You are on page 1of 1

SULIRANIN

Kung grabe na ang pagkahumaling ng mag-aaral sa computer games, nagkakaroon na ito ng hindi magandang epekto sa kanilang kalusugan at pati na rin sa kanilang pag-iisip at ugali. Ang palagiang pagtutok sa computer ay nakakasira sa mata lalo na kung wala proteksiyon ito. Ang katagalan sa pagupo at hindi madalas na pagkilos ay nagdudulot ng pangangawit at kalaunan ay pagsakit ng likod, ulo at iba pang bahagi ng katawan. Ito ay sa kakulangan na rin sa ehersisyo. Nakakasira din ito sa pagaaral dahil ang konsentrasyon na lang ay sa paglalaro at nawalan na ng oras para mag-aral ng leksyon. At kung walang sariling computer at nagrerenta lamang, dito madalas nauubos ang kanilang pera imbes na pambili ng baon o pagkain. at dahil ang mga bata ay naaadik sa mga computer games maaaring hindi na nila maatupag ang paglilinis ng kanilang sarili at maaring magig tamad na sila sa mga gawaing bahay at kung ano pa man :) conekt bet??

marami ang epekto ng computer games sa mga kabataan tulad ng mapapabayaan ang pag-aaral nila at mahihirapan ang kanilang magulang sa paghahanapbuhay dahil kailangan pang idagdag sa budyet ang perang gagamitin sa paglaro. kadalasang bumabagsak ang mga estudyante sa mga pagsusulit dahil imbes na mag aral,nag lalaro lamang sila.Nakakasira din sa kanilang mga mata ang masyadong pagkababad sa computer.Malaking impluwensya ang mga nilalaro nila sa kanila,it's either bad or good.

Dahil dito mismo sila nakakakita ng magagandang impormasyon ukol sa kanilang mga hinahanap na nagbibigay sa kanila ng maraming kaalaman sa iba't ibang aspeto sa buhay. Marami silang nakikilalang mga bagong kaibigan bukod pa sa dito rin nakikita ang mga dating kaibigan at mga kakilala. At higit sa lahat, ang kompyuter ang kanilang pangunahing pinagkakaabalahan lalo na sa hilig nilang paglalaro ng mga computer games. Mas mainam na rin ito kaysa gugulin nila ang kanilang oras sa mga inuman, droga at iba pang iligal na gawain ng mga kabataan. Pero sabi nga nila ang sobra o labis ay masama. Kaya sana sa mga kabataan gamitin sana ang kompyuter sa mabuti.

You might also like