You are on page 1of 2

ANG ALAMAT NG MATSING

Noong unang panahon may isang magandang babae na nag ngangalang Manch. Isa
siyang anak ng isang mayamang tao na si Kim Ching. Silay nakatira sa isang magandang bahay
na sagana sa pagkain.Siya ay nag iisang anak at ang kanyang ina ay pumanaw na.Si Manch ay
isang magandang babae na may pangit na kalooban. Siya ay matapobre,madamot at sarili lang
niya ang kanyang iniisip di tulad ng kanyang ama ay bukas na tumulong sa iba.Lahat ng
kalalakihan ay humahanga sa kanya.Isang araw sa paaralan,ay nag pakita siya ng hindi
magandang asal sa kanyang isang kaklase; Hoy panget pakiligpit nga ito at itaponpasigaw na
sinabi.Nakita ito ng mga kaklase niya at na dismaya sila sa kanya.Dumaan pa ang mga araw ay
lalong nagging masama si Manch sa kaniyang isang kaklase binoboli niya ito at pinapahiya sa
harap ng mga estudyante.Nalaman ito ng kanyang ama at dismayado siya sa ginawa ng kanyang
anak.Kaya pinarosahan niya ito na mag lalakad siya kung siyay pupunta sa paaralan at kung
uuwi.Isang araw habang nag lalakad pauwi galing sa paaralan ay may nakasalubong siyang
matanda na hirap mag- lakad.Pero iniwasan niya pa ito at sinabi na ang baho naman
niya,nakakadiri.Nag patuloy siyang mag lakad at may nakasalubong na isang diwata Ikaw
Manch ay isang salbaheng bata kaya paparusahan kitaPero sinigawan pa niya ito Hoy baliw
umalis ka nga sa dinadaan ko storbo ka.at ang diwata ay lalong nagalit.Dahil sa hindi mo
magandang asal ay paparusahan talaga kita,gagawin kitang pinakapangit na nilalang sa
mundo.Si Manch ay nagging maitim,mabalahibo,ang kanyang matatangos na ilong ay nagging
pango at ang kanyang mata ay nagging pula at ang kanyang lingwahe ay hoho haha hoho
haha.Kinuha ito ng diwata at ibinigay sa kanyang ama at sinabi na alagaan ito dahil ito ang
kanyang anak.Ang kanyang ama ay nagulat.Pinangalanan ng kanyang ama si Manch na
matsing.mula noon hangang ngayon ay nakikita pa rin si manch kahit saan at tinatawag siyang
matsing. Kadalasan nakikita siya sa zoo.

ANG ALAMAT
NG MATSING
(ISINULAT NI CHRISNAH JOY FLORES)

IPINASA NI:

CHRISNAH JOY FLORES

IPAPASA KAY:

MRS.ZAPANTA

You might also like