You are on page 1of 4

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA MAKABAYAN

UNANG BAITANG
I-LAYUNIN:
Natutukoy ang mga sagisag ng bansa.
Naipagmamalaki ang sagisag na nagpapakilala sa bansa.
Nailalarawan ang mga pambansang sagisag ng bansa.
PAGPAPAHALAGA: pakikinig ng maayos/ pakikiisa sa klase.
II-PAKSANG ARALIN:
Paglalarawan ng mga pambansang sagisag ng bansa.
Pakikinig sa kwento at tula
Pagbabahaginan
SANGGUNIAN:
BEC makabayan 1 pp.18
Pamayanang Pilipino 1 pp. 42-50
Sibika at kultura 1 pp. 78-88
Landas sa wika at pagbasa 1 pp. 127
KAGAMITAN:
Mga Larawan
III-PAMARAAN:
GURO
A.)PAGBATI:
Magandang hapon sa inyo mga bata.
PANALANGIN:
Maari bang tumayo na ang
nakatalagang mamumumo sa ating
panalangin ngayong hapon?

MAG-AARAL
Magandang hapon din po Bb. Mangbisa
Ako po iyon maam.
Lahat po kami nandito maam.

PAGTSEK NG ATTENDANCE:
Mga bata? Kompleto ba kayo ngayon?
Sino ang lumiban sa klase?
Magaling!
PAGTSEK NG TAKDANG-ARALIN:
Ngayon ay kunin niyo na ang inyong mga
takdang aralin at ipasa sa unahan ng
tahimik.
BALIK ARAL:
Ngayon ay ipagpapatuloy natin ang ating
tinalakay noong nakaraang leksyon.
Sino ang nakakaalala ng ating nakaraang
leksyon?

Sumunod ang mga bata.

Maam!
Ang tinalakay natin noong nakaraang
leksyon ay tungkol sa mga pambansang
sagisag ng ating bansa.

Angelique? May sagot ka ba?


Sumagot ang mga bata.
Magaling Angelique!
Lahat ba kayo ay sariwa pa sa isipan ang
tungkol sa ating nakaraang leksyon?

PAGGANYAK:
Ngayon ay upang ipagpatuloy ang
tungkol sa mga pambansang sagisag ng
ating bansa ay aalamin natin kung bakit
nga ba ang mga ito ang napiling maging
pambansang sagisag ng ating bansa at
kung ano ang sinasagisag ng mga ito.
Interesado ba kayo?
PAGGANYAK:
Bago ang lahat ay babasahin muna natin
ang maikling kwento na painamagatang
Si Jose at ang Tsinelas
Gustong gusto no Jose na sumakay sa
lantsa. Minsan, sakay siya ng isang
lantsa na galing sa maynila, pauwi ng
calamba. Naisipan niyang maglaro sa
hulihan ng lantsa. Sa paglalaro ay
nadulas siya. Tumilapon sa tubig ang isa
niyang tsinelas. Hindi nagtagal ay
hinubad din niya ang kapares ng tsinelas
niya. Inihagis niya ito sa malapit sa
kinahulugan ng kapares nito.
bakit mo inihagis iyon? tanong ng isa
pang bata na nakakita sa ginawa niya.
Para magamit ito ng sinuman na
makakakita nito. Sagot ni Rizal.
B.)PAGLALAHAD:
Nagustuhan niyo ba ang kwento mga
bata?
Reza? May sagot ka?
Magaling Reza. Talagang napakabait ni
rizal.
Alam niyo ba kung sino si rizal sa
kwento?
Menny? May sagot ka?
Napakagaling Menny. Ang ating
pambansang bayani ang tinitukoy sa
kwento.
Sa tingin ninyo, tama ba ang ginawa ni
Rizal?
Ray, may sagot ka ba?

Napakagaling mo Ray. Tama ang iyong


sinabi.
John? May sagot ka rin?
Magaling john. Ngayon ay masasabi kong
naiintindihan niyo nga kung bakit si Dr.

Opo maam, simulan na natin.

Maam.
Opo maam. Napaka ganda po ng
kwento. Napakabait po ni rizal.
Maam.
Si rizal po ay siya po ang ating
pambansang bayani na si dr. jose p.
rizal.
Maam.
Sa tingin ko po ay tama ang ginawa ni
Rizal kasi po kung hindi lang man di niya
mapapakinabangan ang isang pares ng
tsinelas niya ay mabuti pang sabay na
lang po niyang ianod upang sa gayon
ay mapakinabangan.
Talaga pong napaka talino ng ating
pambansang bayani. Kaya po pala siya
ang ating pambansang bayani kasi kahit
sa mga simpleng bagayay naipapakita
niya kung gaano siya katalino.

Jose Rizal ang naging pambansang


bayani natin.
Ngayon ay alamin naman natin ang iba
pang sinasagisag ng ating mga
pambansang sagisag.

Ang mga pambansang sagisag


ng ating bansa at ang mga
sinasagisag nito.
a.) Watawat ng pilipinas- may isang
araw at tatlong bituin.
b.) Lupang hinirang- inaawit tuwing
ibinababa at itinataas ang
watawat, may himig na
makabayan.
c.) Jose Rizal- matalino at matapang,
binaril dahil sa pagmamahal sa
bayan.
d.) Nara-sumasagisag ito ng pagiging
matibay at matatag na puno.
e.) Sampaguita- sumasagisag ito ng
pagiging maliit , mabango at kulay
puti na sumasagisag ng kalinisan.
f.) Kalabaw- sumasagisag ito ng
pagiging masipag at matiyagang
hayop.
g.) Carinosa- sumasagisag ito ng
pagiging magiliw ng mga pilipino.
h.) Agila- sumasagisag ito ng ng
tapang ng loob at pagiging malaya
ng mga plipino.
i.) Mangga-sumasagisag ito ng
magandang pakikisama at
ginintuang puso sa pagtulong sa
kapwa.
j.) Bangus- sumasagisag ito ng
pagiging matapat at malinis na
hangarin tulad ng makintab at
maputing kaliskis nito.
k.) Anahaw- gamit ito bilang
pamaypay, sagisag nito ang ating
pagkamalikhain.
l.) Sipa- sagisag nito ang
pagkamalikhain ng mga pilipino at
paggamit ng nakukuha sa
kapaligiran.
m.)
Baro at saya-pambansang
damit ng mga babae at barong
tagalog naman para sa mga
lalake.
n.) Letson- paborito ito ng mga pinoy
at madalas itong ihanda sa tuwing
may mahahalagang okasyon.
o.) Tagalog- pambansang wika.
p.) Bahay kubo- pambansang bahay.
q.) Tagalog- pambansang wika.

r.) Kalesa- pambansang sasakyan.


s.) Bakya- pambansang tsinelas.
C.) PAGLALAHAT:
Tukuyin muli ang mga pambanang sagisag
paano mo makikilala ang mga ito.
D.)PAGLALAPAT:
1.) Ipakita muli ang mga larawan
2.) Bigyan sila ng mga palatandaan upang madaling matukoy ang
bawat sagisag.
IV-PAGTATAYA:
PANUTO: Basahin ng mabuti ang tanong at punan ng tamang sagot
ang patlang.
1.) Si ______________ ay matalino at matapang na tao
Sa bayan inihandog kanyang buhay na lubos
Sa kapwa ay mapagmahal
Pambansang bayani ay itanghal.
2.)_______________sakdal bango pambansang bulaklak ng mga pilipino
At iniaalay sa mahal kong gurot nanay.
3.)dahon malapad, gamit kung tag-araw.
Mainam gamitin natin bilang pamaypay.
_______________
4.)ang _________________ang pambansang kasuotan ng mga babae at
5.)ang __________________ang pambansang kasuotan ng mga lalaki.Ito ay
isinusuot pag may mahahalagang okasyon o pagtitipon.

V-TAKDANG-ARALIN:
PANUTO: gumupit ng larawan ni Jose Rizal. Sumulat ng maikling
sanaysay kung bakit sa palagay niyo ay siya ang napiling pambansang
bayani. Ilagay ito sa inyong malinis na kuwaderno.

Inihanda ni:
Bab
y Rochelle B. Maestre

You might also like