You are on page 1of 12

Indonesia

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Republika ng Indonesia
Republik Indonesia

Watawat

Pambansang Kasabihan: "Bhinneka Tunggal Ika" (Sinaunang


Habanes)
"Pagkakaisa sa Pagkakaiba"

Pambansang Awit: Indonesia Raya


Dakilang Indonesya

Kabisera
(at pinakamalaking

Jakarta
610.5S 10649.7E

lungsod)

Opisyal na wika

Indones

Pangkat etniko (2000)

40.6% Habanes
15.0% Sundanes
3.3% Madures
2.7% Minangkabau
2.4% Betawi
2.4% Bugis
2.0% Bantenese
1.7% Banjar
29.9% iba / hindi inilahad

Pangalang-

Indones

turing
Pamahalaan

Demokratikong republika

Pangulo

Joko Widodo

Pangalawang Pangulo

Jusuf Kalla

Lehislatura
-

Pambayang Asembleang Konsultatibo

Mataas na

Konseho ng mga Kinatawang

kapulungan

Panrehiyon

Mababang

Konseho ng mga Kinatawang

kapulungan

Pambayan

Kalayaan

mula sa Olanda

Ipinahayag

17 Agosto 1945

Kinilala

27 Disyembre 1949
Lawak

Lupa

1,904,569 km2 (ika-15)


735,358 sq mi

Tubig (%)

4.85
Populasyon

Senso ng 2011

237,424,363[1] (ika-4)

Kakapalan

123.76/km2 (ika-84)

323.05/sq mi
KGK (KLP)

Pagtataya ng 2012

Kabuuan

$1,208 trilyon[1] (ika-15)

Per capita

$4,943[1] (ika-122)

KGK (nominal)

Pagtataya ng 2012

Kabuuan

$928.274 bilyon[1] (ika-17)

Per capita

$3,797[1] (ika-107)

Gini (2011)

36.8

TKT (2011)

0.617 (ika-124)

Salipi
Pook ng oras
Nagmamaneho sa

Rupiah (Rp) ( IDR )


iba-iba(UTC+7 hanggang+9)
kaliwa

Internet TLD

.id

Kodigong pantawag

+62

Ang Republika ng Indonesia (Indones: Republik Indonesia, bigkas: /ndonizi/ o /ndni/),


ay isang bansa sa Timog-silangang Asya. Ito ay binubuo ng 17,508 mga pulo, at ito ang
pinakamalaking estado sa buong daigdig na binubuo ng isang kapuluan. Tinatantiya na nasa 238
milyong katao ang populasyon ng Indonesia,[2] na pang-apat sa mga pinakamataong bansa sa
mundo, at ang pinakamataong bansang Muslim; subalit walang opisyal na pananampalataya ang
itinakda sa Saligang Batas ng Indonesia. Isangrepublika ang Indonesia, na may inihahalal na
tagapagbatas (lehislatura) atpangulo. Ang kabisera ng bansa ay Jakarta. Pinapaligiran ang
Indonesia ngPapua New Guinea, East Timor at Malaysia, at kinabibilangan rin
angSingapore, Pilipinas, Australya, at ang Kapuluang Andaman at Nicobar ngIndiya bilang mga
kalapit na bansa at teritoryo.
Ang kapuluan ng Indonesia ay naging isang mahalagang rehiyong pangkalakalan simula pa noong
ika-7 siglo, kung kailan ang Srivijaya at paglaon Majapahit ay nangangalakal sa Tsina at Indiya. Ang
mga katutubong mga pinuno ay lumaong niyakap ang kulturang Indiyano, relihiyon at modelong
pampolitika mula sa mga sinaunang siglo, at lumaganap angHinduismo at Budismo sa kapuluan.
Naimpluwensiyahan rin ang kasaysayan ng Indonesia ng mga makapangyarihang banyaga dahil sa
likas yaman nito. Dinala ng mga mangangalakal na Muslim ang Islam, na ngayon ay naging
dominante sa kapuluan, habang ang mga makapangyarihang Europeo ang nagdala
ng Kristiyanismo at nakipaglaban para monopolisahan ang kalakalan sa Kapuluang
Maluku (Moluccas) noong Panahon ng Pagtuklas. Ito ay sinundan ng tatlo't kalahating siglo ng
kolonyalismo sa ilalim ng mga Olandes. Natamasa ng Indonesia ang kanilang kasarinlan
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kasaysayan ng Indonesia noon pa man ay
magulo, at sinubok ng maraming kalamidad, suliranin, banta ng separatismo, at ng panahon ng
mabilisang pagbabago at paglago ng ekonomiya.
May magkakaibang mga pangkat na etniko, wika at diyalekto, at pananampalataya ang mga iba'tibang pulo at kapuluan ng Indonesia, ngunit ang Habanes ang pinakamalaki at
pinakadominanteng pangkat etniko. Bilang isang bansang unitaryo, bumuo ang Indonesia ng isang

pagkakakilanlan gamit ang isang pambansang wika, dibersidad ng mga pangkat etniko,
pagpapakilala sa mga ibang relihiyon kahit kung nakararami ang mga Muslim, at isang kasaysayan
ng kolonyalismo at rebelyon laban dito. Ang pambansang kasabihan ng Indonesia, ang "Bhinneka
tunggal ika"("Pagkakakaisa sa Pagkakaiba", na literal na "marami, subalit isa"), na nagsasabi na ang
pagkakaiba ang bumuo sa bansa. Subalit ang mga tensiyon sektarya at separatismo ay nagdulot ng
marahas na paghaharap na gumimbal sa katatagan ng politika at ekonomiya. Sa kabila ng laki ng
populasyon at dami ng tao sa rehiyon, malaki ang teritoryo ng Indonesia: kilala ang bansa bilang
pangalawa sa mga bansang may pinakamataas na saribuhay sapagkat kay lawak ng mga parang
nito. Biniyayaan ang bansa ng likas na yama, subalit nilalarawan din ng kahirapan ang Indonesia sa
kasalukuyan.
Mga nilalaman
[itago]

1Etimolohiya

2Kasaysayan

3Pamahalaan at Politika

4Pagkakahating pampangasiwaan
o

4.1Talaan ng mga lalawigan

5Heograpiya

6Demograpiya

7Ekolohiya

8Tingnan din

9Mga sanggunian

Etimolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]


Ang pangalang Indonesia ay mula sa salitang Latin na Indus, na nangangahulugang "India", at
salitang Griyego na nesos, na nangangahululgang "pulo".[3] Ang pangalan ay halaw pa noong ika-18
dantaon, malayo pang taon bago pa naging malaya ang Indonesia. [4] Noong 1850, Si George Earl,
isang Ingles na etnologo, ay iminungkahi ang salitangIndunesians dahil sa paggamit
ng Malayunesians para sa mga taong nakatira sa "Kapuluang Indiyan" o "Kapuluang Malay". [5] sa
publikasyong ding iyon, ang isang estudyante ni Earl, si James Richardson Logan, ay ginamit
ang Indonesia bilang kasingkahulugan ng Kapuluan ng Indiya.[6] Subalit ang mga sulat akademiko
ng mga Olandes sa mga nilimbag sa Silangang Indies ay iwas sa paggamit ng Indonesia. Imbis ay
ginamit nila ang salitang "Kapuluang Malay" (Maleische Archipel); ang Netherlands East
Indies (Nederlandsch Oost Indi), ang tanyag Indi; ang silangang (de Oost); at pati na
ang Insulinde.[7] na
Simula noong 1900, naging karaniwan ang paggamit ng "Indonesia" bilang pantukoy sa bansa ng
akademya sa labas ng Olanda, at ginamit rin ito ng mga nasyonalistang Indones para sa kanilang
mga pampolitikang pamamahayag.[8]Pinatanyag ni Adolf Bastian, ng Pamantasang Humboldt ng

Berlin, ang termino sa kanyang aklat na Indonesien oder die Inseln des Malayischen Archipels,
18841894. Ang unang iskolar na Indones na gumamit ng termino ay si Suwardi Suryaningrat (Ki
Hajar Dewantara), nang siya ay magtayo ng isang press bureau sa Olanda na may
pangalang Indonesisch Pers-bureau noong 1913.[4]

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]


Pangunahing lathalain: Kasaysayan ng Indonesia
Ang mga labing posil o kusilba ng Homo erectus, na mas tanyag bilang ang mga Taong Haba, ay
nagmumungkahi na ang kapuluang Indonesia ay tinirhan na noong dalawang mlyong hanggang
500,000 taon na ang nakalilipas.[9] Ang mgaAustronesyo, na bumuo sa karamihan ng mga
makabagong tao, ay nagtungo sa Timog Silangang Asya mula Taiwan. Sila ay dumating sa
Indonesia noong tinatayang 2000 BCE, at inilayo ang mga katutubong Melanesyo sa malayong
silangang rehiyon habang sila ay dumadami.[10] Sa tamang kondisyong agrikultural, at ang
pagkabihasa sa pagtatanim sa mga palayan [11] ay nagbigay daan sa mga barangay, bayan at maliliit
na mga kaharian na umusbong sa unang dantaon CE. Ang magandang baybaying posisyon ng
Indonesia ay nagbigay daan sa kalakalang sa mga kalapit pulo at sa iba pang mga lugar. Halimbawa
ng mga kalakalang nabuo ay parehong sa mga Kahariang Indiyano at sa Tsina na nabuo mga ilang
dantaon BCE.[12] Mula noon, ang pangangalakal ay napakahalaga sa paghuhugis ng kasaysayan ng
Indonesia.[13]

Ang halamang moskada(nutmeg) ay katutubo sa Pulo ng Banda ng Indonesia. Minsang naging isa sa
pinakamahalang pangangailangan ng daigdig, na naging dahilan ng unang kapangyarihang kolonyalismong
Europeo sa Indonesia.

Mula noong ika-7 dantaon CE, ang makapangyarhing Kahariang pandagat ng Srivijaya ay
umusbong sapagkat sa kalakalang nabuo at sa mga impluwensiya ng Hinduismo at Budhismo na
nakuha ng Kaharian mula roon.[14] Sa pagitan ng ika-8 hanggang ika-10 dantaon CE, ang
dinastiyang agrikultural na Budhistang Sailendra at ang dinastiyang Hindu na Mataram ay umunlad
at bumagsak sa Haba, kung saan naiwan nila ang mga grandiyosong mga monumentong relihiyoso
gaya ng Borobudur ng Sailendra at angPrambanan ng Mataram. Ang kahariang Hindu
na Madyapahit ay nabuo sa silangang Java sa huling bahagi ng ika-13 dantaon, sa ilalim ni Gajah
Mada, na nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Indonesia; ang panahong ito ay kadalasang tinatawag
na "Gintong Panahon" sa kasaysayan ng Indonesia.[15]
Kahit na ang mga mangangalakal na Muslim ay unang naglakbay sa Timog-silangang Asya noong
unang bahagi ng panahong Islamiko, ang pinakaunang katibayan ng pagsasa-Islamiko ng
populasyon ay noong ika-13 dantaon sa hilagang Sumatra.[16] Naglaon ang ibang mga lugar sa
Indonesia ay niyakap ang paniniwalang Islam, at naging dominanteng relihiyon sa Java at Sumatra

sa huling bahagi ng ika-16 na dantaon. Sa halos karamihang bahagi, ang Islam ay nagbago at
humalo sa mga nabuong mga kultura at mga impluwensiyang relihiyoso, kung saan hinubog nito
ang pangunahing anyo ng Islam sa Indonesia, lalo na sa Java.[17] Ang unang Europeo na dumating
sa Indonesia noong 1512, ay nang ang mga mangangalakal na Portuges, na pinamunuan
ni Francisco Serro, ay ninais na monopolahin ang mga mapagkukunan
ng moskada (nutmeg), clove, at mgapaminta sa Maluku.[18] Sumunod sa kanila ang mga Olandes at
mga Ingles. Itinayo ng mga Olandes noong 1602 angKompanyang Olandes ng Silangang
India (VOC) at naging makapangyarhing Europeo sa lugar. Pagkatapos nitong mabangkarote, ang
VOC ay pormal na nagsara noong 1800, at ang pamahalaan ng Olanda ay bumuo ng Silangang
Indiya ng Olanda bilang isang pambansang kolonya.[18]
Sa halos buong panahong ng kolonyalismo sa Indonesia, ang pamamahala ng mga Olandes sa mga
teritoryo nito ay mahina; noon lamang unang bahagi ng ika-20 dantaon naging dominante ang mga
Olandes sa kung ano ang mga hangganan ng Indonesia ngayon.[19] Ang pananakop ng mga
Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang mga sumunod na mga pananakop ang
nagpawakas sa pamamahala ng mga Olandes,[20] at muling pinasigla ang mga pinigil na kilusang
pangkalayaan ng mga Indones. Dalawang araw pagkatapos sumuko ang Hapon noong Agosto
1945, si Sukarno, isang maimpluwensiyang pinunong nasyonalista, ay inihayag ang kalayaan at
itinalagang pangulo.[21] sinubukan ng Olanda na muling itayo ang kanilang pamamahala, at dahil sa
panggigipit ng ibang mga bansa, kinilala na ang kalayaan ng Indonesia ng mga Olandes at ang
kaguluhan sandatahan at diplomatiko ay nagwakas noong Disyembre 1949. [22](maliban lang sa
teritoryong Olandes ng Kanlurang Bagong Ginea, kung saan ay isinama sa Kasunduan sa New
York noong 1962, at sa pinamamahalan ng mga Nagkakaisang Bansa na Act of Free Choice).

Si Sukarno, ang unang pangulo ng Indonesia

Si Sukarno ang nagsimula sa demokrasya patungong awtoritaryanismo, at pinanatili ang kanyang


kapangyarihan sa pagbalanse sa mga lumalabang puwersang militar, at ang mgaPartido Komunista
ng Indonesia (PKI).[23] Isang pagtatangkang coup noong 30 Setyembre 1965 ang napiligan ng mga
sundalo, na nagdulot sa isang marahas na pagpapa-alis sa mga anti-komunista, kung saan
pinagbintangan ang PKI sa tangkang coup.[24] Nasa pagitan ng 500,000 at isang milyon ang
namatay.[25] Ang pinuno ng militar, si Heneral Suharto, ay minaubra ang pahinang pamumuno ni
Sukarno, at pormal na itinalaga bilang pangulo noong Marso 1968. Ang kanyang Administrasyong
Bagong Kaayusan[26] ay sinuportahan ng pamahalaang Estados Unidos,[27] at pinag-igi ang mga
pamumuhunan ng mga dayuhan sa Indonesia, na naging mahalagang dahilan sa katamtamang pagunlad ng ekonomiya noong sumunod na tatlong dekada. [28] Subalit ang awtoritaryang "Bagong
Kaayusan" ay malakawang inakusahan ng korupsiyon at supresyon ng mga taga-oposisyon.

Noong 1997 at 1998, ang Indonesia ang pinakalabis na tinamaan ng Krisis Pananalapi sa Asya.
[29]
Ito ang nakadagdag sa malawakang pagkadismaya sa Bagong Kaayusan. [30] at nagdulot
ng malawakang protesta. Nagbitiw si Suharto noong 21 Mayo 1998.[31] Noong 1999, ang Silangang
Timor ay bumotong humiwalay sa Indonesia, pagkatapos ng dalawampu't limang taong pananakop
militar na kinondena ng iba't ibang bansa dahil sa kalupitan sa mga taga-Silangang Timor.[32] Ang
panahon ngRepormasyon, pagkatapos ng pagbibitiw ni Suharto, ay nagbunga ng mas matibay na
mga prosesong demokratiko, kasama ang mga programang autonomiyang rehiyunal, at ang sa
unang pagkakataon ay nagkaroon ng halalang pang-panguluhan noong 2004. Ang mga instabilidad
sa politika at ekonomiya, kaguluhan, korupsiyon, at terorismo ay nagpabagal sa pag-unlad.
Datapwat ang relasyon sa iba't ibang mga relihiyon at mga pangkat etniko ay mapayapa sa
kabuuan, may mangilan ilan na sekta ang hindi kuntento at ang pagkakaroon ng kaguluhan sa ilang
mga lugar ay patuloy pa ring suliranin ng bansa. [33] Isang pagsasaayos pampolitika sa mga
separatistang sandatahan sa Aceh natamasa noong 2005.[34]

Pamahalaan at Politika[baguhin | baguhin ang batayan]


Pangunahing lathalain: Politika ng Indonesia

Isang sesyon ng Konseho ng mga Kinatawang Pambayan sa Jakarta

Ang Indonesia ay isang republika na may sistemang pangpanguluhan. Bilang isangestadong


unitaryo, ang kapangyarihan ay nasa pambansang pamahalaan lamang. Pagkatapos ng pagbibitiw
ni Pangulong Suharto noong 1998. Ang istrukturang pangpamahalaan at pampolitika ng Indonesia
ay sumailalim sa isang malawakang reporma. Apat na pagbabago sa Saligang Batas ng
Indonesia[35] ang nagbago sa sangay tagapagpaganap, tagapaghukom at tagapagbatas. [36] Ang
pangulo ng Indonesia ay ang pinuno ng estado, punong kumander ng Sandatahan ng Indonesia at
ang direktor ng mga pamahalaang lokal, paggawa ng mga batas at ng ugnayang panlabas. Ang
pangulo ay nagtatalaga ng isang konseho ng mga ministro, na hindi kailangang halal na kasapi ng
lehislatura. Ang halalang pangpanguluan noong 2004 ay ang unang pagkakataon na makahalal ng
direkta ang mga tao ng kanilang pangulo at pangalawang pangulo. [37] Ang pangulo ay maaaring
maglingkod ng hindi hihigit sa dalawang magkasunod na limang taong termino. [38]
Ang pinakamataas na katawang pangkinatawan sa pambansang antas ay ang People's Consultative
Assembly (MPR). Ang pangunahing layunin nito ay suportahan at amendiyahan ang saligang batas,
inagurahan ang pangulo, at pagsasaayos ng malawak na balangkas ng patakarang pang-estado. Ito
ay may kapangyarihang litisin ang pangulo.[39] Ang MPR ay binubuo ng dalawang kapulungan;
ang Konseho ng mga Kinatawang Pambayan (DPR), na may 550 kasapi, at angKonseho ng mga
Kinatawang Panrehiyon (DPD), na may 128 kasapi. Ang DPR ang napapasa ng mga batas at ang
nagbabantay sa sangay tagapagpaganap; ang mga kasapi ay inihahalal para sa limang taong
termino sa pamamagitan ngrepresentasyong proporsyunal.[36] Ang mga repormang nagsimula noong
1998 ay nagmarka sa pagtaas ng katayuan ng DPR sa pambansang pamamahala. [40] Ang DPD ay
isang bagong kapulungan para sa mga usaping pamamahalang rehiyonal. [41]

Karamihan sa mga sigalot sibil ay inihaharap sa Hukuman ng Estado; ang apela ay dinidinig sa
harap ng Mataas na Hukuman; Ang Kataastaasang Hukuman ay ang pinakamataas na Hukuman sa
bansa, at dinidinig ang huling pagbasa, at nagsasagawa ng pagsusuri sa mga kaso. Ang ibang
hukuman ay kinabibilangan ng Hukumang Pangkalakalan(commercial), na humahawak sa mga
kasong pagkabangkarote at pagkalugi; isang Hukumang Administratibo ng Estado upang dinggin
ang mga kasong administratibo laban sa pamahalaan; isang Hukumang Pangsaligang batas upang
dinggin ang mga sigalot na may kinalaman sa legalidad ng abtas, pangkahalatang halalan, at
pagsasawalang bisa ng mga partidong pampolitika, at ang saklaw ng otoridad ng institusyon ng
estado; at ang Hukumang Panrelihiyon na umaayos sa mga kasong may kinalaman sa mga kasong
panrelihiyon.[42]

Pagkakahating pampangasiwaan[baguhin | baguhin ang batayan]


Pangunahing lathalains: Mga Lalawigan ng Indonesiaat Pagkakahating pampangasiwaan ng
Indonesia

Mga lalawigan ng Indonesia

Binubuo ang Indonesia ng 33 lalawigan, kung saan lima rito ay may natatanging katayuan. Ang
bawat lalawigan ay may sariling tagapagbatas at gobernador. Ang lalawigan ay hinahati naman sa
mga bayan (kabupaten) at mga lungsod (kota), na hinahati pa sa mga maliliit na distrito
(kecamatan), at pati na rin sa mga barangay (desa o kelurahan). Pagkatapos ipatupad noong 2001
ang rehiyonal na pagsasarili (autonomiya), ang mga bayan at lungsod ay ang naging
pinakamahalagang sangay pampangasiwaan, na responsable sa pagbibigay ng paglilingkod-bayan.
Ang pamahalaang barangay naman ang pinakamakaimpluwensiya sa pang-araw-araw na buhay ng
mga nasasakupan nito, na humahawak sa mga usaping pambarangay na pinamumunuan ng halal
na punong barangay na tinatawag na lurah okepala desa.
Ang mga lalawigan ng Aceh, Jakarta, Yogyakarta, Papua, at Kanlurang Papua ay may mas
maraming pribilehiyo at mas mataas na antas ng pagsasarili mula sa pambansang pamahalaan
kaysa sa ibang mga lalawigan. Halimbawa, may karapatang bumuo ang pamahalaan ng Aceh ng
isang malayang sistemang pambatas; noong 2003, ipinatupad nito ang paggamit ng Sharia (batas
Islam) bilang bahagi ng hurisprudensiya nito.[43] Ang Yogyakarta naman ay binigyan ng katayuang
"Natatanging Rehiyon" bilang pagkilala sa ginampanan nito sa pag-suporta sa mga
rebolusyonaryong Indones noong panahon ng himagsikan nito sa wakas ng Ikalawang Digmaang
Pandaigsig.[44] Ang Papua, na dating tinatawag na Irian Jaya, ay binigyan ng katayuan ng
natatanging pagsasarili noong 2001,[45] at ang Jakarta naman ay isang natatanging punong rehiyon
bilang kabisera ng bansa.

Talaan ng mga lalawigan[baguhin | baguhin ang batayan]


(Nasa loob ng panaklong ang mga pangalan sa Indones kapag magkaiba ito sa Tagalog)
Ipinapakita ng ang mga lalawigang may natatanging katayuan

Sumatra

Kalimantan (Borneo)

Aceh (Nanggroe Aceh Darussalam) - Banda Aceh

Hilagang Sumatra (Sumatera Utara) - Medan

Kanlurang Kalimantan (Kalimantan Bara


-Pontianak

Kanlurang Sumatra (Sumatera Barat) - Padang

Riau - Pekanbaru

Kapuluang Riau (Kepulauan Riau) - Tanjung Pinang

Jambi - Jambi

Timog Sumatra (Sumatera Selatan) - Palembang

Gitnang Kalimantan (Kalimantan Tengah


-Palangkaraya

Timog Kalimantan (Kalimantan Selatan)


-Banjarmasin

Silangang Kalimantan (Kalimantan Timur


-Samarinda

Hilagang Kalimantan (Kalimantan Utara


Selor

Kapuluang Bangka-Belitung (Kepulauan Bangka-Belitung) -Pangkal


Selebes (Sulawesi)
Pinang

Bengkulu - Bengkulu

Hilagang Selebes (Sulawesi Utara) - Man

Lampung - Bandar Lampung

Gorontalo - Gorontalo

Gitnang Selebes (Sulawesi Tengah) - Palu

Kanlurang Selebes (Sulawesi Barat) - Ma

Timog Selebes (Sulawesi Selatan) - Maka

Timog Silangang Selebes (Sulawesi Tengg


-Kendari

Haba

Jakarta - Jakarta

Banten - Serang

Kanlurang Haba (Jawa Barat) - Bandung

Gitnang Haba (Jawa Tengah) - Semarang

Kapuluang Maluku

Yogyakarta - Yogyakarta

Silangang Haba (Jawa Timur) - Surabaya

Munting Kapuluang Sunda

Bali - Denpasar

Kanlurang Nusa Tenggara (Nusa Tenggara Barat) - Mataram

Silangang Nusa Tenggara (Nusa Tenggara Timur) - Kupang

Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]


Pangunahing lathalain: Heograpiya ng Indonesia

Maluku - Ambon

Hilagang Maluku (Maluku Utara) - Terna

Kanlurang Papua

Kanlurang Papua (Papua Barat) - Manok

Papua - Jayapura

Mapa ng Indonesia

Ang Indonesia ay binubuo ng 17,508 pulo, na tinatayang nasa 6,000 ang tinitirhan. [46] Ang mga ito ay
nakakalat sa parehong bahagi ng ekwador. Ang limang pinakamalaking pulo ay
ang Haba (Java), Sumatra, Kalimantan (ang bahaging Indones ng Borneo), Bagong Ginea (na
kahati ang Papua Bagong Ginea), atSelebes. Ang Indonesia ay nakikihati ng hangganan
sa Malaysia sa pulo ng Borneoat Sebatik, sa Papua Bagong Ginea sa pulo ng Bagong Ginea, at
sa Silangang Timor sa pulo ng Timor. Nakikihati rin ito ng hangganan sa Singapore,
Malaysia,Pilipinas sa hilaga, at sa Australya sa mga katimugang bahagi ng mga dagat nito. Ang
kabisera nito, ang Jakarta, ay matatagpuan sa Haba at ang pinakamalaking lungsod ng bansa, na
sinundan ng Surabaya, Bandung, Medan, and Semarang.[47]

Ang Bulkang Semeru at Bulkang Bromo sa Silangang Haba. Ang mga aktibidad bulkaniko sa Indonesia ay isa
sa pinakamataas sa buong daigdig.

Sa 1,919,440 kilometro parisukat (741,050 mi parisukat), Ang Indonesia ay naging ika-16 na


pinakamalaking bansa, ayon sa laki ng lupang sakop. [48] Ang average na kapal ng populasyon ng tao
ay 134 tao bawat kilometrong parisukat (347 bawat milyang parisukat), ang ika-79 sa daigdig,
[49]
kahit na ang Java ang pinakamataong pulo sa buong mundo,[50] na may densidad ng populasyon
na 940 tao bawat km parisukat (2,435 bawat mi parisukat). Sa taas 4,884 metro
(16,024 talampakan), ang Puncak Jaya sa Papua ay ang pinakamataas na tuktok sa Indonesia, at
angLawa ng Toba sa Sumatra ay ang pinakamalaking lawa, na may sukat na 1,145 km parisukat
(442 mi parisukat). Ang pinakamalaking ilog ay nasa Kalimantan, kasama rito
ang Mahakam at Barito; Ang mga ilog na ito ang nagiging pandugtong transportasyon sa pagitan ng
mga bayan sa paligid nito.[51]
Dahil matatagpuan ito sa ekwador, ang Indonesia ay may klimang tropikal, na may dalawang
panahon na tag-ulan at tag-init. Ang karaniwang antas na pag-ulan sa mga mababang lugar ay nasa
1,780-3,175 milimetro (70125 pulgada), at hanggang 6,100 milimetro (240 pulgada) sa mga
rehiyong mabubundok, o sa mga lugar na mabundoklalo na sa kanlurang bahagi ng Sumatra,
Kanlurang Haba, Kalimantan, Selebes at Papuaang nakakaranas ng mataas na pag-ulan. Ang
alinsangan ay pangkalahatang mataas, na karaniwa'y nasa 80%, at unti lang ang pagkakaiba ng
galaw ng temperatura sa buong taon; ang karaniwang temperatura araw-araw sa Jakarta ay nasa
26-30 C (7986 F).[52]

Demograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]


Pangunahing lathalains: Demograpiya ng Indonesia, Mga wika ng Indonesiaat Relihiyon sa
Indonesia
Ang pambansang populasyon mula sa 2000 pambansang sensus ay nasa 206 milyon, [53] at ang
Kawanihang Sentral Pang-Estadistika ng Indonesia at Statistics Indonesia ay tinaya ang populasyon
na nasa 222 milyon noong 2006.[54] 130 milyon katao ang nakatira sa Java, ang pinakamataong pulo
sa buong daigdig.[55] Kahit na medyo epektibo ang programang pagpaplano ng pamilya na ginawa
pa noong dekada '60, ang populasyon ay inaaasahang lalago sa humigit kumulang 315 milyong sa
taong 2035, batay sa kasalukuyang taya ng taunang pagtaas na 1.25%. [56]

Isang babaengMinangkabau sa kasuotang tradisyunal

Karamihan sa mga Indones ay mula sa mga Austronesyo mga tao na mula sa Taiwan. Ang iba pang
pangunahing pangkat ay ang mga Melanesiano, na naninirahan sa silangang Indonesia.
[57]
Mayroong 300 na natatanging mga katutubong lahi sa Indonesia, at 742 na iba't ibang wika at
diyalekto.[58] Ang pinakamalaki ay ang mga Habanes, na bumubuo sa 42% ng populasyon, at
pampolitika at kultural na dominante sa bansa.[59] Ang mgaSundanes, mga etnikong Malay, at
mga Madures naman ay ang ibang malalaking pangkat na sunod sa mga Habanes. [60] A sense of
Indonesian nationhood exists alongside strongly maintained regional identities. [61] Pangkalahatang
maayos ang lipunan, subalit ang mga tensiyong panlipunan, panrelihiyon at etniko ay
nagpapasimula ng matinding kaguluhan.[62]Ang mga Tsinong Indones ay isang etnik maynoriting
may-impluwensiya sa Indonesia. Mas konti sa 5% sila ng populasyon. Ang mga Tsinong Indones ay
nag-aari ng maraming pribadong kayamanan at kanegosyohan,[63] kaya may hinanakit sa kanila;
nangyaring nagkaroon ng karahasan laban sa mga Tsinong Indones.[64]

Ang Moskeng Istiqlal at Katedral ng Jakarta sa Gitnang Jakarta. Ang Indonesia ang may pinakamalaking
populasyon ng mga Muslim sa buong mundo

Ang opisyal na pambansang wika, ang wikang Indones, ay tinuturo sa lahat ng mga paaralan, at
sinasalita ng halos lahat ng mga Indones. Ito ang wika ng kalakalan, politika, pambansang medya,
edukasyon, at akademya. Ito ay binuo mula sa lingua franca na malawak na ginagamit sa rehiyon, at
may malaking ugnayan sa wikang Malay na opisyal na wika ng Malaysia, Brunei at Singapore. Ang
wikang Indones ay unang itinaguyod ng mga makabansa noong dekada '20, at inihayag bilang

opisyal na wika noong pagpapahayag ng kalayaan noong 1945. Karamihan sa mga Indones ay
nakakapagsalita ng isa o higit pa sa mahigit isang daan lokal na mga wika (bahasa daerah), na
madalas ay ang kanilang unang wika. Sa mga ito, ang wikang Habanes ang pinamalawak na
sinasalitang wika ng pinakamalaking pangkat etniko. [65] Sa kabilang banda, ang Papua ay may
mahigit 270 katutubong wika at wikang Austronesyo, [66] sa rehiyon na may 2.7 milyong katao. May
mangilan-ngilan ding dami ng tao na nag-aral bago ang kalayaan ang maalam manalita ng wikang
Olandes.[67]

Ekolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]


Pangunahing lathalains: Fauna ng Indonesiaat Flora ng Indonesia

Ang critically endangeredna Sumatran Orangutan, isang great ape' endemiko sa Indonesia

Ang sukat, klimang tropikal, at heograpiyang kapuluan ng Indonesia, ang naging dahilan para
maging ikalawang pinaka biodiverse na bansa ito sa buong mundo, pangalawa sa Brazil, [68] at flora
at fauna nito ay maghalong mga specie na Asyano at Australyano.[69]Minsan naging bahagi ng
kalupaang Asyano, ang mga pulo ng Sunda Shelf (Sumatra, Java, Borneo, at Bali) ay may mga
yaman ng fauna ng Asya. Ang mga malalaking species gaya ng Tigreng
Sumatra, rhinoceros, orangutan, Elepanteng Asyano, at leopard, ay minsang naging laganap
hanggang sa dulong silangan sa Bali, subalit ang bilang nito ay mabilis ding bumaba. Ang sakop ng
mga kagubatan ay umaabot sa tinatayang 60% ng bansa.[70] Sa Sumatra at Kalimantan, ay
katatagpuan halos ng mga species na Asyano. Subalit, ang mga kagubatan ng mga maliliit, at mas
mataong pulo ng Java, ay malawakang inalis para sa paninirahan ng mga tao at pansakahan. Ang
Sulawesi, Nusa Tenggara, at Malukuna matagal nang nakahiwalay sa kontinenteng Asyaay
nakabuo ng sariling bukod tanging flora at fauna. [71]

You might also like