You are on page 1of 13

Mga Saloobin ng mga Mag-aaral sa Senior Highschool sa Leyte

National Highschool Tungkol sa Pagpapanumbalik

ng Death Penalty sa Pilipinas

Isang Paunang Pananaliksik sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Filipino

Nina:

Marlon Roy M. Bautista

Ryan Benedict B. Tillaman

Heinz Dean E. Raynera

Joshua Lozada

Daniel A. Tan

Fernando R. Sosing

STEM-Lemon
Talaan ng Nilalaman

Pahina
Kabanata I
Introduksyon1

Kaligiran ng Pag-aaral...1

Paglalahad ng Suliranin.2

Saklaw at Limitasyon3

Kahalagahan ng pananaliksik4

Balangkas Konseptwal/Paradaym.4

Kabanata II
Kaugnay na Literatura at Pag-aaral.5

Kaugnay na Literatura...5

Kaugnay na Pag-aaral7

Kabanata III
Metodolohiya9

Disenyo ng Pananaliksik9

Paraan ng Pag-aaral9

Disenyo ng Sampling10

Istadistikal na Pagsusuri10
Kabanata I

Introduksyon

Kaligiran ng Pag-aaral

Huwag kang papatay, isa sa mga bilin na nakasaad sa Sampung Utos ng Diyos,

particular matatagpuan sa Exodus 20:13 at Deuteronomy 5:17.

Ang utos na huwag papatay ay nasa konstekstong labag sa batas na nagbubunga ng

pagkakasala sa dugo. Halimbawa nalang ay ang death penalty o parusang kamatayan, isang hindi

makataong gawain na apektado ng talatang ito. Ito ay patakaran ng gobyerno na kung saan

paparusahan ang mga kriminal ng parusang kamatayan.

Ang ilang mga bansa ay patuloy na hinihimuk ang gawaing ito at karamihan pa sa kanila

ay di-katoliko na mga bansa. Noon, and paraang ito ay naisagawa na rin ng Pilipinas sa paghatol

sa mga nagkasala, ngunit hindi ito opisyal at madalas, tulad na lamang sa pre-Spanish Filipino.

Gayunman, sa panahon noon, ang kaparusahang kamatayan ay karaniwang inihahalili na lamang

sa pang-aalipin, pagbugbog, or pagmumulta. Hindi karaniwang isinasagawa ng mga espanyol

ang kaparusahang ito, ngunit ginawa lamang nila ito noon upang maiwasan at mapuksa ang mga

taong nag alsa at naghimagsik laban sa kanila sa kadahilanang mapanatili ang kanilang

soberanya. Karagdagan pang halimbawa ay ang pagkakaroon ng sanggunian ng mga hukom na

sumasang ayon sa kaparusahang kamatayan sa Pilipinas, at ang pag sang ayun na rin nga

simbahang katoliko nito noon (Filipiknow, 2016)

Isang halimbawa ng parusa sa ilalim ng kaparusahang kamatayan ay ang silia electrica

o ang electric chair at lethal injection. Noon ang mga Amerikano ay idinala ditto sa ating bansa

ang electric chair at tinuruan tayo kung pano gamitin ito para sa pagparusa sa mga nagkasala.
Dahil dito, ang Pilipinas ay naging tanging bansa na gumamit silia electrica maliban sa

Estados Unidos sa panahong iyon (Death Penalty in The Philippines, 2016).

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay isang katolikong bansa at ngayon ay may

demokratikong gobyerno na pinapagtanggol ang mga karapatang pantao. Ang pagbabalik sa

parusang kamatayan sa bansa ay tatatak sa tao at mapapatanong na lang sila kung Bakit?. Ayon

kay Flores (2017), ang parusang kamatayan ay inalis tatlong dekada na ang nakalilipas mula sa

pagkakabalik nito sa panahon ni Pangulong Fidel Ramos kasama ang kanyang Republic Act

7659 ng 1993. Ang mga tao ay hindi na sanay dito at biglang ibabalik nalang ng gobyerno ang

hindi makatarungan at makataong pagpaparusa ng kamatayan sa mga taong inakusahang

lumabag sa batas ng pamahalaan. Ngunit, maaari ang nakikita lang ng tao ay ang mga

negatibong bagay na naidudulot nito , habang ang gobyerno ay may mga positibong nakikita sa

pagbabalik ng parusang ito. Bagamat hindi pa ito kasing-epektibo tulad ng inaasahan ng ating

gobyerno, mapapalimita at mapapaliit naman nito ang bilang ng tao na gumagawa ng mga

krimen.

Sa pag-aaral na ito, inaasahang malalaman ang mga saloobin o pananaw ng mga

kabataan, partikular sa mga estudyante sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa ating bansa.

Paglalahad ng Suliranin

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang pananaw ng mga mag-aaral ng

senior high school sa leyte national highschool sa pagpapanumbalik ng parusang kamatayan sa

Pilipinas.

Sisikaping sagutin ang mga sumusunod na mga tiyak na katanungan:

1) Ano ang profile ng mga kalahok batay sa:

1.1. Kasarian
1.2. Edad

1.3. Social Status

1.4. Relihiyon

2) Ano ang kaalaman ng mga magaaral tungkol sa death penalty?

3) Ilan ang bilang ng mga magaaral na may kamalayan sa kasalukuyang kaganapan na

nangyayari sa ating bansa?

4) Ano ang maaring maging epekto sa pagpapanumbalik ng death penalty sa Pilipinas batay sa

mga saloobin ng mga magaaral?

Saklaw at Limitasyon

Sa pag-aaral na ito, ito ay tumatalakay tungkol sa iba-ibang pananaw ng mga mag-aaral

tungkol sa pagpapanumbalik ng parusang kamatayan sa ating bansa. Saklaw ng pag-aaral na ito

ang mga saloobin ng mga mag-aaral sa senior high school sa Leyte National High School batay

sa kanilang kaalaman, kasarian, relihiyon, at social status. Nililimitahan ito na ang magsisilbing

respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag aaral sa senior high school lamang. At, ito ay

magbibigay lamang ng pansin sa isyung pagbubuhay muli sa parusang kamatayan at hanggang sa

na nababahala tungkol sa mga ito, tulad ng; kanilang pananaw tungkol sa parusang kamatayan,

ang mga dahilan o mga kadahilanan na humantong sa isang partikular na pang-unawa.


Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang mga natuklasan at nakalap na mga impormasyon mula sa isinagawang pag-aaral ay

makakatulong sa mga mag-aaral upang mas maunawaan kung paano nagkakaiba ang kanilang

mga pananaw batay sa kanilang edukasyon, lebel ng kaalaman, o katayuan sa lipunan.

Ito rin ay nagsisilbi ng kahalagahan sa mga Political Analysts, pagkat ditto makikita ang

interes ng mga magaaral o mga kabataan sa mga pampamahalaang usapan, o pagbuo ng maingat

na desisyon sa pagpapanumbalik ng kaparusahang kamatayan sa ating bansa.

Sa mga guro, ito ay makakatulong sa pag-intindi ng saloobin ng mga mag-aaral tungkol

sa isyung ito upang sila ay magabayan at mabigyang payo sa maling impormasyon na maaaring

matanggap.

Karagdagan pa ditto, ang pag-aaral na ito ay magbibigay ng inspirasyon sa ibang

mananaliksik upang makalikhan ng karagdagan pang paksa para sa panibagong pananaliksik na

karugtong at may kinalaman sap ag-aaral na ito.

Balangkas Koseptwal/Paradaym

Ang kabuuang ito ay nagpapaliwanag tungkol sa proseso na ginawa ng mga mananaliksik

upang makuha ang mga saloobin ng mga mag-aaral ukol sa paksang pinag-aaralan.

Profayl ng mag-
aaral:
Edad
Kasarian Kaalaman
Saloobin
Relihiyon
Social status
Kabanata II

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Sa kabanatang ito, tatalakayin ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na may

malaking naiambag sa pag-aaral na ito. Ang mga mga mababanggit dito ay naging malaking

tulong upang maipagpatuloy ang pag-aaral na ito.

Kaugnay na Literatura

Ang death penalty o parusang kamatayan ay isang nangingibabaw na protocol na

ginagamit upang parusahan ang mga kriminal at ito ay kabayarn para sa lahat ng kanilang

ginawa sa isang partikular na lipunan. Ang parusang kamatayan ay dapat na maisakatuparan

upang maiwasan ng mga kriminal na gumawa muli ng krimen.(Ang mga pangangatwiran ukol sa

Death Penalty, n.d.)

Dagdag pa rito, ang sintensya sa American System of Justice ay isang pagsubok upang

masukat ang pinsala na dulot ng mga paglabag sa batas na aktibidades ng isang nagkasala at

upang magpataw ng halaga ng mga pinsala sa mga nagkasala. Kapag ang isang indibidwal ay

mahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng hukuman, ang mga taga-hukom ay may

responsibilidad na paglagyan ang nagkasala habang ang proseso ng apela ay matapos hanggang

sa panahon ng pagpapataw ng parusa. ("The System", 2006)

Para sa ilang kadahilanan, ang mga bansang hindi sang-ayon sa parusang kamatayan

bilang isang paraan ng parusa para sa mga partikular na mga krimen ay naniniwala na ang buhay

ay lubhang mahalaga upang madala lamang ng madali at ang taong nakatuon sa krimen ay may

isang pagkakataon na baguhin ang kanyang mga paraan, gayunpaman ang ilang mga bansa ay

patuloy pa rin sa pagbibigay lugod sa pagsasanay na ito para sa tingin nila dahil ito ang tanging
epektibong paraan na matigil na ang paulit-ulit na mga krimen. Kaya sa paniniwala, isang patas

na tawag sa pagpaparusa sa isang mamamatay ang parusang kamatayan. Ang retribusyon ay

isang malayang moral na pagbibigay katarungan sa mga biktima ng krimen. (Crime Attitude,

2013)

Ilang taon na ang nakalipas na ang pamahalaan ay hindi pa lumilikha ng batas ng

pagbabawal sa parusang kamatayan, Kahit na ang mga Pilipino noon, partikular na ang pre-

Spanish Filipinos ay ensayado sa parusang kamatayan. Kahit ang simbahang Katolika ay

suportado ang sistemang ito. At halos tatlong dekada na ang nakalipas ng ipatupad angparusang

ito, Pero ibinalik ito sa panahon ng dating pangulong Fidel Ramos sa kanyang Republic Act in

1993 at tinanggal noong 1998 at pagkalipas nang ilang taon, ang bagong halal na presidente na si

Rodrigo Duterte ay naglalayong ibalik ang parusang kamatayan bilang pagbibigay katarungan na

proseso upang linisin ang Pilipinas. Ang kanyang dahilan ay ang paglala ng adiksyon sa droga.

("Duterte Likes", 2015)

Ang sinabi ng presidente ay lumikha ng malaking ingay sa mga mamamayan at

pampublikong opinyon. Maraming politiko ang sumang-ayonsa kanyang panukala, ngunit ang

ilan din ay hindi sumang-ayon. Ayon sa Human Rights Watch, ang House of Representatives ng

Pilipinas ay dapat tanggihan ang panukalang ito ng pangulo. Dagdag pa na Kine, isang

representante sa Asia director na ang pamahalaan ng Pilipinas ay dapat kilalanin ang kabangisan

ng parusang kamatayan at tanggihan ang pagbabalik nito. Kung saan ang parusang Kamatayan

ay pinahihintulutan, ang batas sa karapatan pantao ang naglilimita sa parusang kamatayan sa

pinaka-seryosong mga krimen, kadalasan ang krimen na nagreresulta ng kamatayan o malubhang

pinsala sa katawan. ("Pilipinas", 2016)


Kaugnay na Pag-aaral

Para sa ilang kadahilanan ng mga taong hindi sumasang-ayon sa parusang kamatayan,

hindi ito dapat na ipataw para sa dahilan na ito ay mas nakabubuti. Si Vervik ay nagkomento

tungkol sa mga utos ng Special Representative ng Secretary General sa karahasan laban sa mga

bata, nakita nila na ang paggamit ng karahasan upang tumugon sa karahasan ay hindi

nakakatulong kundi ito ay tumutulak sa higit pang karahasan o higit pang mga krimen sa lipunan.

Samakatuwid, ang isang mahalagang rekomendasyon ay ang itaguyod ang kamalayang

ito sa mga tao sa lipunan hindi lamang sa mga taga-implementa at mambabatas kundi pati na rin

sa mga tao sa antas ng katutubo. Ang medya ay madalas na ipinapakita ang isang negatibong

papel, para ipakita na lubhang mapanganib ang larawan ng mga offenders kabilang ang mga

batang may sala, bagaman masasama, pero sa pamamagitan ng paggawa nito, nagbibigay ng

kontribusyon sa pagpapanatili ng isang mata-sa-mata ngipin-sa-ngipin na mentalidad. Ang

parusang kamatayan ay maaari ring makaapekto sa mga anak ng mga kriminal at ito ay magiging

isang dahilan ng mataas na kawalan ng katiyakan at hirap para sa mga bata. Ang umiiral na

pananaliksik ay nagpapahiwatig na kung saan ang mga epekto ng pag-aresto (lalo na ang isang

marahas na pag-aresto) sa mga bata ay hindi isinasaalang-alang, at kung saan sila

makakatanggap ng walang paliwanag sa kung bakit ang kanilang ang mga magulang ay

pwersahang hinuli, ang mga bata ay may posibilidad na maapektuhan sa isang matindi at

negatibong paraan. Kapag ang iba pang pamilya ay nag-ampon ng mga bata, ito ay maaaring

maging isang makabuluhang pinansiyal na pasanin at maaaring potensiyal na makaakit ng

mantsa patungo sa bagong karera. (Robertson & Brett, n.d.).


Ayon kay Ernest Van de Haag (n.d.), isang propesor ng Jurisprudence sa Farthan

University, ang pagkakaroon ng parusang kamatayan upang masolusyonan ang krimen ay

mahalaga dahil ang karamihan ng mga tao ay takoy sa kamatayan. Idinagdap pa ng Michigan

State University at Death Penalty Information Center (2006), na ang parusang kamatayan ay

isang katulad na proseso sa paglagay ng magnanakaw sa bilangguan upang maiwasan na ito ay

magnakaw muli.

Sa kabuuan, ang death penalty ay ang pinakamatibay na kaparusahan na kailangang

maibalik sa ating bansa upang ang krimen ay maibsan at maging epektibo laban sa mga kriminal

at sa mga magiging kriminal. Ang porsyento ng krimen sa Pilipinas ay kailangan pigilan ay

pagtaas, ang mga inosenteng tao ay walang awa pinapaslang, at ang bayan ay inaapi lamang sa

pamamagitan ng Sistema ng hustisya na sinadya upang maprotektahan ang mga ito. At kung ito

ay ibabalik, ang mga tao ay hindi na kailangang magtago at hindi na kailangang maging tahimik

at para mataasan na nila ang kanilang mga boses sa sistema ng hustisya na magdadala ng ganti sa

mga kriminal. Ito rin ay magsisilbing isang maagang babala sa mga kabataan na gagawa ng

krimen at magbibigay ito ng katahimikan sa mga tao sa kanilang araw-araw na buhay. Sa

kabilang banda ang parusang ito ay maaaring hindi makatulong kundi mapalala pa ang

sitwasyon, sapagkat ang mga biktima ay maaari maging agrisibo at mapilitang patayin ang mga

kriminal kaysa upang gawin ang mga kaso sa hukuman.


Kabanata III

Metodolohiya

Batid ng mga mananaliksik na mahalaga rin na malaman ng mga mambabasa kung anung

mga paraan ang ginagamit sa pag-aaral at paglalahad ng disenyo. Ipinapakita sa kabanatang ito

kung anong disenyo ang ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito, paraan ng pag-aaral,

anong disenyo ang ginamit sa pagpili ng mga respondente, at ang istadistikal na pagsusuri ng

mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gumagamit ng Grounded Theory bilang

disenyo sa pangunahing istruktura ng pagtitipon at magbibigay kahulugan sa mga datos. Ang

disenyong ito ay nagsasagawa ng mga panayam bilang paraan sa pagtitipon ng mga datos na

kailangan. Ang mga manananliksik ay naniniwala na ito ay ang pinaka angkop para sa pag-aaral

na ito, dahil napapanitili ito ang kawastuhan, katapatan, at pagiging epektibo ng mga datos.

Gayundin, and mga impormasyong nakalap sa pamamagitan ng disenyo na ito ay mas mahusay

at may mas malalim na panananaw sa mga phenomena sa pag-aaral na ito.

Paraan ng Pag-aaral

Bago magsagawa ng pananaliksik ang mga mananaliksik, dumaan ito sa mga proseso

upang alamin ang kasagutan ng:

1. Paggawa ng paksa para sa pananaliksik.

2. Maghanap ng panitikang kapareho sa paksa upang gawing gabay sa pananaliksik.


3. Pagsagawa ng katanungan na may kaugnayan at magbibigay ng sapat na kontribusyon sa

pananaliksik.

4. Pagsagawa ng sarbey para sa mga respondente

5. Pagpili ng limang respondente sa bawat klase upang alamin ang saloobin ukol sa paksa.

6. Paglalahad ng interpretasyon sa impormasyong nakuha sa respondente.

7. Paggawa ng istadistikal na datos.

8. Pagbigay ng konklusyon tungkol sap ag-aaral na ginawa.

Disenyo ng Sampling

Isang pakikipanayam ang isasagawa sa mga napiling respondente tungkol sa kanilang

mga pananaw sa pagpapanumbalik ng kaparusahang kamatayan. Gagamitin ng mga

mananaliksik ang Simple Random Samplingsa pagpili ng mga respondente na kung saan ay

malaya ang pinili ang mga respondente. Ang bawat respondente ay may pantay na pagkakataon

upang mapili. Sila ay sasailalaim ng interbyew kapag kapag pumasa sila sa mga kwalipikasyon

bilang kalahok ng pananaliksik na ito. Karagdagan nito, ang mga respondente ay dapat na

kasalukuyang nag-aaral sa mataas na paaralan ng Leyte National High School (LNHS) kabilang

ang mga transferee na mag-aaral sa ika- 11 baitang at sila ay dapat mayroong kaligirang

kaalaman patungkol sa paksa.

Ang mga mananaliksik ay pipili ng limang respondente sa bawat klase sa bawat strand ng

senior high school.

Istadistikal na Pagsusuri
Ang datos na natipon ay susuriin upang mas mahusay na mapadali ang pagsusuri nito.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Deductive Approach at Inductive Approach. Kung

saan, ang Deductive Approach ay gumagamit ng mga katanungan na magpapangkat pangkat sa

mga datos na makukuha batay sa mabubuong kategorya galing dito at pagkatapos ay tumingin

para pagkakatulad. Ang Inductive Approach naman ay nagsasalin ng mga impormasyon sa

balangkas na paraan upang matignan ang pagkakarelasyon nga mga datos sa isat isa

Pagkatapos gamitin ang dalawang pamamaraan, ang mga mananaliksik ay gagamit ng

"Descriptive statistical analysis" bilang isang paraan upang ipakita ang mga datos sa

pamamagitan ng grap at talahanayan.

Kung saan;

B = bahagdan ng sagot

R = kabuuang bilang ng mga respondente

N = kabuuang bilang ng sagot

You might also like