You are on page 1of 3

BUOD NG NOLI MI TANGERE

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa


Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil
sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito
ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at
ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso
na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya
pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin.
Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan
Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan
at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan
simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga
liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra
sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang
tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa
bayang yaon.

Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at


Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang
pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway
ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang
kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa
isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay
Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap
ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay
nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso
sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don
Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga
Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing
na itapon na lamang ito sa lawa.

Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso
at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan. Sa
pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si
Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos
ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata.
Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling
pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin
subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at
tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.

Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng


simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan
Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng
pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na bagong
dating sa Pilipinas. Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang
si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya
namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga. Sa tulong ng Kapitan Heneral ay
napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli
siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga
taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si
Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata
sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan
siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong
kumakatawan sa bayan. Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis
na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap.
Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang
ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak. Nagkaroon ng handaan sa bahay nina
Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay
Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong
ni Elias. Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap
sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y
lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham
na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan
ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat
ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito
nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso. Sinabi niya kay Ibarra na kaya
siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit
ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman. Samantala, tumakas na si
Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng
damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay.
Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito
kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya
hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy
at magkulay-dugo ang tubig. Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y
napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-
asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara
upang magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na
siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre. Noche Buena nang makarating si Elias
sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si
Basilio at ina nitong wala nang buhay. Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing,
namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at
makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa
bayan.

REPLEKSYON:

Nalaman ko na ang noli me tangere ay hango sa totoong buhay ni Rizal at ito


rin ay nakatuon tungkol sa pangaapi ng mga kastila sa mga pilipino na kagaya ni Rizal
na nilabanan niya ang mga kastila.Parehas din sila na naapi ang mga mahal sa buhay

Masaya ako dahil kaya ni Rizal na pamulatin ang mga pilipino laban sa mga
kastila gamit ang nobelang Noli Me Tangere.

Bilang mga mag-aaral ay nakakatulong ang pag-aaral ng Noli Me Tangere sa paghubog


ng katayuan natin dito sa atin bayan. Makikita natin na magsisimula lamang ang
pagbabago sa ating mga kabataan. Maganda ang nilalaman ng Noli Me Tangere na
gusting ipahiwatig ang mga problema sa ating bansa. Gusto lamang nitong isaad na ang
kanser ng lipunan ay kailangan nang mawala sa pamamagitan ng edukasyon. Edukasyon
na bubuo sa pagkatao ng isang mamamayang Pilipino na makakagawa ng mga
magagandang pagbabago dito sa bayan na kapag nagpatuloy ay maiaangat na ang
kinabukasan nito at magiging kilala bilang maunlad na bayan at hindi bilang lupa ng
problema.

You might also like