You are on page 1of 3

Pagbawi sa Oil Dereg Law, inihain sa

Kamara

MANILA, Philippines — Para matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo


ng mga produktong petrolyo ay inihain sa Kamara ang isang panukala upang
bawiin ang Oil Deregulation Law.

Sa apat-pahinang House Bill 8898 na inihain at pirmado ni House Deputy


Majority Leader Erwin T. Tulfo, kanyang mga kasamahan mula sa ACT-CIS
partylist na sina Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, at Benguet Rep. Eric Yap,
ipinakilala nila ang “Act Establishing the Budget ng Bayan Para sa Murang
Petrolyo” (BBMP), para i- repeal ang Oil Deregulation Law.

Ang BBMP ay naka-pattern sa Oil Price Stabilization fund noong 70s.

Sa kanyang privilege speech sa Kamara kahapon, tinuligsa rin ni Rep. Tulfo


ang umiiral na batas at tinawag na useless o walang pakinabang.

“Nalinlang po ang taumbayan o na-onse sa pagpasa ng batas na ito dahil


paniwala tayo noon na magpapababaan ng presyo ang mga kumpanya ng
langis kapag hindi na raw hawak o kontrolado ng gobyerno ang pagpapresyo
sa produkto ng petrolyo,” ani Rep. Tulfo.

“Isa po itong kahibangan dahil sa halip na magpababaan ng presyo ngayon,


nag-uusap-usap po ang malalaking kumpanya ng langis kung gaano kalaki at
magkano ang itataas nila linggu-linggo,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Tulfo na layunin ng panukala na i-repeal ang Oil Deregulation Law


upang maitatag muli ang government price control sa fuel pump prices at
matugunan ang negatibong impact ng madalas at biglaang pagpapalit ng
presyo ng fuel sa mga consumers.
Gabriela, inihayag
‘harmful effects’ ng
mandatory ROTC sa
kababaihan, LGBTQIA+
Nagbabala ang Gabriela Women’s Party hinggil sa umano’y
“masasamang epekto” ng mandatory Reserved Officers’ Training Corps
(ROTC) sa mga babaeng estudyante at miyembro ng LGBTQIA+
community.

Sa isang pahayag nitong Lunes, Agosto 14, iginiit ni Gabriela Vice


Chairperson Joms Salvador na “well documented” ang case studies
tungkol sa mandatory ROTC at masasamang epekto umano nito sa
mga babaeng estudyante at miyembro ng LGBTQIA+.

“We have seen plenty of cases of ROTC-facilitated intimidation, sexual


harassment, rape, hazing, and many other forms of gendered violence
against women and LGBTQIA+ students in the program,” ani Salvador.

“In what world is institutionalizing a program with such a horrific track


record considered gender equality?” giit pa niya.

Matatandaang ipinahayag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa


kamakailan na dapat kasama rin ang mga babaeng estudyante at
miyembro ng LGBTQIA+ community sa ROTC program para umano sa
“gender equality.”
Pagbabakuna gamit ang bivalent
COVID vaccines, umarangka
BATANGAS CITY — Umarangkada na ang pagbabakuna ng ikatlong booster para sa COVID-19
gamit ang bivalent vaccines.

Unang isinagawa ang pagtuturok ng bivalent vaccines sa Batangas Medical Center, kung saan ang
unang nakatanggap ng bakuna ay si Dr. Ramoncito Magnaye, ang medical center chief ng nasabing
ospital.

“Ito po ang pang limang vaccination ko na tinatawag nating third booster dose. I am the first
Batangueño noong unang una po na first dose, even sa second dose, even the booster, at awa naman
po ng Diyos never po ako nagka-COVID, and now I want to continue the protection sa sarili ko pati
mga kasamahan ko sa opisina at pamilya ko," ani Magnaye.

Ayon kay Magnaye, nasa 600 ang mga doktor at nurse habang nasa 1,600 naman ang mga admin
staff na kailangang mabigyan ng bivalent vaccines.

Sinabi naman ni Department of Health (DOH)-Calabarzon Regional Director Dr. Ariel Valencia na
nasa 52,740 ang bivalent vaccines na inisyal na alokasyon sa buong Region 4A.

Pero sa tala ng DOH-Calabarzon, umaabot sa 244,000 ang target na mabigyan ng bivalent vaccines
sa naturang rehiyon, at 45,884 dito ay para sa Batangas Province.

You might also like