You are on page 1of 1

Joshua C.

Castro 11-HUMSS
TALUMPATI

Maraming nagbago, maraming nag iba. Sa bawat pag-ikot ng kamay ng orasan, lumilipas ang
panahon. Sa pagbago ng panahon gayon din ang pagbabago ng mga tao sa pagtanaw at pag
gamit ng mga makabagong teknolohiya, katulad na rito ang paglaan ng oras sa online games.
Hindi lingid sa kaalaman ng nakakarami ang kasabihang "Lahat ng sobra ay masama" Kung
gayon masama ba ang sobrang pagkahumalig sa pag gamit ng online games? Lalo na sa mga
estudyante?

Ang karamihan ng mga tao, partikular na mga estudyante ngayon ay nalululong na sa pagka
adik sa paggamit ng online games sa computer. Ito ay kadalasang naging dahilan kung bakit
hindi nila lubusang maituon ang atensyon sa pag-aaral. Ang konsentrasyon na lamang ng mga
estudyante ay sa paglalaro at nawalan na ng oras para mag-aral. Tulad na lamang ng
kadalasang nangyari sa paaralan, sa halip na pumasok ang mga estudyante ay mas inuuna pa
nila ang paglalaro ng mga computer games o online games. Sa mga kabataan na tulad ng
pagpapabaya sa pag- aaral at nahihirapan ang kanilang mga magulang sa paghahanap-buhay
dahil kailangan pang idagdag sa budget ang perang gagamitin sa paglalaro. At kadalasang
bumabagsak ang mga estudyante sa kanilang pagsusulit dahil imbes na mag-aral naglalaro na
lamang sila. Malaking impluwensiya ang mga nilalaro nila sa kanila. Kahit na ito ay masama o
mabuti. Ang pagkahumaling ng isang kabataan sa online games ay nagkakaroon din ng hindi
magandang epekto sa kanilang kalusugan at pati na rin sa kanilang pag – iisip at ugali. At ang
palaging pagtutok sa computer ay nakakasira sa mata lalo na kung walang proteksiyon ito. At
kung walang sariling kompyuter ay nagrerenta na lamang, dito madalas nauubos ang kanilang
pera imbes na pambili ng pagkain at pambili ng proyekto sa paaralan dahilan nito ay ang mga
kabataang naaadik sa mga computer games maaaring hindi na nila maatupag ang paglilinis ng
kanilang sarili at maaaring ito rin ang maging dahilan ng pagkatamad nila.

Ang bagong henirasyon ng kabataan, pag- asa pa kaya ng ating bayan? Katanungang kay hirap
sagutin. Sa aking palagay nito mga katulad kong estudyante, walang masama sa paggamit ng
isang bagay kung alam mo ang tamang paggamit nito. Kailangan mong linisin ang iyong
layunin. Kung gusto mong maglaro ng online games, unahin mo muna ang mga gawain sa pag-
aaral o di kaya'y i balanse mo ang paglalaan ng oras sa online games at sa iyong prioridad sa
pag-aaral. Hindi masama ang paglalaan ng oras sa paggamit ng mga online games o
kompyuter games. Ito nakabatay sa tunay na budhi ng taong gagamit. Iyon lamang po ang nais
kong ibahagi, maraming salamat po sa inyo.

You might also like