You are on page 1of 5

Kasanayan: /14

Pag-unawa: /16

FILIPINO 9&10 / 30
Pagsusulit 3, Ikalawang Markahan
T. A. 2016-2017

Pangalan:___________________________________ Petsa: ______________

I. KASANAYAN: (14 puntos)


Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Sagutin nang buong
husay ang mga sumusunod na tanong.

1-2. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit? Anong paraan ang iyong
ginamit upang malaman ang ibig sabihin nito? (2 puntos)

Kundi man ako lumigaya ay walang kabuluhang idamay ko pa sa aking ina


kayat nanatili ako sa tungkulin at pinag-ibayo ang pagsisikap.

3-4. Patunayan na nalabag ang ilang karapatang-pambabae ni Sisa sa kabanatang


Ang Kwento ng Isang Ina batay sa artikulo sa ibaba. (2 puntos)

Sa ilalim ng RA 9710 ay kinikilala at pinangangalagaan ang karapatan ng


kababaihan sa bahay, trabaho, at sa lahat ng aspekto ng lipunan upang mahubog
ang kabuuan ng kanilang pagkatao, ang paglalagay ng violence against
womens desk sa bawat barangay, at ang pagbabawal sa hindi magandang
pagpapakilala ng papel ng kababaihan sa mga pelikula at media.
Sanggunian: Pluma 9 ni Ailene Baisa

5-6. Ano ang iyong mahihinuha mula sa pahayag na nasa ibaba? Ipaliwanag
ang iyong sagot. (2 puntos)

TEACHER LYNETTE | FILIPINO 9&10 1


Maaaninag sa suot na damit ng piloto ang kaniyang bisig na siksik sa laman at
kung igaod niya ang sagwan ay parang patpat lamang na lumalaro sa tubig.

7-8. Tukuyin ang tamang kahulugan ng mga simbolo at pahiwatig na ginamit sa


pahayag na nasa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot at ipaliwanag kung
bakit ito ang iyong napili. (2 puntos)

Limutin mo ako. Limutin mo ang pag-ibig na hibang at walang halaga.


Marahil, doon ay makatatagpo ka ng karapat-dapat sa iyo.

A. Para kay Elias, walang mangyayari sa pag-iibigan nila ni Salome dahil hindi
niya talaga mahal ang binibini.
B. Pinayagan niya ang dalagang limutin siya upang mawaglit na sa kaniyang
alaala ang lahat ng mapapait nilang karanasan.
C. Isang kahibangan lamang na ibigin siya ni Salome dahil hindi siya ang
lalaking
nababagay para sa kaniya at iminungkahing humanap na lang ng iba.
D. Labis na nasaktan si Elias sa nangyayari sa kanilang relasyon kayat para
sa kaniya, hindi na maganda ang takbo ng kanilang pagsasama at
nararapat ng maghiwalay.

9-11. Paghambingin ang dalawang dalaga sa akdang Luha ng Buwaya sa


pamamagitan ng Venn Diagram. (3 puntos)

TEACHER LYNETTE | FILIPINO 9&10 2


Pina Ninet

12-14. Basahin ang pahayag ni Ba Inte sa ibaba. Ano ang nais niyang ipahiwatig
dito?
(3 puntos)

Isang hapoy naglakad siya sa tabing-ilog, ngunit di na umuwi at nawalat


sukat. Ang balitang kumalat sa bayay nilamon siya ng buwaya.
Buwaya sa kapwa buwaya.

II. PAG-UNAWA (16 puntos)


Basahin at sagutan nang lubos ang mga sumusunod na katanungan.

15-17. Paano nagkakaiba ang pagtuturo na inilahad ng guro sa Noli Me Tangere sa

TEACHER LYNETTE | FILIPINO 9&10 3


pagtuturo ng mga guro sa kasalukuyang panahon? Para sa iyo, alin ang
mas
epektibong paraan? Suportahan ang iyong sagot. (3 puntos)

18-20. Sa iyong palagay, makatwiran ba ang mga iniisip ni Maria Clara laban kay
Padre Salvi, sa kabanatang Dilim at Liwanag? Bakit mo ito nasabi?
Patunayan. (3 puntos)

21-23. Ngayong batid mo na ang ilang katangian ng piloto sa kabanatang


Pangingisda, sa kaninong tao sa lipunan mo siya maihahalintulad? Bakit?
(3 puntos)

24-26. Masasabi mo bang ang naging kalagayan ng mga taga-San Diego ay


nakikita
pa rin sa buhay ng mga Pilipino sa kasalukuyan partikular na ang kawalan
ng
kakayahang maisatinig ang kanilang mga hinaing at pakiusap sa
pamahalaan? Bakit oo o bakit hindi? (3 puntos)
TEACHER LYNETTE | FILIPINO 9&10 4
27-30. Magbigay ng tatlong (3) kaugaliang Pilipinong makikita sa kabanata 1-13
ng
Luha ng Buwaya na siya ring makikita sa panahon ngayon. Ipaliwanag ito
sa
pamamagitan ng talahanayan sa ibaba. (3 puntos)

Mga Kaugaliang Pilipino

Luha ng Buwaya Kasalukuyan


(Kabanata 1-13)

TEACHER LYNETTE | FILIPINO 9&10 5

You might also like