You are on page 1of 2

PERSEPSIYON NG MGA MAG-AARAL NG URDANETA CITY NATIONAL HIGH

SCHOOL SENIOR HIGH SCHOOL SA DEATH PENALTY

ISPESIPIKONG SULIRANIN
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang sosyo-demograpikong katangian ng mag-aaral ayon sa:
a. Kasarian c. Relihiyon
b. Gulang d. Kabuuan ng Pamilya
2. Ano ang persepsiyon ng mga mag-aaral ng Urdaneta City National High School Senior
High School sa pagbabalik ng Death Penalty?
3. Gaano karami ang pabor sa pagbabalik sa Death Penalty?

KALIGIRAN AT RASYONAL NG PAG-AARAL


Kilala ang Pilipinas bilang isang Katolikong bansa, bansang nakasentro sa paniniwala sa
Diyos at pagsunod s autos nito. Ngunit sa kabila nito hindi pa rin maiiwasan ang mga karumal
dumal na krimeng gawa ng mga taong walang takot sa Diyos at sa batas, mga krimeng
kinabibilangan ng pagpatay, panggagahasa, pagnanakaw at marami pang iba. Ang bawat krimeng
ito ay may katumbas na kaparusahan kung saan ang sintensyang pagpatay ang pinakamalupit na
kaparusahan. Ilang taon lang ang nakalipas ng ang batas sa pagpatay ay patayin, ipinawalang
bisa. Ang pagbalik sa batas na ito ay muli na namang umalingawngaw kamakailan lang, marami
nanamang isyu at usapan ang nagkalat.
Ang Republic Act No. 7659 o mas kilala bilang ang Death Penalty Law, isang
kaparusahan na syang ipinapataw para sa mga taong nagkasala at lumabag sa batas,
pinakamataas na parusa na wala sinuman ang nagnanais. Itoy isang sintensyang nalimot na sa
nagdaang panahon ngunit ngayoy nais magbalik. Sa batas na kaya na ito malilinis an gating
bansa o wala lang ito sa mga criminal.
Sa muling pagalingawngaw ng parusang ito, maraming isyu ang bumulalas, mga panig na
may ibat ibang pananaw ukol rito. Sa pananaliksik na ito aalamin natin ang persepsiyon ng
mag-aaral ng Senior High School sa Urdaneta City National High School ukol sa Death Penalty
at kung nakaaapekto ba ang kasarian, gulang, relihiyon at kabuuan ng pamilya sa kanilang
persepsiyon.

LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito ay inaasahang maging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:
Sa mga Mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, malalaman nila ang
kanilang katayuan sa pagpapatupad muli ng Death Penalty sa bansa.
Sa mga Guro. Bilang mga namumuno sa pagbibigay aral, maaring maging daan
ito upang magbigay ng karagdagang kaalaman ukol sa Death Penalty.
Tagapangasiwa ng Pamahalaan. Bilang tagapaglatag ng alituntunin, maaaring
magbigay boses ito sa mga mag-aaral upang muling suriin ang pagbabalik ng parusang
kamatayan.
Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap. An gaming pananaliksik ay magsisilbing
gabay upang kung sakaling ang kanilang paksa ay kauri nitong pag-aaral ay may
mapagkukunan sila ng mga kaugnay na literature at karagdagang kaalaman.

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK


Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib-serbey na
pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng isang serbey kwestiyoneyr na
naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang persepsiyon ng mga ag-aaral ng
Urdaneta City National High School Senior High School ukol sa pagbabalik ng Death Penalty.

You might also like