Professional Documents
Culture Documents
Kabanata 21 30
Kabanata 21 30
Sa kabanatang ito, makikita ang hitsura ng Maynila kapag mayroong mga dumarayong dayuhang palabas.
Maraming tao sa teatro ng Variedades sapagkat mayroong pagtatanghal ang isang nagngangalang Ginoong
Jouy. Ang palabas ang isang dulang Pranses na pinamagatang Les Cloches de Corneville. Ika-pito at kalahati
pa lamang ng gabi ay wala ng tiket kayat pati si Padre Salvi ay wala na rin daw makuha. Sa entrada general
ay may mahabang pila ng mga tao na nagnanais pang pumasok. Ang dulaan ay nagliliwanag ng mabuti, may
mga bulaklak at halaman sa mga pintuan at bintana at may makapal na tao na parang kalamay na hinahalukay
kung saan maririnig ang mga tawanan, bulungan at batian.
Sa kabanatang ito, makikilala natin ang dalawang bagong tauhan. Ang una ay si Camaroncocido. Siya ay
mapapansing tila di-kahalo sa mga nag-uumpukang tao. Siya ay mataas na lalaking payat, marahang lumakad
na parang kinakaladkad ang isang paa na tila naninigas, abuhin ang kulay ng kanyang buhok na mahaba at
kulot sa dulo na wariy buhok ng isang makata. Nakasout siya ng isang amerikanang kulay-kape at pantalong
pari-parisukat ang guhit at mayroon din siyang sombrerong hongo de arte. Siya raw ay anak ng isang tanyag
na angkang Kastila ngunit nabubuhay na tila isang pulubi.
Ang ikalawa ay si Tio Kiko. Siya naman ay isang matanda at pandak na lalaki. Mainam daw siyang kabaligtaran
ni Camarococido. Mayroon siyang takip sa ulong sombrero de copa, nakadamit ngt lebitang maluwang at
napakahaba ngunit ang kanyang pantaloon ay napaka-ikli, nakasapatos ng yaong malalaki ng marinero, may
balbas at patilya na mapuputi at kayumanggi ang balat. Nabubuhay siya sa pagdidikit ng mga kartel,
paglalathala at pagbabalita ng mga palabas.
Ayon kay Camaroncocido, ang mga prayle sa pamumuno ni Padre Salvi, at ang mga hindi pari, sa pamumuno ni
Don Custodio, ay tutol sa pagtatanghal ngunit sa totoo raw ay nagnanais ring makakita ng mga
naggagandahang babae sa pagtatanghal. Ngunit ang ilan ay sang-ayon naman daw katulad ng mga opisyal ng
hukbo at pandigmang-dagat, ayudante ng Heneral, mga kawani at matataas na tao, mga taong nakadalaw na sa
Paris, mga lalaking wala pang katipan at yaong mga nagsasabing sila ay bihasa sa salitang Pranses.
Naririto rin si Padre Irene na nagtutungayaw sa operetang Pranses. Makikita rin dito si Ben-Zayb na
nangangatal sapagkat natatakot na mahulian siya ng kamalian sa kanyang pagbabasa ng salitang Pranses.
Napuna dito ni Camarococido ang ilang taong hindi kilala na aali-aligid sa teatro. Nakita niya rito ang isang
pulutong na tila may kausap na naka-anyong militar at ito ay si Simoun. Sa kabanatang ito, maaaring ang pagaalsa ay magsisimula na sapagkat dito narinig ni Camarococido ang mga salitang ang hudyat ay isang putok
ngunit siya ay nagkibit-balikat lamang.
Makikita rin sa kabanatang ito si Tadeo, na kung saan, lubos ang kanyang pagpapasikat sa kanyang bagong
kasama. Ipnangangalandakan niya na kilala niya halos ang lahat ng mga taong sikat na nasa dulaan ng gabing
yaon. Hindi siya makapasok sapagkat naubusan na siya ng tiket. Sa bandang huli, dumating sina Macaraig,
Sandoval, Isagani at Pecson. Si Basilio ay mayroon daw gagawin kayat hindi ito nakasama, dahilan upang ang
tiket nito ay mapunta kay Tadeo.
Kabanata 22: Ang Palabas
Sa loob ng teatro ay punong-puno ng mga tao. Halos iilan na lamang ang mga bakanteng upuan ngunit hindi
makapagsimula ang palabas sapagkat hinihintay ang Kapitan Heneral. Sinasabing ang Kapitan Heneral daw ay
manonood ng palabas na maaaring bunga ng dalawang dahilan: ito ay hinahamon ng simbahan, at ito ay may
pagnanasa lamang na makakita.
Sa loob ay naroroon din si Don Primitivo na naupo sa isang butaka at ayaw ng umalis kahit dumating na ang
may-ari. Ang pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdudulot ng kaguluhan at kasiyahan sa mga taong
naiinip.Habang nagagnap ito ay biglang tumugtog ang marcha real sapagkat dumating na ang Kapitan Heneral.
Nasa loob din ng dulaan si Pepay. Siya ay kinuntsaba ng mga estudyante at siyang gagamitin kay Don Custodio
upang palambutin ang puso nito. Naroroon din si Don Manuel, na panay ang pasaring kay Don Custodio dahil
ang huli ay kalaban ng una sa ayuntamiento. Si Macaraig ay nakikipag-tinginang maigi kay Pepay dahil tila
may nais pa itong sabihin. Si Sandoval naman ay kararating lamang sa kanilang upuan buhat sa ibang palko.
Siya ay isa sa mga sumasang-ayon na ang tagumpay ay makakamit nila samantalang si Pecson ay naniniwalang
wala silang mahihita sa lakad nila. Si Isagani ay pangiti-ngit lamang at malamig ang pagtanggap sa mga
pagbati sapagkat nakita niya kani-kanina si Paulit na kasama ni Doa Victorina at Juanito Pelaez. Napukaw
lamang sa sarili si Isagani dahil sa malakas na palakpakan sapagkat magsisimula na ang palabas.
Makikita rito ang ilan sa mga artista sa palabas gaya ni Gertrude, na isang napakagandang babae na
sumusulyap sa Kapitan Heneral. Naririto rin si Serpolette, isang kaiga-igayang babae na taglay ang matapang
nanghahamon na anyo. Ilan pa sa mga kasama nila ay sina Germaine, Grenicheux, Gaspard at Lily.
Sa palabas ay kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga kalalakihang tulad nina Don
Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson ngunit sila ay nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay nilang
cancan.
Sa kabanatang ito, nagsimula ang pagkakagusto ni Doa Victorina kay Juanito sapagkat ito raw ay lalakinglalaki at maginoo.
Kabanata 23: Isang Bangkay
Si Simoun at Basilio ay wala sa pagtatanghal. Si Basilio ay abala sa pag-aalaga kay Kapitan Tiyago na nooy
lubos nang nahuhumaling sa opyo. Nagtatalo ang damdamin ni Basilio kung bibigyan niya ba o hindi si Kapitan
Tiyago sapagkat sinasaktan siya nito kapag kakaunti ang ibinigay niya ngunit makasasama naman kung patuloy
niyang bibigyan.
Nag-aaral si Basilio ng kanyang mga aralin sa medisina ngunit ang ilan sa mga aklat na nasa tabi niya ay hindi
man lamang niya binubuklat. Maya-maya ay dumating si Simoun na matagal ng hindi dumadalaw kay Kapitan
Tiyago. Nabanggit dito na si Simoun ang nagbigay kay Basilio ng ilang mga aklat na pang-rebolusyonaryo na
hindi naman binabasa ni Basilio. Dito ay muling naungkat ang pinag-usapan nila sa kagubatan, ang
paghihikayat ni Simoun na sumali si Basilio sa himagsikan. Ngunit matigas pa rin sa pagtanggi si Basilio.
Binanggit ni Simoun na kung si Basilio ay tutulong, siya raw ang aatasang kumuha kay Maria Clara sa
kumbento. Ngunit sinabi ni Basilio na kamamatay lamang ni Maria Clara kaninang umaga. Sa pagkakabanggit
na ito ay nagitla si Simoun at walang imik na umalis.
Sa kabanatang ito, tinukoy ni Basilio si Simoun bilang isang binatang mayamn, bihasa, Malaya, nakapagpapasya
sa sariling kabuhayn at may magandang kinabukasan. Sa kabilang banda, si Maria Clara naman daw ay
babaeng sing-ganda ng isang pangarap, malinis, lipos ng pananalig at walang kamalayan sa lakad ng
kamunduhan.
Kabanata 24: Mga Pangarap
Katulad ng kabanata nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara, at Elias at Salome sa Noli Me Tangere, ito ay
kabanata rin ng dalawang magkatipan, sina Isagani at Paulita Gomez.
Buhat ng magkatampuhan sa naganap na palabas (sapagkat si Isagani ay nagselos kay Juanito at si Paulita ay
nagselos sa panonood ni Isagani sa mga artistang Pranses), nag-usap ang makasintahan na magtatagpo upang