You are on page 1of 1

Si Doa Victorina de Espadaa ay isang kathang-isip na katauhan sa dalawang nobela ni Jose Rizal--

ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Siya ang kabiyak ni Don Tiburcio de Espadaa at tiyahin ni Paulita
Gomez. Ginagampanan niya ang papel bilang isang Pilipinang mapagpanggap bilang Kastila kaya't nagsisikap
siyang lagyan ng kolorete ang mukha at magsalita ng Espanyol kahit mali-mali ito. [1]

Sa Kabanata 42 ng nobela, inilalarawan si Doa Victorina bilang mapagmahal sa dayuhan. Ang pangarap niya
ay makapangasawa ng isang dayuhan. Ilang beses siyang naghanap ng karapat-dapat na lalaki para sa kanya
sa iba't ibang bansa hanggang sa nakilala niya si Don Tiburcio noong siya'y 32 taong gulang. [1]

Sa pangalawang nobela ni Rizal na pinamagatang El filibusterismo, mababasa rin ang katauhan ni Doa
Victorina. Tulad ng pagpapakilala sa kanya sa unang nobela ay walang pinagbago ang donya. Gaya ng dati,
siya ay isang Pilipinang nangangarap maging Europeo. Siya ay mahilig magbitaw ng mga pasaring na
tumutuligsa sa anumang mga bagay na napapansin. Siya ang nagsisilbing tagapangasiwa sa kanyang ulilang
pamangkin na si Paulita Gomez. Hindi niya gusto ang mga trato sa kanya ng mga pilipino kaya siya'y nagdamit
espanyol. Makakapal ang mga kolorete sa kanyang mukha.

Si Doa Victorina ay sumisimbolo sa isang Pilipinong itinakwil ang kanyang sariling pagkakakilanlan ng dahil
sa puring matatanggap kung ang isang indibidwal ay isang europeo

You might also like