You are on page 1of 2

PANGANGALAGA SA BARAKONG KAMBING

Bigyan ng tanging atensiyon ang pagpapakain sa mga barako dahil mahalaga sila sa pagpapalaki at dahil
sa kanilang gawain ay nababawasan ang kanilang lakas.
Bukod sa mga halamang pagkain, bigyan pa sila ng giniling na mais at mga pagkaing mayaman sa protina
tulad ng ginayat na niyog, munggo at darak.
Huwag bubusuging mabuti ang barako sa minsang kainan lamang. Kinakailanga'y unti-unting
pagpapakain nguni't madalas. Tulad ng ibang palahian, ang barakong kambing ay nagiging pihhikan sa
panahon ng kanilang pagseserbisyo.

PAGPAPALAHI NG KAMBING.
Makapagsisimula kayong mag-alaga muna ng isang pares na kambing na katutubong lahi o mestisong
lahi. Ayaw ng kambing na mas-isa, kaya kailanga'y isang palaanak, malaki, malusog, aktibo at agresibo.
Maging maingat rin sa sa pagpili ng inahin. Piliin yaong maamo, mabait sa anak at malusog, may malalaki
at pantay na mga ssuso at katamtamang laki ng utong. Piliin ang inahing kambing na may malaking
pangangatwan, maluwang ang pagkapormang pabaluktot ng mga buto sa tadyang para sa magandang
pagbubuntis. Kailangan rin tingnan kung tuwid at malakas ang mga paa upang makatakbo ng matatag sa
pastulan.
PAGGAWA NG KULUNGAN AT PANGANGALAGA SA MGA KAMBING
Sa pagpaplano ng kulungan ng gatasang kambing, isaalang-alang ang kalusugan at mabuting kalagayan
ng mga ito. Bawat kambing ay dapat magkaroon ng sariling bahagi sa kulungan. Maaaring pagsamahin sa
isang kulungan ang magkapatid na babaing kambing o ang dalawang magkasinlaking kambing na
magkasabay lumaki.
Huwag isama sa kulungan ang mga bagong biling kambing sa pagkat mag-aaway ang mga ito at
mahihirapan ang tagapag-alaga.
Sakaling hindi makayang bigyan ng sariling lugar ang bawa't kambing ay kailangang pagsama-samahin
ang mga gatasang kambing sa isang kulungan, tiyaking mayroong sapat na puwang na kailangan ng bawat
isa.
Upang maging maginhawa ang paglilinis ng kulungan, kailangang may siwang ang sahig at sementado
ang silong. Lagyan ng dingding ang paligid ng kulungan nang may 40 cm taas upang hindi mahamugan
ang mga kambing. Upang pasukin ng hangin ang kulungan, gumawa ng mga butas sa paligid nito nang
may walong sentimetrong taas mula sa sahig.
PAGPAPAKAIN
Upang mabawasan ang gastos sa pagkain at pamamahal, maaaring isuga nang madalas sa pastulan ang
mga alagang kambing. Ang mga palahiang kambing gayundin ang mga pinalalaki at pinatatabang guya ay
maaaring mabuhay sa pastulan. Magiging mabilis pa ang kanilang paglaki lalo na kung mayroon iba't
ibang uri ng pananim na makakain sa pastulan.

Kung tag-ulan, ikulong ang mga kambing upang hindi mahamugan. Tiyaking malinis ang sahig ng
kulungan. Kung mahalumigmig ang panahon at malamig na may kasamang malakas na hangin, bigyan
ang mga kambing ng darak upang mapanatili silang malusog. Ipanguha rin sila ng sariwang damo at
dayami at dalhin sa kulungan. Kailangan pa rin ng mga kambing ang maraming malinis na inumin at asin
sa magkabukod na lalagyan.
Para sa mga gatasang kambing, pinakamahalaga ang mabigyan sila ng wastong uri at dami ng pagkain.
Upang mapasagana ang gatas, tiyaking ang kanilang pagkain ay nagtataglay ng 10 % protina at 1 %
mineral.
Ang mahusay na pagkain ay dapat may kasamang konsentreyt. Sa bawat kilo ng gatas na maibibigay ng
inahin, kakailanganin nito ang isang kilong konsentreyt. Dagdagan pa ito ng pagkaing mayaman sa
mineral. Isuga ang gatasang kambing sa pastulan upang makakain ng iba't ibang uri ng damo at
maragdagan ang produksiyon ng gatas. Bigyan rin sila ng damo kung gabi at kapag masama ang panahon
at hindi sila makalabas sa kulunga.

You might also like