Mga Kaugnayan na Literatura at Pag-aaral


Kaugnay na Literatura
Wika
Maraming ibat-ibang wika sa daigdig at bawat isay may kahulugan, ngunit kung
hindi ako marunong ng wikang ginagamit ng aking kausap, hindi kami
magkakaunawaan.
1 Korinto 14:10-11
Sa lahat ng nilalang ng Diyos ang tao lamang ang binigyan ng kapangyarihang
makapagsalita, makarinig, makabasa at makasulat ng may kritikal na pang unawa.
Dahil dito kanyang natutuklasan ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa
kanyang kapaligiran at mga pangyayaring nakakatulong sa paghubog ng kanyang
kamalayan. Ang pagkakaroon ng talino at isipan, ang kakayahang makalikha ng
tunog at makapag-kritik ng dahilan kung bakit kailangang madevelop sa tao ang
tinatawag na makrong kasanayan sa pagbasa, pagsulat, pagsasalita at pakikinig.
Isang mahalagang kasangkapang nagagamit ng tao sa paglinang ng mga
kasanayang nabanggit ang wika. Ikinukunsider itong kasangkapan sapagkat sa wika
napapahayag ng tao ang kanyang kaisipan at saloobin. Sa wika nagkakaroon siya
ng pagkakataon na makipag-interaksyon sa mga taong nasa lipunan at sa
pamayanang humubog ng kanyang kamalayan. Sa wika kanyang naibubulalas ang
damdaming maaaring sumikil sa kanyang pagkatao.
Sa wika lamang nakapag-uunawaan ang mga tao, sinasalamin nito ang kultura,
kaisipan, kasanayan at sining ng sambayanan. Napag-uugnay-ugnay ng wika ang
ibat-ibang salik ng kailangan ang wika ang masistemang simbolo sa tinig at sulat
na ginagamit ng tao sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.
Mahalaga ang wika di lamang sa sarili kundi sa pakikipag-interaksyon na rin sa
kapwa at sa lipunan. Ginagamit sa pagkuha ng impormasyon, pagtatamo ng
edukasyon, gayon din sa pagsisiwalat ng damdamin, saloobin at kaisipan. Sa wika
napapabilis at napapagaan ang isang gawin.
Ayon kay Dr. Jose V. Abueva, dating pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas (UP), Ang
Pambansang Wika ay hindi lamang wika kundi pananaw rin at pagtingin na makaFilipino. May mga pagkakamali tayong nagawa sapagkat hiram ang ginamit nating
salamin sa pag-unawa sa ating realidad. Maitutuwid natin ang mga pagkakamaling
ito at higit pa nating matutuklasan ang mga aspekto ng ating sarili sa paggamit ng
Filipino.

Ayon naman kay Alfonso Santiago, Ang alinmang wikang hindi nanghihiram ay
patungo sa pagkamatay sapagkat alinmang wikang buhay ay patuloy na
nanghihiram.
Ang pagpapayaman ng Wikang Filipino ay tungkulin ng lahat at hindi ng isa o ng
isang grupo. Tungkulin ito ng bawat mamamayang Pilipino, sa pamamagitan ng
paggamit, paglinang at pagiging bukas ng mga isip sa mga pagbabagong
nagaganap bunga ng patuloy na pag-ikot ng mundo ang pagpapaunlad ng Wikang
Filipino na patuloy na paggamit nito at pagpapahalaga.
Stratehiya
Lahat ng gawain, malaki man o maliit ay ginagamit ng mga pamamaraan upang
matapos ang naturang gawain. Habang ang demand sa mga gawain ay dumarami
(lalo na sa pagtuturo), isa sa mga nakikitang problema na kailangang pagtuunan ng
pansin ay tungkol sa pamamaraan/metodo/estratehiya na siyang dapat rebisahin at
paunlarin pa upang ang mga resultang minimithi ay siyang matugunan.
Isa sa mga aspeto sa isang pamayanan na nangangailangan ng pagrerebisa sa mga
pamamaraan ay ang pagtuturo. Sa pagtuturo, (mga estratehiya) ay may mga
malalaki at mahahalagang tungkulin sa pagbibigay ng tulong sa guro upang ang
isang paksa at ang mga katotohanang nakapaloob dito ay maihahatid patungo sa
mga estudyante na mas madali at mas maganda ang kalidad ng gawain.
Mula sa pagkabuo ng konsepto ng edukasyon, ang estratehiya ay kinukunsider na
isang mahalagang kagamitan sa pagtuturo na naglalayon sa magandang
kinabukasan ng mag-aaral at maging sa tagapagturo. Ito ay regular at sunodsunod
na mga pamamaraan na gamit ng guro sa paggabay ng mga mag-aaral upang
matamo ang mga mithiin sa lahat ng sitwasyon ng pagkatuto (Gregorio, Herman C.,
PRINCIPLES AND METHODS OF TEACHING, 1976). Kalakip dito ang lahat ng
sikolohikal na mga proseso pati narin ang mga materyales (IMs) para maapektuhan
ang performans ng mag-aaral.
May dalawang uri ng estratehiya/pamamaraan ang siyang ginagamit ng mga guro
sa pagtuturo; Tradisyunal na Pamamaraan at Makabagong Pamamaraan. Ang
Tradisyunal na Pamamaraan, ang mga katangian ng mga pamamaraan na ito ay
isang pagka-organisa na subject matter sa pamamagitan ngmga pagsasanay,
pagpapabalikbalik at memorisasyon at fixed na kurikulum na binuo ng mga
matatanda. Kalakip nito ang istriktong pamamalakad sa paaralan, pormal na mga
pattern na instraksyunal at fixed na standards gamit ang proseso ng
kompulsyon, makitid na pagkuntrol, pormalidad, takot at pangamba. Nakabase ito
sa konsepto na ang edukasyon ay isang paghahanda para sa darating na buhay ng
tao, isang disiplina sa pag-iisip, ang paglipat ng kahusayan, naghahanap lamang ng
karunungan para sa compliance, at higit sa lahat, itong pamamaraan na ito ay
Teacher-dominated activities. (Gregorio, Herman C., PRINCIPLES AND METHODS

OF TEACHING, 1976). Ilan sa mga halimbawa sa mga estratehiya na gumagamit ng


tradisyunal na metodo ay ang sumusunod:

Direktang Pag-uutos
Proyekto o Gawain na Metodo
Pagsasanay
Tutoring
Mga Lektyurs at mga
Pagsasalaysay (recitation)
Presentasyons
Diskusyon
Ang tradisyunal na pamamaraan ay tinatawag din na Dedaktib na Approach ng
pagtuturo o nakasentro sa gawain ng pagtuturo ng guro (teacher-centered) ayon sa
Encyclopedia Brittanica, Micropedia, 1974, vol. IX pp. 855-856. Mula sa malalaking
parte itoy hinihimayhimay hanggang lumiit ang mga parte nito bago pa ihahatid ng
guro ang bagong kaalaman patungo sa mga mag-aaral, habang ang Makabagong
Pamamaraan naman ay kabaliktaran sa depinisyon ng tradisyonal na pamamaraan.
Ang makabagong metodo ay nakabatay sa pilosopiya ni John Dewey na ang
edukasyon ay buhay, pagsulong o paglaki, ang rekonstraksyon ng mga pantaong
mga karanasan na itoy isang sosyal (may interaksyon sa pagitan ng mga mag-aaral
at guro) na proseso. Ang pangunahing layunin ng pamaran na ito ay ang kabuuang
pagkatao na paglago sa pamamagitan ng stimulasyon, paggabay at direksyon. Mas
binibigyan ng pansin nito ang pag-iisip kaysa ang pag-alala, pag-uunawa kaysa
pangangalap ng impormasyon, at higit sa lahat ang totoong interes at hindi lamang
para sa mere compliance. Ang pamamaraan na ito ay hayagang nagmumungkahi
ng kalayaan, naghihikayat sa malikhaing pagpapahayag, ang pagkilala sa mga
karapatan ng bata bilang isang malayang katauhan sa isang makatutuhanang
sitwasyon. Halimbawa sa mga estratehiya na sumusunod sa mga alituntunin sa
pamamaraan na ito ay ang sumusunod:

Pangakademikong Laro o
Kompetisyon
Brainstorming
Pag-aaral ng Kaso
Sentro ng Interes at mga Displays
Colloquia o Symposyum
Pagtatalo (debate)

Kooperatibong pagkatuto

Fieldtrips
Pag-uulat (reporting)
Simulasyon
Sariling Pagkatuto
Pagsasadula

Ang makabagong pamamaraan ay tinatawag namang indaktib na approach ng


pagtuturo o nakasentro sa kakayahan ng mga mag-aaral na matutuhan kung paano
makapagbibigay ng solusyon sa mga problema gamit ang mga kognitibong
kakayahan na matutuhan sa silid-aralan. (Encyclopedia Brittanica Inc., Micropedia.
1974, vol IX, pp. 855-856)

You might also like