You are on page 1of 4

Reviewer/Gabay sa Pagbabalik-aral Para sa Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino IV (2009-2010) Mga Sagisag-Panulat (Pseudonym/Alyas) na Ginamit ng mga Manunulat, o Mga

Katawagan/Bansag sa Kanila Andres Bonifacio - Magdiwang Emilio Aguinaldo Magdalo Jose Corazon de Jesus Huseng Batute Jose de la Cruz Huseng Sisiw Esopo (Aesop) Ama ng Pabula Deogracias A. Rosario Ama ng Maikling Kwentong Tagalog Francisco Baltazar Ama ng Balagtasan Jose Rizal Dimasalang Manuel Luis Quezon Ama ng Wikang Pambansa Gregorio del Pilar Magtagumpay Marcelo H. del Pilar Pupdoh; Dolores Manapat; Piping Dilat; Plaridel Julian Felipe Ama ng Marcha Nacional Mga Talasalitaan (Hindi kailangang isaulo/kabisaduhin) Nagbigay-pugay nagbigay-galang (gave praise/glorified) Kahandaan readiness Sumasagisag symbolizes Kadalisayan purity Pagpapalaganap spreading of Kapintasan weakness/limitation Lunas gamot/solusyon Kinikilala recognized as.. Tuluyang anyo ng panitikan prose Patulang anyo ng panitikan poetry Aliw-iw at indayog rhythm Nagbalangkas lumikha/gumawa/nag-conceptualize Kababalaghan di-panipaniwalang phenomenon/wonder/magical/surrealistic event/phenomenon Kalinangan sibilisasyon Tinalikdang panahon Panahon Bago Dumating ang mga Kastila/Panahong Katutubo Pantig syllable Taludtod line (ng tula) Pagtambalin match Inaalog being shaken Alkansya piggy bank Inaabangan anticipated/awaited

Inaangkin unrightfully claimed (Hal. Inaangkin ni Sam ang lupa ni Juan. ) Isinabit hanged up Inaani being harvested Alitaptap firefly Kulisap insect Sakim greedy Nalabi natira; remaining Dahilan reason Ang Pambansang Awit at Watawat ng Pilipinas ANG PAMBANSANG WATAWAT AT ANG PAMBANSANG AWIT Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay tinahi sa Hong Kong. Si Emilio Aguinaldo ang gumawa ng konsepto ng pambansang watawat. Ang walong sinag ng araw sa watawat ay kumakatawan sa walong lalawigang unang nag-alsa (revolted) laban sa mga Kastila. Ang kulay na pula ay sumasagisag sa kagitingan/katapangan ng mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bayan. Samantala, ang kulay na puti naman ay sagisag ng kadalisayan ng kalooban ng mga Pilipino. Unang iwinagayway ang watawat sa balkonahe ng bahay ng pangulo ng Unang Republika na si Emilio Aguinaldo. Ayon sa Acta de la Proclamacion de la Independencia Filipina (Dokumento ng Paghahayag ng Kalayaan ng Pilipinas), hinalaw/hinango sa bandila ng Estados Unidos ang mga kulay ng watawat ng ating bansa. Nilikha/ginawa ni Julio Nakpil ang Marangal na Dalit ng Katagalugan. Ito ang unang pambansang awit ng Pilipinas, ngunit hindi ito kinilala ni Aguinaldo bilang pambansang awit. Noong Hunyo 12, 1898, sa araw ng deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas, tinugtog ng Banda San Francisco de Malabon ang Marcha Nacional Filipina na nilikha ni Julian Felipe sa utos ni Emilio Aguinaldo. Noong Pebrero 1899, sinulat ni Jose Palma ang tula na may pamagat na Filipinas. Ang sinulat ni Jose Palma ang naging titik o lyrics ng pambansang awit ng Pilipinas. Una itong nalathala sa pahayagang La Independencia. Malaon, isinalin sa Ingles at sa wikang pambansa ang titik ng pambansang awit. Kinilalang opisyal na salin ang salin nina Ildefonso Santos, Francisco Caballo at Julian Cruz Balmaceda, bagamat may sarili ring salin si Lope K. Santos. Nauna pa rito, isinalin ni Propesora Maria Paz Benitez sa Ingles, mula Espanyol, ang pambansang awit. Ang Mga Akdang Klasiko sa Daigdig Lingid sa kaalaman ng marami, hindi Ingles ang itinuturing na nangungunang wika sa panitikan. Katunayan, karamihan sa mga akdang klasiko (classics) sa daigdig ay HINDI SA INGLES NAKASULAT. Marami sa mga akdang itinuturo sa mga klaseng Ingles ay pawang galing sa ibang wika. Halimbawa ang mga kwentong nakapaloob sa epikong Iliad at Odyssey ng Griyegong si Homer ay karaniwang pinaiikli at isinasadula sa

Ingles. Pamilyar din sa mga mag-aaral sa Ingles ang Divina Comedia ni Dante Alighieri ng Italya. Tinalakay rito ni Dante ang sarili niyang konsepto ukol sa paraiso, impyerno at purgatoryo. Ipinagmamalaki naman ng Espanya at Pransya ang kanilang El Cid Compeador at Awit ni Rolando na tumatalakay naman sa panahon ng mga kabalyero/knights (age of chivalry) sa Europa. Hindi rin magpapatalo ang mga taga-India na bago pa isilang si Kristo ay nakalikha na ng isang epiko, ang pinakamahabang epiko sa buong mundo na pinamagatang Mahabharata. Bagamat hindi kasingpopular ng Art of War ni Heneral Sun Tzu, higit na ipinagmamalaki ng mga taga-Tsina ang Aklat ng mga Araw na naglalaman ng mga praktikal na aral ng bantog na pilosopong si Confucius. Hindi rin nagpahuli ang Ehipto na mayroon naming Aklat ng mga Patay na tila baga umaakma rin sa kadakilaan ng kanilang mga libingang piramide. Akala ng maramiy ang Disney Corp. ang lumikha kay Alladin, ngunit ang katauhan pala niya, pati ang konsepto ng genie ay hango sa Isanlibot Isang Gabi ng mga taga-Arabia at Persya. Hindi dapat kalimutan ang Bibliya na nasulat sa Aramaic, Griyego at Hebreo bago maisalin sa Latin at iba pang wika. Kataka-taka na tinatawag na wika ng mga pinuno ang Ingles sa kabila ng katotohanan na ang mga pinakakinikilalang panitikan sa buong mundo ay hindi sa Ingles nakasulat. Panahon na marahil na makita natin na walang wikang superior, walang wikang nangunguna. Mga Pantapat ng mga Sinaunang Pilipino kina Zeus at sa iba pang nakatira sa Olimpo Akala ng marami, ang Gresya at Roma lamang ang may mitolohiya. Bago pa dumating ang mga Kastila, karamihan sa mg a Pilipino ay pawang pagano na sumasamba sa ibat ibang diyos at diyosa. Lahat ng aspekto ng buhay ay mayroong diyos ang mga Pilipino. Para sa mabuti/masaganang ani, nagdarasal sila kay Hanan. Kapag nakikipagdigmaan, si Apolaki naman ang kanilang tinatawagan. Para sa mga suliranin sa pag-ibig, si Mapolan Masalanta ang kanilang takbuhan. Upang humingi ng ulan, nagdarasal sila kay Anion Tabo, na siya ring diyos ng hangin. Marami pa silang ibang sinasamba kagaya nina Tala (diyosa ng pang-umagang bituin); Bathala (pinakamakapangyarihang diyos, katumbas ni Zeus) atbp. Naniniwala rin ang mga Pilipino sa ibat ibang masasama at mabubuting ispiritu. Pinaniniwalaang tagatanod/bantay sa lupa ang mga Patianak. Nangingiliti naman daw ng mga bata ang mga Mamanjig. Naniniwala rin sila kay Limbang, ang bantay ng mga kayamanang nasa ilalim ng lupa. Lahat ng itoy nagpapatunay na bago pa dumating ang mga Kastila at Amerikano ay may mayaman na tayong kultura at sibilisasyon. Kung tutuusin, kaya nating umunlad at magpatuloy sa maayos na pamumuhay kahit hindi nila tayo sinakop.

Mga Tuntunin sa Ortograpiya at Panghihiram ng Salita Sa halip na manghiram, dapat gamitin ang leksikon ng wikang Filipino. Halimbawa, para sa sperm, maaring gamitin ang punlay (na mula sa punla ng buhay o seed of life.). Gayundin, sa halip na sabihing rule, dapat gamitin ang tuntunin. Huwag sabihing corrupt, sa halip ay tiwali. Kapag wala sa leksikon, maaaring humiram sa mga salitang katutubo mula sa ibang wika ng Pilipinas. Halimbawa, ginagamit natin ang bana mula sa Hiligaynon para sa husband dahil mahaba ang asawang lalaki. Dahil sa tuntuning ito, ginagamit na rin natin ang vinta, pinakbet, vugi, faga at caao. Samantala, kapag wala sa leksikon at wala rin sa mga katutubong salita, maaari tayong humiram sa Espanyol gaya ng seremonya, (mula sa ceremonia) piraso (mula sa pedazo) at isla. Pag-aralan din: Mga Teorya ng Pinagmulan ng Wika; Anyo at Uri ng Panitikan; bugtong Iba pang link: http://mkbyn.multiply.com/journal/item/28 http://mkbyn.multiply.com/journal/item/24/Para_sa_lahat_ng_4th_YEAR_Powerpo int_sa_Panitikan Laging tandaan, ang bansang nagbabasa ay bansang dakila. Iba ang edukasyon at pag-aaral sa memorisasyon at pagkakabisa. Edukasyon at pag-aaral ang ating layunin. Nasa paaralan tayo upang alamin kung paano mag-isip at hindi para kabisaduhin kung ano ang iisipin. Mag-aral mabuti! Pagpalain nawa kayo ng Diyos! --- Simoun Anastacio

You might also like