You are on page 1of 4

Balat ko'y kulay kayumanggi

ano ba ito sa 'yo at ano nga ba


ang pagkaiba ko?
"Are you from the Philippines?"
- madalas na tanong nila sa akin;
sagot ko..."I am from Honolulu!"
Sa hindi ko ikinahihiya iyong kulay
ng balat ko, gusto ko lang silang
lokohin dahil tanong nila ay
misteryoso at "discriminatory" ang
tawag nila dito!
Ano ang pagkaiba kung sabihin kong
ako ay Filipino dahil balat ko'y
kayumanggi at ilong ko'y pango,
pero kapag ako'y taga Honolulu...
iba ang thema ang pasok ng iba;
iba ang trato nila.
Hindi ako nahihiyang sabihin na
ako'y Pinoy; pero ipaglalaban ko
na tayo'y para-pareho pagdating
sa pagkatao! Kayumanggi, itim,
pula, dilaw o berde...iisa lang tayo...
kapwa tao!
Iyong karapatan mo ay karapatan ko din
kung kaya mong gawin,

ganoon din sa akin.


kung kaya mong abutin, kayang kaya ko rin
. Kung kaya mong sabihin kaya ko din
May "Human Rights" ka kamo;
naroon na rin ako!
Balat ko'y kayumanggi, natural na
"sun tan" di kayang sunugin ng init
ng araw at mga pagsubok sa buhay
kahit saan sulok ng mundo napunta
man ako!
Ako'y balat kayumanggi,
ito ay dapat kong ipagmalaki!
Ako'y Pinoy...may reklamo?

Bakit ka nagbago?
Hindi kailanman itatanong ng Diyos sa iyo
kung ilan bang lahat ang mga naging kaibigan mo
ang mahalaga sa Kanya ay kung ilan sa kanila
ang nagturing na ikaw ay kaibigan kang talaga.
Hindi itatanong ng Diyos ang ilan ang 'yong kotse
at kung paano mo nakaya na ito ay mabili
ang nanaisin niyang malaman ay ilang bang tao
na walang pamasahe ang naisakay sa kotse mo.
Hindi itatanong ng Diyos ang laki ang 'yong bahay
kung gaano ito kaganda at gaano katibay
ang mahalaga sa Kanya ay ilan ba sa kanila

ang iyong pinatuloy ng buong pagpapahalaga.


Hindi itatanong ng Diyos kung ilan ang damit mo
at kung saan-saan mo isinuot ang mga ito
ang itatanong Niya sa 'yo pagdating ng panahon
ilan nga ba sa kanila ang dinamitan mo noon.
Hindi itatanong ng Diyos ang laki ng 'yong sahod
kung gaano kataas na ang puwesto mong naabot
kung ikaw ay naging tapat gusto Niyang malaman
sa mga kasamahan at sa kompanyang pinasukan.
Hindi itatanong ng Diyos ano'ng iyong titulo
at kung sino-sinong tao ang nakahalobilo mo
ang kanyang itatanong ay kung naging totoo ka ba
sa mga taong nangangailangan ng 'yong kalinga.

PANDIWA

ASPEKTO

PANLAPI

SALITANG UGAT

ikinahihiya

nagaganap

in

hiya

lokohin

magaganap

in

loko

sabihin

magaganap

in

sabi

ipaglalaban

magaganap

pag

laban

sunugin

magaganap

in

sunog

ipagmalaki

magaganap

pag

malaki

itatanong

magaganap

ta

tanong

nagturing

naganap

nag

turing

mabili

magaganap

ma

bili

naisakay

naganap

na

sakay

pinatuloy

naganap

in

tuloy

isinuot

naganap

in

suot

pagdating

magaganap

in

dating

dinamitan

naganap

in

damit

naabot

naganap

na

abot

pinasukan

naganap

in

pasok

nakahalobilo

naganap

na

halobilo

You might also like