You are on page 1of 5

PANIMULA

The music is all around us, all you have to do is listen. -August Rush (2007) Saan man tayo pumaroon ngayon, hindi natin maiiwasan na hindi makarinig ng musika. Samut-saring uri ng musika ang maaari nating mapakinggan. Music is the one that relaxes the mood for individual and has all the elements in it that can bring back joyful in life and fill enjoyment in the life of an individual. -Kendrick Blaine, 2011 Ang pakikinig sa musika ay isa ring paraan upang mapagaan ang loob ng ilan. Naipapararing at naipaparamdam ang mga saloobin, sama ng loob, problema. Di pagsang-ayon at iba pa dahil sa musika. Ayon naman kay Billy Sheehan, Music is always changing and the changes are unpredictable. Katulad ng wika, and musika ay dinamiko. Nagbabago ito depende sa kung papaano ito kakantahin o bibigyang kulay ng mang-aawit. Nakakaapekto rin sa pagbabago ng musika ang pag-unlad ng teknolohiya at impluwensa ng ibat-ibang kultura ng musika sa ibat-ibang bansa. Sa sa mga produktong pagbabagong ito ay ang rap music. Rap music is a style of popular music in which words and phrases are spoken in rhythmic chant over an instrumental backing.

Ayon kay Rodriguez II, ang musikang rap ay mistulang pinabilis na paraan ng pagsasalita na may indayog at sinasaliwan ng ritmo, na kapag pinakingggan ay mapapaindak ka. Nagsimula ang musikang rap noong 1970 sa Amerika bago pa man ito lumaganap at sumikat sa ibat-ibang bansa. Ang namayapang sa Francis Magalona na tinaguriang master rapper ang napauso ng rap sa bans noong huling bahagi ng dekada 80. Noong 1990, inilabas ni Francis ang kanyang album na Yo! Na kauna-unahang rap album sa Pilipinas. Sa taon din na iyon si Andrew E., isang sikat na DJ sa Makati ay naglabas din ng album na may pamagat na Humanap ka ng panget bilang paghamon sa kasikatan ng Francis sa larangan ng rap. Naipalabas ang kaunaunahang pelikula na nagtatampok ng ng musikang rap na may pamagat din na Humanap ka ng panget. Hanggang sa ngayon. Patuloy parin ang pag-unlad ng musikang rap sa Pilipinas. Hindi lamang ang mga sikat na singer ang gumagawa nito maging ang mga ordinaryong tao na rin, mapabata man o matanda. Nauso na rin ngayo ang tinatawag ng ilan na modernong bersyon ng balagtasan ang Rap Battle. Noong una ay hindi nagging mganda ang imahe ng musikang rap sa ilan dahilitoy karanwang tumatalaky sa karahasan, payabangan at kung anu-ano pang mga negatibong paksa. Pero napatunayan na ng ilan na marami na ring mga rap ngayon na tumatalakay s pagmamahal sa bayan, magulang, kalikasan at marami pang magagandang bagay. Si Rodriguez II ay nagsabi ng ganito, Kayat maling tignan ng negatibo ang musikang rap. Ayon parin sa kanya, ang

rap, tulad ng ibang uri ng musika ay nagsisilbi ring behikulo para iparating sa mga tao ang importanteng mga isyung nangyayari sa lipunan.

Paglalahad ng Suliranin

Nais ng mga mananaliksik na gumawa ng analisis kung papaano nakakaapekto ang musikang rap sa mga tagapakinig nito at sa kulturang Pilipino. Layunin ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod na mga espisipikong katanungan:

1. Anu-ano ang mga katanigan ng musikang rap? 2. Anu-ano ang mga dahilan ng mga mag-aaral ng Central Luzon State University sa pakikinig ng musikang rap? 3. Anu-ano ang mga nararamdaman ng mga mag-aaral tuwing nakikinig ng mga musikang rap? 4. Sa papaanong paraan nakakaapekto ang musikang rap sa kulturang Pilipino? 5. Bakit tinatangkilik ng mga mag-aaral ang musikang rap?

Kahalagahan ng Pag-aaral Sa mga estudyante: Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay maipapaliwanag ng mag-aaral ang kanilang saloobin kung bakit mas nais nilang making na lamang ng musikang rap kaysa gumawa ng ibang bagay. Sa mga magulang: Dahil sa pag-aaral ng ito, malalaman at mas mauunawaan nila ang kanilang mga anak sa mga bagay na kanilang pinagdaraanan.

Sa mga guro: Makatutulong ang pag-aaral na ito upang maintindihan ng mga guro ang kanilang mg estudyante o ibang tao na mahilig sa musika. Makatutulong rin ito sa kanilang pagtuturo sapagkat kailangan nilang makisabay sa agos ng panahon upang mas lalong maging maayos ang kanilang pagtuturo. Maaari nilang gamitin ang musikang rap bilang bagong pamamaraan ng pagtuturo. Sa mga mamamayang Pilipino: Maipapahayag ng pag-aaral na ito kung papaano nakakaapekto at gaano kalawak ang epekto ng musikang rap sa kulturang Pilipino.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga Musikang Rap at Nasyonalismong Pilipino sa mga katangian, mga dahilan ng pagtangkilik nito, at ang mga epekto at impluwensya nito sa kulturang Pilipino. Linilimitahan ang pagaaral na ito sa mga mag-aaral ng Bachelor of Science in Psychology ng Central Luzon State University para sa taong panuruan 2011-2012.

Depinisyon ng mga Termino

Dinamiko nagbabago ayon sa pagbabago ng panahon Nasyonalismo - damdamin ng katapatan at pagmamahal sa sariling bayan at pagmamalaki sa kultura at kasaysayan nito Rap Battle modernong uri ng balagtasan na ang ginagamit na wika ay rap Ritmo nagbibigay buhay sa musika

You might also like