You are on page 1of 5

Hos

pita Saga
l Dia
ry a
d sa
t iba Buto
Rom pang
ulo sanay
P. B say
aqu
iran
, Jr.
Hospital Diary at iba pang sanaysay

Romulo P. Baquiran, Jr.

UST Publishing House


Manila, Philippines
2010
Personal na sanaysay:
pagtatapat lang naman

Inspirado si Rene O. Villanueva ng mga sanaysay ni Lamberto


E. Antonio. Ako naman, inspirado ng mga sanaysay ni Rene O.
Villanueva, lalo na ng kaniyang Personal na kababasahan ng mga
karanasang nakakatuwa at kung minsan nakakaiyak sa panahon ng
paglaki niya sa La Loma. Malihim akong tao at marami sa aking
mga kaibigan ang hindi alam ang personal kong buhay. Mahiyain
din kasi ako. Pakiramdam ko, hindi magiging interesado ang
sinuman sa pinagdaanan kong buhay. Sa mga kuwentuhan, hindi
ako nagboboluntaryo ng impormasyong personal. Marami akong
nalalaman tungkol sa ibang tao pero wala silang nalalaman sa akin.
Pero noong maaksidente ako at naospital nang matagal, nagdesisyon
akong maisulat ang kahit kaunting pagsilip sa interyor na buhay ko. Sa
mga kurso kasi sa malikhaing pagsulat, mahalaga ang pagbabahagi ng
prosesong dinaanan ng manunulat. Makakatulong sa ibang interesado
kung paano ba ginagawa ang sanaysay, tula, o kuwento.
Sa koleksiyong ito, walang akademikong layunin. Gusto ko lang
magkuwento ng karanasan ko sa pagkakaospital sa paraang hindi
seryoso. Hindi ko naman unang ginustong magpatawa pero nang
binabalikan ko ang nangyari, marami ang absurdo. May elemento ng
pagka-eksaherado ang estilong lumabas. Parang nag-astral projection
ako at tiningnan ang eksena mula sa punto de bista ng manonood.
Bida ang katawan dito, lalo na ang paa. Pagsubok kasi ang nangyari
sa akin. Parang isang yugto sa impiyerno. Sa pagpapagaling, unang
dapat gawin ay kalimutan na ang trawmatikong aspekto ng sakit o
sakuna. Habang nagmumukmok kasi ay lalo lamang lumulubog.
Hindi naman maiiwasan ang desperasyon pero ayaw kong magpatalo.
Ang pagsusulat ay pagpapagaling din.
Romulo P. Baquiran

Isang pakikipagbuno sa diyos ng kalusugan itong karanasan. Nag-


iba ang tingin ko sa mundo. May perspektibo na ng may kapansanan.
Parang napaaga ang pagtanda ko. Sa ilang buwang pagtigil sa bahay,
nakaramdam ako ng eksena sa pagreretiro. Ayaw ko mang aminin
pero, sa bawat paghakbang ko at nararamdaman ko ang kirot sa
sakong at bukong-bukong, nagbabalik ang pait kung bakit nangyari
ito. Pero ganoon din naman, may pakiramdam ng kasiyahan kasi
nagpatuloy na mabuhay at nakakalakad kahit paika. Namimis ko nga
lang ang pagtakbo pero hayaan mo na, ang sabi ko sa sarili. Ganyan
naman talaga ang buhay. Kung may sakit, may sarap. Nagbibiro ang
kapalaran at kailangang makitawa. Kung mapikon ka, talo ka.
Mahaba-habang mga sanaysay ang “Mga Tahanan” at “Minsan
Ko Lang Niyakap Ang Aking Ama.” Pagkatapos ng “Hospital
Diary,” naisulat ang una samantalang matagal-tagal nang nagawa
ang pangalawa. Pero may afinidad ang mga ito dahil nasa estilo ng
pagtatapat. Isang kunwang sulat ito sa amang pumanaw na. Isang uri
ito ng ekspresibong teksto na mas seryoso sa mga kasamang sanaysay
pero mayroon pa ring komikong elemento. Isang walang kurap na
pagtingin ito sa nakaraan hindi para manumbat kundi para maitala
ang isang karanasang binabalikan nang may pagmamahal.

Romulo P. Baquiran, Jr.


22 Marso 2009

You might also like