You are on page 1of 3

Ong, Jannina Kimberly Ang

133006
Ph101 XX
MWF 8:30-9:30
Kilos-Pamimilosopiya: Isang Paglalakbay
Ang pilosopiya ay isang paglalakbay patungo ang isang katotohanang hindi mo mahahanap sa
pang-araw-araw na kaganapan ng buhay. Kailangan mo itong maranasan para sa sarili mo. Maaaring
may kasama ka sa paglalakbay, ngunit iba ang nararanasan mo sa kaniya, habang iba rin ang
nararanasan niya sa iyo. At, sa paglalakbay na ito, mararanasan mo ang kalayaan kalayaan mula sa
kahigpitan ng sarili mong kaalaman, at kalayaan mula sa pagkawangis sa lipunang nagdidikta ng
katotohanan. Itong paglalakbay na ito ang nag-uugnay at naghahati sayo mula sa sangkatauhan.
Bago umalis at naglakbay ang dalawang bidang sina Alberto at Ernesto nakakulong ang kanilang
karanasan at kaalaman sa mundong kanilang tinitirhan isang mundo na ginawa ng mga librong pangmedisina,
ng kanilang kinasanayang kapaligiran, ng kanilang mga pamilya at kaibigan. Sapagkat ang pilosopiya ay isang
paglalakbay patungo ang mas malaking katotohanan sa labas ng iyong subhetibong katotohanan, at hindi sapat
ang karanasan ng isang tao para sabihing marunong o may alam na sila sa isang bagay1. Maaaring mahusay si
Ernesto sa pag-aaral ng ketong sa medisina, ngunit hindi niya lubos na masasabing alam niya ang lahat tungkol sa
mga ito. Sa kaniyang paglalakbay, nakita at naranasan niya ang tunay na paggagamot ng mga ketong at ang
paghihirap ng mga aborigines na hindi niya kahit kailan man mababatid mula sa kaniyang mga libro tulad ng
nabatid niya dahil sa kaniyang karanasan. Kapag namimilosopiya tayo, tayo ay lumalaya mula sa bulag na
pagkasunod sa ating kasalukuyan, sa ating lipunan; at kasabay nito, tayo ay lumalaya para sa isang mundo ng
posibilidad1. Sa makatuwid, ang paglalakbay ay kinakailangan upang tayo ay makalalapit sa mas malaking
kaatotohanan katotohanang hindi natin mababatid hanggang tayo ay kuntento sa instagnante ng ating
kaalaman at karanasan.
Ang paglalakbay nina Alberto at Ernesto, tulad ng pamimilosopiya, ay ginawa nila para sa sarili nila.
Naglalakbay sila para sa kapakanan ng paglalakbay2, at tulad nito, ang pilosopiya ay hindi para sa iba kundi para
makilala ang sarili. Ang pilosopiya ay ang pagiging nasa daan. Iba ang naranasan nila mula sa nabasa nila sa
mga librong binasa nila ukol sa mga lugar ng pinuntahan nila. Sinabi nila sa umpisa ng pelikula na ang kanilang
layunun ay ang galugarin ang kontinenteng inikilala lamang nila mula sa pagbabasa ng mga libro, at sa
paglalakbay nila, nasaksihan nila mismo ang kontinente na hindi nila mamasaksihan nang hindi sila naglalakbay.
Iba ang marunong ka magturo lumangoy sa marunong ka mismo lumangoy1. Kaya, para maranasan at malaman
ang katotohanan ng kanilang kontinente, linundag nila ang tubig at naglakbay patungo sa hindi kilalang lugar.
At, gaya ng pagkakaiba ng nabasa nilang detalye tungkol sa kontinente mula sa naranasan nila, iba rin ang
naranasan nina Alberto at Ernesto sa isat isa kahit na nagdaan sila sa iisang kalsada. Kahit gaano kadikit ang
1

Roque Ferriols, 'Sapagkat Ang Pilosopiya Ay Ginagawa', Sa Pambungad sa Metapisika ix-xx (2002).
John Kavanaugh, 'The Philosophical Enterprise', Philosophy of Man: Selected readings(1986): 17-22.
3
The Motorcycle Diaries, film (Argentina: Buena Vista International, 2004).
4
Karl Jaspers, 'What Is Philosophy', Way to Wisdom (2003): 7-16.
5
Gabriel Marcel, 'Ang Bulagang Heto Ako', Magpakatao: ilang babasahing pilosopiko (1999): 104-128.
2

kanilang pabubuklad, hindi si Alberto maaaring tumingin sa paraan na si Ernesto lamang ang nakakakita 1. Dahil
dito, iba ang pagkakabit ni Ernesto sa mga katutubo at taong nakakasalubong nila sa daan kaysa kay Alberto.
Nang maranasan ni Ernesto ang mga pangyayari sa kanilang paglalakbay, naglaya siya mula sa kaniyang
ordinaryong buhay, limitadong pag-iisip, at sa lipunang akala niya ay isang mababaw, maayos, at maginhawang
mundo. Kapag namimilosopiya tayo, tayo ay tumatakas mula sa sarili nating pagkakakilanlan2, tulad ng
pagbabagong naganap kay Ernesto mula nang umalis siya ng kanilang bayan, dahil marami ang kaniyang
nadiskubre tungkol sa sarili at mundo. Sa pamimilosopiya, tulad ng paglalakbay, puwede nating labanan ang
alon na humilhila sa atin upang mag-alinsunod nang hindi nag-iisip2. Hindi ni Ernesto makikita ang kapinsanan
ng lipunan at ang kosupsyon ng pamahalaan kung hindi siya naglakbay, at hindi tayo hihiwalay mula sa
karaniwan na katotohanan na idinikta ng lipunan kapag tayo ay hindi namilosopiya. At, ang bagong
katotohanang malalaman natinmula sa ating indibidwal na paglalakbay, tungkol man ito sa sarili natin o sa
mundong kinagagalawan natin, ang magpapalaya sa atin.
Bilang wakas, ang paglalakbay nina Alberto at Ernesto ang nag-uugnay sa dalawang tao dahil parehas
nialng niranasan ang paglakbay. Sa kabilang banda, itong paglalakbay rin na ito ang naghihiwalay sa dalawang tao
dahil sa pagkakaiba ng naranasan ng isa mula sa pangalawa. Ganito rin ang pilosopiya. Gaya ng sabi ni Jaspers,
ang pilosopiya ay isang buhay na ekspresyon ng mga pagiging pandaigdigan ng tao, ng pag-uugnay sa pagitan
ng tao4. Kasabay nito, dahil iba ang katotohanang nararanasan ng bawat tao sa pamimilosopiya, at sa pilosopiya
rin nag-iiba ang bawat isa. Gayunman, hindi natatapos ang pamimilosopiya ng bawat isa; at sa huli ay mababatid
nating iba na tayo mula sa ating nakaraan, tulad ng sinabi ni Ernesto Guevara pagkatapos ng kaniyang
paglalakbay, I am not me anymore, at least, Im not the same me I was3.
Ng Katawan at ng Kaluluwa
Bilang tao, tayo ay binubuo ng kaluluwa at katawan, kung saan ang bawat kaluluwa ay may
isang katawan at ang bawat katawan ay may sariling kaluluwa; at ang dalawang ito ang nagtatakda ng
pagkakilanlan natin bilang tao at ng pagkakilanlan ng isang bagay bilang ang bagay na kinikilala natin
ito bilang sa pamamagitan ng kani-kanilang naranasan na mga kaganapan. Ayon kay Marcel, ang
kaluluwa at ang katawan ay dalawang magkaibang bagay, ngunit hindi ito maiihiwalay nang basta-basta5. Ang
bawat tao ay may isang katawan; itong katawang ito ay katawan lamang ng taong iyon; at siya ang kaniyang
katawan; ngunit hindi siya katawan lamang kundi nilalampasan niya ang katawang to. Samakatuwid, ang katawan
natin ng ating identidad kung saang kinikilala tayo ng ibang tao.
Sa pelikulang Self/Less, nagagawa ng prosessong shedding ang ihiwalay ang sariling alaala at persona
mula sa orihinal na katawan at ilagay ito sa katawan ng ibang tao. Sinasabi rito, gaya ng sinabi ni Marcel, na
magkaiba ang katawan mula sa kaluluwa. Ngunit, sa paggamit ng mga pasyente ng gamot, pinipilit ng bagong
persona na patayin ang kamalayan orihinal na may-ari ng katawan. Ito ay dahil isang kamalayan o kaluluwa
lamang ang puwedeng magmay-ari ng isang katawan, at hindi maaaring dalawa ang kaluluwa ng isang katawan o
1
Roque Ferriols, 'Sapagkat Ang Pilosopiya Ay Ginagawa', Sa Pambungad sa Metapisika ix-xx (2002).
2
John Kavanaugh, 'The Philosophical Enterprise', Philosophy of Man: Selected readings(1986): 17-22.
3
The Motorcycle Diaries, film (Argentina: Buena Vista International, 2004).
4
Karl Jaspers, 'What Is Philosophy', Way to Wisdom (2003): 7-16.
5
Gabriel Marcel, 'Ang Bulagang Heto Ako', Magpakatao: ilang babasahing pilosopiko (1999): 104-128.

dalawa ang katawan ng isang kaluluwa. Ang kaluluwa ang namamahala sa ating mga kilos, ngunit ang katawan
ang tagapamagitan ng kaluluwa sa mundo upang mabatid ng iba ang mga kilos na ito.
Dahil ang katawan ang ginagamit natin upang makipag-ugnayan sa mundo, dito rin tayo kinikilala bilang.
Kapag tinanong ng isang tao kung sino si Jannina Ong, sasabihin ng mga tao na siya yung babaeng may itim at
mahabang buhok, and laging nakapantalon, ang chinitang nakaupo sa ika-apat na upuan mula sa kaliwa sa unang
hanay sa klase. Kapag nangyari ang shedding sa katawan ni Jannina, walang makakapansin hanggang may
gawin itong kakaiba o kapag umamin ito na hindi talaga iyon si Jannina. Katulad nito ang hindi pagpansin nina
Anna at Maddie na hindi na si Mark ang kanilang kausap kung hindi si Damian. Akala nilay umiiral pa rin si
Mark dahil sa mga pangyayaring naganap sa kanila na kasama ang katawan ni Mark.
Kasabay nito, dahil ang katawan ang gunagamit ng kaluluwa upang makipag-ugnayan sa mundo, ito rin
ang gumagawa ng subhetong pagtingin sa isang bagay at nagtatakda kung ano ang bagay na ito base sa ating
karanasan. Ngunit, kapag ang bagay ay umiiral para sa sariling ito, may kinatatayuan itong katotohanan. Ang
katotohanang ito ay dulot ng pisikal na hitsura o katawan ng bagay na ito, at kahit na may impresion na tayo sa
nakaraan tungkol sa bagay na ito, hindi pa rin ng ating karanasang malalarawan nang wakas ang nasasabing bagay.
Isang halimbawa ang pagtingin nina Damian at Albright sa proseso ng shedding. Ang shedding ay ang
paglilipat ng iyong kamalayan sa katawan ng iba; subalit, para kay Damian, ito ay isang prosesong nagpapatay ng
mga inosenteng tao kapalit sa buhay ng mga taong may kaya, habang para kay Alrbight, ito ay ang paggamit ng
katawang ibinenta upang mapahaba ang buhay ng mga taong mahuhusay at matatalino. Ang dalawang
magkaibang pag-iisip ay dulot ng ibat ibang kaganapang naranasan ng dalawang tauhan. Kaya naman, ang pagiral ng proseso ng shedding ay may ibat ibang interpretasyon batay sa taong tumutukoy.
Bilang tao, ang katawan natin ay may hangganan. Ang kaluluwa natin, kahit na malakas pa, ay
mamamatay kasama ang ating katawan, dahil hindi maaaring may katawan na walang kaluluwa ang puwedeng
sumalo sa kaluluwang mawawalan na ng katawan. Sa shedding, ang kapalit ng mga bagong katawang ginagamit
ay ang pagkawala ng orihinal na may-ari ng katawan, isang pangyayaring hindi nararapat na mangyari sa kanino
man. Sa huli, nabatid ni Damien na lahat ng buhay ay kailangang magwakas, at ang katawang kinaruruonan ng
kaniyang kaluluwa ay pagmamay-ari ni Mark. At, maaaring tumigil na ang pag-iral ni Damien bilang isang taong
may pisikal na katawan, ngunit ang mga proyektong ginawa niya, ang impaktong ipinamalas niya habang buhay
pa siya, ay hinding hindi makakalimutan ng mga tao. Sa ganito, siya ay tunay na selfless wala na sa pisikal na
mundo, ngunit umiiral pa rin sa alaala ng mga tao.

Roque Ferriols, 'Sapagkat Ang Pilosopiya Ay Ginagawa', Sa Pambungad sa Metapisika ix-xx (2002).
John Kavanaugh, 'The Philosophical Enterprise', Philosophy of Man: Selected readings(1986): 17-22.
3
The Motorcycle Diaries, film (Argentina: Buena Vista International, 2004).
4
Karl Jaspers, 'What Is Philosophy', Way to Wisdom (2003): 7-16.
5
Gabriel Marcel, 'Ang Bulagang Heto Ako', Magpakatao: ilang babasahing pilosopiko (1999): 104-128.
2

You might also like