You are on page 1of 1

NOV.

15, 2011 DATE

NR # 2588
REF. NO.

Itaas at dagdag na benepisyo ng factory at office workers pina-plansta sa Kongreso


Isang panukalang batas ang isinulong sa Kamara para itaaas ang sahod at karagdagang benepisyo ng mga factory at office workers sa layuning itaas din ang kalidad at kalagayan ng kanilang pagtatrabaho. Sa House Bill no. 5324 na iniakda ni Rep. Catalina Cabrera Bagasina (Party-list, ALE) layunin nito na itaas ang overtime pay, holiday pay at maternity leave benefits. Layunin din ng panukala na amiyendahan ang Book III ng Presidential Decree 442, o ang Labor Code of the Philippines. Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng karapatang pumili ang mga factory at office worker na magtrabaho ng full time o part time. Sinasaad na panukala na babayaran ang night shift deferential mula 10 hanggang 30% ng regular wage sa bawat oras na trinabaho sa pagitan ng 8:00 ng gabi at 6:00 ng umaga. Ang nagtrabaho ng over time lampas ng walang oras kada araw ay babayaran katumbas ng kanilang regular wage ay may karagdagang 30% sa regular wage. Kung nagtrabaho ng holiday p rest day, may karagdagang itong kabayaran matumbas ng rate sa unang walang oras sa holiday o rest day at dagdag na 50% additional compensation. Dapat lamang na itaas ang sahod ng mga laborers at employees dahil na rin sa pagtaas ng mag pangunahing bilihin at pagtaas ng rate of living standards, sabi ni Bagasina. (30) eag

You might also like