You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan II

I. Layunin:

Natutukoy ang mga serbisyong ibinibigay ng sentrong pangkalusugan.

II. Paksang Aralin

Paksa: Mga serbisyong ibinibigay ng sentrong pangkalusugan

Kagamitan: Modyul 7, Aralin 7.1, pop-up ng mga bumubuo sa komunidad,


kartolina, oil pastel, watercolor, speakers, maliit na puno, scotch tape,
gunting, marker

Sanggunian: Yunit IV, Aralin 7.1

Kagamitan ng Mag- aaral, pp. 289 - 294

Patnubay ng guro, pp. 63 - 65

Pagpapahalaga: Pagkilala sa Tungkulin ng Bawat Isa

III.Pamamaraan
1. Panalangin
2. Balik-Aral

Itanong: Ano ang huling napag-aralan natin sa Araling


Panlipunan?

Ipakita ang pop-up mga larawan ng pamilya, paaralan,


pamahalaang barangay at pamilihan. Pag-usapan ang
serbisyong ibinibigay ng bawat isa sa komunidad at kung sino
sino ang mga nagbibigay nito.

3. Pagganyak

Ang buong klase ay sasayaw ng Chicken Dance na


pangunguhan ng guro.

Itanong:

Bakit mahalaga ang pagsasayaw bilang ehersisyo sa


katawan?
Kapag tayo ay nagkasakit, ano ano ang mga ginagawa
upang tayo ay gumaling?
Saan tayo pumupunta kapag tayo ay may sakit?

Tanggapin ang lahat ng sagot ng mga mag-aaral at iugnay


ang mga ito sa aralin.
4. Paglalahad

HIMSOG KITA

(Tono: Paruparong Bukid)

Nindot ang pagbati Libre ang bakuna (Uy!)

Ug ang pagkabutang Tambal ug bitamina (Uy!)

Daghang mga tawo Bata ginatimbang

Hapsay ang kahimtang Sa mga kabalayan

Sentro sa Kahimsog Nagtudlo usab sila

Kanunay mutabang Maayong disiplina

Aron sakit mapugngan Sa tamang pagpanglimpyo

Sa bata ug tigulang Aron himsog kita.

Gumawa ng apat na grupo na may ibat-ibang gawain gamit ang Himsog


Kitaat tukuyin sa kanta ang mga serbisyong ibinibigay ng sentrong
pangkalusugan:

Pangalawang
Unang Pangkat
Pangkat
Balita
Poster

Pangatlong
Pang-apat na
Pangkat
Pangkat
Short Drama /
Rap
Dialogue

Itanong: Ano ano ang mga serbisyo ng sentro ng pangkalusugan na


naibanggit sa Himsog Kita?
5. Pagtatalakay
Punan ang graphic organizer sa mga serbisyong binibigay ng
sentrong pangkalusugan.

Serbisyo ng
Sentro ng
Pangkalusug
an

Itanong: Bakit mahalaga ba ang pagkakaroon ng Sentro ng


Pangkalusugan sa komunidad?

6. Pagsasanay

FINGER PRINT

Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Gamit ang mga daliri at


watercolor, kulayan ang mga larawang nagpapakita ng serbisyo ng
sentrong pagkalusugan.

Itanong: Ano ang masasabi ninyo sa mga larawang hindi ninyo kinulayan?
Bakit? Ano naman ang masasabi ninyo sa mga larawang inyong
kinulayan? Bakit?
7. Paglalahat

Itanong:

Ano-ano ang mga serbisyong binibigay ng sentrong


pangkalusugan?
Bakit mahalaga ang mga serbisyong binibigay ng sentrong
pangkalusugan?

8. Paglalapat
PUNO NG KALUSUGAN

Gumawa ng kasabihan o mga payo sa pag-aalaga sa sarili,


pamilya o kapaligiran na makakatulong sa Sentro ng
Pangkalusugan sa inyong komunidad. Isulat ito sa mga hugis
prutas na papel na ibinigay ng guro. Idikit sa puno ng kalusugan sa
mesa ng guro bawat row.

IV. Pagtataya

Tukuyin at lagyan ng guhit ng masayang mukha ang mga serbisyong


ibinibigay ng sentrong pangkalusugan at malungkot na mukha naman
kung hindi ito ang serbisyong binibigay ng sentrong pangkalusugan.

V. Kasunduan

CLAY AND TELL EXHIBIT

Sa parehong apat na pangkat, gumawa ng clay exhibit na


nagpapakita ng isang serbisyong binibigay ng Sentro ng Pangkalusugan.
Ibahagi sa klase ang inyong karanasan at nalalaman tungkol sa
proyektong ginawa.

Inihanda ni:

Anova Raiset Daffodil G. Herman


Guro sa Araling Panlipunan II

You might also like