You are on page 1of 7

Buod ng Buhay ni Segismundo

Sa Albania naninirahan ang mag asawang Haring Eleno at Reyna Arminda. Sila ay may
magandang asal na taglay ngunit si haring eleno ay nabihag ng isang Reynang marilag. Siya ay
nangako sa Reyna marilag na ang magiginng anak nila ay gagawin niyang heredero. Sabay na
nabuntis ang dalawang reyna at sabay ding nanganak. Ito ay kapwa lalaki kung kaya nag isip ang
hari sa kanyang gagawin. Ipinalit niya ang anak ni reyna arminda sa reynang marilag na pinangalan
niyang Segismundo at si Peleno naman na anak niya sa reyna arminda. Mas minahal ng lubos ng
hari si Peleno kaysa kay Segismundo. Sa paglipas ng panahon sila ay nagkaanak na babae at
pinangalanang Cloriana dahil sa ganda nitong taglay.
Ang magkapatid na segismundo at peleno ay umibig sa iisang babae. Isang dukesang anak
ni Duke Estorpo ngunit ang iniibig ng Dukesang Policena ay si Segismundo. Inialay ni Peleno ang
kanyang pag ibig sa dukesa ngunit ito ay tinangghihan niya. Sa galit na siya ay tinanggihan, siya
ay nagtungo sa kanyang amang hari at nag kwento sa nangyari. Sa kadahilanang mahal siya ng
kanyang ama , sinabi niya ng hari na siya na ang bahala at kakausapin niya ang duke estorpo. Agad
ding pinatawag at pumunta ang duke, sinabi ng hari na nais niyang ipakasal ang kanyang anak na
si peleno sa kanyang anak na si policena. Ang duke ay pumayag sa gusting mangyari ng hari, hindi
niyang kayang suwayin ang hari dahil sila ay nasasakop nito. Noong araw ding iyon sinabi niya sa
anak ang napag usapan nila ng hari at ito ay pumayag na. Nasaktan si policena sa kadahilanang
pumayag na ang ang kanyang ama sa gusto ng hari. Hindi niya iyon magagawa kasi si segismundo
ang tunay niyang mahal at hindi si peleno. Nagalit ang duke sa sinagot sakanyang ng kanyang
anak, ito ay sinabihan niya na pag isipan niya itong mabuti dahil may araw pa pinagkakaloob
sakanya. Nakita siya ni segismundo na umiiyak kaya tinanong niya ito kung ano ang nangyari,
sinabi ni policena lahat sa kay segismundo kung kaya siya ay nagpaalam sa dukesa upang
makausap ang kanyang ina. Pumanhik ang kanyang reynang ina sa hari at sinabi ang saloobin ng
anak na si segismundo.
Nais malaman ni segismundo ang pinag uusapan ng hari at reyna kung kaya siya ay
sumunod sa ina. Ngunit habang siya ay umakyat sa palasyo nakita niya ang embajador na taksil at
sinabihan na huwag siyang pumasok at antayin ang utos ng hari. Ito ay sinagot ng taksil na huwag
siyang pigilan at siya ay hindi takot. Dumating din si peleno at nais niyang siya ang humarap sa
taksil. Hinayaan nilang magsalita ang embajador, moroy kung tawagin. Siya ay pinadala ng
kanilang Monarca na Gran Sultan at pinapasabi na ang panahon ay lumipas na at hindi padin
tinutupad ang pagbayad sa kanilang mga kampon na naghirap. Pilak at mga kakanin na kanilang
ginugol pati na nag hirap sa paglakad at baybayin ay kanilang babayaran. Kung hindi ito tutuparin
ng hari sila ay malulubog sa hirap. Siya ay pinaalis ni segismundo at sinabing ang kanyang espada
ang ibabayad. Umalis nga ang moro at kay Abderamin ang nangyari kung kaya sila ay lumusob sa
Albania. Pinag handa naman ni segismundo ang kanilang mga kawal. Kasama niya sina Eduardo
at ang Conde Algastro. Hindi nila hinayaan na sila ay maisahan ng mga moro kaya sila ay nag
plano ng mabuti. Nagtagumpay sina segismundo, marami ang namatay kabilang na dito si
abderamin. Lima lamang ang natira sa mga moro sila ay sina; Abdelices, Abdel, Brabonel, Panagot
at Majomate. Inutos ni segismundo na dalhin ang mga sugatan sa hari at nag mga patay ay ilibing.
Nang sila ay bumalik sumalubong sakanila ang hari kasama ang reyna, prinsesa at ang prinsipeng
peleno. Labis ang kagalakan ng Haring eleno sa ginawa ng kanyang anak na si segismundo.
Nagka anak sina segismundo at policena ng babae. Bumaba ng bahay si policena ng may
takip sa mukha bibit ang kanyang anak. Nakita niya sa daan si Peleno at Eduardo, binigay niya sa
mga ito ang kanyang anak at sinabing huwag siyang sundan. Inutusan ni peleno si Eduardo na
pabinyagan ang bata at pinangalanan itong Lavena saka ibinigay sa kanyang pastor na si Camilo.
Sa kabilang dako naman, si Bayoceto ang emperador na taksil ay hindi makapali at wala pang
balita sa sinapit ng kanyang mga kawal. Biglang dumating ang limang nakaligtas dala ang balita
patungkol sa nangyari sa kanilang mga kasama pati na si Abderamin. Ito ay nagalit dahil ang mga
ito ay may mukha pang naharap sakanya. Sa inis at galit inutusan niya ang mga ito na maghanap
ng mga soldado na bihasa at matatapang. Lumipas ang araw inutusan niya si Adonais na magtungo
sa Albania at lingapin ang kanilang mga kampon. Umalis din ng araw na yaon si Adonais.
Si peleno naman ay nagtungo sa torre ng dukesang policena, ng masilip niya na ang mukha
ng dukesa ito ay nagalit na lang bigla. Dali dali niyang inutusan si Eduardo na kunin ang bata na
iniwan kay Camilo at ito ay papatayin niya. Sumunod si Eduardo s autos, ngunit hindi niya kaya
na patayin lamang ang bata ng walang dahilan at walang kamalay malay, siya ay nag isip ng maaari
niyang gawin. Habang naglalakad ay nakakita siya ng magulang na ililibing ang anak. Ito ay
kinausap na kung maaari siya na lamang ang maglibing ditto kaplit ng pilak, pumayag naman ang
mga ito. Nagtaka si peleno kung bakit patay na ang dala ni Eduardo at ang sagot niya ay ayaw nito
na sa mismong mga kamay niya mamatay ang bata. Inutusan siya ni peleno na ito ay dalhin kay
segismundo at sabihin na nais niya itong makausap. Nang dinala nga ito ni Eduardo kay
segismundo, laking gulat niya na patay na bata ang hinhandog na regalo sakanya ni Eduardo.
Sinabi sakanya ni Eduardo na nais siyang makausap ng kapatid at para na din malaman nya kung
kanino ang bata na iyon. Nang sila ya magkaharap na sinabi ni peleno na iyon ay anak nila ni
policena sayang at huli na ng ito ay pumunta sakanya dahil ito ay patay na. Naglaban ang dalawa
dahil sa nagawa ng kapatid niya sakanya at pati nadin sa pandadamay nito sa ina niya. Humiyaw
si peleno kung kaya siya ay dinaluhan ng hari at inutusan ang mga kawal na gapusin si segismundo.
Dumating naman ang ina ito ay inutusan na huwag gapusan ang anak at siya na ang bahala rito.
Inutusan niya na ito ay magpakalayo layo muna dahil sa galit ng kanyang ama sakanya. Kasama
ang kanyang katoto na si Escano, sila ay napadpad sa marikit na kweba. Sila ay hindi nawawalan
ng pagkain dahil araw araw ay dinadalhan sila ng mga hayop. Hindi maalis sa isip ni segismundo
an gang kanyang mahal na policena kaya siya ay nag pasya na ito ay padalhan ng sulat. Ito ay
binigay niya kay escano at sinabing, sabihan ang dukesa nag sila ay magkikita din sa tamang
panahon. Umalis nga si escano at agad na inabot sa dukesang policena ang nasabing sulat. Iyon ay
tinugunan agad ng dukesa. Bago tumuloy si escano, sinabihan niya ito na inaalala ni policena ang
kahirapan na kanyang nasasapit. Nasaktuhan ni peleno si escano na galing sa dukesa, ito ay
magaling kaya siya ay naglakad lakad. Sinabi ni escano ang nagging sadya nito kay policena. Nais
mabasa ni peleno ang sulat na para kay segismundo ngunit iyon ay hindi maaari. Nakaisip ng
paraan si peleno, kung kaya pinaalis niya na ang katoo. Ng ito ay tumalikod na, tinaga siya ni
peleno at kinuha agad ang sulat. Ang sulat na iyon ay galing sa dukesa kaya iyon ay pinalitan niya
ng laman at binalik sa kamay ni escano. Walang nakakita sakanyang ginawa kayan siya din ang
nagbalita sa nangyari, agad na nag utos ang hari na dalhin sa palasyo si escano. Kinuha at binasa
agad nila ang sulat na hawak ng katoto ni segismundo. Ang laman ng sulat ay humingi ng tulong
si segismundo sa emperador ng turquia at maghanda ng gyera upang mapa sakanya ang Centrot
Corona. Nakasaad pa dito na unahing patayin si peleno dahil ito ang dahilan ng kanynag paghihirap
ngayon. Inutos ng hari na dakipin si dukesang policena at itapon sa dagat. Maging ang kanyang
amang duke ay walang magawa dahil tingin niya ito ay nararapat na parusa sa anak na gumawa ng
liham. Kahit na inalay uli ni peleno kay policena ang pag ibig niya para hindi na matuloy ang
parusa na sakanya ay pinataw ng hari. Hindi padin ito tinaggap ni policena dahil si segismundo
lang kanyang mahal. Sumama ang dukesa sa mga soldado at siya sinakay sa barca kasama ng
katawan ni escano. Nagbunyi ang galit sa puso ni peleno dahil sa tingin niya ay walang halaga ang
kanyang pag ibig. Naisip niya na patayin ang kanyang ama para mapasakanya na ang Centrot
Corona.
Lumipas ang mga araw, si Lavena ay nasa ika-labin pitong taong gulang na siya. Nais na
kanyang ama na si Camilo na siya ay mag asawa na ngunit hindi pa maintindihan ni lavena ang
mga ganung bagay. Lumakad nga si Lavena dala ang pana niya na magiging panangga niya sa
panangib. Siya ay nakarating sa kabilang bundok kung saan nakita niya ang kweba na tinitirhan ni
segismundo. Nakita niya ito at akmang papanain niya ito, si segismundo ay nagsabi huwag niyang
ituloy ang pagpana. Sinunod naman ito ni lavena, siya ay nilapitan ni segismundo at tinuring na
parang kanyang anak. Nagkwento si segismundo kay lavena sa mga kanyang napagdaanan.
Hanggang sa nagpasya siya na sila ay magpahinga na. Biglang may tumama sa kweba na
tinutuluyan nina segismundo ito ay kaniyang sinilip at napag alaman na ito ay barca kung saan
naroon ang kanyang mahal na dukesang policena ito ay kanyang nilapitan at niyakap. Silang tatlo
ay nanirahan doon ng mapayapa.
Payapa na naglalakad si Adonais tungo sa Albania siya ay may nakasalubong na guerrerang
sugatan ito ay dinala niya sa palasyo ng real at ginamot. Ang nadaanan naman ni Tang-Credo ay
si Federico at ito ay kanyang dinala sa palasyo ng haring eleno at ginamot. Ang nakita ni Adonais
ay si belesario. Sinabi niya dito na siya nakipag laban dahil sa larawan ng prinsesang Cloriana,
kanya itong pinakita kay adonais. Sa larawan pa lang ay nabihag na ni Cloriana si Adonais. Dahil
dito siya ay nagtungo sa reino, at siya ay pinalad nakita niya sa hardin ang prinsesa na namimitas
ng bulaklak. Hinawakan niya ang kamay ni cloriana dahilan ng pagkawala ng gana ni cloriana na
bumalik sa pamimitas ng bulaklak. Nais ni cloriana na ito ay magpakilala kung kaya nagpakilala
nga itong adonais. Pelodelpio siya ay kung tawagin at siya ay galing sa Masedonia. Siya ay nag
hayag ng nararamdaman dito sa prinsesa. Hindi niya matanggap ito ang kanyang ama ang
mahaharap ni adonais. Bumalik si adonais sa real at inutusan si belesarion na magtungo sa haring
eleno at sabihin na sila ay naniningil sa mga buhay ng tao na napaslang dahil sa digmaang may
daya. Ang sagot ng hari ay espada nito ang ibabayad. Kung kaya ang dalawang kampo ay nag
handa, si Tang-Credo ang inatasan ng hari na maging general sa gyera samatalang sa kabilan
naman ay si Adonais. Hindi natuloy ang nasabing gyera ng sila na ay nagkita sa kadahilanang
silang dalawa ay para nang magkapatid ang turing sa isat isa. Inimbita ni Tang-Credo si Adonais
na tumungo sa palasyo ng haring eleno. Doon inihayag nila na walang nangyaring gyera dahil sa
kanilang turingan sa isat isa. Niyaya ni haring eleno na sumali sa nasabing paligsahan si Adonais.
Naging masaya ang naturang paligsahan ngunit may nangyaring labanan sa pagitan ni Federico at
Belesario. Napatay si Federico kung kaya pinadakip ni haring eleno si belesario. Napag pasyahan
ng hari na ipakasal si Tang-Credo sa kanyang prinsesa na si Cloriana.
Kinagabihan ay hindi makatulog si Adonais, kaya naisipan niyang tumungo sa torre ng
prinsesa. Nagising din ang prinsesa kay Adonais. Ito ay nagpaalam na siya ay uuwi na
kinabukasan. Napag usapan din nila nag pag ibig ni Adonais sa prinsesa at siya ay ipapakasal kay
tang-credo. Maya maya pa ay natanaw ni adonais na paparating ang hari. Siya ay nagtago, nakita
niya na may tangkang pumatay sa hari kaya ito ay niligtas niya. Hindi siya nagpakilala sa hari kaya
binigay sakanya ng hari ang sinturon nito at tinali sa kanyang sombrero. Siya ay humiling sa hari
na isama niya pauwi si belesario at yun nga nag nangyari.
Ibinalita nina majometa kay bayoceto na walang nangyaring gyera sa Albania dahil kay
Tang-Credo na parang kapatid na ni Adonais. Tinawag niyang suwail at taksil sina majometa dahil
sa labis na galit at inis na nararamdaman niya. Kaya ng kinagabihan naisip ng tatlo na patayin si
bayoceto at si majometa ang papalit ditto. Sila ay nagtagumpay nga ngunit sila din ay namatay ng
dumating na si belesario. Nang makita iyon ni adonais siya ay nagtungo sa Armena at nanghingi
ng tulong.
Si tang-credo ay nanghingi ng pahintulot sa hari na uuwi at babalik makalipas ang isang
taon, hari ay pumayag din. Sila ay naglakbay kasama niya ay kanyang mga kawal. Nakakita siya
ng batis na may babaeng nananalamin doon. Lalapitan niya na ito ng bigla itong tumakbo. Hinabol
siya ni tang-credo, huminto si lavena at sinabi na bakit niya ito sinusundan. Sagot ni tang-credo,
ay nabihag nito ang puso niya kaya walang dahilan para ito ay tigilan niya kakahabol. Hindi
matanggap ni Lavena ang pag ibig dahil siya ay hamak na anak ng pastor lamang hindi sila mag
ka uri. Sabi pa ni lavena na maaaring tanngapin niya nag pag ibig nito kapag kinuha niya ang
papanain niyang ibon at ibigay sakanya. Hindi niya alam ginawa niya iyon para maka takas kay
tang-credo. Hindi na tumuloy sa pag uwi si tang-credo siya ay nagpaiwan doon at pinauna ang iba
niyang kawal, si juanete lamang ang natira sakanya. Sila ay gumawa ng kubo sa may batis. Naging
libangan ni tang-credo ang kumatha ng dalit at umawit habang hawak ang kanyang biguela.
Habang siya ay naglilibang libang siya ay nilapitan ng anak ng globo na siyang laruan ni Lavena.
Akmang lulunurin niya na ito, dumating si lavena. Siya ay humingi ng tawad dahil muntik na niya
itong lunurin. Siya ay nagpakilala kay lavena,, Crisauroy tawag din sakanya. Inutusan siya ni
lavena na magdalit at kumanta. Sa kanilang pag uusap nalaglagay ang sulat na naglalaman ng kasal
nila ni Cloriana. Nag duda si Lavena sa pag ibig ni tang-credo sakanya. Para mapatunayan niya
ito, inutusan niya si juanete na tumungo sa Haring eleno at dalhin ang sulat na galing kay tang-
credo. Nang mabasa iyon ng hari siya ay nabigla at nagalit kaya pinatawag niya lahat ng soldados
at mga piling kampon saka lumakad din ng araw na yaon para sa gyera. Dali-daling bumalik si
Juanete kay tang-credo at sinabi na susugod na ang hari. Tinulugan ni Lavena sina tang-credo kaya
dinala niya ang mga ito sa kanyang mga tinuring na magulang. Sila din ay inimbita ni tang-credo
na tumungo sa kanilang palasyo. Sila nga ay sumama at sila ay sinalubong ng ama ni tang-credo.
May dumating na embajador na galing sa Albania, sinabi niya na paparusahan ang kanyang anak
ng haring eleno. Sinagot ni tang-credo na sabihin sa hari na siya ay maghihintay at itutuloy nila
ang nasabing gyera. Nang sila ay handa, sila ay umalis na sa pangunguna ni Segismundo. Sila ay
naglibang libang muna habang tinatanaw ang mga makakalaban. Natanaw ni segismundo ang
haring eleno at duke estorpo na pawang naglalakad at nagtatanaw din sa kanilang makakalaban.
Hinarangan ng dalawang taong naka maskara ang haring eleno at duke estorpo. Sila ay may balak
na patayin ang hari kaya lumabas si segismundo at pinatay ang mga naka maskara ngunit ang isa
ay nakatakbo. Nang mankita ng hari ang kanyang ginawa siya ay tinanong kung ano ba nararapat
na kanyang iganti. Ang nais lamang ni segismundo na itigl ang gyera dahil ito ay hindi tama sa
diyos, na kapwa mga kristiyanoy nagpapatayan. Iyon nga ang nangyari. Ngsisisi si haring eleno
sa kanyang hindi pag pansin sa tunay niyang anak na si segismundo at inamin niya din na siya ang
dahilan kung bakit nagka ganun ang kanyang anak na si peleno. Niyaya ni segismundo ang
dalawang ama na nangungulila sa kanilang mga anak, dadalhin niya ang mga ito sa kung nasaan
ang kanilang mga anak.
Ang nakatakas naman na si Conde Algastro ay tumakbo sa Albania, nakita niya na
natutulog ang prinsesa sa hardin kaya niya ito kinuha. Sinakay niya sa kabayo at pinatakbo niya
ito papunta sa kagubatan. Nakita ni Adonais na si Cloriana yaong babae na ni conde Algastro. Sila
ay naglaban na dalawa at napatay ni adonais is conde algastro. Nailigtas niya ang prinsesa kaya
sila ay tumungo sa armena kung nasaan ang haring ama ng prinsesa cloriana.
Doon nag kita ang mag aama, nagulat ang hari na naroon ang kanyang prinsesa. Kwenento
naman ni cloriana ang kanyang pinagdaan na muntik na siyang gahasain ng conde algastro kung
hindi lamang siya nakita ni Adonais. Nagkita na rin sa wakas ang mag aamang; haring eleno at
segismundo at duke estorpo at dukesang policena. Habang ang dalawang prinsipe naman ay
naglalaban pa din sa prinsesa cloriana. Sila ay nadatnan ni segismundo, sila ay pinatigil at
pinaharap sa hari. Si adonais ang mapapakasal kay cloriana dahil ito ang unang nagligtas sakanya
noong siya ay tangkang patayin. Hindi naman makakapayag ang ama ni tang-credo na si Felemon
na ang mapapangasawa ng kaniyang anak ay isang anak ng pastora. Umuwi si lavena sa kanyang
amang pastor at doon niya nalaman na siya ay hindi tunay na anak ng pastor. Siya ay tumungo sa
palasyo ng haring eleno at doon nilang nalaman lahat na siya ay anak ni policena at segismundo.
Ikinasal agad si segismundo at policena saka pinasa ang Coronat Centro sila ay naghari sa
albaniang syudad. Isinunod na kinasal si lavena kay tang-credo sila naghari sa Armena. Hulin a
ikinasal si Pelodelpio at Cloriana at sila ay umuwi sa Masedonia at doon naghari. Ang tatlong hari
kasama ng kanilang mga mahal sa buhay ay namuhay ng payapa at ng may kagandahang loob.
OUTLINE
Sa Albania naninirahana ang mag asawang Haring Eleno at Reyna Arminda.
Ang magkapatid na segismundo ay umibig sa iisang babae.
Nasaktan si Policena sa pagpayag niya ng ama na ipakasal siya kay Peleno
Siya ay nakita ni Segismundo na umiiyak
Nais malaman ni segismundo ang pinag uusapan ng hari at reyna kaya siya ay
sumunod.
Nagkaroon ng gyera sa pagitan ni segismundo at ng moro
Natuwa ang Haring Eleno sa ginawa ni segismundo.
Nagkaanak si Policena at Segismundo ng babae.
Inutos ni Peleno na ang bata ay dahil sa pastor na si Camilo
Sa kabilang dako, si Bayoceto ang emperador na taksil ay hindi mapakali
Pumunta si peleno sa bahay nina policena
Inutos ni peleno si Eduardo na kuhain ang bata kay Camilo at ito ay papatayin niya.
Pinadala ang patay na bata kay segismundo
Nagpakalayo layo si Segimundo kasama ang katoto na si Escano
Nagpadala ng sulat si segismundo ng sulat kay escano para sa kanyang mahal na si
policena
Pinatay ni Peleno si Escano
Nabasa nila ang laman ng sulat ng gawa ni policena at pinalitan ni peleno
Nabunyi ang galit sa puso ni peleno kaya naisip niya na patayin ang kanyang ama
Si lavena ay pinag aasawa na ng kanyang ama na si Camilo
Siya ay nanirahan sa kweba kasama si segismundo
Nagkita muli si Segismundo at policena
May nakitang sugatan na gyerrero si adonais sa kanyang paglalakad
Pinakita ni Belesario ang larawan ng prinsesa na dahilan kung bakit siya napaaway
Nagtungo si Adonais sa Reino
Siya ay nagpakilala sa prinsesa
Inutusan niya si belasario na tumungo sa haring eleno
Hindi natuloy ang gyera sa pagitan ni Adonais at Tang-credo
Napagdesisyonan ng hari na ikasal si cloriana kay tang-credo
Niligtas ni adonais ang hari
Ibinalita ni majometa kay bayoceto na walang nangyaring gyera
Nagpaalam na uuwi si tang-credo sa hari
Nakita niya si lavena sa batis
Siya ay nagpaiwansa batis kasama si Juanete
Inutusan siya ni lavena na magdalit at umawit
Nagduda si lavena sa pag ibig ni tang-credo
Inutusan niya si juanete na tumungo sa haring eleno
Dinala ni lavena sina tang-credo sa kanyang magulang
Sumama sila segismundo kay tang-credo
Naghanda sila sa gyerang mangyayari
Nakita ni segismundo na tangkang patayin ang kanyang ama at ito ay niligtas niya
Inamin ni haring eleno na siya ang may kasalanan kung nagka ganun ang kanyang
anak na si peleno at tunay niyang anak si segismundo
Kinuha ni conde algastro ang prinsesa sa hardin
Niligtas ni adonais si cloriana
Nagulat ang ama na nandoon si cloriana
Nagkita din ang mag aamang matagal na nawalay sa isat isa
Ikakasal si Adonais kay cloriana dahil siya ang nagligats sa buhay ng hari noon
Nalaman nila na si lavena ay anak na tunay nina Segismundo at Policena
Kinasal ang tatlong hari sa kanilang mga sinisinta at sila ay namuhay ng payapa

You might also like