You are on page 1of 3

PROJECT LOKI VOL.

1 PART 1
Name: Guillianne P. Sumonod
Section: Mindfulness

Mga Tauhan:
Lorelei
Loki Mendez
Martha Henson

Tagpuan:
- Eskuwelahan
- Q.E.D Club
- Apartment

Ikaunang kabanata
Isang araw, lumipat ng lugar si Lorelei upang makapag-aral ng koliheyo. Tumira
muna siya sa apartment ng kaniyang Tita Martha, At dito naman nakilala ni Lorelei si
Loki dahil ka-roommate niya ito, at pareho sila ng unibersidad. Gustong
makipag-kaibigan ni Lorelei kay Loki ngunit sa tingin niyang lagi itong may ginagawa,
si Loki ay mahilig sa puzzle o pagssolve ng mga puzzle kaya nasabi ni Lorelei sa
kaniyang isip na medyo kakaiba ang lalaking ito.

Ikawalang Kabanata
Pumasok na si Lorelei sa eskuwelahan, napansin niyang maraming nagkakagusto at
marami ring gustong makipag-kaibigan sakaniya at may nagpaparamdam sakaniyang
secret admirer. Pumunta si Lorelei sa kanilang locker room at bago niya ipasok ang susi
sa keyhole at bigla siyang napatigil at napansin na may gasgas ang paligid ng kaniyang
keyhole at ang pagkatanda niya ay wala naman itong gasgas, matapos iyan ay ang sa
tingin niya ang secret admirer ay isang stalker kaya pumunta siya sa Q.E.D club upang
humingi ng tulong, hindi niya inakalang si Loki ang head ng club na ito, sa huli
nalaman nila kung sino ang secret admirer at nileksyonan ito.
Ikatlong kabanata
Matapos ang nangyari, mas kinilala ni Lorelei ang misteryosong lalaki na si Loki, ang
sabi niya ay si Loki at walang mga kaibigan at hindi interesado sa mga lalaki. Pumunta
si Lorelei sa rooftop, nakita niya ang mga estudyanteng nakapalibot at mga gurong
nanonood, lahat sila ay pinapanood ang babaeng nakatayo sa pinaka gilid ng rooftop at
para bang tatalon, sumigaw ang mga tao na huwag siyang bumaba. Nagpakita naman si
Loki at nilapitan ang babae, imbis na sabihin ni Loki na bumaba ang babae ay sinabihan
ni Loki ang babae ng mga masasamang salita, ang babae naman ay bumaba mula sa
kaniyang pwesto at nagalit o nainis kay Loki.

Ikaapat na kabanata
Kailangan nang sumali ng club ni Lorelei ngunit hindi niya pa alam kung saan, kaya
naisipan nalang ni Lorelei na sumali sa club ni Loki. Habang nasa apartment naman si
Lorelei ay may naririnig siyang mga boses na para bang multo, tinignan naman niya
ang ilalim ng kaniyang kama at may nakita siyang mga gamit. Dito niya nalaman na
inoobserbahan o pinagsasanay lamang ni Loki si Lorelei sa mga ganung bagay.

Ikalimang kabanata
Unang imbestigasyon nila, sila ay magka-partner na kaya tuwing mayroong
nangyayaring masama sakanilang eskuwelahan ay sila na ang responsable para rito.
Nakilala narin ni Lorelei ang mga ibang kasama nila sa club, pati na ang imbestigador
na nakakasama o nakakatulong sa pag-imbestiga nila.

Ikaanim na kabanata
May pumunta sakanilang club para humingi ng tulong, at agad naman nalutasan ni
Loki ang problema, at nalaman agad niya kung sino ang stalker sa taong humingi ng
tulong. Dahil sa problema o imbestigasyon na ito ay mas lalong nakilala ni Lorelei si
Loki, at ang kaniyang mga past.

Ikapitong kabanata
Ito’y POV ni Lorelei kung saan mas nakilala ni Lorelei si Loki, si Loki ay mayroong
kaibigan dati na babae rin at ito’y ka-partner niya rin sa club na iyon ngunit sa
masamang palad ay namatay ang babae, ang sabi nila ay dahil ito sa pagiging malapit
niya kay Loki dahil si Loki ay lagi o mahilig sa mga delikadong pangyayari, tulad na nga
ng pag-iimbestiga niya.
Ikawalong kabanata
Ngayon naman ay mas delikado ang kanilang haharapin na kaso, noong umuwi ni
Lorelei ay hinikayat ni Loki si Lorelei sa room 404 upang makita ang bagong kaso na
kailangan nilang i-solve, ang sabi ng inspektor ay may pinatay na estudyanteng babae
sa room na ito, mayroon na silang mga suspek at si Loki naman ay nakapagisip isip at
sa huli ay nahuli rin niya ang totoong pumatay sa estudyante.

Ikasiyam na kabanata
Dahil kay Loki, ang inspektor ay naniwala sa kakayahan nito at isinama na si loki
tuwing sila ay may iimbestigahan, pati narin ang kapartner nito na si Lorelei. Marami
silang napagdaanan na kaso at ito’y mga delikado dahil mostly ito ay tungkol sa
murder. May inimbestigahan naman sila sa isang hotel at ito’y mahirap hirap i-solve
para sa dalawa, at higit na ito’y nakakaapekto sakanila lalo na ay sila ay estudyante pa
lamang

Ikasampung kabanata
Dahil sa lahat ng kasong napagdaraan nila ay marami naring nakilala si Loki na mga
authority, tumaas ang kaniyang reputasyon at pumupunta na ang ibang mga authority
para humingi tulong sa kanilang club kahit na hindi ito kasong pang-eskuwelahan.
Sa huli ng librong ito ay ipinakita/ipinakilala ang bagong kasong na kailangan nilang
harapin

You might also like