Ang Minicorner ay tila isang ding-ding ng kaalaman para sa akin. Sa aming
ginawang EMini-corner ng aking kaklase, napagtanto ko na tunay nga itong makatutulong hindi lamang sa aming G12 na mga mag-aaralkundi pati na rin sa iba pang mga baitang sa paaralan. Bilang isang isang estudyante gaya ko, ako ay hindi pa tiyak sa aking kukuning kurso ngunit dahil sa E-Mini-corner tungkol sa abot-tanaw ng ibat ibang kurso ay mapag-iisip-isip at malalaman ko ang mga katangian ng bawat kurso. Para sa akin, ang kakayahan ko at ng aking kapares na makagawa ng Mini-corner tungkol sa ibat ibang katangian ng isang kurso ay isang malaking bagay dahil isa itong paraan ng pagtulong sa mga estudyanteng hindi tiyak ang kukuning kurso at walang sapat na kaalaman sa iba pang mga kurso gaya ko.
Lubos akong nagagalak na ang aktibidad na ito ay nagawa naming nang
mahusay upang magbigay kaalaman sa iba pang mga mag-aaral.