You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYONG PAGPAPAHALAGA

Unang Taon sa Mataas na Paaralan


Inihanda ni Bb. Ma. Christine S. Gabriel

I.

LAYUNIN
1. Natutukoy ang kahulugan ng stress
2. Nailalahad ang mga sanhi o pinagmumulan ng pagkakaroon ng stress
3. Napamamahalaan ng wasto ang emosyon

II.

PAKSA
Stress : Isang Bunga ng Di Wastong Pamamahala ng Emosyon
Sanggunian:
Understanding Stress

Symptoms, Signs, Causes and Effects


http://helpguide.org/mental/stress_signs.htm
Stress Management
http://www.webmd.com/balance/stress-management/stressmanagement-topic-overview
The Psychology of Stress
http://www.guidetopsychology.com/stress.htm

Kagamitan:
a. Sining biswal
b. Mga larawan ng ibat ibang emosyon ng tao

III.

PAMAMARAAN
1. Balik aral
Pagbabalik aral sa mga tinalakay na aralin hinggil sa emosyon ng
tao sa pamamagitan ng pagpapanood ng isang pelikulang
nagpapakita ng ibat ibang emosyon.
2. Pagganyak
Ipasulat sa pisara ang mga angkop na kasagutan sa bawat kolumn
at pasagutan ang mga sumusunod na katanungan.
Mga di malimutang
damdamin

Mga pangyayaring
nagdulot nito

Mga pagkatutong
natamo sa mga
pangyayari

a.
b.
c.

a. Bakit di makalimutan ang mga damdaming inilista?


b. Anu ano ang sanhi ng damdaming ito?
c. Ano ang magandang dulot kapag payapa ang iyong
damdamin?
3. Paglalahad
Ngayong umaga, tatalakayin natin ang isang aspeto na nagdudulot ng
masama saating katawan. Ito ay ang Stress.
Magpakita ng larawan ng taong nakakaranas ng stress at kung ano ang
stress.
Ano ang stress?
Ang stress ay isang estado ng katawan kung saan ang isip ay
nakararamdam ng pagkabahala, pag-aalala, pakabalisa, pagkapagod at
pagpipilit sa sarili na gumawa higit sa kakayaanan nito.

Bakit nararamdaman ito ng tao?


Ang stress ay nararamdaman ng tao dahil ang mga ginagawa ng kanyang
katawan ay higt na sa makakaya nito gayundin, ang mga iniisip ay higit na
sa kapasidad ng tao na mag-isip
Halimbawa: Ano ang gagawain mo kung sa darating na huwebes
ay kinakailangan mo nang magpasa ng iyong proyekto subalit hindi mo pa
ito gaanong nasisimulan?
Mamadaliin mo na lamang ang paggawa dito upang makapagpasa
ka sa takdang panahon, at upang matapos mo ito agad maiisip mo na
magpuyat, huwag munang gawin ang mga kadalasan mong ginagawa
tulad ng panunuod ng telebisyon, pagtetext at pagi internet.
Ano ang maaaring sanhi o pinagmulan ng pagka-stress ng tao?
1. Pagbabago ng uri ng pamumuhay
2. Mabibigat na problema at pagsubok
3. Pag-iisip ng mga negatibong bagay
4. Pagkabigo
5. Masamang bisyo

4. Pagtatalakay
Ano pa ang maaring makadagdag sa pagka-stress ng isang tao?
- Ang matinding emosyon na nararamdaman:
1. Pag-ibig sa mga lalaki kung hindi sinagot ng nililigawan ay
maaaring magdulot ng kalungkutan na mauuwi sa stress.
2. Pag-iisip ng masama sa kapwa kung ikaw ay may
nakasamaan ng loob at gusto mong gumanti sa kanya subalit hindi mo
alam kung paano, lubha mong pag-iisipan ito na maaaring mauwi sa
pagka-stress
3. Laging napapahiya halimbawa na lang sa klase kung madalas
kang tinutukso ng mga kaklase mo, maaaring magdulot iyon ng pagbaba

ng tiwala sa sarili at iisipin mo bakit lagi kang sentro ng pangaasar, na


mauuwi sa pagka-stress
4. Dami ng takdang aralin at proyekto dahil tambak ka ng mga
gwain na may takdang araw ng pagpasa, hindi mo alam kung ano ang
sisimulan at dahil doon ikaw ay makakaranas ng pagkabigo at pagkawala
ng pag-asa na magdudulot upang ikaw ay ma-stress.
5. Kawalan ng tiwala kadalasan dahil ayaw magkamali, hindi na
lang hihingi ng tulong sa iba na nagdudulot ng maraming intindihin na
mag-uugat sa pagiging stress

*Paano Iiwasan ang Pagkakaroon ng Stress?


1. Pagkokontrol sa matinding emosyon
2. Pagpapahinga (Relaxation)
3. Ehersisyo
4. Pagdarasal
5. Pagkakaroon ng mabuting pakikipagkapwa tao
6. Pagpapahaba ng pasensya
7. Pagtitwala sa sarili at sa iba (pakikipagkaibigan)
8. Pagbibigay halaga sa mga natatanggap na biyaya
9. Pagpapatawad
10. Pagpapakumbaba
5. Paglalahat
Ang Stress ay tunay na may malaking epekto hindi lamang sa pagiisip kundi pati na rin sa pananalita, at kilos ng isang indibidwal kaya
nararapat lamang na sa araw-araw nating pamumuhay ay maging maayos
ang pakikitungo natin sa ating kapwa, maging mapili sa mga bagay na
pagtutuunan ng higit na pansin at higit sa lahat, magkaroon ng tiwala sa
sarili, sa kapwa at sa Diyos na Panginoon nating lahat.

6. Paglalapat
Ano ang iyong gagawin sa mga susunod na sitwasyon?
1. Nahuli mo ang iyong kasintahan na may kasamang iba
2. Hindi mo naipasa ang pagsusulit sa Math
3. Naiwala mo ang pera na pambayad sa iyong proyekto

IV. PAGTATAYA
A. Stressed ka ba?
Lagyan ng check ang bilog ng iyon sagot.
OO

HINDI
1. Nakalimutan mo bang kumain kapag marami kang ginagawa?

2. Ginagawa mo ba lahat nag mga Gawain kahit mahirap?

3. Madali ka bang magalit?

4. Madali ka bang maasar o mainis?

5. May oras ka ba para mag-ehersisyo?

B. Ano ang naidudulot ng mabuting pangangasiwa ng emosyon upang magkaroon


ng mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa.
V. TAKDANG - ARALIN
Magbigay ng karanasan na nagpapakita ng magandang bunga ng
pangangasiwa ng emosyon.

You might also like