You are on page 1of 3

Kagandahang Asal

Isang umaga, nang akoy namamalengke,


Sa aking paglalakad ay nakakita ng bente.
Nooy naalala ko ang sa akin ay sabi
Ng nanay kong mapagmahal at responsible.
Anak, anumang bagay na hindi iyo ay wag pagkainteresan,
Ibalik sa may-ari pagkat kanya itong kailangan.

Nahuli kong tutubi doon sa hardin,


Ang buntot ay may tali, pinakawalan ko mandin.

Nang akoy maligo doon sa sapa,


Nalunod si Lito, agad akong sa tubig ay bumaba.

Kaawa-awang aso na nangangalkal ng basura,


Pinakain ko na ng buto, ako ay kinagat pa!

Akoy namimingwit sa tabi ng dagat,


Sumibad ang isdang maliit, aking pinakawalan.

Kung gabiy mangingisda, kung umagay mag-aaral,


Talagang mahirap, mahirap talaga! Ang pagsabayin ang dalawa.

Dusa, hirap, lungkot at pangamba,


Naging bangka ko sa aking pangangarap.
Akoy di nagpatalo, ginawa kong sandata,
Ngayon akoy magtatapos na,
lahat ay magliliwanag na.

Salamat
Kay Itay na laging nariyan umulan man o
umaraw,
Sa pamilya kong bagamat minsan ay hindi ako
maintindihan,
sa kaibigan, at guro lalo na kay Mam Malapit,
dahil sa inyo, sa pangarap ko ako nay
malapit-lapit.
Pagsabi ng po at opo, ang sabi ni Ama,
ay dapat sabihit isapuso pag may kausap na matanda.

Sa araw-araw bago kumain,


Diyos Amay pasalamatan natin.

You might also like