You are on page 1of 1

Kabanata XXV

Tawanan at Iyakan

Buod
Idinaos ang piging ng mga estudyante sa Panciteris Macanista de Buen Gusto. Labingapat sila, kasama si Sandoval.
Pinakyaw nilang lahat ang mesa. Ani ng isang paskin: Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan at Pansit sa lupa sa mga
Binatang may Magagandang Kalooban!

Matatlim ang mga salita ng mga estudyante. Naghalakhakan silay pilit at may tunog ng paghihinakit.

Dumating si Isagani. Si Pelaez na lang ang kulang. Ani Tadeo sanay si Basilio na ang inanyayahan nila sa halip ng
impormal na si Juanito. At malala-sing pa raw sana nila si Basilio upang mapagtapat ng mga lihim ukol daw sa nawawalang
bata at sa isang mongha.

Nagkainan. Inihandog nila ang pansit-langlang klay Don Custodio. Ang sopas ay tinaguriang sopas ng panukala;lumpiang
intsik ay inalay kay Padre Irene ; ang tortay inukol sa prayle (torta de Frailes). Tumutol si Isagani. May isa raw prayleng di
dapat isama sa panunumpa. Tumutol din si Tadeo. Kahabag-habag daw na inihambing ang alimasag sa mga prayle; ang
pansit gisado ay inukol sa pamahalaan at sa bayan. Ayon kay Makaraig, ang pansit ay katutubong lutuing Pilipino. May ibig
mag-alay ng pansitkay Quiroga na isa raw sa apat na kapangyarihan sa Pilipinas. Anang isa naman ay sa Eminencia Negra
(Simoun) raw dapat ialay ang pansit.

Pinapagtalumpati si Tadeo. Di ito nakahanda. Nagsimula ito kahit papaano. Sinigawan siya ng mga kasamahan . Gaya daw
ang binigkas ni Tadeo. Naghingian ng pagkain. Nahilingan ng talumpati si Pecson. Inatake ni Pecson ang mga prayle. Mula
raw sa kamusmusan hanggang sa libingan ay prayle ang kasama natin.

May nakakita sa utusan ni Padre Sibyla, ang biserektor sa Unibersidad. Sumakay ito sa karuwahe ni Simoun. Nagtiktik ito
sa mga estudyante. Ani Makaraig: Ang busabos ng bise-rektor na pinglilingkuran ng panginoon ng Heneral!

You might also like