You are on page 1of 4

ANG PAGPAPATUPAD NG MANDATORY VACCINATION AY HINDI

MAKATARUNGAN?
NORHANIAH M. HADJIHASSAN
MINDANAO STATE UNIVERSITY MAIN CAMPUS-MARAWI CITY
SOCIO-POLITICAL ANALYSIS PAPER

Ang covid-19 vaccine ay itinuturing pinaka epektibong solusyon sa kasalukoyang


kinakaharap na pandemiya ng buong mundo, sapagkat ito’y pinaniniwalaan na
kayang labanan ang pagkalat ng virus. Ngunit ang katotohanang ang vaccine na
ito ay isa lamang eksperimentasyon kung saan mayroong karapatan ang bawat
tao na mag desisyon ayon sa kagustohan nitong mag pa-bakuna o hindi. Ang
pagpapa bakuna ay hindi masama kong talagang hindi ito nakakasira sa
kalusugan ng bawat tao, ngunit ang pagkakaroon ng problema ukol sa
ginagawang pamumuwersa ng gobeyerno sa mga tao tulad halimbawa ng mga
taong nagtatatrabaho na hindi nakakapasok kung walang vaccine card, mga
estudyanteng hindi makakapasok sa eskwelahan at mga mahihirap na hindi
hinahayaang makatanggap ng cash assistance dahil walang vaccine card. Ilan
lamang iyan sa mga suliraning haharapin ng mga tao sa pagpapatupad ng
mandatory vaccinations.

Ang mga nasa mabababang posisyon ang tunay na nakakaranas ng kahirapan


sa pagkakaroon ng pandemiya dahil sa ginagawang “Force vaccination” kung
saan nawawalan ng karapatan ang mga tao na mag desisyon sa kanilang buhay.
Ayon sa pahayag ng Gobernador ng west virginia na si Gov. Jem justice,
“Maybe what you got to do is lead them to water — and then if they won’t drink
— you’ve got to just, some way, stand up and push their head down to some
way — at least a few will drink.” Ito’y nangangahulugan na ang maaari lamang
gawin ng mga nasa taas ay hikayatin ang mga tao upang magpa-bakuna,
samantala kung ayaw naman nito ay hayaan lamang sila at bigyan ng malayang
Karapatan upang kontrolin ang kanilang sariling pangangatawan. Kung
magpapatuloy ang ganitong sistema na tinatanggalan ng karapatan ang mga tao,
siguradong walang kaunlaran ang magaganap at lalong mahihirapan ang bawat
tao upang labanan ang anumang suliraning kinakaharap o kakaharapin.

Nakasaad sa Republic Act No. 1125 seksyon 12. na ang vaccine card ay hindi
tinuturung na mandatory requirement sa edukasyon, trabaho at sa ib pang.
nagpapahiwatig lamang ito na isang illegal na gawain katulad na transaksyon sa
gobyerno. nagpapaliwanag lamang ito na ang ginagawang pamimilit sa mga tao
upang magpa-bakuna ay hindi makatuwiran at labag sa batas. Ayon sa isang
artikulong pinamagatang, Every Life is Matters: An Open Letter to the
Filipino People Regarding the Medical, Ethical, Legal and Economic Issues
of Mandatory Vaccinations nakapaloob dito ang isang impormasyong ukol sa
katotohanang ang Covid-19 vaccine ay maaaring mag udyok ng seryusong sakit
o masamang epekto at maaari ring nakakamatay, ito’y nagpapahayag hindi
dapat gawing mandatory ang Covid-19 vaccine. Nabanggit din rito na ang lahat
ng Covid-19 vaccines na kasalukoyang nagagamit dito sa pilipinas ay sumasa
ilalim pa sa isang eksperimentasyon, ang katotohanang ito ay malinaw na
nagpapaliwanag sa R.A No. 1125 at ang paulit-ulit na pag kumpirma ng
Department Of Health (DOH) na ang naturang kalagayan ng Covid-19 vaccine
bilang isang eksperimento ay malinaw na ito’y nangangailangan ng mas
malaking pagsisikap para masiguradong ligtas at mayroong pahintulot, at upang
maiwasan ang pagpapatupad ng batas tungkol sa mandatory vaccination.

Bukod dito sa isang artikulong pinamagatang Government’s vaccine push an act


of tyranny binigyang linaw dito na ang medical experiment at trials ay kailangan
upang mapatunayan ang bisa at kung ito’y ligtas, pero ang medical trials ay
pagkukusa. Bahagi nito’y ang sabi na ko ang isang tao ay takot sa sakit at
mayroon itong survivability rate na 99.9% ito’y nangangahulugang puwedi siyang
gumamit ng nasabing gamot. Samantala, kung ang nais ng tao ay hintayin na
matapos ang trials at hanggang sa matiyak ang bisa at ang kaligtasan nito sa
pamamagitan ng isang normal na siyentipikong proseso bago iniksyonan ng
anoman ang kanilang katawan, ay karapatan nila ito.
Maituturi din itong isang medical tyranny kung saan batay sa ilang dipenasyon ng
“tyranny” ayon kay John Locke, ito’y nangangahulogang ang pagpapatupad ng
isang batas para lamang sa sariling kagustohan at hindi naaayon sa batas at ang
ginagawa nila’y para lamang sa kanilang sariling satispaksyon, kagustohan,
pagnanais o alin mang pang sariling kapakanan ay nagpapakita ng act of
tyranny. Sa nangyayari sa atin ngayon ay masasabi ngang ito’y isang medical
tyranny kung saan sa ibang lugar ay hindi ginagawang mandatory ang Covid-19
vaccine na naglilinaw sa katotohanang ang ginagawa ng mga leader natin ay
upang makakuha ng malaking pabuya galing sa gobyerno sa madaling salita ang
kanilang ginagawa ay hindi naaayon sa batas kundi para lamang sa kanilang
sariling kagustohan at interes.

Kaugnay ng mga naitalang argumento tungkol sa pagpapatupad ng mandatory


vaccination policy, kahit ang sinasabing mga vaccine ay tunay at
nakakapagpagaling hindi parin puweding magpatupad ng mandatory sa ganitong
bagay dahil matatapakan nito ang karapatang pantao na naaayon sa batas.
Ngunit lalo na’t mayroong lumalabas na mga impormasyon ukol sa mga
nangyayari sa mga taong na turokan ng nasabing vaccine na kung saan marami
rami na ang naitatalang namamatay na ang dahilan ay ang vaccine at ang
nagsisilabasang mga impormasyon ukol sa mga epekto ng vaccine na ito’y
nakakamatay at nakukunan ng sakit na cancer at mayroon itong epekto na
nagpapababa sa buhay ng tao. Lahat ng ito’y nagpapatunay na hindi dapat
gawing mandatory ang covid-19 vaccine lalo na’t wala pang malinaw na
pagpapaliwanag ukol sa mga nasabing vaccine. Sa kabila nito’y ang
pagkakaroon ng malayang pamumuhay ang bawat tao.

Sanggunian:
https://covidcaalofhumanity.org
https://www.newsandsentinel.com | 519 Juliana St., Parkersburg, WV 26101 |304-
485-1891 | Ogden Newspapers | The Nutting Company
https://cdcph.org/

You might also like