You are on page 1of 4

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

CAGAYAN STATE UNIVERSITY CARIG CAMPUS


TUGUEGARAO CITY, CAGAYAN

KONSEPTONG PAPEL SA PANANALIKSIK SA PAG-INOM NG ALAK NG MGA


KABATAAN

FILIPINO 12

IPINASA NI
ANGELA A. GAUIRAN

IPINASA KAY
GNG. NARCISA LAGGUI

MAY 25, 2017


I. INTRODUKSYON
Ang pag-abuso sa alak ay isang masalimuot na problema, kabilang na rito ang
mapanganib na pag-inom, nakapipinsalang pag-inom, at pagkasugapa. Ang mapanganib na pag-
inom, gaya ng pakahulugan dito ng World Health Organization, ay regular na pag-inom ng alak
na maaaring magdulot ng pinsala, sa katawan, isip, o lipunan. Kasali rito ang pag-inom nang
higit sa limitasyong inirerekomenda ng mga awtoridad sa kalusugan o isinasaad ng batas. Ang
nakapipinsalang pag-inom ay nagsasangkot ng pag-inom na nagdudulot na ng pinsala sa katawan
o isip pero hindi pa humahantong sa pagkasugapa. Ang pagkasugapa ay inilalarawan bilang
kawalan ng kakayahan na magpigil sa pag-inom. Ang isang taong sugapa sa alak ay may
matinding pagkauhaw rito, umiinom pa rin sa kabila ng mga problemang idinudulot nito, at
nakararanas ng di-kaayaayang mga sintomas kapag hindi nakainom.
II. RASYONALE
Ang isa sa mga hilig ng mga kabataan ngayon ay ang pag-inom ng alak. Nagiging bisyo
ito para sa karamihan. Hindi lamang ang mga matatanda ang umiinom ngayon. Maging ang mga
menor de edad at kahit ang mga kababaihan. Iba't iba ang kanilang dahilan kung bakit sila
umiinom ng alak. Dahil sa okasyon at kapag sila ay may problema. At ito ay nagiging bisyo na
nila. Kaya't nagiging pangkaraniwan na para sa mga kabataan ang uminom ng alak. Malalim ang
mga dahilan kung bakit maraming nahihilig na uminom nito. Marami ring nagiging epekto ng
pag-inom nito. At napakaraming naaapektuhan. Isa itong lason na sumisira sa buhay ng
maraming kabataan.
Bagamat ibat iba ang dami ng alak sa kailangan sa ibat ibang tao upang malasing,
maaaring magsilbing gabay ang sumusunod. Ayon sa mga ibat ibang himpilan, ay pinakamarami
ngunit katanggap-tanggap parin na pag-inom ay 1-2 bote ng beer kada araw ngunit hindi
lalampas ng 7 bote ng beer sa isang linggo. Sa hard drinks naman gaya ng gin, vodka, rum, o
brandy na may 40% alcohol, hanggang 4 na shot (25 ml x 4 = 100mL) bawat araw ngunit hindi
lalampas ng 14 na shot sa isang linggo.
Ngunit marahil marami sa atin ang hindi nakakaalam na ang paglalasing at pagiging
manginginom ay maraming masamang epekto na naidudulot sa ating katawan at maging sa ating
buhay. Marahil marami sa atin na ang alam ay nakakalaki lamang ng tiyan ang alak. Ngunit kung
ating pag-aaralan,marami din epekto ang pag-inom ng alak at paglalasing sa ating kalusugan at
pamumuhay.
Ang pananaliksik na ito ay kinakailangan upang maipabatid sa mga mambabasa nito ang
lumalalang kondisyon ng pagkalulong mga kabataan sa beer at alak. Ang mga estudyante ng
kolehiyo ang karaniwang biktima ng mapanirang alak. Sa panahon ngayon ang mga kabataan ay
mas lalong nalulong sa paginom dahil sa madaming dahilan nariyan ang pinakamadalas na
dahilan ang problema sa pamilya, pagiging mapangahas sa pagsubok sa madaming bagay, ang
pageendorso ng mga alak na ito gamit ang media sa diyaryo man o telibisyon.
III. LAYUNIN
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mapagaralan at alamin ang mga sanhi ng pag-inom ng
alak ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga hindi umiinom ng alak upang huwag na nila
subukan ang masamang bisyo na ito.
Tukuyin kung ano ang karaniwang dahilan kung bakit umiinom ng alak ang kabataan.
Alamin kung ano ang aspektong naapektuhan sa buhay ng isang mag-aaral na umiinom
ng alak
Tukuyin ang ibat ibang pamamaraan ng pagkontrol sa mga mangininginom
IV. LAWAK AT DELIMITASYON
Ang paksang ito ay tumatalakay sa dami ng mga kabataan na nalululong sa bisyo lalo na sa alak
o ang paginum ng alak. Ang paksa ay nakatuon sa dami ng umiinum ng alak sa loob ng
paaralang Cagayan State University, sa mga estudyante ng College of Engineering, sa edad na
16-20 taong gulang natututo ang mga kabataan na magkaroon ng bisyo, dahil na rin sa
impluwensiya nga mga taong nakapaligid sa kanila. Isang magandang halimbawa dito ang mga
kaibigan o barkada maaari ka nilang maimpluwensiyahan ngunit nakadepende rin ito sa
kagustohan mo, at maging ang kulang na atensiyon na ibinibigay ng mga magulang ay sapat ng
maging dahilan upang tayo ay malulong saanumang bisyo.Ipapaliwanag namin dito ang mga
maaaring sanhi o dahilan ng mga kabataan upang malulong sa mga bisyo at ang maaaring epekto
nito sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay at lalo na sa kanilang kalusugan, at kung
papaano nila ito maiiwasan
V. METODOLOHIYA
Ang metodolohiyang maaring gamitin sa paggawa ng papel ayon sa paksang ito ay ang
pagkuha ng impormasyon sa mga librong nabasa na tungkol sa pag-inom ng alak. Maari rin
gumamit ng sarbey upang malaman ang opinyon ng mga kabataan na umiinom o hindi umiinom
ng alak. Ang mga datos na makakalap ay maaring gamitin upang malaman ang bilang ng
kabataang umiinom at hindi at ang kanilang mga dahilan kung bakit sila umiinom. Maari rin
magsagawa ng interbyu ng mga piling estudyante.
VI. INAASAHANG BUNGA
Inaasahan na sa pag-aaral na ito, mababawasan ang mga kabataang nalululong sa alak.
Inaasahang mabibigyang linaw ang mga kabataan sa epekto ng alak. Mauunawaan ang maaring
maidudulot nito sa ating katawan at masamang epekto sa buhay ng mga kabataan.
VII. BIBLIOGRAPIYA
Ong, Willie T.Paano ititigil ang pag-inom ng alak?.June 23, 2016.Philippine Star
Ngayon
Filipinodiksyonaryo(2016).Isyu: Mga Problemang Kinahaharap ng Mga Kabataan
Ngayon: Bisyo sa Kabataan mula sa
https://filipinodiksyonaryo.wordpress.com/2016/09/02/isyu-mga-problemang-
kinakaharap-ng-mga-kabataan/
Mga masasamang epekto ng paglalasing o sobrang pag-inom ng alak hinalaw sa
http://kalusugan.ph/

You might also like