You are on page 1of 11

NAYUPING BULAKLAK ni Noemi M.

Macatangay Mga Tauhan: Lorna - bida sa storya Felix tumulong kay Lorna/ nobyo Aling Lita ina ni Lorna Miguel - kapatid ni Lorna Luisa kaklase ni Lorna Mga Tagpuan: Sa paaralan Sa bahay Nag-uusap ang nanay at kapatid ni Lorna, ulila na kasi ito sa kanilang ama habang nakasilip naman siya sa may pinto. Miguel: Nay, wag ka ng malungkot. Malalampasan din natin ito. Alam kong medyo mahirap pero hindi natin kayang pagsabay-sabayin lahat ang gastusin. Aling Lita: Paano natin ito malalampasan? Hindi na nga natin alam kung saan kukuha gastusin sa pang-araw-araw e. Sa Motel Myrna kaibigan ni Lorna Kath Kaibigan ni lorna Albert kamag-aral ni Lorna Tony kamag-aral ni Lorna Carol ingat-yaman ng klase

Miguel: Nga pala nay, malapit ng ma-elit ang lupa tapos sinisingil na din tayo ng bumbay. Hindi naman kasya ang kinikita ko sa pamamasada sa jeep. Kulang na kulang iyon sa atin. Aling Lita: Ihanap na lang kaya natin ng iskolarsyip si Lorna? Miguel: Naku, hindi naman ganoon katalino ang kapatid kong iyon para maipasok sa iskolarsyip na yan. Napayuko na lamang si Aling Lita habang si Miguel ay hinahaplos-haplos naman ang likod ng kanyang ina ng biglang may naisip si Miguel Miguel: Ano kaya kung patigilin na muna natin si Lorna? Kahit isang taon lang. Aling Lita: Baka naman hindi pumayag ang kapatid mo. Biglang sinara ni Mara ang pinto at napatingin naman doon ang mag-ina.

Sa paaralan ay naglalakad si Lorna patungo sa kanyang kwarto habang may dala-dalang libro. Walang imik na nakaupo lamang sa isang tabi ng may kumausap sa kanyang kanyang isang kaklase. Myrna: Lorna, ano na namang drama yan? Bakit tahimik ka na naman diyan sa isang sulok at tingnan mo nga ang haggard mo ng tingnan. Kath: oo nga, pansin ko nga din yang si Lorna, kanina pa siyang ganyan. Kadadating lang ay nakasimangot na kaagad. Bakit di mo naman subukang

ngumiti para naman hindi ka magmukhang manang diyan. (sabay tawa at kurot sa tagiliran ni Lorna) Walang narinig na salita sina Myrna at kath mula kay Lorna. Nanatili pa rin itong tahimik, ngunit dire-diretso pa rin ang dalawa niyang kaklase sa pagsasalita at pagkukuwento ng kung anu-ano. Naalala kasi niya ang pag-uusap ng kanyang kapatid at ina. Ngunit maya-maya ay tinapik siya ni Myrna. Myrna: Lorna! Nakikinig ka ba? Kanina pa kami kuwento ng kuwento sayo pero wala ka naming imik. Biglang umalis si Lorna at iniwan ang mga kaklase niya. Kath: Anong problema noon? Myrna: Ewan ko. Weird nga niya e, hayaan na lang muna natin siya. Sa paglalakad ni Lorna ay nakita niya ang si Mrs. Marquez na nagkakapit ng iskedyule ng exams. Napatigil siya dito, at sa likod niya ay nandoon sina Albert at Tony. Albert: Malapit na naman pala ang exam. Bayaran na naman ng matrikula. Tony: Okey lang yan. Mabubuo na naman natin ang matrikula natin ngayong sem. Sa narinig ni Lorna, nanlulumo na siya at natatakot nab aka tumigil siya sa pagpasok nang biglang may tumawag sa kanya.

Carol: Uy Mara, may maibabayad ka na ba ditto sa ating fieldtrip? Ikaw na lang kasi ang kulang e kinukuha na ni Maam ang listahan at bayad ng mga kasali. Lorna: Carol, bukas na lamang ako magbabayad ha? Hihingi pa ako ng pambayad kay nanay e. Carol: sige, kay Maam ka na lang magbayad ha kasi ibibigay ko nato sa kanya ngayon. Sige, una nako sayo. Ingat. Naglalakad na pauwi si Lorna, malalim ang iniisip nito dahil hindi niya alam kung saan siya makakakuha ng pera na ipambabayad niya sa fieldtrip. Hinarang siya ng isang babae na naglalakad rin. Luisa: Mukhang may problem aka ata Lorna? Napatitig lamang si Lorna sa kanya. Luisa: Pang-matrikula yan ano? Iiwas n asana ng tingin si Lorna at aalis dahil alam niyang isa itong bayarang babae ngunit bigla siyang hinawakan ni Luisa sa kamay. Luisa: Oh, ito ang kontak ko. Maraming customer ang naghahangad ng sariwang katulad mo. Labis labis pa ang kikitain mong datung para sa matrikula mo. Wala pang problema ang pamilya mo. Walang nagawa si Mara kung hindi kuhanin ito dahil inilagay ito sa kanyang palad ni Luisa.

Pagkadating na pagkadating ni Lorna sa bahay ay humiga agad ito sa kanyang kama waring hindi mapakali at may malalaim na iniisip nang biglang pumasok si Aling Lita at kakausapin si Lorna. Aling Lita: Anak, may problema tayo. Hindi pa tapos ng pagsasalita si Aling LIta ay bigla ng sumabat si Lorna. Lorna: Alam ko naman po. Narinig ko kayo ni kuya kagabi at balak ninyong patigilin ako. Pero nay, ayaw ko po tumigil. Napailing na lamang si Aling Lita at lumabas nan g kuwarto. Dali-daling kinuha ni Lorna ang binigay ni Luisa na kontak niya at idinayal niya kaagad ito. Lorna: Pumapayag na ako. Ayaw kong mapatigil ako sa pag-aaral. Luisa: sige, magkita na lamang tayo bukas. Labasan na sina Lorna at dumiretso kaagad ito sa C.R. Kinulayan ng pula ang kanyang mga labi upang matakpan ang kalungkutat pighati. Nagpalit ng maiksing damit gaya ng isng bayarang babae. May mga nakakita kay Lorna at pati ang mga kaklase nito. Myrna: Uy, Lorna! Bakit ganan ang ayos mo? Para kinagat ng lulumbo ang mga nguso mo. Pulang-pula pati ang pisngi mo. Para ka naming pokpok sa Balagtas diyan sa itsura mo e. Lorna: Pakialam mo ba? Tabi nga!

Walang nagawa si Myrna at napalupagi ito. Kakatok si Lorna sa isang bahay. Pinagbuksan naman siya ni Luisa. Luisa: Ayo sang suot natin ah! Nagmukhang tao ka. Lorna: Kung imbes na pang-iinsulto ang ginagawa mo puwede ba papasukin muna ako. Luisa: Ang init naman ng ulo mo. Tara na! kanina ka pang hinihintay ng customer. Bigtime to! 40 porsyento ang akin ha? Basta konting kembot at yugyog lang yan. Pumasok na si Lorna ngunit may takot na nadarama. Nakita niya rito ang isang tsinitong lalaki na may maskuladong katawan. Felix: Ayos ah! First time mo ba? Sa una lang yan. Masasanay ka din, akong bahala sa iyo. Magaling ako sa kama. Napayuko na lamang si Lorna na naluluha-luha na. Dahan-dahang tinanggal ang necktie sunnod ang pag-alis ng unang dalawang butones ng uniporme. Hinaplos ni Lorna ang kanyang mga braso na parang lantang gulay habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata. Tinalukbong ang kumot habang ang mga paa niya ay nagkikiskisan at ginagasumot ang kumot na pakitang hindi niya alam ang gagawin. Habang nasa ganong posisyon, bago umalis si Felix ay inihagis nito ang kuwarta. Felix: Salamat, sa uulitin ha? Mukhang mas maaadik ako sa laman dahil mo.

Umalis na si Felix at naiwan naman si Lorna na umiiyak habang hawakhawak ang pera. Ilang araw ang lumipas, habang nagkukuwentuhan sina Myrna at Kath ay biglang nakisabat si Marie sa dalawa. Marie: Hay naku! Alam niyo ba ang napakainit at kumukulong balita tungkol sa kaibigan niyo? Kay Lorna. Nagakatinginan lamang ang dalawa na walang kaalam-alam sa nais sabihin ni Marie. Marie: Nasa loob pala ang kulo ng kaibigan niyo. Myrna: Bakit naman? Marie: Mga kaibigan kayo ni Lorna tapos hindi niyo alam? Nagtratrabaho ang kaibigan niyo. Kath: Oh! working student naman pala e edi mas maganda. Anong masama doon? Napakamahadera mo naman. Marie: Hoy Kathrina Santos! Wag na wag mo akong sasabihan ng ganyan. Ang tawagin mong mahadera ay ang kaibigan ninyong si Lorna! Myrna: Ano bang pinagsasasabi mo ha? Marie: edi pok-pok! Isang bayarang babae ang kaibigan niyo.

Makakasalubong ni Lorna ang mga kaibigan ngunit lalayo ang mga ito sa kanya na medyo masama ang tingin at parang nandidiri. Nakahalata naman si Lorna. Lorna: Bakit ba kayo umiiwas? Sorry kung iniwan ko kayo noon. Halikayo! Ililibre ko kayo. Kath: Huwag na! ayokong kumain ng galing sa bulsa ng maharot na babae. Myrna: Magpakalunod ka sa laway ng mga lalaki mo. Tara na nga Kath. Naiwan mag-isa si Lorna at pinagtitinginan siya ng lahat ng tao sa paaralan. Umupo siya sa isang bench sa gym at dumating si Luisa. Luisa: Kamusta ang first time mo? Ayos ka ah! Ang laki ng hatian natin noong isang araw. Lorna: Ayoko na. Luisa: Ha? Anong ayaw mo na? Naka-oo ka na sa akin noong una ah, nasimulan mo na. Madumi ka na rin katulad ko, kahit anong gawin mong mumog mo at kuskos sa katawan mo hindi na maaalis ang titulong pokpok sayo! Lorna: Pero.. Luisa: wala ng pero-pero. May bago tayong customer, anak iyon ni Mr. Tansa hardware. Tiyak na kahit mabaho iyon ay mabango naman ang bulsa noon.

Sunud-sunod nag anon ang nangyari kay Lorna hanggang sa isang araw, habang papasok si Lorna sa pintuan ay bigla siyang hinila ni Felix. Felix: huwag mo ng ituloy. Lorna: Bakit ba? Mababayaran mo ba ako? Next batch ka na lang, madami pa akong customer ngayon. Felix: Alam kong ayaw mo itong ginagawa mo. Lorna: at paano mo naman nalaman ha? Felix: Naghire ako ng isang imbestigador para malaman kung sino k aba talaga. Lorna: Tek na buhay to oh! Huwag mo nga ako pinagloloko, ayaw kong sayangin ang oras ko sayo at sa pagsisinungaling na ginagawa mo. Atsaka puwede ba? Ikaw ang unang bumaboy sa akin tapos ikaw pa ang may ganang magsabi niyan? Oh ano? Kelan k aba magpapaiskedyul sa akin? Felix: Tawagan mo na ko kung sakaling kailangan mo ng kausap. Lorna: calling card na naman! Mukhang amoy pera na naman ito ah. Sige na, alis na! Lasing na lasing si Lorna, nakainom siya ng ilang bote ng alak. Ngayon niya inilabas lahat ng kanyang sama ng loob sa kanyang pamilya, kaibigan, sa mga bumaboy sa kanya at higit sa lahat ay sa kanyang sarili. Tinawagan niya si Felix.

Lorna: Hello! Felix: Napatawag ka? Kailangan mo ako? Lorna: Malamang, tumawag sayo e. Puntahan mo ako dito. Felix: Sige, hintayin mo ako diyan. Pagkadating na pagkadating ni Felix ay nakita niya si Lorna na lasing na lasing na. Dinala niya ito sa bahay niya upang pahulasan ng pagkalasing. Umiyak ng umiyak sa Lorna at dahil nga wala siya sa katinuan ay nasabi niya lahat kay Felix ang kanyang nararamdaman. Naawa si Felix kay Lorna at hinawakan nito ang kamay ng dalaga. Felix: Simula ngayon, hindi ka na babalik sa trabaho na yan. Lorna: Hindi puwede, wala ako magagastos para sa pag-aaral ko at sa pamilya ko. Felix: Marami pang marangal na trabaho na makikita ka diyan. Lorna: Saan naman? Felix: Sa kompanya ko, doon ka na magtratrabaho. Napaiyak si Lorna, hindi niya akalain na ang taong iyon pa ang tutulong sa kanya para hindi na muli maging isang nakayuping bulaklak.

You might also like