You are on page 1of 10

Mindanao Institute of Healthcare Professionals, Inc.

Barrio Green, Marawi City

Research Paper sa
Filipino - 101

Indonesia

Ipinasa kay:

Bb. Johara Noroden

Inihanda nina:

Bandingun, Sittie Rawiya


Baute, Roselainie
BSN-II

Petsa:
Disyembre 18, 2020
INDONESIA
Kasaysayan:

Ang mga labing posil o kusilba ng Homo erectus, na mas tanyag bilang
ang mga Taong Haba, ay nagmumungkahi na ang kapuluang Indonesia ay
tinirhan na noong dalawang mlyong hanggang 500,000 taon na ang nakalilipas.
Ang mga Austronesyo, na bumuo sa karamihan ng mga makabagong tao, ay
nagtungo sa Timog Silangang Asya mula Taiwan. Sila ay dumating sa Indonesia
noong tinatayang 2000 BCE, at inilayo ang mga katutubong Melanesyo sa
malayong silangang rehiyon habang sila ay dumadami. Sa tamang kondisyong
agrikultural, at ang pagkabihasa sa pagtatanim sa mga palayan ay nagbigay
daan sa mga barangay, bayan at maliliit na mga kaharian na umusbong sa
unang dantaon CE. Ang magandang baybaying posisyon ng Indonesia ay
nagbigay daan sa kalakalang sa mga kalapit pulo at sa iba pang mga lugar.
Halimbawa ng mga kalakalang nabuo ay parehong sa mga Kahariang
Indiyano at sa Tsina na nabuo mga ilang dantaon BCE. Mula noon, ang
pangangalakal ay napakahalaga sa paghuhugis ng kasaysayan ng Indonesia.

Ang halamang moskada (nutmeg) ay katutubo sa Pulo


ng Banda ng Indonesia. Minsang naging isa sa
pinakamahalang pangangailangan ng daigdig, na
naging dahilan ng unang kapangyarihang
kolonyalismong Europeo sa Indonesia.

Mula noong ika-7 dantaon CE, ang makapangyarhing Kahariang


pandagat ng Srivijaya ay umusbong sapagkat sa kalakalang nabuo at sa mga
impluwensiya ng Hinduismo at Budhismo na nakuha ng Kaharian mula roon. Sa
pagitan ng ika-8 hanggang ika-10 dantaon CE, ang dinastiyang agrikultural na
Budhistang Sailendra at ang dinastiyang Hindu na Mataram ay umunlad at
bumagsak sa Haba, kung saan naiwan nila ang mga grandiyosong mga
monumentong relihiyoso gaya ng Borobudur ng Sailendra at
ang Prambanan ng Mataram. Ang kahariang Hindu na Madyapahit ay nabuo
sa silangang Java sa huling bahagi ng ika-13 dantaon, sa ilalim ni Gajah Mada,
na nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Indonesia; ang panahong ito ay
kadalasang tinatawag na "Gintong Panahon" sa kasaysayan ng Indonesia.
Kahit na ang mga mangangalakal na Muslim ay unang naglakbay sa
Timog-silangang Asya noong unang bahagi ng panahong Islamiko,
ang pinakaunang katibayan ng pagsasa-Islamiko ng populasyon ay noong
ika-13 dantaon sa hilagang Sumatra. Naglaon ang ibang mga lugar sa
Indonesia ay niyakap ang paniniwalang Islam, at naging dominanteng relihiyon
sa Java at Sumatra sa huling bahagi ng ika-16 na dantaon. Sa halos
karamihang bahagi, ang Islam ay nagbago at humalo sa mga nabuong mga
kultura at mga impluwensiyang relihiyoso, kung saan hinubog nito ang
pangunahing anyo ng Islam sa Indonesia, lalo na sa Java. Ang unang Europeo
na dumating sa Indonesia noong 1512, ay nang ang mga mangangalakal na
Portuges, na pinamunuan ni Francisco Serrão, ay ninais na monopolahin ang
mga mapagkukunan ng moskada (nutmeg), clove, at
mga paminta sa Maluku. Sumunod sa kanila ang mga Olandes at mga Ingles.
Itinayo ng mga Olandes noong 1602 ang Kompanyang Olandes ng Silangang
India (VOC) at naging makapangyarhing Europeo sa lugar. Pagkatapos nitong
mabangkarote, ang VOC ay pormal na nagsara noong 1800, at ang
pamahalaan ng Olanda ay bumuo ng Silangang Indiya ng Olanda bilang isang
pambansang kolonya.
Sa halos buong panahong ng kolonyalismo sa Indonesia, ang
pamamahala ng mga Olandes sa mga teritoryo nito ay mahina; noon lamang
unang bahagi ng ika-20 dantaon naging dominante ang mga Olandes sa kung
ano ang mga hangganan ng Indonesia ngayon. Ang pananakop ng mga
Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang mga sumunod na
mga pananakop ang nagpawakas sa pamamahala ng mga Olandes, at
muling pinasigla ang mga pinigil na kilusang pangkalayaan ng mga Indones.
Dalawang araw pagkatapos sumuko ang Hapon noong Agosto 1945, si Sukarno,
isang maimpluwensiyang pinunong nasyonalista, ay inihayag ang kalayaan at
itinalagang pangulo. sinubukan ng Olanda na muling itayo ang kanilang
pamamahala, at dahil sa panggigipit ng ibang mga bansa, kinilala na ang
kalayaan ng Indonesia ng mga Olandes at ang kaguluhan sandatahan at
diplomatiko ay nagwakas noong Disyembre 1949.(maliban lang sa teritoryong
Olandes ng Kanlurang Bagong Ginea, kung saan ay isinama sa Kasunduan sa
New York noong 1962, at sa pinamamahalan ng mga Nagkakaisang
Bansa na Act of Free Choice).
Si Sukarno, ang unang pangulo ng Indonesia.

Si Sukarno ang nagsimula sa demokrasya patungong


awtoritaryanismo, at pinanatili ang kanyang kapangyarihan
sa pagbalanse sa mga lumalabang puwersang militar, at
ang mga Partido Komunista ng Indonesia (PKI). Isang
pagtatangkang coup noong 30 Setyembre 1965 ang
napiligan ng mga sundalo, na nagdulot sa isang marahas na
pagpapa-alis sa mga anti-komunista, kung saan
pinagbintangan ang PKI sa tangkang coup.Nasa pagitan ng
500,000 at isang milyon ang namatay.Ang pinuno ng militar, si Heneral Suharto,
ay minaubra ang pahinang pamumuno ni Sukarno, at pormal na itinalaga
bilang pangulo noong Marso 1968. Ang kanyang Administrasyong Bagong
Kaayusan ay sinuportahan ng pamahalaang Estados Unidos, at pinag-igi ang
mga pamumuhunan ng mga dayuhan sa Indonesia, na naging mahalagang
dahilan sa katamtamang pag-unlad ng ekonomiya noong sumunod na tatlong
dekada. Subalit ang awtoritaryang "Bagong Kaayusan" ay malakawang
inakusahan ng korupsiyon at supresyon ng mga taga-oposisyon.
Noong 1997 at 1998, ang Indonesia ang pinakalabis na tinamaan ng Krisis
Pananalapi sa Asya. Ito ang nakadagdag sa malawakang pagkadismaya sa
Bagong Kaayusan. at nagdulot ng malawakang protesta. Nagbitiw si Suharto
noong 21 Mayo 1998.Noong 1999, ang Silangang Timor ay bumotong
humiwalay sa Indonesia, pagkatapos ng dalawampu't limang taong
pananakop militar na kinondena ng iba't ibang bansa dahil sa kalupitan sa mga
taga-Silangang Timor. Ang panahon ng Repormasyon, pagkatapos ng
pagbibitiw ni Suharto, ay nagbunga ng mas matibay na mga prosesong
demokratiko, kasama ang mga programang autonomiyang rehiyunal, at ang
sa unang pagkakataon ay nagkaroon ng halalang pang-panguluhan noong
2004. Ang mga instabilidad sa politika at ekonomiya, kaguluhan, korupsiyon, at
terorismo ay nagpabagal sa pag-unlad. Datapwat ang relasyon sa iba't ibang
mga relihiyon at mga pangkat etniko ay mapayapa sa kabuuan, may mangilan
ilan na sekta ang hindi kuntento at ang pagkakaroon ng kaguluhan sa ilang
mga lugar ay patuloy pa ring suliranin ng bansa. Isang pagsasaayos
pampolitika sa mga separatistang sandatahan sa Aceh natamasa noong 2005.

Etimolohiya:

Ang pangalang Indonesia ay mula sa salitang Latin na Indus, na


nangangahulugang "India", at salitang Griyego na nesos, na
nangangahululgang "pulo", kaparehas ng pangalan ng India. Ang pangalan ay
halaw pa noong ika-18 dantaon, malayo pang taon bago pa naging malaya
ang Indonesia. Noong 1850, Si George Earl, isang Ingles na etnologo, ay
iminungkahi ang salitang Indunesians — dahil sa paggamit ng Malayunesians —
para sa mga taong nakatira sa "Kapuluang Indiyan" o "Kapuluang Malay". sa
publikasyong ding iyon, ang isang estudyante ni Earl, si James Richardson Logan,
ay ginamit ang Indonesia bilang kasingkahulugan ng Kapuluan ng
Indiya.Subalit ang mga sulat akademiko ng mga Olandes sa mga nilimbag
sa Silangang Indies ay iwas sa paggamit ng Indonesia. Imbis ay ginamit nila ang
salitang "Kapuluang Malay" (Maleische Archipel); ang Netherlands East
Indies (Nederlandsch Oost Indië), ang tanyag Indië; ang silangang (de Oost); at
pati na ang Insulinde.
Simula noong 1900, naging karaniwan ang paggamit ng "Indonesia" bilang
pantukoy sa bansa ng akademya sa labas ng Olanda, at ginamit rin ito ng mga
nasyonalistang Indones para sa kanilang mga pampolitikang
pamamahayag. Pinatanyag ni Adolf Bastian, ng Pamantasang Humboldt ng
Berlin, ang termino sa kanyang aklat na Indonesien oder die Inseln des
Malayischen Archipels, 1884–1894. Ang unang iskolar na Indones na gumamit ng
termino ay si Suwardi Suryaningrat (Ki Hajar Dewantara), nang siya ay magtayo
ng isang press bureau sa Olanda na may pangalang Indonesisch
Pers-bureau noong 1913.

Paniniwala, Tradisyon o Kaugalian:

Ang kultura ng Indonesia ay nanggagaling


at nag-uugat sa kanilang mga paniniwala, mga
relihiyon,tradisyon, kultura, mga nakasanayan
ng mga katutubo at sining. Ang mga tao sa
Indonesia ay magagaling sa sining. Pati
pagdedekorasyon ng kanilang mga tahanan
ay kanilang pinagbibigyang pansin. Lahat ng
bagay ay may kinalaman sa mga diyos at
diyosa. Bukod sa turismo, pinagkukunan
kabuhayan din nila ang pagsasaka dahil sa matabang lupa at mainam na
klima dito.

Sa kabila ng impluwensya ng mga dayuhan na mananakop, may mga


katutubo o tribo napinagyayaman pa rin ang kanilang kinagisnan tulad ng mga
ritwal, mga paniniwala at mga pangkakatutubong kasuotan.

Kinuha mula sa iba’t- ibang


relihiyon ang kanilang kultura. Sa kabila
ng impluwensya ng mga dayuhan na
mananakop may mga katutubo o tribo
na pinagyayaman pa rin ang kanilang
kinagisnan tulad ng mga ritwal, mga
paniniwala at mga pangkatutubong
kasuotan. Isa sa paniniwala nila ay ang
maghanap ng mapapangasawa sa
kanilang babaeng anak ito ay ayon sa
mga magulang. Dose na taong gulang ay kinukulong nila sa bahay ang
kanilang mga anak na babae. At walang kalayaang pumili ng
mapapangasawa ang mga dalaga.
Ang opisyal na pambansang wika, ang wikang Indones, ay tinuturo sa
lahat ng mga paaralan, at sinasalita ng halos lahat ng mga Indones. Ito ang
wika ng kalakalan, politika, pambansang medya, edukasyon, at akademya. Ito
ay binuo mula sa lingua franca na malawak na ginagamit sa rehiyon, at may
malaking ugnayan sa wikang Malay na opisyal na wika ng Malaysia, Brunei at
Singapore. Ang wikang Indones ay unang itinaguyod ng mga makabansa
noong dekada '20, at inihayag bilang opisyal na wika noong pagpapahayag
ng kalayaan noong 1945. Karamihan sa mga Indones ay nakakapagsalita ng isa
o higit pa sa mahigit isang daan lokal na mga wika (bahasa daerah), na
madalas ay ang kanilang unang wika. Sa mga ito, ang wikang Habanes ang
pinamalawak na sinasalitang wika ng pinakamalaking pangkat etniko. Sa
kabilang banda, ang Papua ay may mahigit 270 katutubong wika at wikang
Austronesyo, sa rehiyon na may 2.7 milyong katao. May mangilan-ngilan ding
dami ng tao na nag-aral bago ang kalayaan ang maalam manalita ng wikang
Olandes.

Tradisyonal na sayaw ng Indonesian

Ang tradisyonal na sayaw ng mga


Indonesian ay ang Balinese.Ang Balinese ay
isang sayaw na mayroong mabilis na
tempo.Ang tugtug na ginagamit sa sayaw
na ito ay Javanese Gamellan na sinamahan
ng mga gongs at mga cymbals upang
makapaghandog ng isang magandang
musika.

Tradisyonal na Suot ng Indonesia

May mga tradisyonal na paraan ng pagsusuot,


pagtitiklop, at paggawa ng batik na batay sa lokal na mga
paniniwala at pamahiin. Marami sa mga probinsiya sa
Indonesia ang may tipikal na kulay at disenyo ng batik.
Halimbawa, ang batik mula sa hilagang baybayin ng Java ay
may matitingkad na kulay at kadalasa’y may disenyong
bulaklak, ibon, at iba pang hayop. Ang batik naman mula sa
gitnangJava ay kadalasan nang heometriko ang disenyo at
iilan lang ang kulay. Mga 3,000 disenyo ng batik ang nakatala.
Ang isang tradisyonal na kasuutang batik ay
ang selendang, isang shawl o telang isinasabit ng
mga babae sakanilang balikat. Madalas, dito nila
inilalagay ang kanilang baby o ang kanilang
pinamili. Pero ipinantatakip din nila ito sa ulo
kapag mainit ang panahon.

Ang mga lalaki ay gumagamit ng


putong na tinatawag na iket kepala. Ang
parisukat na batik na ito ayitinatali sa ulo
gaya ng isang turban at madalas gamitin
sa mga pormal na okasyon.Ang isa pang
popular na kasuutang batik ay ang
parihabang tela na ibinabalot sa katawan,
na tinatawagna sarong. Kung minsan,
tinatahi ang magkabilang dulo nito para
pagdugtungin na gaya ng malong. Angkaraniwang sarong ay itinatapis na
parang palda. Isinusuot ito ng mga lalaki at babae.

Tradisyonal na Musika ng Indonesia

Ang musika ng Indonesia ay nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng kultura


nito, ang lokal na pagkamalikhain ng musika, pati na ang mga kasunod na
impluwensya ng mga banyagang musikal na nagbubuo ngmga eksena ng
musika sa Indonesia. Halos libu-libong mga pulo ng Indonesia na may sariling
kultura at artistikong kasaysayan at karakter. Nagreresulta ito sa daan-daang
iba't ibang anyo ng musika, nakadalasang kasama ng sayaw at teatro. Ang
mga musics ng Java, Sumatra, Bali, Flores at iba pang mga isla ay naitala at
naitala, at ang pananaliksik ng mga iskolar ng Indonesian at internasyonal ay
patuloy. Ang musika sa Indonesia ay nangunguna sa mga makasaysayang
rekord, ang iba't ibang tribo ng Native Indonesia ay kadalasang naglalakip ng
mga awit at mga awit na sinamahan ng mga instrumentong musika sa kanilang
mga ritwal. Ngayon ang kontemporaryong musika ng Indonesia ay popular sa
rehiyon, kabilang ang mga kalapit na bansa; Malaysia, Singapore at Brunei. Ang
mga tradisyonal na panrehiyong musika at mga awit ng Indonesia ay
natutunang nagkakompromiso ng malakas na beat at harmony na uri ng
musika na may malakas na impluwensiya ng musikang klasikal na Indian at
Malay. Malakas ang impluwensiya sa tradisyunal na popular na genre ng musika
ng Dangdut.
Ang mga Nakagisnan ng mga taga-Indonesia:

Kroncong - Isang uri ng musika na ginagamit sa


Indonesia.

Angklung - Isang instrumento na gawa sa


kawayan.

Koes Plus - Isang banda noon sa Indonesia ng mga


panahong 1960-80.

Sasando - Instrumentong gawa sa hinating dahon ng


Lontar palm, na kahawig ng alpa (harp).
Poco poco - Ipinagbawal ang ganitong uri ng
sayaw sa mga Muslim dahil naniniwala sila na
ito ay isang tradisyunal na sayaw ng
Kristiyano at ang mga galaw nito ay katulad
ng simbolo ng krus.

Kecak - Ginagawa ang sayaw na ito bilang


pagpupugay sa dating labanan ng mabuti
atmasamang espiritu.

Pencak Silat - Isang uri ng self defense na itunuturo


kadalasan sa mga bata pa lamang.

Positibo at Negatibong Komento

Ang itinuturing na kultura ng Indonesia ay sa katunayan isang imahe ng


isang nangingibabaw o sumasalamin ng isang pagsasama-sama ng ilang mga
katulad na kultura. Mahigpit ang relasyon ng mga miyembro ng kanilang
pamilya na kung tawagin family oriented din sila tulad ng mga Pilipino. Ang
ilang sambahayan ay binubuo pa ng malawak na pamilya - makikita mo ang
mga lolo’t lola, tiyahin, tiyuhin, at mga pamangkin na nakatira magkasama o
manatili sa parehong kapitbahayan upang malapit lamang sa isa’t isa.
Isang mapapansin din ay ang kaugalian nilang bawal papiliin ng
mapapangasawa ang kanilang mga anak dahil tanging ang magulang
lamang nila ang may karapatan mamili. Sagana sa kultura ang mga Indonesian
na katulad din ng mga Pilipino.

References:
https://tl.wikipedia.org/wiki/Indonesia
https://en.wikipedia.org/wiki/Traditions_of_Indonesia#:~:text=Traditions%20of%2
0Indonesia%20are%20traditions,more%20than%20700%20living%20languages.

You might also like