You are on page 1of 2

Paksa: Pagtaas ng Bilang ng mga Kabataang Nalululong sa Alak

Rasyunal: Ang paksang ito ay aming napili dahil sa panahon ngayon, karamihan sa mga kabataan ay nalululong sa alak. Sa murang edad pa lamang ay namumulat na ang mga kabataan sa pag-inom ng alak. Sa panahon ngayon, karaniwan na lamang para sa mga kabataan ang madalasang pagkonsumo ng alak. Malalim ang mga dahilan kung bakit marami ang nahihilig dito. Bilang mga kabataan na kumokonsumo rin ng alak, batid namin na di rin sapat ang aming kaalaman ukol dito. Napili naming ang paksang ito upang maging kami ay mamulat sa mga epekto nito, at makatulong din sa pagmulat sa ibang kabataan na nalululong sa alak.

Layunin: Isa sa mga layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman kung ano ang mga kadahilanan sa hindi mapigil na pagtaas ng bilang ng mga kabataang naluluong sa alak. Sakop na din nito ang mga maaaring maging epekto nito, maging ang mga posibleng solusyon upang mapigilan ang walang humpay na pagtaas ng bilang ng mga kabataang nalululong dito. Layunin na alamin ang estado ng alkoholismo pagdating sa mga kabataan dito sa ating bansa. Higit sa lahat, layunin din ng pananaliksik na ito ang pagmulat sa kaisipan ng mga kabataan tungkol sa kinahuhumalingan ng karamihan sa mga kabataang Pilipino; ang pag-inom ng alak.

Metodolohiya: Ang pangangalap ng datos para sa pagsasaliksik na ito ay sa pamamagitan ng pagsasawagawa ng interbyu sa iba pang mga kabataan. Isa pa sa mga pamamaraan na gagamitin ay ang paggamit ng internet.

Inaasahang Ibubunga: Inaasahan na sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maipabatid sa mambabasa ang lumalalang kundisyon ng pagkalulong ng mga kabataan sa alak. Inaasahan din na ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang malaman ng mga kabataan ang maaaring maging epekto ng pagkalulong ng alak sa kanila pangangatawan, maging sa kanilang kinabukasan. Sa pananaliksik na ito ay makakabuo ng 6-7 pahina.

Ang, Madeleine Bartolome, Marie Bernadette Bustamante, Jessica Ramos, Jaerick Diana Sanchez, Trixie Santos, Arantxa Stefi Tuliao, Maria Athena

You might also like