You are on page 1of 2

Cherry E.

Suating
August 1,2016
Grade XI- Francisco Dagohoy

AGUINALDO SHRINE
Lenggwahe: Tagalog/Chavacano
Ito ang bahay ni Emilio Aguinaldo. Sa balkonahe ng bahay na ito inihayag ni Emilio Aguinaldo ang kalayaang
Pilipinas noong ika- 12 ng Hunyo 1898.Kasabay nito ang pagwagayway ni Ambrosio Bautista ng watawat ng Pilipinas sa
unang pagkakataon. Sa pagkakataon din ito unang pinatugtog ang Himig ng Lupang Hirang ang ating pambansang awit.

SIMBAHAN NG BARASOAIN
Lenggwahe: Tagalog
Sa simbahang ito unang nagpulong ng mga hinirang na kinatawan sa Kongreso ng Malolos noong ika-15 ng
Setyembre 1898. Sa pook din na ito binuo ang Saligang Batas ng Malolos sa pamumuno ni Felipe Calderon.

DAMBANA NG KAGITINGAN
Lenggwahe: Tagalog
Isa rin itong tanda ng pagpapahalaga ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na lumaban sa mga Hapones
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay matatagpuan sa Bundok ng Samat sa Bataan

PALASYO NG MALACAANG
Lenggwahe: Tagalog
Ang Palasyo ng Malakanyang ay opisyal na tirahan ng pangulo ng Pilipinas. Nagmula ang pangalan mula sa
pananalitang May lakan diyan dahil dating nakatira dito ang isang mayamang Kastilang negosyante bago pa ito naging
tirahan ng punong tagaganap ng bansa. Matatagpuan sa hilagang pampang ng Ilog Pasig sa Maynila.

LUNETA / RIZAL PARK


Lenggwahe: Tagalog
Noong panahon ng Kastila kilala ang lugar na ito bilang Bagumbayan. Dito din ginaganap ang mga pagpatay sa
mga rebeldeng Pilipino. Noong 1902, plano ng architect na si Daniel Burnham na gawing sentro ng gobyerno ang Luneta
at dito itinayo ang Executive House, Kagawaran ng Turismo at Department of Finance.

You might also like