You are on page 1of 1

Salita Ng Taon 2022:

“Marites”
Kahulugan ng Salita
Ang pangalang Marites ay may kahulugan sa wikang
kastila na “A lady of the sea” o “sea of sorrow.” Subalit ayon
kay Chui (2021), ang salitang “marites” ay galing sa pariralang
“Mare, ano ang latest?” Ang salitang “marites” ay kalimitang
pinapalit sa salitang “tsismosa,” ngunit ito ay ginagamit sa
nakakatawang konteksto.

Pinagmulan ng Salita
Sa kasalukuyan, sa bawat social media platform ang
salitang "marites" ay laganap. Makikita ang salitang ito sa
maraming meme o nakakatuwang imahe o bidyo sa mga
popular na site tulad ng Facebook, Twitter, TikTok, at
YouTube. Sumikat ang salitang ito dahil sa mga kumakalat na
isyu sa internet, ang mga tinuturing na "marites" ay ang mga
unang-unang nagpapalaganap at nagpapalala ng tsismis.
Nabanggit din ni Manila Mayor Isko Moreno ang salitang ito
noong 2020 at bagong dating pa lamang ang pandemya sa
bansa. Pagkatapos ianunsyo ni Mayor Isko na walang
magiging "liquor ban" sa maynila na sumasailalim sa
modified enhanced community quarantine, may isang
babaeng nagngangalang "marites" ang hindi sumang-ayon sa
desisyon at pinunto na hindi mahalaga ang alak ngayong
pandemya. Maraming netizen ang natawa sa komento ni
Mayor Isko na "Manahimik ka, Marites!" Mas pinasikat pa ng
isang TikTok user na si Justine Luzares ang salita sa
pamamagitan ng pag-acting o paglalarawan ng mga ginagawa
sa pang-araw-araw ng isang "marites."

You might also like