You are on page 1of 2

Masamang Epekto ng Paglalaro ng Video 

Games

Ang video games ay ang mga larong naimbento na nakapaghahatid ng


kasiyahan at nagsisilbing libangan para sa ilang mga kabataan. Karaniwan itong
nakikita sa iba’t ibang uri ng mga gadyet tulad na lamang ng kompyuter, cellphone,
laptop at iba pa. Gayunpaman, ang lubos na pagkahumaling sa mga ito ay
nakapagdudulot ng masasamang epekto sa mga milenyal. Maaari nitong
maapektuhan ang kalusugan ng isang bata, ang kaniyang pag-aaral, at pati na rin ang
pag-uugali.

Sa katunayan, ayon sa isang pananaliksik, ang adiksyon ay ang labis na pag-lalaro at


hindi na ito napipigilan. Sapagkat maraming kabataan ang nagsasabi na ang
pagkabagot sa kanilang mga gawain lalo na sa pag-aaral ang kanilang dahilan ng
paglalaro. Kaya naman, ang paglalaro ng mga video games ang kanilang
pinagkakalibangan at pinagkakasiyahan.

Nakaaapekto sa kalusugan ng mga kabataan ang madalas na paglalaro ng mga video


games sa pamamagitan ng pagkasira ng mata dahil sa pagtutok sa kanilang mga
gadyet buong araw. Dagdag pa rito, ang katagalan sa pag-upo at hindi madalas na
pagkilos ay nakapagdudulot ng pagsakit ng likod, ulo, at iba pang bahagi ng katawan.
Nalilipasan din ng gutom ang isang bata dahil sa paglalaro ng mga ito sa mahabang
oras na maaaring makapagdulot sa kanila ng mga sakit, gaya na lamang ng ulcer, at
iba pa.

Batay pa sa isang pag-aaral tungkol sa epekto ng paglalaro ng kompyuter games,


epekto rin ng paglalaro ng mga ito ang kapabayaan ng mga kabataan sa kanilang
pag-aaral sapagkat dito na lamang nila naitutuon ang kanilang oras at hindi na
nagagawa ang ibang mga gawain sa paaralan tulad ng takdang-aralin. Kung minsan
pa ang iba ay hindi na pumapasok sa kanilang eskwelahan at dumidiretso sa mga
kompyuter shop upang maglaro. Sa gayon ay nawawalan sila ng konsentrasyon sa
kanilang edukasyon.

Ayon pa rito, maaari ring maapektuhan ng pagka-adik sa mga video games ang pag-
uugali ng isang bata dahil posible nilang hindi maatupag ang ilang gawaing bahay na
nagigigng dahilan din ng kanilang katamaran. Nagiging bayolente rin ang ibang mga
kabataan dahil sa mga pag-uugali na kanilang nakukupkop mula sa mga online games
at ito ay kanilang nai-aaplay sa kanilang buhay. Kabilang din ang kakulangan sa
disiplina, kung minsan ay imbis na ipambili ng pagkain ang kanilang baon o pera,
kanila itong ginagastos sa paglalaro ng kompyuter o kaya ay nangungupit sa pera ng
kanilang mga magulang.

Malaking epekto talaga ang naidudulot ng paglalaro ng mga Video Games sa lipunan
lalong-lalo na sa mga kabataan ngayon. Hindi maipagkakaila na karamihan sa mga
milenyal ay nahuhumaling sa mga ito kung kaya ay kanilang napababayaan ang
kanilang pag-aaral at dahil doon ay nababalewala ang mga katagang sinabi ng
pambansang bayani ng Pilipinas, Dr. Jose Rizal, na “ang kabataan ay ang pag-asa ng
ating bayan.”

Gayon pa man, base sa mga impormasyong nakalap, mahihinuha na, ang adiksyon sa
paglalaro ng mga Video Games ay maaari pa ring maiwasan kung ang isang bata ay
magkakaroon ng kontrol sa kaniyang sarili at aalamin ang mga limitasyon sa
paggamit ng mga gadyet. Sapagkat ang labis na paglalaro ng mga ito ay
makapagdudulot ng mga masasamang epekto sa kabataan, o sa madaling salita, ang
lahat ng sobra ay nakasasama.

You might also like