You are on page 1of 3

DULANG PILIPINO

KASAYSAYAN NG DULANG PILIPINO Bago natin talakayin ang kasaysayan ng dulang Pilipino, makabubuti sigurong alamin muna natin ang kahulugan ng dula o drama. Ito ay nag- ugat sa salitang Griyego na ayon sa diksyonaryo, ang ibig sabihin ay pampanitikang komposition na nagkukuwento sa pamamagitan ng wika at galaw ng mga aktor. Ayon sa mga mananalaysay, ang dula o drama ay maaaring ipaliwanag sa dalawang paraan. Sa isang dako, ang tunay na drama ayon kay Sebastian ay nagsimula noong mga unang taon ng pangungupkop ng mga Amerikano. Idinagdag pa ni Tiongson na ang drama ay binubuo ng tanghalan, ibat-ibang kasuotan, skripto, "characterisation", at "internal conflict." Ito ang pangunahing sangkap ng tunay na drama ayon sa banyagang kahulugan. Sa kabilang dako, ayon sa mga librong kinunsulta ko, ang drama ay drama kahit wala ang mga sangkap na nabanggit. Ito ang dramang Pilipino. Ayon pa rin kay Tiongson, memises ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. Memises ay ang pagbibigay buhay ng aktor sa mga pangaraw-araw na pangyayari sa buhay ng mga Pilipino. Ito rin ang malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula. Inilalarawan sa tunay na Pilipinong dula, ang mga pangarap ng bansa. Dito ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala, at tradisyon. Ikinukuwento rin ang paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Dito rin mamamalas ang ibat-ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan. Samakatuwid, ang tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa sa kulturang Pilipino at nagbibigay ng kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino. Higit sa lahat, ito'y nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang Pilipino. Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katututbong Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutubo'y likas na mahiligin sa mga awit, sayaw at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin ay nasa anyo ng tula. Ang mga katututbo rin ay mayaman sa epikong bayan na kalimita'y isinasalaysay sa pamammagitan ng pag-awit. Ang mga awit, sayaw, at ritwal ay karaniwang ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, binyag, pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan, pakikipagdigmaa, kasawian, pananagumpay, pagtatanim, pag-aani, at pangingisda, atbp. Bago dumating ang mga dayuhang mamnanakop, ay mayroon ng ilang anyo ng dula ang mga katutubong pilipino. MGA URI NG DULANG PILIPINO Mga Katutubong Dula Bikal at Balak Mga Dula sa Panahon ng Kastila Moro-Moro Dula sa Panahon ng mga Amerikano Sarsuwela

Karilyo Bayok at Embayoka Kasayatan Dallot Pamanhikan Dung-aw Hugas Kalawang Dalling-Daling

Senakulo Karagatan Duplo Salubong Paglakad ng Estrella at ng Birhen Pinetencia Carillo Puteje Juego de Prenda Bulaklakan Pananapatan Moriones Dalit Alay (Flores de Mayo) Pangangaluluwa Panunuluyan Tibag Santacrusan Papuri/Putong PAGUSUSURI

Ayon sa mga manunulat, ang matatawag na tunay na uri ng dula ay nagsisimula sa mga unang taon ng panankop ng mga Amerikano. Bagaman may mga dulang napanood at pinaglibangan ang mga katutubong Pilipino bago sumapit ang panahong ito, ang mga tunay na dulang sinasabing nagtataglay ng pinakamalalim na pangarap ng isang bansa, naglalarawan ng sariling kaugalian, naglalahad ng buhay ng katutubong tulad ng nasa lona at nagpapakilala ng papupunyagi ng mga tao ng isang bayan upang mabuhay, ay wala noon. Ang Pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas bagbigay panibagong sangkap sa mga katutubong dula. Ang mga dulang kagaya ng komedya ay kinasangkapan ng mga Kastila upang mapalaganap ang Katolikismo sa kapuluan. KONKLUSYON Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi na ito ng ating tradision. Mga tradisyong nagbibigay ng identidad sa mga Pilipino. Sa paglipas ng mga taon, nagbabago ang anyo ng mga dulang Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga mandudula: ang aliwin ang mga mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhay ang mga pangyayari sa buhay Pilipino. SANGGUNIAN 1. Casanova, Arthur P. "Kasaysayan at Pagunlad ng Dulaang Pilipino". Rex Printing Co. Maynila: 1984. 2. Sebastian, Federico B. "Ang Dulang Tagalog". Bede's Publishing House. Queson City: 1951.

3. Sauco, Consolacion P. at Salazar, Dionisio S. "Sulyap sa Dulang Tagalog". National Bookstores. Manila:1987. 4. Tiongson, Nicanor G. "Dulaan". Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Philippines: 1989. 5. Tiongson, Nicanor G. "What is Drama?" PETA. Philippines: 1983.

You might also like