You are on page 1of 2

Buod ng Noli me Tangere:

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa


Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas.
Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung
saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya
Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni
Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na
lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang
lalakarin.
Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan
Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga
kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang
pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni
Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa.
Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra
ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang
mayamang asendero sa bayang yaon.
Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at
Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang
pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na
nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang
bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama
ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay
na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga
lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit
nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di
pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng
tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong
sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan
noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang
ito sa lawa.
Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre
Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng
paaralan.
Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang
mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang
ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na
kaaway ng binata.
Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling
pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin
subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at
tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.
Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng
simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si
Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara.
Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila
na bagong dating sa Pilipinas.
Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y
nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang
ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni
Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko.
Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at
ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at
ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni
Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing
kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.
Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang
sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang
sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang
sangkapan upang siya'y mapahamak.
Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang
kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap
ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.
Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila
ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y
lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang
liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa
pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang
dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre
Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.
Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang
karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago
kailanman.
Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka,
pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig
hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa
kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig
kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga
sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.
Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa
kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling
niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang
magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na
siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre.
Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra,
sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang
buhay.
Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang
pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang
kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.

You might also like