You are on page 1of 3

BULAG

ni: Leo L. Fiel


Syang bulag syang nakakakitaSyang nakakakitasyang bulagIyan ang ilang
katangiang napaloob sa bayan ng San Cristobal.
Mataas na ang araw nang nagising si Neboy, dahil puyat siya kagabi sa pagbabantay ng
kanyang alagang baboy dahil nanganak ito. Si Neboy ang nag-iisang anak nina Aling Dina at
Mang Manoto. Ang kanyang mga magulang ay palaging nasa bukid upang magsaka sa kanilang
mumunting lupain, kung kayat, si Neboy na lamang ang palaging na-iiwan ng kanilang bahay.
Isang mabait, masipag, at mapagmahal sa magulang, yan si Neboy. Ngunit, may isang
katangiang hindi pinagkaloob sa kanya ng tadhana, ito ay ang katangiang makakita. Simula nang
siyay isinilang ay hindi na nya nasilayan kung gaano kaganda ng mundong kanyang
ginagalawan.
Alas otso ng umaga nang narinig ni Neboy ang sigaw ng kanyang alagang baboy na
pinangalanan nyang babay. Gutom na gutom na ito dahil hindi pa ito nabigyan ng pagkain.
Ooooink!, Ooooink!, sigaw ni babay dahil sa gutom.
Agad naalala ni Neboy na ubos na pala ang pagkain ni babay.
Bumangon na sya sa kanyang kama at isinuot ang kanyang sombrerot salamin dahil
pupunta sya nang palengke upang bibili ng pagkain ni babay. Bago sya tumungo sa palengke,
pinuntahan nya muna si babay upang tiyakin kung may naiipit bang mga biik.
Babay, wag ka munang masyadong malikot dyan at bibili muna ako ng iyong
makakain.
Patuloy parin ang pagsisigaw ni babay dahil sa gutom. Tumungo si Neboy sa palengke
upang bibili ng pagkain, bitbit nya ang kanyang patpat na nagsisilbing gabay nya sa kanyang
daraanan. Nang napadaan si Neboy sa isang malapalasyong bahay na may matatayog na mga
pader na pagmamay-ari ni Donya Haba, biglang may narinig sya na parang isang banggaan ng
dalawang sasakyan.
Maya-mayay may sumigaw na lalaki.
Tulong!, Tulong!.
Agad itong pinuntahan ni Neboy nang narinig nya ang isang pamilyar na tinig.
Rey! Ikaw ba yan? Tanong ni Neboy na may halong pag-alala.
Ang lalaking sumigaw pala ay ang kanyang matalik na kaibigan na si Rey. Isang
sorbetero na palaging nilalait ng karamihan dahil sa mukha nitong hugis bilog at ang paglalakad
nitong parang isang pato. Natilapon sya at ang kanyang tindang sorbetes dahil binangga ng
isang magarang kotse na minamaniho ni Donya Haba.
Galit na galit si Donya Haba dahil sa pangyayari, kahit na sya ang may kasalanan, sya
pa ang may ganang magalit.
Duguan si Rey habang nakatihaya sa tabi ng kanyang sorbetes, hilung-hilo na sya dahil
sa dami ng dugo na lumabas sa kanyang noo, halos naligo na sya nito. Wala paring tigil ang
pagtatatalak ni Donya Haba. Hindi na ito pinansin ni Neboy dahil ang inaalala nya ay ang
kanyang kaibigan.
Halos wala ng malay si Rey, naramdaman na lamang nya na may umalalay sa kanya at
ang huling narinig nya ay ang mabilis na pagharorot ng isang sasakyan papalayo.
Nang siyay nagkamalay, bumungad sa kanyang mga mata ang nakasisilaw na liwanag na
nasa ibabaw ng kanyang hinihigaang malambot na kama. Sa may gawing kaliwa naman ay
nandoon si Neboy na nakasalamin at bitbit ang kanyang mumunting patpat.
Laking pasasalamat ni Rey kay Neboy dahil sa tulong na ibinigay nito sa kanya.
Maya-mayay biglang naalala ni Neboy ang kanyang alagang si babay. Hindi pa nya
pala ito nabigyan ng pagkain. Nagpaalam na sya kay Rey at pumunta sa palengke upang bumili
ng pagkain ni babay.
Nang siyay papauwi na sa kanilang bahay, muli syang dumaan sa isang malapalasyong
bahay ni Donya Haba. Muli na naman nyang narinig ang pagtatatalak ni Donya Haba dahil sa
isang pulubi na nanlilimos sa tapat ng kanilang geyt.
Senyora, pahingi po ng pagkain, kahit kunti lang po. Pagmamakaawa ng isang pulubi.
Patuloy parin ang bulyaw nang Donya. Inutusan nya ang kanyang mga guwardya upang
palayasin ang pulubi dahil nandidiri sya nito.
Dahil sa awa, nilapitan ni Neboy ang pulubi at binigyan nya ng sampung peso, ito na
lamang ang natira sa kanyang pera dahil binili nya ito ng pagkain ni babay, kahit kunti lamang
ang kanyang ibinigay sa pulubi ngunit napakalaking tulong na iyon para sa kumakalam na
sikmura ng pulubi.
Malapit nang magtanghali nang nakauwi si Neboy, sa isang balon na nasa tapat ng
kanilang bahay, naroon ang kanyang ina na naglilinis ng paa dahil puno ito ng putik.
Oh, anak saan ka ba nanggaling? Tanong ni Aling Dina na may halong pag-alala.
Pumunta lang po ako sa palengke inay upang bumili ng pagkain ni babay.
Pumunta si Neboy sa kanyang alagang si babay upang bigyan na ito ng pagkain. Biglang
may dumako sa isipan ni Neboy dahil sa mga pangyayari.
Bakit kaya may mga taong kagaya ni Donya Haba? Syang nasa karangyaan syang
nasa mataas syang dilat ang matangunit bulag sa pangangailangan ng iba.
oo ngat kay liwanag ng buhay kapag ikaw ay nasa karangyaan, ngunit pag itoy
lumamon sa iyong kabuuan, posibleng itoy magdudulot ng iyong pagkabulag.
Sanay dumating na ang ulanang maitim na ulap na lalamon sa liwanagang patak
ng ulan na magpapabukas ng kamalayan ng ninuman
Pagmumuni ni Neboy sa sarili

BSED III - BONIFACIO

You might also like