You are on page 1of 4

Ang tema ng sanaysay ay patungkol sa kung sang-ayon o di-sang-ayon kaba sa K-12?

Ako ay di-sang ayon sa K-12 na ipinatupad o ipapatupad pa lamang .

Gaya mga mg sinabi ko , na ako ay di-sang-ayon , dahol una


kakulangan ng pera para makapag-aral, kung dadagdagan pa ng k-12
paano pa makakatapos ng pag-aaral ang mga mag-aaral kung sobra
sobra na ang pagdadagdag ng taon imbis namakakatapos kana mag-e
extend kapa ng ilang taon bago ka makapagtapos. At lalo na ngayong
taghirap ang mga tao marami ng ginagampanang responsibilidad sa
kanilang mga pamilya , paano pa nila mababadget yung kinikita nila
eh samantalang mababa din ang kanilang kinikita o sinasahod? kaya
ang karamihan na lamang ngayon sa mga mag-aaral ay hindi na nag-
aaral , nagtatrabaho nalamang silakahit na alam nilang hindi pa sila
pwedeng magtrabaho dahil nga sa una menor de-edad sila , pangalawa
kailangan ay may katibayan kang nakapagtapos ka ng kolehiyo. Ang
ginagawa na lamang nila ay ang pinapasukan nilang trabaho ay yung
patago at pwede silang makapasok . ang tawag dito ay kolorum , ang
ibig sabihin ng kolorum ay illegal na trabaho. Pero hindi naman din
nila siguradog magtatagal sila sa trabaho nilang iyon. Mas lalo lang
lalala yung kanilang mga problema.Oo sabihin na nating kapag
naidagdag ang K-12 marami tayong matututunan , pero sa hirap ng
buhay may magtitiyaga paba? Sabihin na nting yung may mga kaya o
mayaman kakayanin nila yung mga tuition, eh paano naman yung mga
mahihirap ? kaya kapag naidagdag ang K-12 siguradong malaking
problema o suliranin ang haharapin ng gobyerno lalo na ang ating
pangulo. Imbis na uunlad an gating bansa ay lalong babagsak dahil sa
mga bagay na ikinahihirap ng bawat-isa.
Naging kapansin pansin sa dalagita ang ilang bagay sa
kaniyang ina nang hindi ito makatulog, palaging malungkot
kung tumitig , malalim ang paghinga at paminsan minsan
ay may impit na hikbi. Ang kanyang ina ay hindi palakibo at
matipid kung makipag-usap. Bihira lamang siyang magalit.
Parang patak ng ulan kung tag-araw ang kaniyang mga
ngiti. Ang batang puso ng anak ay maitutupad sa lupang
tigang na uhaw na uhaw. Palagi niyang namamalas ang
pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya , ang
pagbabasa nito, pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok
ng sigarilyo, ang pag-iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.
Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na
talaarawan ang kanilang labandera sa kanyang ina at
kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga
mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at
tahimik. Isang gabiy umuwing lasing ang kanyang ama at
dumaing na masakit ang dibdib at ulo. Naratay ng ilang
araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina.
Hindi ipinag tapat sa anak ang tunay na karamdaman ng
ama. Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang
pelus ng ipaayos sa kanaya ng ama ang hapag nito. Ang
larawan sa kahita ay hindi ang kanyang ina. walang lagda
ang larawan at ang tanging nakasaad ay sapagkat akoy
nakalimot. May nakita rin ang anak na isang salansan ng
liham. Nakasulat sa mga sobre ang pangalan ng kanyang
ama at tanggapan nito. Hiningi ng ama ang mga sulat
ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang ama na nasa
kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa
ama ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig tuwina.
Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng
malay samantalang ang ina ay patuloy sa pagbabantay,
walang imik,hindi kumakain,hindi umiidlip at patuloy na
lumuluha kung walang makakita sa kanya. Nagsalita ang
may sakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang
mahal ay maaari nang magtungo na nag moong na
kinabibilangguan niya ay kanyang wawasakin sa anumang
paraan. Napaluha ang ina at at pumatak ito sa bibig ng
asawa. Nagmulat ng mga mata ang may sakit at
nagkatitigan sila ng ina. Hawak ng ina ang kamay ng ama
nang muli itong nagsalita ang sabi ay sabihin mo, mahal ko
na maangkin ko na ang kaligayahan ko. Mariing kinagat ng
ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang
mahal. Hinagkan ng ina ang asawa at kasabay noon ay
lumisan ang kaniyang kaluluwa. Wala ng mga luhang
dumaloy sa nga mata ng ina. Tiyak na liligaya ang kaluluwa
ng lumisan.

You might also like